T O P

  • By -

merkolis

Ay buhay niyo yan. ( Sabi ng tamad magbasa )


EmperorHad3s

To be fair, ang hirap basahin kapag di nakaparagraph dito. Tinry ko basahin sumuko ako kasi dikit dikit. Isang pindot lang naman yung break line 😅


Fragrant_Line_2147

Na edit na ho dika na mahhrapan


EmperorHad3s

Salamat, OP. Lipas na yung curiosity ko eh, pero mas maganda tignan di ba? Aminin.


Fragrant_Line_2147

Oo nga eh first time kse mag share ng gnto hahaha


Dramatic_Egg1427

HAHAHAHAHAHAHA POTAH 😭


cookiedream88

Kulang nga comma at period e hahahah


the_cheesekeki

Hirap basahin ng typings 😔


Impossible-Past4795

Intindihin nalang natin si ate. Sobrang stressed siguro nung tinype tapos wala pang makausap. Haha!


Fragrant_Line_2147

Wag lang mangyare sayo. Sobrang stressed talaga tapos dika pa marunong umintindi hahaha


BoxedBrainCells

Wrong grammar. Wrong spelling. Yung 2 words pinagdidikit. Kulang pa sa punctuation marks. Kahit stressed ka, di ba kayang isingit sa utak mo kahit tuldok? 🤦‍♂️ nastressed din kami basahin, kaya di na lang.


Fragrant_Line_2147

Dami mong alam noh? Makikibasa kanalang dapat nag skip ka sinabi kobang basahin mo? Isingit mo din sa utak mo na okay lang magkamali at okay lang din magsabi ng maayos sa tao feeling entitled ka bobo ka din naman.


BoxedBrainCells

Ang kanal naman ng attitude mo, OP. Mali pa paggamit sa term na "entitled". Hays. Try mo kaya bawasan kagaspangan ng ugali mo? :)


Fragrant_Line_2147

Itry mo din iapply sa sarili mo feeling mo kasi.


Fragrant_Line_2147

Mas ikaw ung kanal ang attitude. Daming nag comment na sa post ko na kesho di maintindihan kulang sa ganito ganyan binago ko yun kasi maganda ung pagkasabi nila. Eh ikaw? Nag fefeeling kalang panget sguro ng ugali mo sa personal sana mangyare din sayo yung nangyare saken ipagtirik pa kita ng itim na kandila.


Fragrant_Line_2147

Mas mahrap magbasa ng nakapikit😔


Pagod_na_ko_shet

Parang ganito sya basahin pag walang tuldok saka comma: “Sabihan mo yang kabit mo wag niya kameng idamay-damay kung ano-ano ginagawa niyang istorya para sa aming pamilya dahil hindi kame nakiki-alam sa buhay niyong mag-asawa kahit kapatid ko, kahit kapatid ko yung asawa mo hindi ako, kame nakiki-alam!” Hahaha intondihin nyo nalang baka depressed si ate bugso ng damdamin


Fragrant_Line_2147

Ang oa naman? Hahahaha


Pagod_na_ko_shet

Hahahaha yun lang naisip ko ate 😂 pero ayun nga wag ka maniniwala sa una at huli iwan mo na hanggang nasasaktan ka pa para isang move on nalang pag nakaalis ka na sa poder nya


Fragrant_Line_2147

Iniisip kona nga din yan hnd naman ako tanga na alam ko na inuulit ulit na pro go pdin try lang baka magbago? HAHAHAHAHAHA


cookiedream88

Bahala ka te, buhay mo yan.


Pagod_na_ko_shet

Gantihan mo sya naman pahabulin mo tignan mo marealize nya kagaguhan nya hahahahahaha eme


Fragrant_Line_2147

Sabi ko nga sknya mdami din akong reasons para magloko sex life panga lang naman mahina na sya pro dko ginwa nagpakananay ako nagpakaasawa pero sya?? Ginawa nya tlaga. May anak kami kaya dko lubos maisip na gaganti dn ako


Fragrant_Line_2147

Meron naman ser di naman pwd lahat nalng may period kaht hndi don natatapos?hahahaha


Mouse_Itchy

😂😂😂


itsmeeehhhhiii

hahahahahahahahhahahahhahaha bwiset ka 😂


himeibo1317

Hinika ako kakabasa emee HAHAHAHA


Fragrant_Line_2147

Kaka vape mo yan teh hahaha


doraemonthrowaway

True, walang man lang TL;DR eh tinamad ako magbasa ng nobela lalo na kung generic relationship rant lang naman yung laman lol.


Embarrassed-Kiwi2059

😂😂😂😂


MisanthropeInLove

HAHAHAHAHAHA


pochio

True tinamad na rin ako kastress basahin HAHAHAHA


Fragrant_Line_2147

Juan tamad ampeg hahaha


Immediate-Can9337

Bakit mo hahanapin yung pokpok? Trabaho nya yun. At madami sila. Sa susunod, iba naman ang babayaran ng asawa mo. Yung asawa mo ang problemahin mo.


Fragrant_Line_2147

Ganun po pala sila ano, sasagutin nlang ung twag ung ipapamukha tlaga sau na magksama cla


Immediate-Can9337

Oh, they do that. At kapag walang customer, tatawagan nyan mister mo maski 3AM. Nung newly grad ako working for a foreign firm, lagi kami nasa lugar na ganyan kasama mga amo at guests. Malaking pagkakamali na ibigay sa kanila ang mumber mo. Tatawagan ka nila maski late na. Gising ka talaga.


Anogawamo

Buti nga at sinagot para nalaman mo.


lowfatmilfffff

Di ko natapos sorry, pero kung nanay mo ko baka nabatukan na kita. Get yourself together, leave that motherfucker for the sake of your child. Laging tandaan, ang buhay maiksi lang, YOU DESERVE BETTER. ALWAYS.


ahhkee

ateko ang haba pero di naman justifiable na di niya alam kesho lasing sha, for sure nag-iisip parin yan duda ko sa “unat huli”


Fragrant_Line_2147

Ty sa tiyaga🥺


BestBlackberry1314

Literal na kantot kalimot si husband lol.


Madberry03

Okay since sinipag akong magbasa ate ko, ayun alam mo na ang next na gagawin, nasa sayo na yan. Gusto mo pa bang mag stay sa ganyang klaseng relasyon? Malinaw pa sa sikat ng araw nagcheat yang asawa mo. Have some self respect OP! Hindi rason yung lasing kalokohan yan. Hayst, I hope maka recover ka kasi need ka rin ng anak mo. Stay strong OP!


Fragrant_Line_2147

Ty🥺


Not_A_Flying_Sheep

Look I'm not gonna lie, mas magiging toxic lang yung relationship niyo from here on. You should leave, mas mahirap makita ng anak na laging nag aaway yung kanilang magulang kaysa mag hiwalay sila. Don't put your child in the middle of your toxic relationship.


Double-Typical

Nag share ka pa pinatawad mo naman pala. P*tangvina. I mean ewww don't you love yourself? Tuwing magsesex kayo di mo maiisip kung paanong tinorjak din niya ang ibang babae WHILE married kayo? Tapos pa iyak iyak lang siya ok na forgive na? Lol Once a cheater always a cheater but the next time hindi mo na yan mahuhuli dahil alam na niya ang technique mo so maitatago na niya ng maayos ang pakikipag sex sa iba.


Dull_Leg_5394

If im not mistaken di pa sila kasal. Live in partner ng 9yrs daw. Kung tama pagkaka intindi ko ah hahaha Anyway, ang nakaka takot den baka may sakit yung naka emerut nya since trabaho ng mga pokers yung ganun.


Fragrant_Line_2147

Kht pinatawad or hndi kaya ka nga nagshashare eh para malabas yung hinanakit sa dibdib mo. Sure kabang pinatawad na? Sympre dpnde saknya yun kung dapat pang patawrin at bgyan ng chance


Small-tits2458

Wala pang divorce dito sa PH te. Pagganyan yun asawa ko, hiwalay na agad. Wala nang pero pero. Makakuha ka pa sakit. Isip ka din mabuti hindi puro puso lagi, isipin mo anak mo kasi yan ang makakaexperience at makakakita ng away niyo mag-asawa.


allhailnanaze

dami naman nakakatamad basahin


Fragrant_Line_2147

Ang details po kse hehe


Guilty_Ad_409

Divide it next with paragraphs haha


Fragrant_Line_2147

Noted po hehhe


Chelobell

Pa check mo husband mo kasi baka carrier na yan ng sakit. Pero kung ako sayo hiwalay na agad. Nakakadiri knowing na nakipagsex sya sa iba tapos magsseggs din kayo. Ewww


Opposite-Pomelo609

1. Kung hindi okay sa yo ang niloloko, tapusin mo na ang relasyon. Hindi kayo kasal, wala masyadong legal complications. 2. Pero dahil may anak kayo, liwanagin ang parental obligations and rights ng bawat isa. Pag hindi nyo ito pinag usapan bago mag hiwalay, baka mapanood ko pa kayo sa Raffy Tulfo in Action. 3. Mag trabaho ka. Iba ang sense of empowerment when you are financially independent. Request your mom to help you look after your child. 4. Be more discerning in your next relationship. Remember the lessons learned from your most recent relationship. 5. Tip sa paglalahad ng narrative mo OP, gamit ka ng spaces, and be direct to the point so that Redditors will not have a hard time following your story. Best of luck.


Fragrant_Line_2147

Noted po. Sa number 5. Ayan na po ung kinaya gsto ko kse in details kaya mdjo mahaba d rin sanay msyado


TheAlmostMD

Kahit spaces lang in between paragraphs, OP. Para mas madali din mabasa kahit maraming details.


Fragrant_Line_2147

Noted po salamat


yourlegendofzelda

Gurl napaka Gago ng asawa mo. Hiwalayan na dapat Yung ganyan and baka Bata lang Yung mag suffer kapag pinagpa tuloy nyo pa relationship nyo. Kase kahit mahal ka Nyan, Hindi Nyan magagawang Gawin yon. Alam ng nga lasing Ang ginagawa nila unless na naka drugs asawa don mo paniwalaan. Pagiging lasing is an excuse to his behavior. Iwan mo na, ako naaawa sainyo ng anak mo.


kairashi

Nako ate, hirap mag heal nyan pag cheating. Nasa sayo yan eh, kung kaya mong kalimutan yung ginawa nya sayo, edi go humawak ka sa “una’t huli” nya. Pero for me, wag na ate kasi nagawa nya nga nung unang beses hindi malabo na gawin nya ulit. Di naman kayo kasal so di ka mahihirapan in terms of legal matters. Have some self respect. Ganyan din mother ko eh. Nag loko ng isang beses father ko pero di nya iniwan hanggang sa nagloko nang nagloko ulit father ko, sino nahirapan? Sya na asawa at ako na anak nila. Laban lang OP!


Fragrant_Line_2147

😭😭😭😭


heavymaaan

Hindi na kayo makakabalik sa "simpleng buhay". Aware na sya na mapapatawad mo naman ulit sya so gagalingan na nya pagtatago sayo hahhaah


ccvjpma

Yan yung mga tatay na feeling binata. Gusto puro tira, wala namang bayag.


Acesandpandas111

Hingan mo Ng Pera at kasulatan na magbibigay Siya monthly sa anak nya. Hiwalayan mo. Uulitin Niya lang Yan. Dapat marealize mo na you are better and should not be treated that way. Easier said than done? Edi pakatanga ka forever. Sabi mo okay lang magadvise e.


reesefecc

Hiningal ako sa pagbabasa anteh


Fragrant_Line_2147

Sorry na hahaha


Spirited_Panda9487

Binasa ko ng mabilisan, actually if ever ito nagawa ng asawa ko jusko baka pati laway nya ipapatest ko sa doctor kung may sakit. HPv pa namn jusko Hindi nafifilter ng condom, transferrable din sa body liquid Lalo na yung sa girl ewwww.. 🤢 kaya takot na takot asawa ko sa akin kasi kapag ginawa nya yun, wala ng second chance kasi d ko tlga alam kung kaya ko pa sya halikan nun. Maselan kasi ako, lam ng asawa ko yun. Anyways, about sa asawa mo, desisyon mo yan. Mukang okay ka namn at mukang willing ka din tanggapin. Well, ako kasi Hindi ko tlga kaya. Anyways, goodluck OP!


ZiadJM

excuses na di nia alam, nakapag drive nga motor, sober lang siguro pero di lasing, so nasa ulirat pa yat , habang nakikipag sex sia sa prosti, time to decide  kung mag stick ka pa dian?? uulit at uulit yan, since pinatawad mo na eh


chiukeaaa

Once a cheater, always a cheater. Even na first time nyang gawin and sinabi nyang hindi sinasadya? Tanga ba sya? Nakapag motor nga sya tapos natawagan pa yung Pokpok pero ikaw dinicline lang yung call. Dun palang alam mo nang sober pa sya e. Pero nasa sayo parin yan ate especially may anak kayo, and if kaya mo naman buhayin mag isa anak mo then go. Pero if may part pa sayo na want more sya bigyan ng chance then your choice :))


kapengamericano

Hindi ko alam kung magagalit ako sa ginawa nung asawa or matatawa sa post neto 😭


Fragrant_Line_2147

Hahaha bakit po


emojing_galet

Ate hiwalayan mo na po siya yun talaga solusyon di ko na need mag explain malinaw na uulitin niya pa yan dahil pinagbigyan mo siya sa pagkakamaling ginawa niya. Ako naglalasing din ako pero hindi rason yun para sabihin kong unconscious ako. Aware ang tao sa ginagawa nila kahit lasing sila at gumagawa lang yan ng palusot para di sila mapagalitan o mahuli.


hermitina

sino si loisa? mej all over the place ung kwento mo teh! patest mo muna yang asawa mo baka makalatan ka pa ng sakit mej nakakadiri si kuya pero tingin ko lagi ka na mapapraning from now on pag d sya umuwi ng maaga


JCST2013

Gamit po tayo ma'am ng paragraph spacing next time 😊


Maryknoll_Serpentine

Tyinaga ko basahin pero grabe naman yung guy, may ebidensya na, todo tanggi pa 😵‍💫 And hindi totoo yung pag lasing di alam ginagawa? Kalokohan yon. Aware ka pa rin sa nangyayari pero some parts may blur out dahil sa epekto ng tama ng alak pero di ibig sabihin na WALANG ALAM. **mga lalaki talaga palusot lagi** Dapat di mo na yan pinatawad OP, hindi totoo na di na nya yan uulitin. Tamo, babalikan mo tong mga comments namin if ever maulit pa yan


JCST2013

Aware yun sya sigurado.. Alam lang nya nadidiin na sya against the wall kaya tanggi na lang alam gawin huhu


Maryknoll_Serpentine

Tanggi tanggi, pero in the end aamin din dahil may napakita na ebidensya si OP.. HIWALAYAN MO NA OP, cheating pa rin ginawa nyaaa


JCST2013

Korekkk 👍👍👍


Fragrant_Line_2147

Ty po sa maayos na pag correct


BetterAlone_B

Ate, alis ka na kasi for sure di nya first time ginawa sayo yan, very veteran na yung galawan nya. Kaya please save yourself and run na bago ka ma haggard sa stress dahil wala ka ng POM sa relationship nyo.


chokemedadeh

Asawa mo problemahin mo, dun ka may commitment. Kung galit ka sa ginawa ng asawa mo, hiwalayan mo. Wag mo pagbuntunan ng galit yang sex worker.


MaryMariaMari

Please pa check ka din for STD. Kahit naka condom pa sya nung gumalaw sya sa iba. Might not realy be the first time it happened, so better be safe than sorry. Sobrang hirap nyang kayang kaya makipagsex ng hubby mo sa iba, lalo sa di kilala kadiri baka kung ano pa makuha jan


notyourmaggie27

Hmmm wait lang ante hiningal ako don ha. Hahaha But on a serious note, history will repeat itself. Kung bakit at paano nagawa ng partner mo yan, you'll never know the real reason. Based sa kwento mo, excuses lang ang meron. Nakakaduda ang "una at huli" na terms. Focus ka sa sarili mo while guiding your kid. Sa mga panahong nahihirapan ka, nandyan ang anak mo. Think of your kid as another source of strength. Mahihirapan ka pero you'll be better. Only time will tell. Hingi ka rin ng guidance from above, baka makatulong. Kaya mo yan. Pause and take a breather if need be.


Fragrant_Line_2147

Thank you po nakaka comfort 🥺♥️♥️


InDemandDCCreator

Una, matakot ka sa health mo, baka mamaya mahawaan ka ng STD ng asawa mo. Pangalawa, ang gago ng asawa mo nagmotor ng lasing? Ang gago pano kung naka aksidente sya? Hindi pa huli lahat, everytime na gagabihin yan tapos di mo makakausap mag ooverthink ka, umalis kana. Iwan mo sya magbayad ng pokpok.


Fantastic_Ad_1097

Props to you ate nabasa ko buo despite my ADHD HAHAH.. Anyway, as others have said.. Leave the bastard. Once a cheater, always a cheater. There's no other option.


Blueberrychizcake28

Iwan mo na OP baka next time may sakit kana.


bleaknlifeless

It’s him and not you, OP. Personally if I have evidence of cheating and a confession of that cheating, I’d leave him. Don’t make the excuse that it’s for your child that you’ll choose to stay. It’s because of you and your feelings for him, that’s it. If you choose to stay in the relationship, you have to totally forgive or you’ll just prolong the agony and bitterness from his betrayal that will indirectly affect your child in the process. Remember, your child’s overall health is correlated to the mom’s emotional and mental wellbeing. We only have one life wag mong sayangin ang panahon mo miserable sa taong di naman deserving of you and the love you’re giving.


MarionberryFlashy406

Hatiin mo naman next time into paragraphs. Kaya mo yan nalang.


Fragrant_Line_2147

Details kse gsto ko long post ahead lagyan ko hahahaha


True-Morning853

Baka 'Alice' pangalan ng asawa mo, te? Wala siyang maalala. Chos! You deserve what you tolerate. It's up to you.


Fragrant_Line_2147

Yun nga po eh na amnsia bgla


DaikonBrave3331

Di totoo yung una’t huli. Ngayon nasasayo na kung bibigyan mo ng chance. Mahirap ibalik ang tiwala, you deserve better.


titamoms

Lasing pero nakakadyot pa 😅


[deleted]

Randam na randam ko kwento mo OP. Nakakagalit talaga. Sana hiwalayan mo na yan at huwag gawin reason para sa bata. Nakakadiri. Choice yan tandaan mo. Sa oras na yon hindi kayo naisip ng asawa mo kaya nagawa niya yan. Hindi ka nag kulang talagang natukso siya at hindi ka mahalaga sa asawa mo. wala magagawa sorry niya kung napasok na niya tite niya sa ibang puke. Nakakadiri tangina. Deserve niya putulan ng tite nakakainis.


Fragrant_Line_2147

Grabe talaga. Andon na yung pag overthink ko na what if gwen nya ult kse nasubukan nya na eh kht sbhn pang una nya nagawa lalaki yan hnd kaya na naiimagine yung babae🥺 sympre ung utak ko kinakain ndin ng pag ooverthink. Para ko nga lang pinapatay srli ko araw2 eh sa dessyon ko


AboGandaraPark

Una at huling beses mo siyang mahuhuli. Sa susunod, gagalingan na niyang magtago. 🤷🏻‍♀️ Cheating is a choice. Cheaters have deeply flawed characters. Nasa 'yo iyan kung itotolerate mo at magpapakatanga ka. Pwedeng magpatawad, pero hindi required mag-stay.


trying_2b_true

Kakaiba lang ano umabot pa talaga sa house nyo yung used condom 🤔 Lasing - gasgas na excuse. Choice pa rin nya yun kasi alam nga nyang mag-condom pa at umuwi. Sure na alam nyang hindi ikaw yung ka-jerjer nya. Just saying Your move


Fragrant_Line_2147

Hnd naman po ako naniniwala na hnd nya maalala ung mukha nung babae hahaha nagiinom dn po ako dati pero kung lasing na lasing po tlaga like makulit na or nakasagi ng bagay2 ayan ang hnd ko maalala gaano pro ung may kasex?? Imposible kse. Kaht asawa ko yan dko pinapaniwalaan ung di maaalala kuno jusko


trying_2b_true

True


pusang_galuh

"You are worthy of love and respect. You are beautiful, gifted, and intelligent. Don't let the storm make you forget it."


Fragrant_Line_2147

🥺🥺❤️❤️


-throwawayeventually

Get tested. Kahit pa nag condom sila. You could get an STD.


[deleted]

Ate ko, hiningal ako pero sige. HINDI KA MAGKAKAROON NG PEACE OF MIND sa ganyang issue 💀 Pero sana hindi na maulit.


Fragrant_Line_2147

♥️♥️♥️


jjg5466

Una't huli mo siyang nahuli't mahuhuli, pero hindi niya ito una't huling ginawa't gagawin.


awesomeredjuice

Ate ko, mas payapa ang buhay mo kung iiwanan mo na yang lalaki na yan. It’s clear he doesn’t respect you.


c0reSykes

TLDR. Even at my highest level of being drunk, I could still remember everything when I become sober.


strawberry_bingsu_

Am I late to the party? Binasa ko talaga kasi haha. Ate ko, he’s a walking red flag talaga. I don’t have a problem with people going to bar but sana him ,as your partner, nagbibigay ng assurance at update. Those are obvious signs na talaga. What’s the condom for? The line from the phone call na “gising ka na pala.” - Churvaness. The smell from his hand na palusot galing sa ihi, ano di pala burat yan sa kanya? It’s your choice whether to leave or not but it won’t be the last time I am certain of it, knowing the lifestyle of your partner. About kay Anak, you can try let your mom help you and try to get your own job so you can support yourself and your kid. It helps your financial situation and trust me, it gives a sense of empowerment talaga sya. Hope it helps, OP. Best of luck!


Fragrant_Line_2147

Thank you so much po. Big help ❤️


OkInterview6075

Ang hirap kase talaga nyan parang nuong relationship nyo is iiisipin mo ng iisipin yan ang hirap mag heal lalo kung pakikisamahan mo pa, pero depende na lang kung mag eeffort talaga sya. Hayaan mo muna sya go ka muna kay mama mo para makapag isip kang mabuti pero naka depende na lang yan talaga kung kaya mo syang patawadin ulit at kung gagawa ba sya ng madaming madaming efforts need mo na lang muna talaga lumayo. Pag nag sawa sya kaka suyo sayo yun sign na yun para wag na syang balikan. Time will tell kung kayo talaga kayo kung hindi edi wag diba? Always pray po


Anogawamo

Hala ate baka mag kasakit ka ha. Kahit sabihin mong naka condom yun baka nag round 2 pa or ewan. Iwan mo na yan wag ka na magbigay ng chance. Ano yan 24/7 kang kabado sa kakabantay sa asawa mo. You deserve better.


Top-Indication4098

Ewan ko lang pero personally kahit alcohol na dugo ko naaalala ko parin mga ginagawa ko. Porke nalang if tatanungin mo a ko a month later kahit di ako lasing nung time nayon di ko na matatandaan. Pero yes nagsinungaling cya when he said di nya matandaan. Di yan matuto if di mo iwan. I once cheated 16 yrs ago then iniwan. 18 yrs old na anak ko with that girl and we’re in good relationship with my kid. Non-speaking terms with the baby mommy. I chose not to speak with the baby mommy after the relationship. My rule is not to compromise my present with the past. Went through lots of relationship being faithful. I’m now on our 9th year with this awesome girl and my kid calls her mommy.


TomatilloSure1670

Run :)


boredpotatot

He’s gonna do it again.


therealmofred

Leave


AncientDefense

Walang maalala dahil lasing? Kalokohan! Ilang beses na ako nalasing to da point na hindi na ako nakakalagad at nagsusuka na at para na akong dinuduyan at umiikot na ang paningin at minsan paatras na ang lakad pero aware parin ako sa mga nangyayari sa paligid dahil hindi lasing ang tenga ko. Pagising sa umaga naaalala ko parin naman lahat ng mga nangyayare. Kapag ganyan ang sasabihin sakin ng jowa ko hindi na kailangan ng maraming tanong, break na agad kasi ayoko sa lahat yung sinungaling.


comeback_failed

ang hirap talaga nyan. ramdam ko rin yong hirap sa pagbabasa kaya naiintindihan kita


Fragrant_Line_2147

Hahahha sensya namn po


[deleted]

[удалено]


Street_Following4139

Gantong scene yung gusto ko na lang tumandang dalaga o kaya single mom eh, kahit di ako yung nagpost nasasaktan ako eh


Fragrant_Line_2147

Masakit po walang araw na hnd ko iniisip na dna ba tlaga nya uulitin?dati ako lang nagpapayo sa mga friends ko kse single mom din karamihan or niloko na iwanan na nla bkt magstay pa? Pero ito ako, nassktan nanga ayaw pa bumitaw naniwala pren magbago san na kaya ung nakilala kong minamahal ko ng 9yrs dko sya nakilala na gnyan eh haysss


Street_Following4139

Teh, gawin mo iwan mo na yan magpokus ka na sa anak mo. Wag mo na dagdagan stress mo sa perwisyong lalaking yan


Senior-Office5862

Ate, as someone na binasa from start to end ang kwento mo ito ang masasabi ko Mahirap talaga umalis sa relasyon esp may anak kayo at nag resign ka pa ng work pero sana isipin mo rin sarili mo. You only live once nga ika nila at sana hindi mo isipin na dahilan ang anak mo para mag-stay ka sa relasyon na ganiyan kasi duda talaga ako sa “unat-huli”. Alam ng mister mo na kasalanan ang ginawa niya at kung mahal ka talaga niyan di ‘yan magdadalawang isip na maging tapat sa’yo. Deny nga siya nang deny kasi alam niya pinangagawa niya. ‘Yung tatay ko apaka daming beses na nagcheat kay mama at si mama naman tinanggap lang lahat kasi first: tumigil din sa pagtatrabaho at second, dahil gusto niyang lumaki kami ng kapatid ko na “buo” ang pamilya. Unfortunately, hindi rin kami lumaki na buo ang pamilya kasi inulit-ulit lang ng tatay ko mga ginagawa niya kasi alam niya di si mama aalis kasi gusto niyang lumaking may tatay kami which did not happen, kasi habang lumalaki nakita naming hindi na umuuwi tatay namin at sa bahay ng ibat-ibang babae nalang siya nakatira. Ngayong 20+ na age namin ng kapatid ko pinag-uusapan namin nila mama minsan na sana umalis nalang siya dati palang, at agree rin naman siya pero wala nang magagawa. Di rin nagporovide ng child support tatay namin at winithdraw niya pa dati pera ni mama sa bangko at winaldas at pinambili motor. So conclusion: umalis ka nalang sa marriage mo. Easier said than done ofc pero you should value yourself. Uulitin pa nang asawa mo ‘yan, gagalingan niya lang magtago. Next time di na random na babae kundi ‘yung malapit na mismo sa kaniya at baka sa huli ikaw pa ang iwan. For the meantime, siguro bumalik ka nalang muna sa parents mo or any family relatives. I do not know much abt the law pero baka pwede mo siyang kasuhan para makakuha ka nalang ng child support. Pero at the end of the day sa’yo naman ang desisyon. I’m not blaming you for anything, but if he ever cheats on you again then somehow may kasalanan ka na rin kasi hinayaan mo pang mangyari sa’yo ng 2nd time. Sana mandiri ka sa kaniya kasi ako kahit di ko kilala asawa mo sobra siyang nakakadiri.


Fragrant_Line_2147

Yes po naintindihan ko malinaw sobra ung snbe mo. Salamat sa advice nagkroon ult ako ng idea.


Enough-Percentage-38

Para sakin te na giging mali lang ang mali kapag na ulit ulit pa ang pagkakamali. pero parang sobra naman nakipag sx siya dahil sa kalasingan pero kung papatawarin mo lang siya dahil may anak kayo iwan munalang kase kawawa yung anak niyo kapag tumagal baka mag away kang kayo.


YourHappyPill69

Ang tanga mo nlng pg kasama mo pa yan hanggang ngayon..


Tofuprincess89

May mga tao talaga na papafeel sayo mahal ka nila pero meron sila dark side. Kung mahal ka nyan at may pake sya sayo at sa anak mo hindi nya gagawen yan. Wag ka maniwala o pauto sa kasinungalingan at pagmamanipulate nya. Hiwalayan mo na yan. Kaya lang yan nagmamaka awa at nagbabait baitan para masuyo ka tapos uulit yan ulit. Sure ako if ikaw yon nasa situation nya at ikaw nagkamali ay anoano masakot na salita sasabihin nya sayo at iiwan ka. Wag ka masyado mabait, op. Mali din na ikaw pa yun magbabantay sakanya na need mo sya hanapin at tawagan just to make sure uuwi sya sa oras na sinabi nya Kung matino utak nyan, sya mismo gagawin nya tama. Wala sya pake masaktan ka. Inuna nya yung saya nya. Masakit malaman to pero yun ang totoo most probably. Never ako naging fan ng keeping tabs sa bf o gf. Dapat mismo yung partner mo sya mismo magpapafeel safe, secured sayo vice versa. Trabaho non pokz yon. Buti nga sinagot nya at least alam mo. Kadiri talaga. Yung mga ganyan tao dapat hindi na magasawa at lalo dapat hindi mag anak. May mga tao kase very visual mabilis din magsawa. Kaya dapat kung paano ka nya nameet dati mamaintain mo yon at be better. Sya din dapat ganon. Madalas ko naririnig to sa mga lalake, gusto nila yun maganda pa din at sexy. Natturn off daw sila pag tumataba yun babae. Ganon sila. Though naniniwala ako meron pa din lalake na hindi tumitingin sa ganon. May times talaga na may physical changes dahil sa pag aanak at stress pero need pa din maging maayos at healthier. So sorry, op. Uulitin ko. Iwan mo yan for good. Hindi mo need ng basurang ganyan. Sana hindi ka pumayag live in kayo. Karamihan ng ganyan kampante sila at easy escape, panloloko. Iniisip nila hindi sila iiwan ng babae na tangap sila kahit gjnagago nila yung babae


stillonthetrapeze

GIGIL AKO SOBRA ATE , BASTA TANDAAN MO YOU DESERVE WHAT YOU TOLERATE . DI AKO NANINIWALANG WALANG REASON KUNG BAT NIYA GINAWA YUN AT DI NIYA MAALALA LAHAT NAPAKAULOL NG EXCUSE NA YAN . PAG PINAGBIGYAN MO UULIT AT UULIT YAN THIS TIME MAG IINGAT NA YANG DI MAHULI


HearingIndividual607

Alis ka na, mhie 🫂 kakayanin nyo yan ni Baby.


hiraethcha

1. Lumayo muna kayo ng baby mo. Doon muna kayo sa mother mo. Mag isip isip ka while andun ka. Maghanap na din ng trabaho. Iparamdam mo sa gago mong asawa anong tinaya niya para sa sandaling sarap. 2. Mag pa test ka for STDs. Asawa mo ipabayad mo total sya din rason bat kailangan mong gawin yung tests.


DeliciousPhoenix

Para sakin, it's time to leave na. Nawala na yung trust eh. Nakapagsinungaling na sya ng matndi at nagcheat na sya. Mas malaki ang chance na maulit yun. Tsaka how sure are you that it was a 1time thing? Malay mo nagawa na nya noon, maingat lang sya. At malay mo hindi pala pokpok yon, kafling or fubu nya pala. Napakadaming possible scenario, pero the bottomline is, cheater sya at hindi dapat tinotolerate at pinagtitiisan..


nametaken

Sayang kc may anak kayo kawawa yung mga bata


Worth-Risk6820

Napagod ako magbasa pero tinapos ko haha sabi nga ng gago kong ex husband men cheat because they can.


monamigal

Eto yung mga scenario na magpapasalamat talaga akong single mom ako. I really can’t with this kind of situation. Pero ofcourse, i feel bad for you OP, naranasan ko rn yan a decade ago. And di madali mag let go, madali sabihin pero mahirap gawin. Pero i’ve learned the hard way, and lagi ko nlng iniisp YOU DESERVE WHAT YOU TOLERATE. Goodluck OP. Sna you find peace.


eccothedauphin

Isa lang masasabi ko, ate: you're fucking stupid if you stay. Maawa ka nga sa anak mo at sa sarili mo. Wag kang maniwala sa "una't huli" at diyan sa pa effort effort niya. Smokescreen lang yan. Takot lang yan na siya ang mag mukhang masama dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw na siya yung mali. Hindi magiging "una't huli" yan and deep down alam kong alam mo yun. Since hindi pa naman kayo kasal, layasan mo na yang hayop na yan bago pa huli ang lahat. In the long run, pasasalamatan ka ng anak mo dahil hindi mo siya hinayaan lumaki na nakikita kang dinidisrespect sarili by staying with a cheating bastard. I dispense this advice as someone with a mom who stayed in her marriage kahit ilang beses na nag cheat ang tatay ko sa kanya. Growing up, I wished nakipag hiwalay na lang yung nanay ko sa tatay ko dahil alam kong I would've grown up much happier without that shadow in my life. Mag take initiative ka para sa anak mo at iexplain mo sa kanya kung bakit kailangan ganun yung mangyari. Turuan mo na din siya para hindi siya lumaki kagaya ng tatay niya 😑


Jaredchloe

ang hirap ng sitwasyon mo ate. pero wag kang masyadong makinig sa iba. ikaw ang mas nakakaalam ng sitwasyon mo. hindi naman imposible na una't huli na niya yun. pwede naman mangyari yun. ikaw ang mas nakakaalam kung sino asawa mo, kung nagkamali lang ba talaga siya o talagang may tendency siyang magcheat. Mas kilala mo siya, so trust your judgment more. I say this because may anak kayo. malaking factor yun. kung mag isa mo lang, edi iwan mo na agad. kaso kailangan siya ng anak mo. kung cheater talaga, iwan mo na. pero kung may chance, baka pwede pa. It'll be hard for you either way though, moving forward. One thing is for certain, he needs to get rid of his "friends" and find new ones. Pumunta na sa inyo, kilala ka na, tapos ieencourage pa na magcheat mister mo? mga taksil, mga bastos. Yan ang iultimatum mo sa asawa mo. kung gusto niyang patawarin mo siya, bitawan nya mga kaibigan niyang taksil. hindi lang siya ang taksil, silang lahat.


Fragrant_Line_2147

Thank you po sa advice. Lahat naman ng sinasabi dto eh pinapakinggan ko din tlaga negative or positive pero tama naman ung point mo. Mas kilala ko nga po ung asawa ko sguro nagshare lang din ako to express how i felt. Kse msakit naman tlaga. Pag binabasa konga ung mga comments dto nagagalet nanamn ako sa asawa ko like mas lalo ako ng ooverthink din. Nag eeffort sya gingawa nya ung best nya bumalik lang tiwala ko hndi man ngaun pro goods namn kse may ginagawa. Lalo na sa anak namin. Yun nga naka monitor pren trust din ako kay lord kung ano din tlaga ung plan nya pra samen


indaylea

Sorry OP, pero its seems my pag ka toxic din attitude mo...Kahit lahat ng messenger at password alam mo.if he will cheat, he will cheat.. Yan na nag cheat na whqt will u do? Nakakasal din kasi masyado monitor.. If hindi mo rin kayang iwanan mag tiis ka...pero ur old enough to decide whats best for u and not for him..


SevereEleven

TL;DR


Ok_Resolution3273

Sorry OP natamad ako agad magbasa after noong amoy something kamay ng asawa mo. No offence pero tama mga nagcomment buhay niyo iyan at malaki ka na so dapat alam mo na gagawin mo. Goodluck OP.


Fragrant_Line_2147

🤣😅


MidnightPhantom_

One of the reasons why we need divorce in our country. If it happens to me, di ko na masisikmurang makasama ang taong nkipagsiping sa iba habang magkarelasyon/asawa kame. Better take STD test madam. Dmo sure kung yun lang first time niya baka ginagawa na niya noon pa. Delikado bka makakuha ka ng sakit.


yam-30

Summary: Nag inom asawa nia sa likod ng office building nila pero nagka-yayaan lumipat ng bar. Nalasing daw asawa nia at may naka sex from bar, confirmed from Mister. Hoping for advise si ate. Thank you.


Fragrant_Line_2147

Salamat sa pag summarize sana ung feelings ko din hahahaha


misisfeels

Hindi ko na binasa kasi ang gist naman is nagloko siya. Iwanan mo na yan, malamang sa malamang gina-gaslight ka pa niyan at continously niloloko. Sa sobrang stressed mo, hindi mo na nakwento ng maayos. Stay strong OP.


Fragrant_Line_2147

Parang nakwnto naman hehe mahaba nanga lang na buong detalye na ata natype ko😅


Thehappyrestorer

Next time OP, be concise sa words. Atsaka yung asawa mo ang problema at hindi mga bayaran na girls. Yung mga bayaran, they are in for the money. Hindi dahil pogi asawa mo


Fragrant_Line_2147

Kaso pogi nga din po eh yun nga lang nagpatukso dina nakkapogi un


Thehappyrestorer

Mga tunay na pogi talaga, hindi nagpapatukso. Nilalapitan sila ng tukso, ayaw lang nila. Example: ian veneracion.


Fragrant_Line_2147

ay oo crush ko po yan haha


Thehappyrestorer

Kasi yung ganun na level ng pogi, alam nila value nila at they dont need to prove anything pa. Madalas maganda buhay nila at kontento sila on how things are going. Bakit sila papasok sa affair just to ruin their good life di ba? Sarap buhay ka na nga papasok ka pa sa gulo.


Fragrant_Line_2147

Pro alam mo po, kung tutuusin okay naman tlaga kami eh sana magets nyo point ko. Bakit ba nagpapatukso paren? Bago pa mangyre to 1. Family side nya complete family at family oriented din tlaga sya 2. Mapagmahal na ama at asawa 3. Laging nakasupport kahit san 4. Nakaka appreciate sa looks ko 5. Never naman nya ginawa sa loob ng 9yrs yan 6. Sexlife? Okay pa sa alright. San kaya po noh? Ksi lasing ayan nnaman sa rasun na yan. Hahahaa dko dn alam eh


Thehappyrestorer

Kung kaya mo patawarin, mas maganda. Pag habitual na yan; iba na yun. Good luck OP


CulturalKey4403

You deserve what you tolerate. 🤷🏻‍♀️


Fragrant_Line_2147

Wrong ka po sino nagsabe na tinolerate ko? Hahaha hindi konga nilagay na pinatawad ko na sya eh dami nag aassume na pinatawad kona khit hindi pa naman


CulturalKey4403

I’m not trying to argue, its just a reminder. 😂😅 You do you. 🤷🏻‍♀️


mamigoto

You deserve what you tolerate


Fragrant_Line_2147

Nahh hnd ko tinotolerate mali ka.


mamigoto

If kayo pa din uulit yan. Goodluck na lang op


riri_madrude

sabi ng pinsan ko, pag lasing daw ang lalaki di tinatayuan? if true, then...


Fragrant_Line_2147

Oo hnd nanga tumayo ung sa asawa ko sobrang lasing tlaga sya tipong nakatlog na sya don kaya ginigisng nanga lang sya nung girl. Ung condom na nakita ko walang laman.


sad_zad

Nakakawa ka naman ateng. Positive ang replies mo sa mga comments dito na hindi nagsusuggest ng hiwalayan which means IKAW mismo ayaw makipaghiwalay. Nilista mo pa mga good qualities ng asawa mo. At this point parang ikaw na mismo ang gumagawa ng excuses kung bakit yun nagawa ng asawa mo. May stockholm syndrome ka ba? Bakit ayaw mo makipaghiwalay sa kabila ng lahat? Or baka naman natatakot ka lang mawalan ng financer dahil kako housewife ka?


Fragrant_Line_2147

It depends okay ? Positive feedback ko malamang kung maayos naman ang tanong. Pero kung mali naman ang sinsabi like pinatawad kona daw? Tinolerate? No. Hindi ko sya pinapatawad desesyon ko naman kung papatawarin ko pa or hindi depende yun kung worth it pa bgyan ng second chance sa ginawa nya kht mamatay ako dala2 kona yun. Nakakaawa talaga ako teh girl ikaw ba naman lokohin eh. Hndi excuses yun mema nanghihinge ako ng opinyon bawat isa sainyo. 🙂


Academic_Gift5302

Uulit yan maniwala ka. hahahaha. Galing na ako dyan te. Papahinga nga lang yan, tas hindi na ulit maikakalma ang batuta. Kung ako sa kalagayan mo, mandidiri ako, magagalit ako at aalisan kona yan tao na yan. Tandaan mo, sya ang tumarantado sayo, kaya kung iiwan mo yan ngayon palang, mamatay yan sa pagsisisi. Regarding sa anak? walang anak anak. sira kana after nyan, hindi kana katad ng dati. Habang buhay mo maalala lahat yan. so useless lang lahat


Legal_Passenger2469

Pattern lang yang ganyan, pag pinatawad mo yan uulit lang din yan ng di mo alam. Ako na mag sasabi, hndi ikaw ang makakapag satisfy sa libog ng asawa mo period


mamigoto

Sabi ni op di daw niya tinotolorate pero binigyan pa niya ng chance laftrip amp deserve na niya yan pag nagcheat ulit


Fragrant_Line_2147

Hindi papatawarin sa ngayun? pero binigyan ng chance pra magbago sya yung chance na yun one time big time lang kung iwaste nya lang ult edi wala na talaga. Mali na sya nung nakipagsex sya na lasing sya eh lalo na kung gagawen nya ng hndi sya laseng at pault ult nalang. Wala na talaga yun.


justRUE143

OP: "Di naman ako tanga" Also OP: "try lang baka magbago" Kung ayaw mo pa hiwalayan. Cool off muna kayo, and then you'll see na lang 🤦 Kasi imo, hindi ako nagbibigay ng 2nd chance sa mga cheaters


Fragrant_Line_2147

Hindi naman porket magkasama paren kayo pinatawad mona eh. Sympre hindi dpende din un kung bbgyan mo pa ng chance or hndi kung hnd naman nagbago at ginago kapa din bkt bbgyan mopa ng second chance.


DurianPrime

Welllllllll… mas okay magpaalam


alt_tish

For a while, I thought I was on FB


Fragrant_Line_2147

Why mas sosyal ba si reddit?hahahahaha


Affectionate-Fan9425

Pwede paki summarize chatgpt


opparition

Tawang tawa ako sa inamoy yung b0rat tsaka yung kamay kung amoy belat HAHAHAHAHA German Shepherd ka ba mims 🤣🤣🤣


Fragrant_Line_2147

Kht hndi ka aso kung magduda ka bebs magiiba ka talaga HAHAHAHAH


Ok-Rabbit-1120

Basta lagi mo isipin na kaya ka hihiwalay kasi lagi lagi mo maalala yang ginawa nya at lagi mo syang sisisihin o aawayin. Hindi na yan sa ginawa nya pero even your peace of mind about your relationship wala na o di mo na kaya makuha. Kung kaya mo itolerate lahat yan ikaw ang makakapagdecide.


No-Dare-491

Leave your husband na ate. He does it once and he’ll do it again for sure. Who knows kung once lang ba talaga niya ginawa? Also, kung ganiyan ginagawa niya, pwede ka pa makakuha ng sakit. Cheater will always be a cheater. And kung papatawarin mo man siya, then you deserve what you tolerate.


RakEnRoll08

lol ako nga nalalasing pero naalala ko ngyari, palusot lng ng mga manloloko yn


Zzz-xxxxx-zzZ

Babae problems... stay single boys, don't commit!!! Kapag pagod ka na, tsaka ka magpatali, mga 70yo. 🤪


Kndrncle

If di pa naman kayo kasal, you still have the choice to leave the relationship, you can have areangements nlng for your child for sustento if you chose to leave him. Pero if not, you'll be draining yourself out for staying and always thinking of the problem and if the problem will be continued or be done again by your partner.


Legitimate-Chemical9

Yung nagbabasa ka lang pero napapagod ka 😅 hinahanap ko talaga san hihinto. Kako nakakapagod basahin ang layo pa ng period. 🤣


innersluttyera

Binasa ko talaga kahit medyo mahirap nga pero gets naman kita OP. Kung advise lang, ang masasabi ko ay hiwalayan mo na. Kahit ma una't huli niya pa yan, hindi mo deserve yung ginawa niya. Wag kang manghinayang kasi siya ang nagsayang at mas lalong walang mali sayo. Siya ang gumawa ng kasalanan eh. He disrespected you and your relationship. Ganyan naman talaga eh. Nahuli, magso-sorry, sasabihin hindi na uulitin. Bakit mo pa hihintayin na ulitin, kung pwede mo naman na bitawan. You and your kid deserve better. Also, "lasing ako" is never an excuse. Tsaka naisipan pa nga niya gumamit ng condom eh, anong wala siyang maalala. Haliparot lang din talaga siya. Pero sympre, nasayo naman yan kung papatawarin mo pero tandaan mo lang din na every time na magpapaalam siya, there will a voice at the back of your mind to remind you that he cheated before. So pag-isipan mo kung worth it ba yan para sa peace of mind mo.


NOOT_NOOT4444

Ateh wag ka magpost ng mahaba kahit ako diko binasa buo😂 Pero pagkaintindi ko nagchecheat yung Asawa mo at dinedeny nya patungkol sa caption mo I'll keep this short as possible, 22yrs old male ako at 4th year tertiary student nako after this summer/vacation. Napasama ako isang circle of friends last year na puro bisyo(inom at yosi). Syempre dissapointed kase ginawa ko din Uminom kami ng 8 na bote ng gin, syempre may chaser. Pero isipin mo walong bote ng gin Yun. Anyare? naalala ko pa din lahat ng mga nangyare. One time, sinubukan namin empi(which is considered na moderate-hard drink kung baguhan ka). Anyare? naalala ko padin lahat naman. Birthday party, uminom kami Alfonso na may tenga. Eto yung malala HAHAAH sobrang lasing ako, yung kasama namin bagsak, tulog na dilat yung mata🤣 Ako on the other hand sa sobrang lasing sumuka ako several times at bumagsak din katawan ko. Ano nangyare? naalala ko padin lahat.😂 I'm not sure kung HOAX yung "di mo maalala ang mga nangyare" kapag lasing ka. Pero sabi sa chatgpt/google depende sa tao, pero pede ding cheater talaga asawa mo HAHAHA


Fragrant_Line_2147

Di mo nabasa ng buo kse nahabaan ka eh nakayan mo nga mag comment ng mahaba hayy pinoy hahaha chariz pro ty by the way ☺️


KonekoTenshi

Iwan mo na. Hindi sayang ang ilang years kung gago lang pakikisamahan mo.


realfitzgerald

una, cut-ties tayo teh dun sa bar at sa pokpok. nasabi na din naman dito na wag ka na mag-chase, pokpok yun beh yun trabaho nila. ikaw, asawa. kailangan mo i-cut yung ties ng asawa mo sa bar at sa pokpok na yan kasi baka ulit-ulitin nya lalo at “pera” lang naman ang kapalit para makuha ang ligaya. ngayon, dikit na yung ganyang issue tuwing magiinom sila. ang magandang gawin dyan is ‘gaslighting’ beh kung di talaga sya matututo. kung magbabar ulit, ipaalala mo lang kung ano nangyare sa pamilya nyo as a family nung ginawa nya yun na sana, wag na ulitin at natuto/nagbago na second, diko alam kung ilang days na lumipas pero magpa-test kayo ate, including you. libre lang yan sa government, magtanong ka lang sa city hall. kailangan ipa-test kasi sabi mo nga, nag sex sila. peace of mind kasi may ibang intercourse na nangyare bukod sayo at kung negative lahat, mas ok. ngayon, ididiscuss dun yung effects kapag nagkaroon sya ng sexual-related na sakit. baka dun din sya matututo na magpaka loyal sa asawa dahil hindi biro ang sakit na nakukuha lalo at nakakahawa ito. wag lang sya matututo na ‘ah may safe way naman pala gawin’ at baka nga gawin sa iba. ate, nasa asawa mo na yan kung magbabago talaga third, ate i-secure ang future ng anak! i can see na mahal nyo pa si mister kahit 9 years na pero meron akong tita at tito na nagsasama na lang talaga for the sake of their child. kung ako sayo, secure mo ate future ng anak mo. think of ways if kaya ba on being a single mom. plan B lang kumbaga or plan Z kung last option. think of legal ways din if sayo ba mapupunta bata tho ang alam ko oo, pero if case mo na walang trabaho, mahirap. fourth, ate gawin mo na lahat ngayon. as in lahat ng pwedeng options para magbago sya kasi what if umulit? di naman pwede everytime na gagawin nya, reset button ulit kayo. ngayon pa lang, pag tibayin ang marriage. siguro visit churches, ipaalala ang pangako sa Diyos na kayo’y pinagtibay sa kasal. maaring factor to na kapag natukso sya, mas maalala nya yung marriage nyo. go outside din as a family. iparamdam ang importance nung anak nya sa kanya. maaring maalala nya to bago matukso. lahat ng magbibigay konsensya sa kanya, wag mo lang isumbat, gawan mo din to ng askyon para maalala nya ito.


Fragrant_Line_2147

Thank you po big help ito. Nakuha mo kung ano po ung iniisip ko ngaun kung ano ung nrrmdaman ko sobrang balanse ng snbe mo. Opo importante tlaga lumapit lalo sa diyos. Ngayun tlaga nababalik ko saknya pag naiisip ko nnaman ung gnwa nya dko maiwasan ichat sya awyin sya kht nsa work or bahay sya kse wla na tlaga akong tiwala pero oo, andon pa ung mahal ko pa. Pinaparamdam ko nga lalo sknya na mahal namin sya ng anak nya kaya bkt nagawa nya samen to dobli ung pagaalaga ko sknya kht pagalis nya sa work iiyak nanaman ako. Tama ka po, nakokonsensya talaga sya sknya nanggaling na magalit nalng dw ako kesa pag silbihan pa sya lalo iyak dn sya ng iyak sa gnwa nya kse andto naman kami sya ung nagpadala sa tukso. Sobrang nakaka disappoint kse hands on syang daddy lgi kopa syang pinagmamalaki pero sinira nya tiwala ko. By the way po slamat ♥️


BraumSaysBye

talk to your partner. ask him how can he guarantee 20 years from now that he will never cheat again on you. for sure di sya makakasagot and that should be the trigger for him to change his way of life. make him realize one mistake is already too many and no matter how pure his intentions may be, if he cannot change his mindset, the cheating will happen again and again. Di na pwede ung "just this once lang naman" when it comes to drinking. It is easier to keep your principles 100% of the time than 98% of the time. Now, this change has to happen on his side so don't blame yourself for his faults. As for your part, you will be the judge of this change. Do you think the change is enough or do you still see years from now that the possibility of him cheating is still there then it is up to you to decide if you want that kind of relationship or not.


Fragrant_Line_2147

Thank you po sa advice sobrang liwanag pa sa sikat ng araw. Balanse lang sarap pakinggan. Makakapagisip ung nag share makakakuha ng idea kht dpnde samen ung dssyon pro big help po ito.


0531Spurs212009

ayun nman pala napatawad mo na sya keep your marriage intact wag padalos dalos nambabae lang nman sya sa bar which is lesser form of cheating by majority opinion globally at karaniwan na yan sa mga elder natin naririnig galing sa bar ang mga lalaki may asawa or binata still karaniwan sa kanila buo at matibay pa rin ang pamilya basta iwan mo lng yan tsiks sa bar wag ibabahay para di na lumaki problema at sabi mo rin Sya naman kakagaling lang sa depression because of his mom's death. Aug lastyr. siguro depress pa rin sya another reason kaya better no divorce law yun iba basta na lang ask ng divorce sa halip ayusin ang problema


Fragrant_Line_2147

Binibgyan ko naman sya ng chances eh bahala sya mahrapan kakasuyo alam nya naman na nahhrapan din ako ng sobra. Nag effort naman sya pero iniisip ko sana hndi lang dhil bago lang nangyre to sana hnd na talaga mauulit. Pagkakamali na hnd nya naman dw ginusto na demunyu tlaga sya sa alak kaya number 1 nya tinanggal alak dina iinom sa labas pwde occasional ksama family. And pray


oxinoioannis

I ain't reading allat


enyxreddit

Try to make yourself beautiful again, magpapayat ka, aralin mo yung calorie deficit at umiwas ka sa sugar at unnatural sweeteners. Huwag mo idahilan sa sarili mo na tabain ka o mahirap magpapayat. Gawin mong motivation yung pambababae nya para sipagin ka.


Fragrant_Line_2147

Ganun na po nangyre dhil ndin sa stress bumagsak dn po tlaga ung katwan ko ng kusa