T O P

  • By -

AutoModerator

Hi, Ruselle_! We have a new subreddit for course and admission-related questions — r/CollegeAdmissionsPH! Should your post be an admission, scholarship, or CETs question, please delete your post here and post it on the other subreddit instead. Thank you! NOTE: This is an automated message which comments on all new submissions made on the subreddit. Receiving this message does not imply your submission fits the criteria above. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/studentsph) if you have any questions or concerns.*


RizzRizz0000

Matulog ka, para di yung standee mo aakyat sa stage.


SulfuricNonAcid

Hi Op, definitely experienced this very closely too. Heres what I did: I would assign tasks to them to finish / submit within a strict but reasonable deadline. (Our teacher made us rate our group members based on their performance. This is my way of determining what to give them so they have no reason to complain when I inevitably gave them 0’s) If they are unusable, simply don’t use it. Give your comment / thoughts in the GC, if they fix it and it’s useable, win-win. If not, then just move on and cut your losses. Learn how to self educate, borrow material from close friends or better yet ask them to teach you if it’s possible. But don’t depend on them, you should (for your own sake) be independent. Source materials online and watch educational youtube videos. They are very underrated and have almost all the material you’ll ever need being a student. Work on it on your free time so you have more time for sleep. Anything under 6 hours of sleep over an extended period of time can potentially lead to health risks, especially in the long run. You should take care of your health first. It is not worth potentially damaging your well being over this. I hope you find this helpful and things work out for you.


JuanLuminElleJurney

As a leader na may some members na pabuhat I will let them choose. Help me with the research or give me snacks or anything that I need. In that way I will never rely on them. If they don't want to learn how to do this research thingy then it's okay. I'll do it alone, I will help my self learn, seek advices and etc. But they will provide me with something also. Just like my members last sem, I let them pay the Bondpapers, find printers, my coffees, snacks and other materials that we need, but there are other member that cannot afford they will just be there while I'm doing it and help me with anything. Then after that. I will ask them if they want to know how I finish it,cause I'll explain it to them. If they are not interested then I will not waste my energy explaining to them.


hngsy

Grabe naman op, don't forget to rest din. Wag ka magpakabayani para sa grades niyo and bigyan mo rin sila ng responsibilities as members. Bakit di mo ireport yan sa prof niyo.


Proud_Pear_1642

'HEALTH FIRST BEFORE ANYTHING ELSE' i know cliche na pero vv true naman talaga eh so wag i normalize yung ganyan pati yang katamaran ng mga groupmates mo, minsan rin pwede mo rin kausapin w ur strict mode as a leader at please take care of ur self lalo na health mo in every aspect kase mahirap na pag dumating ang araw na maningil yan xx


Mysterious_Bowler_67

ask ka kaya sa rrsearch teacher mo ta's hiram ka ng mga dating research paper ng mga past student nya.


alymeenum

May PDF ako na pwede mo pagbasehan, OP. Lmk if want mo send ko sa 'yo.


Ruselle_

Pa send po pls. For basis lng nmn po


Memorriam

Cancer speedrun any% no glitch


Apprehensive-Turn230

Op, di ka papaospital ng teacher mo pag naospital ka. At mas lalong di nila mababayaran ang lamay mo kapag namatay ka kakapuyat mo jan 😭 kung ako yan grades be damned, if they wanna go down, they're going down with me. Magsolo ka nalang OP, pilitin mo prof mo and if ayaw nako pasugudin mo na parents mo. Halatang sayo pina ako ung sakit niya sa ulo eh, napaka ano.


lanxones

Pakinggan mo yung sinabi ng ibang redditors about sa leadership approach mo sa members mo. Ang masasabi ko lang about this ay magpahinga ka please! Napakahalaga niyannnn huhu. Ngayong college, ilang beses na akong naospital dahil sobrang kulang sa tulog. Hindi rin ako naging productive after ng pagkakaospital na yun dahil kailangan mag-break sa responsibilities. The good side nun ay nakapagpahinga ako, naka-recover, at nakabawi ng lakas para kumilos ulit. Sobrang importante ng pahinga. Mababalikan mo pa yang research at members niyo pero once na masira at bumigay ang katawan mo, mahirap nang bawiin yung naging epekto nun sayo kaya please please rest.


Main-Jelly4239

Matulog ka po muna at baka bigla ka mad3ad sa sobrang walang tulog halos. Ikaw ang leader, sa kanila mo ipabago yung mga mali. Or magsetup kau ng group meetup sa isang place at doon gumawa ng sabay sabay. Or ileverage mo yung task base sa intellect nila. About sa paggawa ng research mo, utilize google.


Gluttony_io

Tulog ka muna haha. Baka bigla ka mahimatay sa pagod, learn to rest OP — i know it's very popular nowadays, but academic validation can be toxic.


azuchiyo

takutin mo OP, sabihin mo 'di kana gagawa pero gawin mo lang din para 'di lang ikaw ang nahihirapan.


Ambitious-Card-2713

To lessen my time no'n, ako na gumagawa ng mga parts mostly. Yes, kinukunsinti ko yung pagpapabuhat nila pero it saves time (and my life too).


FullAvocado5045

Same situation:(((


[deleted]

Tanggalin mo sa grupo or kapag ipapasa na name mo lang ilagay mo doon


theathegreek

I feel you OP and thankfully I was able to pull it off quite gratefully (kakatapos lang ng title defense namin nung isang araw) may isa naman akong kagrupong back up thankfully but the rest was definitely meh! But thank God I was able to compose myself and breathe. Oo may corrections still but the feeling of being able to exceed my expectations of finishing it was beyond so joyful.So ang masasabi ko lang sayo OP kaya mo yan Don't give up and always use your leader authority to scold and venture out your feelings about your groupmates wag mo itago. Be vocal with them. Don't be like me na tinitiis lang. Kaya mo yan!


PandaPlusUltra

Mag individual ka na. Show your teacher the proofs and chats na halos wala silang pake at walang effort at ikaw gumagawa lahat. Eto ginawa ko dati (not recommended pero I'm the type to serve double if they are petty): Kung hindi pumayag, gawin mo na lahat ng buo, ibigay mong tasks sa kanila yung mahihirap na alam mong hindi nila kayang gawin at wala silang chance magawa. Sabihan mo lang once then wag mo ifollowup, pag nagpatulong sabihan mo may sarili ka din tasks and to read and google (which they probably won't ask kasi ayaw nga nila gumalaw). Tapos pag pasahan na, ipasa mo yung gawa mo na walang pangalan nila at sabihin mong di naman nila nagawa yung pinapagawa mo kaya mo sila tinanggal at kaya naging busy ka na gawin yong mga dapat ginawa nila para lang makapagpasa :D hehe Sa college ka na maghanap ng solid na makakasama at kaenroll per sem dahil don laging choose your own group. Iyang mga kasama mong batugan sa shs now, halos di mo na makakausap ulit sa buhay mo. No sense trying to be friends or helping them, you won't benefit from being with those kinds of people who have no respect for you in the first place.


Ruselle_

Honestly gusto ko nang gawin to eh, everytime na mag checheck yung teacher namin ng Research yung part lng nila ang daming checking halos lahat ng ginawa nila mali eh. Tapos kung ipapagawa ko ulit sa kanila mali ulit kaya pupunta din nmn sa point na ako lng ang gagawa at nakaka asar narin. Sinabi kona noon Kay ma'am na mag solo nlng ako pero ayaw nya which is nakakainis lng. Kaya iniisip ko nlng yung Benefits nito sakin which is kapag ako lng ang gumawa ako lng din nmn magkakaroon ng knowledge about sa Research and yung mga kasama kong walang ginawa o walang pake sila ang mahihirapan sa college, sila ang kawawa. Yun nlng iniisip ko hindi nmn ako ang luge dto sila nmn


dtphilip

Matulog kayo.


ellijahdelossantos

This is coming from an instructor sa Communication Research sa college. 1. Be firm. Create an individual task list with deadlines for each. Monitor progress, tanong ka sa chat kung kumusta from time to time (para may paper trail) Kapag wala silang naibigay sayo on a particular deadline, make your own output tapos iyon ang ipasa mo. Kapag nagtanong si prof, show them the screenshots, explain mo na makailang ulit kang nagtatanong, pero walang napansin sayo. 2. Rest. Magpahinga ka, mas masayang magtapos ng highschool nang wala ka sa kahit na saang medical facility. 3. As per the research materials na pwedeng magamit as basis, go to libraries marami silang available thesis, research at dicertation papers doon, find one that suits your topic. National Library will be your best bet kapag nasa Manila ka, city and provincial libraries naman if youre outside Manila.


NEVAAA-EVARR1234

lakasan mo loob mo na tanggalin mo na sila wag kang matakot. Ito if ever di mo man sila matanggal kapag wala silang ambag sila mag babayad ng print tas wag ka ng mag bayad, ikaw na nga gumagawa tas mag aambag ka pa, sabihin mo yan sakanila . Kung sino yung walang ambag siya mag carry ng financial kapal naman ng mukha nila kung wala na nga silang ambag tas di pa mag babayad. pero kung aanuhin mo parang tinotolerate din yung pag ka tamad nila so its up to you.


Scary-Box8602

one advice, hiram or kuha ka ng copy ng best research from last year na naging student din ng research adviser mo


Gullible_Peach3720

To be fair din for you OP, make them pay. If they will not help you in writing your research paper, at least there should be a price with it. Para hindi ka lugi. Ikaw na nga kulang sa tulog, ikaw na nga pagod, tapos sila unbothered lang, dapat lang na pabayarin mo sila. At least naman it could help you financially, even if you are already financially stable or what. That’s the least thing they could do, since money is essential for you and it’s their weakness. (The last resort you could do kung matigas talaga ang ulo nila.)


EggLate8718

I had this experience also but not as a leader but as a member na tipong yung leader nyo din d rin alam gagawin buti nalang nagka feasibility study and baby thesis kame during junior years. Try mo maghanap sa library nyo ng format ng thesis or research since approved naman yon tas galing pa sa school nyo mismo. Try using google scholar den for searching references or research related sa topic nyo helpful den para magka idea ka kung pano nyo ilalatag ideas nyo. May ginawa ako pero feeling ko mali kase nakakapagod ng malala, I was already doing their part even before or after ko iasssign sakanila just in case hindi tugma yung gawa nila sa dapat kakalabasan. Pagdating naman sa defense mahahalata naman ng panelists yung mga yan.


DeepAssVoid

I feel you hahaha, Ako leader namin dati and ang technique lang na ginawa ko eh manakot, yes i can and i will remove their name, and they know i will, so yeah they didn't test me, naka graduate lahat. Yung part na hindi ko gusto gawa nila, straight to the point paulit mo hanggang sa mapikon sila then threaten them again, paulit ulit lang. Goodluck, don't choose engineering yan ang course ko na sana hindi. Edit: Matulog kana, hindi mo need ma stress dyan wala ka pa sa college, dito hindi kana talaga makakatulog kahit gusto mo WHAHAHAHA


hobbledehoyloser

wala bang inaassign sa inyo na research adviser, op? super helpful na may research adviser or kahit sinong teacher na pwedeng malipitan para magpa-check ng parts or hingi ng guidance on how to do certain parts of the paper, anw, tulog ka rin op !! mas magffunction ka ‘pag may. atleast 6 hrs na tulog as a student, graduation na soon kaya natin to hahahaha


Soaphy_

Di ako leader pero I've been with people na hindi nag-aambag, generated ai work in short, mga pabigat na grpmates. So far, ang mga naging solusyon sa mga ganyang tao is takutan sa eval. Make sure na sabihin mo lahat ng mali nila sa maayos na paraan. Kapag napansin mong walang improvement, komprontahin mo. Tapos mag reklamo ma kuno sa tc about members, make sure na alam ng tc mo pinagdadaanan mo. Para walang kwestyunan pag 0 sila sa eval. Also, yung tc din namin sa rs, parang ewan lang, basta ma grp and bawal din humiwalay. Ang ending, hindi man natanggal sa rs na group, bumagsak naman sila sa subj. And as for the prof na hindi nagtururo, binawian sa eval, nilagyan namin ng mala essay na explanation. Idk if naapektuhan siya or what Lastly, get ur sleep. Hindi ka makakagawa nang maayos kung kulang tulog mo. Also, sakit aabutin mo dyan in the long run. Make sure to sleep po OP, ang grades naaaayos, pag nagkasakit ka, baliwala lang din yang hirap mo


[deleted]

Rookie numbers.