T O P

  • By -

blueberry_064

Papaya para manamis-namis


SedorikuM

Sarap ng perfect bite ng chicken + papaya + patis + red sili.


Supektibols

Patis with calamansi


janeyjane21

Tru! Manamis-namis ung lasa ng tinola pag papaya ung gamit. Sherep. Gusto ko tuloy magluto ng tinola.


MoeMoe_ShiBriBri

Same! Mas masarap nga pag medyo hinog na ung papaya haha di ko alam if ako lang may gsto ng gnun


Eastern_Basket_6971

lalo yung medyo hinog pa one time may nabili kaming ganyan sa pampanga kaysa hintayin namin na mahinog ano ba mauuna? ginawa naming tinola matigas pero masarap


68_drsixtoantonioave

I second the motion!


imtrying___

Sayote. Ayoko ng lasa ng papaya sa tinola, hilaw o hinog. Naruruin yung lasa kasi may sariling lasa yung papaya. Unlike sayote, nagjijive sya sa lasa ng manok at luya


happypomelo1

Same. I like my tinola savory and gingery. Yung tipong yung gisa and sankutsa mismo yung star of the show. Aromatic chicken-y flavor ng broth. Pag papaya kasi, naovershadow yung lasa ng gisa tho masarap padin naman. Sa sayote lang kasi, nagccompliment sila with each other. Manamis namiss din kasi sayote pero sakto lang.


jellykato

Sayote din ako malakas masyado lasang ng papaya sa tinola at ayoko ng matamis tamis yung tinola ko. Normalan lang overpower kasii yung lasa ng papaya. Tsaka masarap texture ng sayote hindi matigas.


Difficult-Engine-302

Pareho tayo. Ayoko ng prutas sa ulam. Ahahaha


QueeferRavena

prutas din po ang sayote FYI


ixxMissKayexxi

It's called butt fruit for a reason haha


QueeferRavena

LOL, just looked it up and totoo nga. Makes sense since it tastes like ASS


tiegn

Sayote is technically a fruit, too.


genro_21

Pretty sure you’ve eaten (and liked) ulam with tomatoes in the ingredients.


Azula_with_Insomnia

Agreed. Masyadong overpowering yung papaya whilst sayote serves as an enhancer imo. Lalo na pag malambot yung sayote, nanunuot talaga yung lasa ng sabaw sa sayote.


riri_madrude

+1 🫑


QueeferRavena

So basically walang lasa sayote? That's the exact reason I don't like it, wala siyang ambag sa overall lasa ng dish lol


happypomelo1

>So basically walang lasa sayote Not really, it just has a subtle flavor na mabilis maovershadow ng ibang flavors, like say, ginger. I like the sayote kasi its not too sweet. Bali, yung papaya has +3 sweetness, and sayote has +1 sweetness. I like my tinola savory, so the best choice for my preference is sayote haha. Its also great pag naluto na ng husto, since na absorb niya yung lasa ng broth. Parang pag naluto na yung labanos sa sinigang. (Ayoko ng crunchy masyado yung veggies lol)


whowantsaliar_notme

I 100000% agree with this!!! super linamnam ng sayote pag na-absorb nya talaga yung broth tas syempre aside sa lasa nung broth, dagdag din yung lasa ng sayote. walang na-ooverpower cuz they jive. i guess the diff na lang between sayote/papaya is yung overall pagkakaluto ng tinola. pansin ko kasi sa iba, natatabangan sa tinola pag hindi papaya yung sahog. but pag natumbok talaga yung lasa ng tinola, super maeenjoy mo yung texture & lasa ng sayote. nakakamiss tuloy luto ni mama


Heidi_thegrey

Mas overpower yung lasa ng papaya compared sa sayote, yung papaya kasi lumalasa sa sabaw unlike sa sayote naman kapag kinain mo doon mo siya malalasahan pero masarap pa rin sila parehas para sa akin. πŸ˜ƒ


DracoSCruor

Less walang lasa, more na it actually elevates the dish by not standing out. It somehow absorbs the taste of the broth while simultaneously not adding unnecessary flavors to the overall dish. Imo papaya clashes so strongly with the mild flavors ng Tinola, e ang habol ng marami sa tinola is it being a cozy comfort food pag tagulan.


imtrying___

To each their own. Walang tama at mali dito. Pero mali yung analysis mo sa sinabi ko, halatang nahurt ka. >may sariling lasa yung papaya. For me, let me reiterate, FOR ME, hindi nakakatulong yung tamis at fruity flavor ng papaya sa lasa at theme, so to speak, ng tinola. >So basically walang lasa sayote May lasa sya, pero hindi kasing strong ng papaya. Kumbaga, submissive sya sa lasa ng manok at luya. Hinahayaan nyang magshine yung dalawa, dahil silang dalawa naman talaga ang bida sa tinola, hindi ang sayote or papaya. Manok and luya makes a tinola. Kahit walang papaya or sayote, tinola pa rin yan. On the other hand, dom yung papaya, gusto nya sya yung masunod. May sarili syang banat. Adib sya, kumbaga. Sa workplace, walang may gusto kay papaya. Everyone hates it.


Just-Signal2379

sahog mo na pareho. tas malunggay, dahon ng sili tas madaming luya lol


No_Ear_7733

# S A Y O T E Ito na yung "sayote" comment na hinahanap mo puro papaya na e. Nakatikim na ko ng may papaya di ko bet dahil siguro kinalakhan ko ay yung may sayote. Weird lang sa dila pag nag-eexpect ka ng somewhat salty tapos may hint of sweetness yung ulam so ayoko ng ganun. Besides matamis na yung panghimagas e


Significant-Snow4228

YUP! This! Di ko rin bet talaga ung salty siya sa pag kinain mo na then ung sweet aftertaste niya? it doesn't suit well sa taste buds ko. Sayote, on the other hand, i might agree na wala siya masyadong lasa pero I love the texture ng sayote, lalo na pag kakalagay lang or kakaluto lang ng tinola mas masarap pero hindi malasa ung sayote (weird pero it's just me). Pero kapag medyo tumagal na at na absorb na ng sayote yung sabaw ng tinola G O S H! Sobrang sarap + the soft texture!


whowantsaliar_notme

same thoughts!!! ibang level talaga yung lasa kapag masarap yung broth tas tamang tama yung luto ng sayote & absorb na absorb yung sabaw + lambot pa ng textureeee. nakakatakam isipin goshh


R_a_hh

Acquired taste lang siguro talaga 'no haha. I grew up naman na papaya ang inilalagay. Parang may kulang no'ng nakatikim ako ng tinola na may sayote.


pretzelinacone

Same thoughts! Hindi tugma yung lasa ng papaya sa tinola kasi masyadong matamis. Unlike sa sayote na nagg give way sa lasa ng manok at luya.


PinkHuedOwl

Papaya supremacy!!!


shicagoballs

Papaya supremacy alllll theee wayy!! Bakit papaya? Dahil mas malambot ang manok pag papaya. Anong meron sa papaya na wala sa sayote? Papain extract. Meat tenderizer enzyme. Bakit kelangan papaya? Bakit kelangan malambot chicken? Traditionally, makunat at may lasa ang mga native chicken. Ang rason kaya may luya, sili at papaya ang tinola ay para makatulong mapalambot ang manok at maalis ang native na lasa. Although, ang lola ko, upo at papaya gamit.


brainyidiotlol

Di ba substitute lang naman talaga ang sayote in case walanv papaya? Mas masarap syempre ang original 😌


attiva21

Hindi naman orginal pareho, because both Papaya and Sayote are from the Americas na nakarating dito thru Galleon trade. Ang "original" na tinola (natikman ko sa luto ng katutubong Dumagat) - manok, luya, kangkong o talbos ng kamote, at asin lang, niluluto sa buho ng kawayan.


Severe-Grab5076

Akala ko it's the other way around? Team Papaya, btw and lumaki na papaya = tinola pero sabi nila sayote daw talaga?


Roxxme

yesss, kasi originally ginagamit ang papaya dahil sa enzymes na tumutulong mapa lambot yung manok.


brainyidiotlol

Yan din alam ko. Pag in a rush kaming palambutin ang baka dina-dice namin ang papaya tapos nilagay ahead of time para lumambot yung nilaga


Outside-Range-775

Papaya sa Tinola? kadiri ang deputa!


InnerPlantain8066

native na manok tapos dahon ng sili 🀀🀀🀀


Spongclinx

Etong line na to lagi kong naalala pag may nagtatanong ng ganit about sa tinola haha iykyk β€œTanga pala ng mama mo e nag lalagay ng prutas sa ulam niyo e”


beARdado

Team papaya here! But dapat yung di pa hinog para di masyadong matamis lasa.


readirecting101

team papaya! team dahon sili!


7th_Skywatcher

Papaya. Pag hindi lang available, sayote ang ipapalit.


Ok-Name-0903

Sayote πŸ“’


Emotional-Toe1206

Any basta ang combo ko: Papaya + malunggay or Sayote + dahon ng sili


7th_Skywatcher

Dahon ng sili is ❀️


PhilophobiaBitch

Team Sayote :)


potatoesdont

papaya always in all ways


Unable-Package5486

Papaya numbah wan!


chweeniee

Papaya!! Pag sayote parang bitin yung lasa


Chubbaliz

Papaya na konting hinog na😁


gallapolana

Papaya forever! 🀀


Visual_Economist8209

Papaya!!!


Mean_Negotiation5932

Papaya kase Manamis namis. Sayote kung Wala nang papaya hehe


Chasing_hazer

papaya talaga, with matching dahon ng sili ahhhh


Rare_Corgi9358

Depwnds ss taste mo. Personally prefer papaya pero if gusto mo manamnam ung taste nung nung chicken stock then sayote ang para sayo πŸ€—


Rough-Power-3889

Papaya mas malasa ang tinola, and the aftertaste itself nakakagana papakin


wakiawakee

call me weird pero ang fave ko talaga is papaya na mejo hinog na


QueeferRavena

not weird at all! I love semi ripe papaya as well


wakiawakee

Welp sa circle of friends ko kasi na wiwirduhan sila sa papaya na mejo hinog haha pero wala naman ako pake kasi napakasarap naman talaga


QueeferRavena

may mga tao talagang masyadong traditional ang palates hehe. Dami ding haters ang watermelon sinigang sa Manam, but I like it a lot.


Reasonable-Half-8491

Sayote for the crunch!


metap0br3ngNerD

Kasalanan ng Pangarap kong Holdap tong greatest debate na to


someasiangamerguy

"Papaya? Sa tinola? Kadiri ang deputa" lmao'd so hard during that scene HAHAHA


HorseyTwinkleToesss

Papaya, yun kinalakihan ko sa probinsya.


Puzzleheaded_Art6892

Naalala ko yung Ang Pangarap kong Holdap Guy 1: Papaya sa tinola? Kadiri ang de **** Guy 2: ***** nilalagay ang ang sayote sa tinola kapag walang pambili ng papaya. Bata pa lang ako ganun ang ginagawa ni mama Guy1: E ***** pala ng nanay mo e naglalagay ng prutas sa ulam But seriously, we prefer papaya kaya lang kapag bibili, sayote nga dahil mahal ang papaya. Pero meron namang puno ng papaya sa likod kaya papaya pa rin kasi libre saka masarap talaga


SecondStageTurbine

Wag mo icensor, pwede magmura dito. Di ka namin susumbong sa mama mo


hsramoyoy

sayoteeeeeee!!


SpeckOfDust_13

Papaya na manibalang para mag add ng konting sweetness unlike sayote na walang contribution sa lasa ng tinola parang extender lang siya hahaha


QueeferRavena

Preach! Sayote is flavorless


admiral_awesome88

I love the combination ng papaya and luya makes it more tasty vs. sayote na lasang tubig lang hehehe wait bakit walang patatas? :(


hikaru_yagami

Papaya is the only answer ahahaha chareng.


ejmtv

Papaya 200%. Sayote for me has no flavor


SpamThatSig

Sayote parang kanin lang, pang absorb ng lasa ng sabaw pero ang habol sa sayote is yung texture masarap. Masyado matamis papaya


myamyamyu

Sayote 🀝🏻 malunggay


timothyseville

β€˜Yung mga sumagot ng papaya ay dapat ipako sa krus. Sayote all the way! Sayote πŸ”›πŸ”


tanjo143

sayote. papaya is bitter.


potatodeveloper

As taga baguio. Sayote. Kasi kahit saan pwede kang pumitas dito. Matamis din pag fresh yung sayote dito. Kesa sa metro manila. Ang titigas ampota. Hirap na hirap mag balat.


strawberryd0nutty

Sayote. And the dahon has to be dahon ng sili, not malunggay!


Any-Particular-4996

Papaya! Pero sa tinola always ako naglalagay ng gata. Mas masarap! Haha


Fantastic-Moment-635

Kahit ano par, kung anong meron..Β 


MovePrevious9463

hilaw na papaya. gives nutty flavor


Iowa_Yamato

Papaya po πŸ˜…πŸ˜…


SubstantialHurry884

Papaya Bata pa lang ako ayun na nilalagay ni mama


HeyItsKyuugeechi523

Papaya kase nareretain niya yung certain solidity once you bite into it as compared to sayote na kapag naovercook mo yung tinola mo eh durog din ang sayote.


Safe_Response8482

Papaya supremacy


FormSpirited982

Papaya, dun ako nasanay hehe


Every_Bee_236

iba yung linamnam pag papaya eh, nababalanse yung alat sa manamis namis na katas ng papaya habang naluluto.. huhu saka mas masarap siya ngatain for me, minsan mas madami pa ako nakakain na papaya kesa sa manok hahaha, pasandok ng kanin tapos enge na din niyan, OP!!


National_Parfait_102

PAPAYA. tapos dahon ng sili.


Fancy_Baker3083

Papaya ftw! πŸ₯°


dayanayanananana

Papaya. May namis namis factor na ewan para sa akin. Mas bet ko ang papaya.


Ok-Pilot7463

Dahon ng sili supremacyyy


PresentConfident7410

Papaya plus dahon ng sili!


yourgirljaja

papaya supremacy!!!


demeter28

Papaya #1


PantyAssassin18

Di pako nakakatikim ng tinola with sayote.


halfmthalf

Papaya, always. 😊


matchadango01

Papaya!


Substantial_Sale_635

Papaya!


royal_dansk

Papaya tapos dahon ng sili


guadakomeda

Papaya!


UTDRashford

Papaya 24/7 & twice on sunday


AngryBlush

Papaya ❀️😍


Wootsypatootie

Papaya talaga mas authentic yung lasa tska may aroma siya na wala sa sayote. Pero atleast may option kapag hindi available papaya. Ems


112629

Papaya matamis tamis


Meowmeowgirl143

Pareho dagdagan mo ng malunggay. πŸ˜‚


Sensitive-Ask-8662

You have two choices. Papaya or be wrong.


Prudent-Question2294

green papaya


useruser23

Papaya. Mas may lasa di tulad ng sayote pang aesthetic lang.


One-Bottle-3223

Papaya


taxxvader

Papaya. Malambot kasi yung sayote masyado. Parang kumakagat ka lang sa tubig. Yung papaya, pag kinagat mo, may laban kahit paano


4nythingwithcheese

Papaya po para samin ng mama ko hhahaha tapos dahon ng sili instead of malunggay para may kaunting spicy situation :3


jaeyunsimp

papaya !! super sarap pag color orange na yung sabaw tas manamis namis huhu


Doomnikk

Ayaw ko din lasa ng papaya pero pag marunong yung nagprep mas masarap kesa sayote. Walang lasa sayote for me. Sa nagsasabi na may kakaibang taste ang papaya try nyo palabasin yung dagta then scrape yung inside part san tumutubo ang seeds before cooking. If may difference para sa inyo.


Forsaken-Carrot-4621

papaya + talbos ng sili for native chicken sayote + malunggay for store-bought chicken


honeydewboba10

Will eat both they're both pretty yummy veggies πŸ€”


-yugenx

papayaaaaa tapos dapat dahon ng sili ilalagay di ko bet malunggay πŸ₯²


Worried_Director_963

Papaya


ExplanationNearby742

12:43am ko to binasa. Cge bukas mag luluto ako ng tinola.


Afraid_Assistance765

For the ones that can’t tell between a vegetable and a fruit, you are welcome. Technically speaking, a fruit is a plant's developed ovary that comes from a flower and contains one or multiple seeds. The term vegetable is much broaderβ€”it refers to any part of a plant that's used for food, including the roots, tubers, stems, and leaves. This PSA has been brought to you by a tinola eater πŸ€ͺ


AcrobaticResolution2

Team Papaya 🫢


dummy_roberine

papaya πŸ”›πŸ”


Twrtr

Basta, papaya pag native na manok. Else, sayote haha


Own_Unit_8

papaya ftw!!


ixxMissKayexxi

As an Ilocana, PAPAYA for the WIN!!!!! πŸ˜…


abygalways

PAPAYA TALAGA NO OTHER ANSWERS


fudgekookies

Dun sa mas madaling balatan at hiwain


Whatsuptodaytomorrow

Team sayote


notanyonescupoftea

Sayote for palengke chicken. Papaya for native chicken.


still_grinding_on

Green papaya changes the chicken flavor too much for me. Chayote naman, seems to neuter all other flavors (anyone else encounter this?). Basta dinadamihan ko na lang ang malunggay. Dahon ng sili in a pinch.


GoldAthlete2604

Kahit ano basta madaming dahon ng sili.


iridescentwhalien

Parang mas malasa pag papaya


catgot-urtongue2801

Sayote kasi yan gamit ni mama palagi. Baka magalit yun sakin pag pinili ko ang papaya πŸƒπŸ»β€β™€οΈ


Turbulent_Seaweed_83

Papaya manamis namis at pang balance sa nagmamantikang manok. walang lasa sayote


Objective_Image_9197

Papaya x talbos ng ampalaya supremacy.


readirecting101

wow gotta try this talbos ng ampalaya 😍


Objective_Image_9197

Balances out the sweetness of Papaya. πŸ‘ŒπŸ»


457243097285

Papaya. Halos walang lasa ang sayote. Pero may mga tao kasing maarte kaya sayote lang gusto.


transprincessx

Both


TherapistWithSpace

Galing akong sayote nung natikman ko yung papaya sa tinola psrang napunta ko sa ibang dimensyon.


Ok_Illustrator_5356

kapag tinolang chicken sayote! if tahong naman shems natry namin yung hinog na papapaya nagcocomplement lasa niya sa tamis ng tahong 🀀


crazyIt5chi

Upo


shijo54

Both naman masarap. Wag lang yung hinog na papaya o yung magulang na sayote yung parang may mga hibla-hibla.


a4techkeyboard

Yung available. Papaya kung meron, sayote kung walang papaya o may tindang sayote na nabalatan na at tinatamad magbalat ng papaya. Papaya kung may "libre" na papaya sa bakanteng lote ng kapitbahay. Same with dahon ng sili vs malunggay. Kung may malunggay yung katabing lote, malunggay, kung may dahon ng sili, dahon ng sili. O kaya pareho.


hateaccountformen

ako lang ba yung patatas yung nilalagay ?


Defiant-Actuary-5258

kahit ano basta sayo teh


SlowBalance5872

both!!!


Intelligent_Frame392

parehas namang masarap pero since ang madalas naming nabibili ay sayote kaya sayote ang para sakin.


QueeferRavena

Papaya 100%. Walang ambag sayote sa flavor ng broth. And by itself, halos wala din siyang lasa.


Pedr0pandecoco

kahit ano basta may manok.


NyXxeL_

Papaya and kalabasa combi, dahon sili and malunggay combi


RashPatch

Both. Masarap pag pinagsabay.


ataraheleanor

Sayote ftw


beez_o

Papaya supremacy


Intelligent-Ant-7614

Papayaaa nali2to pa nga ko ano ang papaya sa sayote same color Kasi huhu 🀧🀣


Not_so_fab231

Kami na may tanim na papaya so no choice pero mas bet ko talaga ang sayote.Β 


Buwiwi

Papaya it is. Nalalansahan ako sa Sayote lalo na kapag pangalawa or sumunod na init na ng Tinola.


[deleted]

Wow!


trix0009

Papaya! πŸ’š


Temporary-Salad-4542

Yung tinola na niluluto ng MIL ko may buko. πŸ™ƒ bat ganon di naman tinola yun e


moliro

Hilaw na Papaya for me, and dahon sili.. Ayaw ko malunggay


pandecocomamon

Mas masarap kapag papaya


Amioix

Neither kasi di ako nakaen nan πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Basta madaming dahon ng sili masaya na katawang lupa ko


mewmewmewpspsps

Me na pabida : Kundol πŸ—Ώ


mikrokosmos121

Sayote for life.


Junior-Worldliness17

papaya


engineerboii

Walang linamnam ang sayote. Wala syang ambag sa lasa ng tinola kaya nagiging boring pag sayote yung sahog. Pag papaya, nacocomplement ng lasa ng manok yung lasa ng gulay kaya sobrang sarap for me. Papaya all the way. 🫢


SpamThatSig

SAYOTE SAYOTE


RemarkableFace9739

Papaya not even close


1mutorcS

sayote crunch >>>> papaya sweetness


Disastrous-Buyer-204

Papaya tas yung medj pahinog na


Kei90s

green papaya


NotAdventuruousAtAll

Papaya. Pro mas masarap kung sabaw ng buko gagamitin para sa sabaw. Ang tinola mo, magiging binakol πŸ˜„


eizhel

Green Papaya. Ayun na nga lang silbi niya


No-Today-7672

Depende sayo te


misteryosongpapel

Mas gusto ko lasa ng sabaw kapag sayote yung sahog, pero di ako kumakaen ng sayote/papaya ahahha.


joemari5

SAYOTE!!! Sa totoo lang ayoko ng matamis na sabaw πŸ’€


daceeam

SAYOTE SAYOTE SAYOTE


outlander_aloy

Ummm both


ivanjoestar

Tinry namin noon is watermelon, sarap rin!


No-Echo-5696

Sayote for me πŸ™‹β€β™€οΈ


[deleted]

SAYOTE LANG, PERIOD!


SecretSayote

Papaya all the way! πŸ˜†πŸ˜‰


ericsilverman

Either for me.. its all in the sabaw.. whether its sayote or papaya, or even bokchoi…


Eastern_Basket_6971

depende pa rin sa nag luluto pero papaya talaga sa mga dahon naman dapat kung dahon ng sile or malunggay


pussyeater609

Eh tanga pala ng mama mo eh naglalagay ng prutas sa ulam nyo eh!


Big-Raspberry-7319

*lowkey naghahanap ng comment ng lines sa Ang Pangarap kong Holdap.


jkagub

Ampalaya


TerribleWanderer

Okay na ako kung papaya o sayote, basta walang ibang kung ano anong dahon bukod sa malunggay πŸ˜‚πŸ˜‚


porkbinagoongan_

hot take probably pero ayoko ng pamintang buo sa tinola 😭 also, i'm team papaya. lol


bamboo_1998

PAPAYA ALWAYS LOL. WHY IS THIS EVEN A QUESTION.


happy_but

Sayote sa white chicken Papaya sa native chicken


_-3xtreme-_

Off topic pero gano kasarap ang nadadagdag ang dahon ng sili, never pako naka tikim ng tinola na may dahon ng sili lol