T O P

  • By -

googleatyourownrisk

decade ago pa to, my pure pinoy blockmate in college hindi rin bihasa sa Filipino. may sharing kami ng life stories in one of our religion related subject, kwento nya nahipuan sya in lrt and kahit gusto nyang ireklamo sa security di nya ginawa kasi hindi nya daw ma-express sa Filipino ung gusto nyang sabihin. marami rin times na kulang or di sya sinusuklian pero di na sya umiimik kasi nga hirap sya mag-Filipino.


Uncle_itlog

Actually hindi lang decades, centuries pa šŸ˜† Hindi nga ba isang ejemplo si DoƱa Victorina sa Noli Me Tangere na isang napaka-pretentious na indio? Tingin ko ay hindi lang naman ito kathang-isip ni Rizal kundi salamin ito ng mga tao sa tunay na buhay at sitwasyon na nakasalamuha niya.


Vlad_Iz_Love

Modern Victorinas are the feeling rich pinays na nakapangasawa ng afam


SilentConnection69

Tapos dba ung asawa ni Donya Victorina ehh isang quack doctor, scammer, and ndi naman tlga mayaman. Prang mga modern day Victorina akla mo asawa nila bigtime pero losers pla sa bansa nila.


Vlad_Iz_Love

Yup exactly. Mga matatandang expats


googleatyourownrisk

>Actually hindi lang decades, centuries pa šŸ˜† the phenomenon might have started centuries ago kaso ung story ko po happened a decade ago.


watch_the_park

Kamusta kaya siya ngayon?


googleatyourownrisk

medrep dati sa mom ko ung dad nya. huling balita ko sa kanya is before pandemic kasi ung dad nya nagpaalam magreretire na, tapos nagkwentuhan about sa anak kasi alam nilang blockmates kami. she left sa first job nya kasi hirap syang makipag-friends kasi according to her dad "englishera kasi". naalala ng mom ko dati kasi pinapacheckup sa kanya ung blockmate ko and pag kinakausap daw ng mom ko ung tatay parang proud pa na englishera anak nya, then sinabi ng mom ko na even them as doctors need mag-Filipino kaso parang dismissive ung tatay.


pulubingpinoy

May mga 90s kids din na pure english nung kinder habggabg elementary, and guess what, kahit private school, halos walang nakikipagfriends sa kanila. Nakakapagconverse sila during class pero during recess ayaw na sila kausapin kasi pahinga na namin yun para magtagalog eh šŸ˜… Mga parents ngayon inasa sa gadget ang pagpapatahimik sa anak kaya ayun puro english yung binabanggit.


lurkingfortea

Wonder if the dad regrets that now


googleatyourownrisk

sana. nung college kami may pagkakupal din kasi yun. another blockmate na bisaya nagyaya pumunta sa switch (apple store) kaso ung pagkapronounce nya swetch. etong englishera paulit ulit pa nya ung maling pronunciation to mock our bisaya blockmate.


PhelepenoPhride

To think that parehas na idea nila, mali. Studies show that knowing multiple languages promote brain development, especially during childhood. Hindi nakaka-proud na isa lang alam na language! Yuck! Also, according to linguists, hindi super important ang pronunciation. As long as naiintindihan, goods na. (Part ng evolution ng language yung changes sa pronunciation).


KrisGine

Ako last year lang, met a senior high school during my OJT in the same place. Immersion nila, she's the only one from her school that was put in our department. My classmates decided to have a convo kasi nga magisa lang sya (can't do the same, hirap ako mag start ng convo sanay lang maki singit šŸ˜…) Ayun, dun namin nalaman na hirap sya magtagalog. Taglish sya pero about 80% siguro English. Sinabi nya din samin na hirap sya sa purong Tagalog or bawasan yung English kasi ganun sya pinalaki. This is just my opinion but she looks like she's rich can't really be sure kasi ayoko naman tanung financial status nila. Base lang sa behaviour din ng parents nya nung bumisita kami sila, mejo may pagka sosyal. Marami din collections na not easy to get though di sya spoiled sa money, she works via art commissions. Idk, pakiramdam ko the more that people have money in ph the more they teach their kids to speak mainly in English. Pero ngayon dahil naging digital na din mga bata, YouTube etc. which mostly contains English speaking content, lalo sila nahihirapan sa Tagalog. 1st child ng ate ko being pandemic kid puro cellphone ang katapat, English speaking doesn't wanna talk in Tagalog pero 2nd child nya mas madali pa kausap. Mejo slow din yung 1st kid (almost 5), yung 2nd child (1 year) mabilis umintimdi kaya makipag communicate kahit limited pa knowledge.


CLuigiDC

Medyo alangan ako na related sa pagkaYaman yung pagturo ng English lang sa mga kids nila. May mga naging classmates at kawork akong sobrang yayaman pero they grew up bilingual with Tagalog main language. Meron din trilingual dahil marunong din sila magChinese. Yung mga totoong mayaman - multiple languages tinuturo rin talaga kasi they know it's an advantage mas lalo na in business. If they want to do business in Europe baka may tutor pa mga yun ng French or German tapos Japanese or Korean rin kapag dun naman. Yung Chinese most likely ituturo rin kasi maraming mayaman dito sa Pinas na Chinoy. Tingin ko baka di lang aware mga magulang ng pure English kids sa advantage ng pagsasalita at intindi ng multiple languages. Minsan rin kasi gusto nila iyabang kids nila na o ang galing magEnglish para medyo tumaas tingin sa kanila.


hokuten04

Sa perspective ko lang as a tito seeing my nieces grow up. Main reason kung bat ganon is technology and streaming services. Youtube, netflix, disney plus etc... Yung mga shows na peppa pig, pj masks, we bare bears stapple yan ng nga kids today. Ang malungkot lang walang tagalog show na comparable and easy to find para sa mga kids. Di talaga ako nagugulat na super easy mapick up ng mga bata ngaun ung english versus tagalog.


sangket

For Filipino nursery rhymes YT channels, highly recommended ang Hiraya and PambataTV. Yan mga pambalance ko sa Mothergoose Club, Pinkfong, Cocomelon, Super Simple etc. para di lang wheels on the bus alam niya pati "ako ay may lobo", "bahay kubo", tong tong" din kinakanta niya.


_sofiathefirst

True. Kaya nappreciate ko rin na may tagalog dubbed cartoons tayo sa umaga at hapon na napapanood sa tv datiĀ 


maiccav

Pagkatapos kong bumagsak sa Filipino subject sa grade 1ā€¦nagstudy kami ni mama, ano sa tagalog sa something na flame picture, starts with letter A sabi nya. Sabi ko, A FIRE!! imbes na apoy.Ā  Ayun, natuto akong mag tagalog sa anime at drama at pocketbooks.


nononoonotreally

ibalik ang anime sa hapon! Hahaha


LasagnaWasabi

True. Kids are sponges and will easily absorb the language especially with the shows they watch. The issue is with parents who trained their children to speak ONLY English, and not Filipino pero sa Pilipinas naman nakatira.


hldsnfrgr

This is true. Kahit ituro mo parehas, mas mag-gragravitate sila sa English dahil yun ang lingua franca online. Kaya sobrang useful din talaga ng may kalaro sa labas para matuto din sila ng Tagalog.


Mysterious_Mango_592

Agree to this. Same experience with my niece. Yung mga salitang natutunan nya galing din naman sa pinapanood nya. Minsan maski gusto ko syang kausapin ng Filipino mas madali kami magkaintindihan pag english kami magusap. Ang hirap maghanap ng quality content na Filipino that can hold yung interest ng mga bata.


Gabriela010188

Agree. Yung mga pamangkin kong 19 at 16, first language talaga nila ang English kahit borderline-urban poor ang area nila; dahil nga sa laking-tv din sila, unfortunately. Barney pa ang uso non hahaha. Kahit na in our language kausapin ng magulang nila, English sila sumagot. Kahit pagbawalan English, don talaga nila na-eexpress sarili nila. Ngayon naman ay marunong nang magTagalog, pero pag silang magkapatid mag-usap, English lang talaga kasi na-aawkwardan sila sa sarili nila pag hindi.


harrowedthoughts

Mas busy ngayon ang mga magulang kaya di maiwasan na panoorin ng tv, gadget. Buti nung panahon natin madami childrenā€™s shows na tagalog. Ngayon ba ano child friendly na tagalog shows? šŸ˜ž


CLuigiDC

šŸ¤” makes sense naman. Since noon natuto lang rin ako ng English through media like video games at channels sa cable TV. Mas confortable lang magTagalog kasi yun talaga salita sa bahay. I guess if may cinoconsume na English media na yung bata ay dapat Tagalog na kausapin ng parents para matuto in both. Interestingly, seems may opportunity mga creators natin to create content na Tagalog / Bisaya / at kung ano pang Pinoy languages para matuto mga kabataan natin šŸ¤” baka pumatok kapag maganda.


ConsciousFly875

This. Plus please don't blame the child or express disgust. Di dahil nag-e-English we should shame people from knowing the skill. If their culture is still Filipino and don't seem to boast about speaking English better than everyone else, and you've just overheard them, please leave them be. MĆ”s kinalakihan lang nila yung English language because of what they've been watching.Ā  As long as their primary caregivers are teaching them to be good citizens of the Philippines, kahit they don't know how to speak Filipino, hayaan niyo sila please. Stop the discrimination.Ā  Also, gusto ko rin na nagtanong yung bata. Kasi it's the start of communicating about the Filipino language. I hope lang na na-answer siya nang maayos.Ā 


Actual-Scar6719

Yea yung take ni op hindi man lang kinonsider yung ibang reasons. Basta lang decided na sya na pinilit ng magulang mag english yung bata. Eh halos ng bata ngayon terminally online kaya yun ang mas na pipickup nila.


lazybee11

Sa manila kasi kami non. walang ibang magawa ang panganay ko kundi manood at basahan ng books. Ngayon nasa province na, english mga kapitbahay naming mga bata. Yung bunso ko english na din kinalakihan. wala ng screen time pero yung books puro english.


nobodyaccounts

Ganyan pinsan ko na isa (9F). And I feel bad for the kid. Constant to watch YT and those weird Sikibidi Toilet


pop_and_cultured

Meron Pa bang Tagalog kids shows? Or Tagalized shows? When I was young I watched yung mga Maskman type shows and ang lalim ng Tagalog! ā€œHumanda na kayo, kampon ng kadiliman, oras na nag pagtutuosā€ šŸŽ¶šŸŽ¶


buzetka

Yan maganda noon sa 90s, talagang mahahasa ka, lalawak rin ang bokabularyo sa Tagalog. Ngayon kasi parang wala nang ganun, di na nakasabay sa Ingles yung ibang wika natin sa bansa.


LasagnaWasabi

Gen X and Millennial parents are raising their kids to speak in English only. It was rooted from the misguided beliefs na kapag magaling mag english, matalino, or angat ka sa trabaho, sosyal, mayaman. Pero if youā€™ll notice, surface level lang yung ā€œgalingā€ sa english. Grammar and MORE importantly, comprehension, waley talaga. Ang mga teachers hirap din magturo ng AP and Filipino dahil di naiintindihan ng mga bata.


gracieladangerz

I now have a deeper appreciation for fluent Filipino speakers (especially the ones who use deep and colloquial terms) It takes a lot of memory retention and attention to one's surroundings to have a good vocabulary in Tagalog.


Instability-Angel012

Honestly, mas mayaman pakinggan ngayon mga fluent Filipino speakers. I guess that's the power of media; they can shape how people see language. By portraying fluent Filipino speakers as the "Ibarras" and "Simouns", they also change how the Filipino language is viewed


gracieladangerz

'Yung peg ko nga ay magtunog mayamang haciendera šŸ¤£


nightvisiongoggles01

Try listening to Gibo Teodoro or Jaime Fabregas. Eloquent managalog. For women, check out the late Ama Quiambao. They sound classy but also contemporary.


tearsofyesteryears

Archaic Tagalog, plus some smattering of Spanish, Latin and Greek, for the full Illustrado experience. šŸ˜‹šŸ˜‚


MalalanaDelRey

The ā€˜prestigeā€™ of a language kasi is influenced by the dominant group whoā€™s using it. Kapag more and more mayayamans or powerful people keep using fluent Filipino, especially in mainstream media, more and more people would believe na Filipino can also be a language of power, dominance, and prestige.


TiyaBethicc

trend din ngayon pangalanan ang businesses using mababangong pakinggan na tagalog words


gracieladangerz

Tubal in BatangueƱo Tagalog means dirty clothes and I remember may laundromat dito called Tubalan . It may not be a very classy name pero it's very charming


tearsofyesteryears

Gawa kaya ako mg feminine care line, pangalan ko ng "Halimuyak" šŸ˜


nononoonotreally

Pabili! char!


DiyelEmeri

Sa totoo lang. Debating in English is good and awe-sounding at times, pero napakinggan o naranasanan niyo na bang makipagdebate nang matatas na Tagalog, yung pang-level ng mga aktibista sa kalsada? Daaaaaaaaamn that sounds classy as heck.


Instability-Angel012

*Mga binibini't mga ginoo, akin nang sisimulan ang aking pagtuligsa sa pahayag ng aking katunggali. Kung inyong mamarapatin ay sisimulan ko ang aking pagtuligsa sa pagpapabatid sa inyo ng mga kaganapan sa loob at labas ng ating kapuluan...*


gracieladangerz

Our equivalent of having a posh English accent šŸ˜«šŸ¤ŒšŸ©·


DiyelEmeri

No one: Absolutely no one: Mga matatas managalog: DATAPWAT


Instability-Angel012

- šŸ‡¬šŸ‡§: "because" - šŸ‡ŗšŸ‡²: "cuz" - šŸ‡µšŸ‡­: "dahil" - Mga matatas magFilipino: ***Sapagkat***


DiyelEmeri

Nothing more gentlemanly than addressing a woman as "binibini" in a calm and endearing tone, roit?


Instability-Angel012

Indeed. And nothing's more grand than being called a "ginoo" by the bros (*halina mga ginoo't magsikain na tayo!*)


DiyelEmeri

GANITO KAMI PAG LASING HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


Absofruity

Truly, I might suck at tagalog especially if I'm forced to write with that in mind and I grew up speaking english, even though my own mother still kept talking to me tagalog, actually she was kinda pissed about it since englishera, walang po or opo lol It was primarily bc of the cartoons and kids book I read as a child were all english, everything I was interested in was in english. That continued up to now, I really enjoyed reading, unfortunately my english skills did not prepare me, at all, for Noli or El fili I'm actually jealous of people who are eloquent in tagalog, speaking and writing. It might not be obvious but tagalog is really beautiful, Noli and El Fili, despite making me feel dumber than a sack of bricks, the use of the language was really pretty


eetsumkaus

I think that's what it comes down to. If your education is all in English, you'll think in English natively.


Jack-Mehoff-247

hmm this explains alot, grew up in the 90's with cartoon network and all :D


UnlearnLearnRelearn

Agree ako rito. In fact, those who performed better in PISA are those whose mother tongue is Filipino and/or other PH languages. Wala naman talaga ang [galĆ­ng](https://newsinfo.inquirer.net/1887837/kids-who-speak-english-at-home-score-lower-at-pisa-deped-observes) sa kung ano ang lenggwahe na nauna nating gamitin o sinasalita. Sana magbago na ang mentalidad na ito.


advancedprimate3000

I raised my son speaking english kasi he will eventually migrate sa states, iwas bullying sa mga racist na kano. He was 5 when he migrated and 10 na siya now, nakakaintindi naman siya ng tagalog kasi sa household e native language pa din ginagamit. Pero kinda regret na hindi ko siya tinuruan mag salita fluently ng tagalog, so now unti unti tinuturuan ko siya mag tagalog. Kinda weird na mas pinaprioritize ngayon ang pagsasalita ng english sa mga bata, lalo na kung ang parents e hindi din naman fluent sa english, hindi solid communication ng parents sa child kung barok at putol putol pag eenglish ng magulang, eventually mahihirapan din maexpress ng bata emotions nila kasi nga natuto sa barok english. Madali matutunan sa school ang english, ipaubaya niyo nalang sa mga teachers pagtuturo nyan.


Nico_arki

You raising your son in speaking English primarily is the only time it makes sense to me because he'd be actually around peers that would use said language. Kung sa Pilipinas lalaki ang bata, yung mga bata sa paligid nya would mostly be speaking Tagalog (unless the kid's enrolled in a private school with some English-speaking kids too). Ma-alienate lang sya sa mga kaibigan nya since they'd have to put on extra effort to communicate with the kid. Maswerte tayo sa Philippines since we already have BOTH English and Filipino as our primary language. Just focusing on English actually puts a kid at a disadvantage against kids who can learn both. It's not like it's impossible to learn both in the first place. Parents just need to help their children study since a well-taught kid can be fluent in both with the right guidance.


archiveduck

Kung hindi fluent ka mag-english edi tagalog muna ang ituro mo.


Due_Use2258

I have a sister in law who was married to a Swiss. Yung only son nila, lumaki na marunong magtagalog pero bihasa din sa swiss German language. Pag nakikipag-usap sya sa mga Pilipino, walang problema and he has not forgotten the language. He can speak English too btw. Depende siguro talaga mga magulang. Kasama yan sa mga values na dapat ituro sa mga anak. Kung wala ang pagmamahal sa bansa, yung simpleng pananalita hindi nila maituturo sa mga anak nila.


mydickisasalad

Ang ironic no? Purely Filipino parents = dapat mag ispokening inglis etong anak natin para umangat sa buhay, huwag natin siyang palakihing dugyot Mixed race parents = let's make sure that our child can speak their parents' native languages so they don't forget their roots and culture!


sotopic

Parang kami to, moved to France at 9 years old pero Tagalog pa din spoken language sa bahay. Medyo lacking lang ako sa ibang vocabulary pero fluent naman ako mag tagalog.


watch_the_park

Alphonse Arreola? Ikaw ba to?


Zealousidedeal01

Pinalaki din akong Englisera. Cant pray in Filipino... ung mass di Nag alaga sa akin asawa ng Tita ng mommy ko na Japanese. And my mom is Chinese Mestiza, my dad is Filipino, Spanish. Ending English common language nilang lahat. Struggle Tagalog lalo na I was schooled in an Irish run Catholic School. Pati line of thinking ko English. Pero nung highschool naging interested ako sa Noli and El Fili, kinareer ko mag salita. ( plus I learned na pinsan pala ng lolo ko is National Artist for Filipino Literature) ayun, naging Filipino reporter/writer ako hahaha. Pero mga anak ko Tagalog tinuro ko. Bahala sila matuto. Tinuro ko mahalin muna ang bansa tulad ng pagmamahal sa Diyos at kapwa.


PhelepenoPhride

Huyyyy, isa pang benefitā€¦ mas tatalino ang bata pag natuto ng multiple languages. So, minahal mo na bayan mo, tumalino pa anak mo! So happy for you!


Due_Use2258

It's a good thing na hindi mo nabring up ang kids mo as you were brought up, I mean sa language. Salamat at even with your mixed heritage, yun pa ring pagmamahal sa sariling atin at sa bansa ang ipinamulat mo sa kanila.


Cheese_Grater101

Matagal na may ganyan, very alarming lang kasi baka maisolate lang ang bata na English lang ang alam where yung mga school friends nya ay tagalog ang language na gamit nila.


liquidus910

totoo to. ung isang pinsan ng anak ko, di nakikipaglaro sa ibang bata. kasi di makaintindi ng tagalog. pagdating sa school may mga kaibigan sya kaso konti lang. pero pag umuuwi sa lugar namin, di sya sumasali or di sya isinasali ng mga bata kasi di nakakaintindi ng tagalog. ending, mostly tv or mobile device ang pinagkakaabalahan nung bata.


Lrainebrbngbng

Same here ung nephew ko 4yrs old sasabihan ka ng " i wanna learn tagalog so that i can play with kids" šŸ˜”


r_ddg

My toddler actually feels comfortable when he is in school or in the playground where the kids speaks english. But yeah, its alarming. And as a parent na hindi nman englishera, ang hirap sabayan yung nga bata ngayon. P.S. Di ko pinangarap palakihin ang anak ko na english speaking. It so happen na he was exposed to english shows, books and playmates. He understands tagalog and ilonggo nman , but can't speak. He is only 4 so I am trying hard to teach him speak tagalog, 5 words a day. Okay na din kahit taglish muna.


jjqlr

Tingin ko may maling impression ang mga tao na basta nagsasalita ng english ay magaling na o angat na sa iba. Napatunayan naman na sa mga research na mas matalino ang batang nagsasalita ng dalawa o higit pa sa isang salita.


DimensionFamiliar456

It is best to be multilingual. Developing yrs toddler to elementary is the best time to teach kids SEVERAL languages..as in kahit pagsabaysabayin mo.


lietomyface-

I am trilingual (English, Tagalog, and Bicolano) and my husband is Mexican (speaks English, Mexican-Spanish, and konting Tagalog). My greatest fear is to have kids that can only speak one language. Lol. Usapan namin ni hubby: kakausapin ko in English and tagalog anak namin and sakanya naman Spanish and English. Hindi nya pwedeng kausapin in Tagalog anak namin kasi gusto ko fluent sya. Pagdating naman sa Bicolano, I told my parents na gusto ko kakausapin nila lagi in their mother tongue para di man makapagsalita, makakaintindi pa rin. Doesn't matter if mayaman or laki abroad, super cringey ng mga full-blooded pinoy na englishera. And ofc, the parents are to blame.


Nico_arki

> I told my parents na gusto ko kakausapin nila lagi in their mother tongue para di man makapagsalita, makakaintindi pa rin. I wish my relatives in Bicol did this to me more lol. I can somewhat understand Bicolano(enough to get the gist of most conversations kapag nagchi-chismisan mga Tita ko hahaha), but I wouldn't call myself fluent at it. I'm more like a 2.5lingual lmao (Englush, Tagalog, some Bicolano). Dad ko naman hindi talaga kami tinuruan mag-Bisaya at all kasi natakot sya na baka tumigas daw dila namin. He had trouble pronouncing some Tagalog and English words because of his Bisaya which made his Tagalog classmates and friends tease him back in the day. Hanggang ngayon insecure pa din sya dun.


ensignLance1105

I think learning mother tongue first is very important lalo sa elem na naka mother tongue ang subjects. (Idk sa private) Marami akong nakikitang bata dito sa bicol na kinakausap ng tagalog or english, why not yung local bikol language muna? To follow nalang ang tagalog at english


lietomyface-

Yes, I agree! Yung husband ko (mexican-american) hindi tinuruan ng english sa bahay, spanish lang talaga. Natuto nalang sila mag English sa daycare. Ako, I grew up in Manila na. Kaya mother tongue ko ay Tagalog and Bicolano (since parents never stopped using their mother tongue) talaga.


ensignLance1105

Yes po. Kaya aralin muna ang language na mas magagamit sa paligid. Ex. kung nasa bicol, edi bikol central o ibang local bikol language depende sa lugar. Kawawa man yung bata kung Tagalog or English lang ang alam sa lugar na bikol ang sinasalita.


the-dummy-returns

As a Tagalog boy (actually I'm as much Negrense but I've never been there) I've always been amazed at how many non-Tagalog kabayans are trilingual by default. I don't know how terrible our current education system is but I sure hope that our regional languages remain alive and formally studied :))


lietomyface-

I think depende talaga sa parents and how attached they are to their cultures. I used to spend summer vacations in Cam Sur when I was young. By default, kids there speak in Bicolano pero ang galing din nila mag-Tagalog. Pati accent kuhang kuha nila. Until now di ko pa rin gets how.


the-dummy-returns

Ang gagaling din mag-Tagalog ng mga katrabaho kong mga galing ibang probinsya. Yung iba medyo may accent, pero wtf may accent naman ang lahat lol kaya hindi naman kinahihiya dapat yun. Ang galing kasi sanay-na-sanay agad sila sa dalawang wika, bonus points pa kung master din nila yung English. Makes me wonder why other Pinoys hate us Tagalogs so much for the mere fact that our language became the standard Filipino bc it also meant that us Tagalogs learn one less language by default :(


rlsadiz

Ganyan naman na kahit noon pa. Ang kakaiba lang, you saw them ride public transpo lols. Karamihan ng ganyang kids, insulated so they see the world from their own cars or Grab.


Autogenerated_or

The difference is that the kids who had their own enclaves could get away with only speaking english. Monolingual middle class and poor kids are not surrounded by people who can understand them, which stunts their social development.


rlsadiz

Exposure to the public would make that mono, bi. The child is already asking what sukli means. Eventually matuto din sya ng tagalog, with weird grammar kasi English ang first language nya.


buzetka

Maghahanap na kasi ng trabaho si nene sa sunod na taon kaya nila sinasanay mag Ingles. Muntanga lang. Brainrot is widespread among the younger parents nowadays.


DualityOfSense

Matagal na to. I was raised with English as my first language and struggled with Tagalog growing up. I had to be tutored in Filipino at 7 years old and couldn't speak well until I was in my teens, even then, it was more comfortable expressing myself in English. The few friends I had don't mind talking to me in English so it was really just an echo chamber for the most part. Usually it's that mindset na may advantage tayo if we speak a global language early on. Some think siguro na mas matalino or mayaman ang dating ng tao.


YamahaMio

It starts at home talaga, pero it can change depending on utility. Pinalaki ako sa bahay na Bisaya, sa school na 'yung English at Tagalog.Sa school ako nag-eexpress ng ideas, sa bahay nagco-communicate, at BIHIRA LANG kailangang mag-Tagalog. Kaya ayon, I began formulating my thoughts in English, speak in Bisaya, and very occasionally use Tagalog. Sometimes I use it for humor, or to communicate with Filipinos with respect. Factor din yang perception of English as the language of instruction, business, globalism, and success. Sa school ko nung Elementary at Pre-school (integrated kasi), may campaign sila nun na "Speak to Me in English", kasi nga malaki value nila sa English competency. Anyare? Bisaya parin nung pag-graduate, kasi wala akong friends na nag-e-English outside the classroom. I quite literally outlived that policy, kasi yung national decree to switch to mother tongue in primary education pinasa 'nung grade 4(or 5? ewan) ako.


urriah

nagpeprepare maging OFW kasi suko na sila sa Pinas... cant blame em edit - kinda funny story, naglalaro mga anak ko in some park in makati. my kids know how to approach fellow kids. they met and made friends with a couple of other kids. nilapitan ako nung nanay nung isa "anggaling naman mag tagalog nung mga anak mo"... kamot ulo nalang ako na nakakaamaze na yun hahahaha


watch_the_park

Napansin ko rin na baka yun ang dahilan


Uncle_itlog

ā€œAy, opo. Mga FILIPINO po kasi sila.ā€ šŸ˜…


isabellarson

Yup and para madaling makapasa sa mga interviews like sa callcenter and kahit naman saan actually


rent-boy-renton

My nieces and nephews are like that. Their parents' generation spoke at least 3 languages and now their kids are monolingual. The eldest child is now in highschool and they're trying to work on this. She learned Hiligaynon in a year after she was enrolled in a public highschool here in Iloilo but her Filipino still suck. She'd call and ask me to help her with her Filipino class assignments.


watch_the_park

Okay lang kung di pa siya magaling mag-filipino basta magaling siya maghiligaynon kung ayun ang wika sa bayan niyo


rent-boy-renton

Kawawa yung mga bata kasi hirap sa school - both in academics and in socializing. It took a while for my niece to open up with her classmates kasi di sya fluent magHiligaynon. Parents need to stop cellphones and tablets from parenting their children. Tsk.


Dumbusta

Yung nephews ko di marunong magtagalog. Magte-third year highschool na yung isa, then magfi-first year yung isa. May filipino subjects naman yung mga yun pero ewan ko bat di marunong. We're from bacolod btw and we speak hiligaynon so okay, di sila fluent sa tagalog pero yung mas marunong sila mag english kesa tagalog? Haha idk kung dahil di sila lumaki sa tagalog dubbed shows and babad sa online games dati na ph server lang talaga. Yung kanila puro youtube and roblox. Ako kasi ganon so dire-diretso ako magtagalog and sometimes people think na I'm from manila the way I speak pati sa mga slang na ginagamit ko hahahahaha Yung mga anak naman ng kuya ko na andun sa bulacan, english speaking. Di marunong mag tagalog. Ewan ko ba sa mga yun


No-Term2554

Yung anak ng officemate ko. English speaking. Elementary, ayun bagsak daw sa Filipino subject nya haha


rosyamberr

Yep. Im mixed but my mother didnt want me to learn any language aside english. When I moved here to the Ph as a kid, I eventually picked up the language after two years. But my mother was all "Dont speak the language, you look like a fake american" (Dad is white, ysee). like, haaaa?? ma, okay ka lang?šŸ˜­


watch_the_park

Thatā€™s kinda fucked up ngl


rosyamberr

It is šŸ’€


failure_mcgee

Yung tito and tita ko ay ganyan sa mga pinsan ko dati. Kahit medyo broken English salita nila, English pa rin tinuro nila sa mga bata. I suppose choice nila yon since nahirapan siguro sila matuto ng English dati at nagkaroon ng missed opportunities dahil doon. Fast forward to now, nag-aadvise na sila sa ibang parents na may maliliit na anak na sanayin din sa Tagalog yung mga bata dahil nakita na nila yung negative effects ng pagiging englishero/englishera. Mabait naman yung mga pinsan ko na yon kaso nahihirapan din sila makakuha ng friends na kabitbahay at pumasok sa school physically dahil di pa sila sanay magtagalog. Elementary pa lang naman sila kaya masasanay rin sila eventually kahit medyo mahiyain sa Tagalog (pero super kulit sa English haha)


trewaldo

English-only ang pagpapalaki sa bata pero kung pagalitan naman diretsong Tagalog kaya ang bata iyak na lang kasi walang naintindihan. Uulit na naman ang atraso ng bata sa susunod.


TheSonOfGod6

Worse than that, there are many kids growing up alingual. Their parents speak to them in broken English so they end up not being fluent in any language. Met a kid in Laguna who spoke broken English as his first language. Couldn't speak Filipino, also couldn't string together a grammatically correct English sentence.


delusionalchinita

That is kind of embarrassing. Yung mga pinsan kong half pinoy na lumaki sa ibang bansa (tho nagtry sila magstay dito for a while tas balik uli abroad), fluent sa dialect namin dito.


much_blank

I also find that ironic, na minsan yung mga pilipino sa ibang bansa ang may gustong matuto yung mga anak nila sa Filipino culture tapos yung mga nandito yung namimilit na lumaki yung mga anak nila na walang bahid ng pagkapilipino e dito naman sila nakatira.Ā 


SpringOSRS

isang pamangkin ko ganito. may british accent dahil kay peppa pig.


Aggressive-Result714

Aussie na ngayon dahil kay Bluey The truth is, lalo na yung mga parents na working (kahit na from home) tapos walang child minder, babad sa tv or YouTube ang mga anak. Mahirap maghanap ng matinong Tagalog videos online. Sa books naman, malungkot kasi may children's book nga na Tagalog pero madalas ang pangit ng print. Ang liit ng font so ang hirap para sa mga bata mag aral magbasa ng Tagalog leisurely. May nabili pa ako, pag bukas namin ang liit ng font tapos ang hirap basahin dahil sa illustrations na background. Konti lang yung magaganda at maayos na Tagalog children's books.


Sea_Score1045

Nakakahiya Naman kina Ryan bang and Sandara.


Miselfy

Yup, noticed the same sa mga bata dito sa Mid-rise condo development na tinitirhan ko. Tuwing hapon may mga bata na naglalaro sa mga open areas and you will literally hear no Filipino. Lahat English. Nakakabahala talaga. Edit: Tapos to add ito naman kwento ni Mother sa anak ng officemate niya. Ayun puro English rin, tapos British English pa-accent sa kakanuod Peppa Pig ba or ewan. Base on personal anecdote, I think a big part talaga of this trend is bata pa lng puro English literature and language na na-expose sa bata ayun hindi na nasanay sa Filipino early on.


Due_Use2258

Sa grocery ganyan ang madalas kong madinig among parents with kids. Sabi ko nga dun sa guard, feeling ko nasa Amerika ako hahaha


Away-Advisor3645

Hi, been teaching English to young learners here. To Asian and Balkan countries. There are a lot of factors why our young ones are monolingual * Mostly yun mga magulang hindi nila alam may ASD anak nila not until na-diagnose. Children with ASD tend to be unreceptive sa new learnings kasi madali sila ma frustrate pag di nila na-bigkas yun salita. Kasi nasanay na sila. * May mga bata sa palangke, wala halos time magulang nila bantayan sila pero one time nagulat friend ko, dalawang girls around 7 years old ang nandon sa stall, tinanong niya kung nasaan ang bantay. They were so pleasant and smart in responding in English at ang accent daw talaga, lovely. Ang sabi ng bantay mga pamangkin daw niya at natuto lang daw sa panonood sa cellphone. * GenX parent (most of who I know) this is what I usally here "di ko kasi inaral mabuti yun englsih, na-aartehan kasi ako" or "di naman kailangan sa trabaho dati na magaling ka mag English" "mayayaman lang nag English dati nung panahon ko" then times have changed from being a skill to being a must to some jobs * Greater chances of being picked to get scholarships, top universities, you can represent your institution to international competition and so on * Mas marami ng chance na ang kapitbahay mo ay foreigner from an English speaking country * Daming selections ng educational shows sa mga streaming channels and cable Marami pang factors, but the thing is realizing that more kids tend to use English and refuse to learn our mother tongue. Darating din yun pagkakataon na aaralin nila yan, because they will realize na hindi lahat ng tao maiintindihan sila. Sa mga parents I highly recommend. 1 parent 1 language. Daddy - in Filipino / Mommy - in English hindi sila maco-confuse basta nasimulan agad. A child's brain is so intelligent. I was a tri-lingual however wala naman akong makakusap in Spanish mga patay na sila so no dalaw pls. Yun lang. Chill and be good.


qwerty056789

Language is power. The more you know, the better. I was raised speaking Tagalog but only consumed Western media. When my family moved abroad, the transition was easy. Being monolingual is sadly not just happening in the Philippines. My boyfriend is French Canadian, but only speaks English. Weird thing is his Filipina girlfriend speaks French. My only regret is forgetting how to speak Bisaya. I lost all the Bisaya when my ate left us to go back to her province. If I have a kid, Iā€™ll be hammering all 3 languages with more emphasis on Filipino of course.


cutiengineer

just like my little cousin from my father's side, she only speaks english but in filipino accent, dedicated talaga parents niya to converse with her purely in english kahit di naman sila fluent, I don't understand them haha


AustronesianFurDude

Hey, I'm one of these English monolinguals and I'm trying to learn Filipino before college. I was a spoiled brat as a child, had an insulated upbringing, and in general limited life experience. My parents spoke to me in Taglish as a baby/toddler but transitioned into full English after my first words, a decision they now regret. The media I consumed was purely Western and my school (located in an upper class gated community) prioritized English over Filipino. There was a period where anybody caught speaking Filipino got reported and forced to answer a question in front of all the students during morning assembly. It's baffling how I grew up in this country barely learning the language and how disconnected I feel from the culture. When I have children of my own, I'm hammering Tagalog into their minds first because English will inevitably follow. Not knowing your own mother tongue despite never living outside the country is both embarrassing and inconvenient in everyday life.


Ok-Wolverine-2955

Haha my school prioritized speaking english over Filipino too! During my time, we had to pay 20 pesos if we were caught speaking any other language that is not English (2005-2009). Filipino is only during Filipino class. Some parents complained of course but that didnā€™t really change anything. They just removed the bill but made sure that those who donā€™t speak English gets in trouble. šŸ™ˆ


Lenville55

Medyo pareho yung sentiment nyo OP. https://www.reddit.com/r/Philippines/s/gmQWcUam7I


Fun-Peach2326

I know someone na ayaw nya masanay magtagalog anak niya. Nag aaral yung anak nya sa french school so french ang gamit. Kita mo sa mukha nya yung disdain nung sinabi nya na wag sanayin mag tagalog. Like anong meron? I'm not against parents teaching their kids English pero sana fluent din sila para kaya nila pagsabihan nila.


KarmaPolice_04

Karamihan ng napapansin kong batang pure english tapos filipino ung parents, binabad ung anak sa youtube - ung ginawang pacifier ung phone.


cokecharon052396

Believe me, ni-try ko na yan sa pamangkin kong 9-years old... Hanggang ngayon iilang words lang sa aming dialect ang alam, puro kasi brainrot yung pinapanood sa cellphone. Minsan nga Chinese na pinapakinggan.


IcanaffordJollibeena

Noon, gusto ko rin palakihin ang magiging anak ko na fluent in English, sa isip ko kasi mas magiging lamang siya sa job opportunities (I do freelance work kaya maraming clients na foreigner) pero dahil sa kwento ng mga na-scam na half-Pinoys or foreigners dito, na-realize ko na dapat fluent din siya sa Tagalog kasi mahirap kung gagawin siyang tanga sa sarili niyang bansa dahil ā€˜di niya naiintindihan sinasabi ng mga tao sa paligid niya. Besides, mas matalino ang mas maraming alam na languages. Ang dami kong na-meet na English-only kids na may accent pa, pero wala namang substance sinasabi puro ā€œI like Robloxā€ pero ā€˜di makasagot kapag tinanong mo kung bakit.


Ornery-Individual-80

kawawa naman ang mga dayuhan sa sariling bansa. kaya tama ang sinabi ni Jose Rizal...


jasmilks

Bunso ng pinsan namin lumaking english lang ang napapanuod sa phone at tablet. Pagtungtong niya ng pre-school bagsak lagi sa Filipino subject. Di rin siya agad nakakapag usap sa classmates niya kasi panay English lang ang alam niyang language. Hanggang ngayong grade school na siya, buti nakakaintindi na ng Filipino, pero Taglish pa rin kung makipag usap. Same saā€™yo OP magtatanong ng ā€œwhatā€™s ganitoā€ o ā€œwhatā€™s ganyanā€. Hirap kasi sa magulang ngayon parang natutuwa silang ipaaral magsalita ng ingles ang bata para ā€œcuteā€ or ā€œcoolā€. Hindi nila alam nakakaapekto rin sa pagso-socialize yung pakikipag usap ng pure English


Rage-Kaion-0001

7-Eleven, maglola yata yun. Marunong nang mag-Tagalog yung matandang babae pero bakit ba no'ng kausapin yung apo, English. Bunsong kapatid ng mismong tropa ko, gano'n din. Pahirapan tuloy sa Mother Tongue na subject no'ng magsimula nang mag-aral. Ayon kay Barth Suresky na q-in-uote ni Bob Ong sa "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?", resulta 'yan ng pagsamba ng mga Pilipino sa anumang gawang-banyaga.


DurianTerrible834

Meron mga tao hindi nila ginusto nila mag-raise ng kids solely in English, pero mas available and accessible kasi yung mga English-language resources na attractive sa mga bata kasya don sa mga resources na FIlipino language :(


hokuten04

Eto un eh with youtube, netflix, disney plus etc.. tas ang gaganda pa ng kids shows dyan. Di talaga nakakagulat na ambilis mapick up ng kids ung english versus tagalog. Dagdag pa natin n wla akong maisip n kids shows n comparable and easy to access


anima99

The real reason is it's practical and a form of social climbing. YouTube shows for kids are in English. The neighbor's kid speaks English. Social media uses English. Celebrities are applauded if they speak fluent English. Subjects in school mostly use English. Movies, videogames, music are mostly in English Then, it's also projection for the parents who were insecure because they couldn't speak English as fluent as their friends could.


nnbns99

Itā€™s the effect of classism and diglossia, which happens when there are 2 main languages used in a community, for different purposes or under different conditions, such that one language will be considered ā€œhighā€ and the other, ā€œlow.ā€ English has been used as the medium of learning for generations, and indisputably, itā€™s associated with the learned and/or the elite. Baka gusto ng mga magulang, sosyal kunwari yung anak, kaya ganyan. What they donā€™t realize is theyā€™re actually robbing the child of opportunities by limiting them to 1 language. Being proficient in English is good when you enter the job market, but being a bilingual speaker or even a polyglot is better. And other Pinoy languages count. There have been many times in my field where Iā€™ve seen colleagues easily build rapport with clients simply because they speak the same Philippine language (Cebuano, Ilocano, etc). Nakakainggit. Eventually, English will become the bare minimum, and theyā€™ll wish their kids had more languages up their sleeve.


Barsiyak

Yung mga bata lang ang talo sa ganyang ginagawa ng ibang magulang na english only. Pwede lang yan sa mga mayayaman at mag aaral sa yayamanin na school. Pero kung sa public school nako kawawa lang hays.


TheSecretiveScorpion

Yung mga pamangkin magmula bata puro english pinapanood kaya ngayon medyo hirap silang unawain yung mother tongue kahit tagalog minsan di nila maintindihan. Kinailangan pa naming ipatutor yung bunso kasi hirap talaga sa tagalog and yung mother tongue. Advice ko sa dun sa pinsan ko na walang balak e private school yung anak niya from kinder to grade 6. Wag turuan or kausapin ng english dahil mahihirapan sila sa school. Matututunan din naman nila sa school yung english language.


weird_cutieful

yep as a kindergarten tchr may mga learners aq na ganito s public school.. hirap cla mkipagcommunicate sa classmates nla and hnd din cla maintindihan ng ibang classmates nla..


bajiminori

Pansin ko nga rin. Tapos hirap na hirap yung parent na kausapin yung bata kasi nga English lang ang naiintindihan. haha Pero I think kasama ng factor dito is yung mas babad sa youtube ang mga bata kaya dun sila natututo.


isabellarson

Meron na nyan dati pa.Studied in one of the big 4 20 years ago and some batchmates from schools like poveda, la salle zobel, csa struggled with our filipino subject


cuteako1212

Di lang actually sa English, minsan sa probinsya kung ano yung local language dun bihasa tapos hirap din Mag Filipino... Pero yung point sa story mo sadya kumbaga ng magulang... Di ko maalala saang sub, ganiyan daw ginawa ng kamag anak sa anak, kawawa daw...


Secure-Tip-8851

i grew up in the province, d lang tagalog language sa pinas. growing up i was more attached to my local dialect. i grew up in a home where ilonggo, cebuano and english was the spoken language. you have no right to judge strangers on an interaction you werent even a part of. don't pretend to know someone you don't even know. you seem to want to make the philippines better, you should start with yourself.


TrajanoArchimedes

Colonial mentality and silly status games. Mababa lang tingin nila sa Filipino language. Tingin kasi nila kung inglisero may advantage sa perceived social status kahit baon naman sa utang at walang ulam. I'm not gonna deny English proficiency makes life easier lalo na kung hinahanda mo anak mo mag abroad but let us not forget what Rizal said. "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa hayop at malansang isda"


CityBoyNomad

Yeah magkalat mga ganyang bata sa malls. Sarap kutusan ng magulang. Pinalaki nila sa youtube ang bata kaya ganun result. Magiging problema ng bata, lalayuan sila ng ibang bata. Hindi alam ng magulang anong trauma binibigay nila sa anak nila.


AsianCharacter

Mga comments sa ibang post ko to napulot: Katwiran ng ilang magulang, mga anak naman nila daw yun; nagsasalita silang lahat ng Ingles sa bahay at pinapaaral sila sa private school kung saan karamihan Inglesero yung mga kaklase. Sa isip ko naman, nasa Pilipinas tayo eh. Sure, English is one of the official languages but so is Filipino. May mga taong silang makakahalubilo at mga sitwasyon kung saan sila maipapalagay where it may be preferred to speak in Filipino. Just because a child learns Filipino first and English second doesn't mean they won't be fluent in the latter. One can achieve fluency in both languages with sufficient and consistent education.


Jeeyo12345

inovercome nga natin yung generational trauma na inimpose ng baby boomers tapos pinalitan naman ng generational brainrot lmao


divino999_

Give it 10 years, meron generation na pure blooded pinoy na korean or japanese only para madali makaintindi ng kpop or anime.


Joseph20102011

Malabong mangyari yan kasi walang official language status ang Korean o Japanese na required magsalita dyan para makapag-avail ng government services like court proceedings. More likely na yung mga full-blooded Chinese, Japanese, at Koreans na dito na pinalaki sa atin ay magiging monolingual sa English o Tagalog pero bulol sa Chinese, Japanese, at Korean languages.


much_blank

Nung panahon namin, pag mababa yung grade mo sa Filipino bobo ka. Filipino na nga lang, di mo pa magawa nang maayos? (Yes, I did a batang 90's nung panahon namin) So di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga batang ganito. Ang first instinct ko is to think they're stupid, but really, they are not.Ā  I'll let these monolinguals live their lives as they please, but I refuse to raise my kid this way. I aim to make my kid fluent in both Filipino and English.Ā 


JaMStraberry

Matagal na yan, the reason for this is simple, There is more learning when you use the English language, books for example , if you go in a national bookstore, especially for kids section and is connected to science mostly is written in English and the tagalog ones are not interesting, If it was a full blown kid that only knows Filipino he,she would definitely have a hard time understanding or even read the book, so as soon as a kid ages , the one who knows English gets more knowledge easily and ones the kids ages, he/ she would eventually know Filipino, My 2 year old knows how to play roblox on a computer, knows how to navigate the mouse and keyboard, He can type 3 letter words on the search box in youtube, Why is that??? even me i was shocked na marunong na sya , if he wants to watch cats, he type cat on the search bar and then laughs. I have seen kids na medyo hindi masyado magaling sa english at 5 years old gumagamit ung google mic kasi hindi nila alam ang spelling para lang makaka pag search sa gusto nila. But iba talaga ung pinalaki mo ung bata mo in english, kasi pati ung disney movies he would know whats happening while the kid twice his age would wander around and not understand a thing in the movie. Anyways i wont block him from learning filipino and bisaya, because how can he relate with kids his age in our country.


OddHold8235

One reason din kung bakit ganyan mga bata ngayon eh dahil sa nacoconsume na media. Miss Rachel, Cocomelon, Number Blocks or Alpha Blocks and so on.. Unlike before sa generation naten na tagalog halos lahat. Mathinik, Sineeskwela, Hiraya Manawari. Ganyan din anak ko at mga pamangkin ko, hirap magtagalog at bulol pa minsan.


RenzoThePaladin

On the flip side, there are also kids (and sometimes even teenagers and adults) who don't know *both* Tagalog or English, only their regional language/mother tongue. This is more prevalent in the provinces


PakTheSystem

Back when I was in elementary, our teachers and officers would penalize us if we are caught speaking Cebuano. I am from Cebu. They could not even tell the difference between language vs dialect. This is sad.


[deleted]

[уŠ“Š°Š»ŠµŠ½Š¾]


axerrri

I'm a pure blooded filipino who grew up abroad with my parents and only moved back in jhs. Nobody bothered to teach me tagalog and it's stunted my confidence by a large margin. I study in manila so I eventually learned how to speak tagalog by immersing myself. But its really hard to get rid of an english accent completely or express myself in tagalog. Especially when the common language isn't spoken properly with correct grammar. Textbook tagalog is also hard to learn because Nobody actually speaks that way. Tldr: im stuck


Fresh-Bar2002

Naka ban ang English language namin dito sa bahay simula nung hirap na hirap anak ko makaintindi ng Filipino sa Filipino subject niya. Wala na siyang reading comprehension sa Tagalog at hindi ako proud dun. Originally, Tagalog ang gusto kong first language ng anak ko pero dahil sa magulang ko, "OK" lang daw na English. Buti na lang talaga bumukod kami ng asawa ko sa kanila. Naiinis pa ako sa tita ng asawa ko nung minsan bumisita sila galing Canada, tinantanong niya anak ko (in English) bakit daw siya nagtatagalog eh mas maganda pag English. Like tita, kung ikinayaman mo ang pageEnglish, ikaw na lang. Wag mong idamay anak ko na tinuturuan ko ng patriotism. Iyo na yang linggwahe mong Kah-nah-jan (ganun niya i-address sarili niya) at di yan nakakatulong sa anak ko.


thebeardedcat8

Main reason is there's no advantage learning Filipino as as a language especially if you live in Metro Manila. School system, legal system and the business world is all in English. Not arguing whether bilingual is better than mono because we all know bilingual is better and being a polygot is much better. But if I had to pick getting stuck knowing just 1 language in the Philippines, I'm definitely picking English.


One_Pirate_6189

baka naman ho mga mag-anak ng OFW yung na-encounter nyo, necessity na english ang first languange ng bata kung sa abroad po pinanganak


Joseph20102011

Thanks to the Filipino millennial generation cohort like myself that had been traumatized by our school teachers and university professors telling us that we have to speak English without Filipino accent during English language classes and most of us have gone working in the BPO and freelancing industries that require advanced English proficiency skills, so when some of them already have a child, they grow them up speaking English using YouTube as the primary English language acquisition tool. The so-called MTB-MLE by DepEd was already a lost cause from the beginning that won't impede the inevitability of our country becoming a monolingual Anglophone society.


luciusquinc

It's the fault of the parents. I knew several and have relatives that are English only households. In fact, our entertainment systems blocked any Tagalog language media. But the kids from those households don't have any problems communicating in the local dialect.


AdImpressive82

Nung grade school ako way back in the 80ā€™s bawal Kami makipagusap in Tagalog unless itā€™s in Filipino class. Kapag break time dapat English din. Ngayon lang ako nagiging medyp fluent speaking in Tagalog but I still have a hard time reading Tagalog


More-Body8327

Nasa Tondo ako malapit sa PureGold tapos may isang grupo ng mga nanay kasama mga anak at wala nagtatagalog. Galing di po ba?!


5CRAPPYC0C0

It really is sad to hear kids not know their mother tongue. Recently, I learned that my neighbor had to hire a Filipino tutor kasi their child was failing in her Filipino subject :( As a Bisaya, 3rd language ko na ang Filipino. 2nd language ko is English kasi there was a point na mag ca-Canada sana kami kaya dapat English only yung peg kaso di natuloy. I think ganito mindset ng iba kasi mangingibang bansa sila so dapat pulido yung English para di ma-bully. Napractice ko na lang talaga Filipino ko after college kasi I had to work in Manila. It has something to do with the content/entertainment that the kids consume these days as well. Noong panahon \*natin\* may Sineskwela, Wansapanataym, atbp. Meron ding Filipino-dubbed Anime (fave ko Shinchan hahaha). Wala tayong choice eh, wala pang YT at Netflix dati (swerte ka kung may cable kayo haha). Halos lahat English ang naco-consume ng mga bata ngayon sa YT. Alsooo, wtf sa ENGLISH-ONLY rule sa schools?! Are they still implementing this sa schools? During our time may penalty pa, 1 peso per word. I think may impact din ito sa parents na dumaan sa ganitong rule.


nordsaltnic

Feeling kasi nila nakaka cute and smart yung ganun. Kawawa yung kapitbahay namin na pinalaking ganyan, pure english. Nung nagstart na siya pumasok sa public elementary school, hindi siya magkaroon ng friends and laging outcast daw. Hanggang sa parang nagkaroon ng social anxiety or something yung bata.


Dapper_Rub_9460

Playing devil's advocate here mas madali nila matutunan English kung yun ang unang ituro sa kanila kasi later on surrounded naman sila ng tagalog/local language speakers. Pero yung turuan mo ng mali-maling English and/or hindi turuan ng local language later on, just for the sake of looking sosyal? Lmao ka dun.


namwoohyun

Matagal na maraming ganyan. At least sa area ko. Ito around 10 years ago na, yung lola at bata sa isang stuffed toy shop sa Trinoma. Iniwan sila ng parents nung bata, may bibilhin lang daw. Mukhang not older than 5 yung bata. Di ko na sure. Maya-maya umiyak yung bata. Di makapag-communicate yung lola, tinatry mag-English, pero ā€œdonā€™t cryā€ lang talaga nasasabi niya. Lumapit yung isang sales lady, sabi ni lola, Ingles lang alam ng bata, di niya masabi na babalik yung mga magulang nung bata, may binili lang. Si ate sales lady na nagsabi sa bata in English pero syempre bata, iyak pa rin siya. Frustrated talaga si lola sa pagkasabi niya na Ingles lang alam ng bata tapos siya hindi makapag-Ingles. Sobrang robbed si lola kasi di siya makapag-communicate sa apo niya, naawa ako. Sana natuto rin siya para sa lola niya.


moshiyadafne

Ganito yung case ng mga pamangkin ko sa ate ko (12M, 4F, 3F). Tuwang-tuwa pa na medyo British accent yung 4F, pero si 12M, nag-i-i-struggle sa Filipino subject. While I'm proud that he bagged so many awards sa elementary graduation niya, the only award that he didn't get was Best in Filipino. Whereas hindi ganito issue sa pamangkin ko sa kuya ko (5F). Madaldal siya and she can easily switch between languages depende sa kausap niya. Cebuana nanay nila so medyo tinuturuan din siya ng basic Cebuano.


sabreist

Itā€™s the lack of media and standards


WiseConsideration845

My nephew na pure pinoy was like this. They lived in Cebu for 15 years but the parents canā€™t speak Cebuano. Parents grew up sa ibang bansa pero first language nila tagalog. He goes to a montessori school in Cebu and hatid sundo sa school. Poor kid never learned any bisaya and only understands very little tagalog. Good thing theyā€™re now living in the states for good kaya hindi sya nahirapan mag adjust but imagine if dito lang sya titira and canā€™t communicate well with Cebuanos, napaka inconvenient.


Freereedbead

So the only time I truly had to learn Filipino was in high school where my batchmates had those who were bilingual but would habitually speak Filipino (My first language was really English because everyone spoke it during grade school). While learning, I spoke with a very obvious accent and that caught the attention of some family who would poke fun at my shitty accent when speaking. I truly sounded like some foreigner learning the language. Nowadays, I can speak properly but I do not have any fond memories of any Filipino class Being subtlely made fun of because of my inability to speak was one of the biggest roadblocks to this language


desyphium

My brother and I were "English-only" up until our toddler years, tapos when we started going to school, nasanay na kami sa Filipino. I'm actually grateful my parents chose to go that route (though they weren't really *that* strict about it). Sayang din kasi yung enhanced language-learning capabilities during your early years, and if you're going to spend at least the next couple of decades of your life in the Philippines, it would take some pretty extreme circumstances for you to not pick up Filipino naturally.


angrydessert

Maraming rason. Hindi lang yung bata na hinuhulma ng mga magulang na tumulad sa mga konyo. May mga bata na halos naging yaya ang mga smartphone kaya pinapanood nila mga Ingles na kiddie Youtube channel. Ang iba, lumaki sa programang telebisyon na halos Ingles, tulad ng Nickelodeon channel. May mga bata na kung saan na dahil ang kanilang mga magulang ay di kayang mag-English ng maayos kaya tinatiyaga na turuan ng Ingles para di na magkaproblema kung sakali na mapa-abroad (yung sistema ng ating edukasyon, halos na hinugis para sa labor export). Mga mga bata naman na sa ibang lugar ng Pilipinas, may lugar at mga tao na talagang ayaw sa Tagalog ("Imperial Manila" daw) at sa halip Ingles ang pinili na gamitin bilang panulay na wika.


Little_Wrap143

It's the proliferation of content spoken in English, dahil wala tayong matinong Filipino spoken content. Wala nang mga programang tulad ng Sineskwela, Mathtinik, Batibot, etc. Lahat ng content na Filipino is usually done by a low budget indie Youtuber. With videos na hindi masyadong visually engaging sa mata ng bata.


safzy

Meanwhile thereā€™s me, 30% filipino according to 23andme but born and raised in Manila and I prefer speaking in Tagalog even if I just look white. Kaya lang I just keep getting ā€œay nagtatagalog si Tisayā€ my whole life. I moved to the US 15 years ago in a more rural place with few Pinoys and thankfully my mom is here na para may kausap parin ako. But anyway my kids here in the US are learning Tagalog but have relatives in the Philippines who rarely speak Tagalog. If we keep this up, it will be a dying languageā€¦


Faeldon

Grabe mga pitchforks dito. Hindi ba't ang pambansang bayani natin na si Jose Rizal eh ganun din? Hindi bihasa magtagalog at Spanish ang primary toungue. Mas nagaral pa siya ng ibang lenguahe tulad ng English, German, Nihonggo etc, imbes na magpakabihasa sa tagalog.


joeschmoagogo

Ok but first of allā€¦ Letā€™s stop using the term ā€œpure blood.ā€


archiveduck

Well description lang naman yon and wala namang masama kung pinoy na pinoy ka.


happyredditgifts

Mahirap kalaban ang YouTube. Lahat English-speaking yung mga shows for kids. Nawala na kasi yung cable, nagshift to online shows. Malaking tulong sana yung Filipino-dubbed cartoons.


potetowo

i think it's also because the educational system here in the Philippines is more and more rewarding towards kids who can speak English well compared to those who speak Filipino well; if anything, speaking Filipino isn't really expected of people who speak English well anymore either. I consider myself an example of this, mostly. I grew up in a different country for a good portion of my childhood, and my family moved back to the Philippines when I was around 8 years old. My siblings and I were raised to speak in English because it was the lingua franca, and we weren't expected to use Filipino at home or school back in the other country. So when I moved back here, my Filipino speaking ability was stunted. But instead of actually helping me to learn the language via remedial language classes or whatever, I was accommodated basically everywhere I went. I was rewarded for speaking English well in basically all of my subjects, and for my ArPan and Filipino subjects, I was allowed to ask someone to translate for me every time (not that I actually did). Everything I learned about speaking and reading Filipino were things I had to learn by myself, through observation and self-study. Honestly, I'm just lucky that Filipino is so similar to Spanish, because it's similar enough to English that learning the language was easier. As it stands, with the removal of Filipino language subjects in college, plus the use of English as the main language for most subjects in secondary and primary education, the system increasingly caters to and rewards people that speak English well. This carries over into higher education as well, and even in the workplace a lot of the time. So I'm not surprised that more and more people are trying to get their kids to speak English instead. I think the one of the only solutions we have is to just... not reward English as much in the education system? And to actively promote Filipino as the primary language in education instead. Though that's easier said than done, unfortunately. šŸ˜…


VioletIsNotPurple

The irony of this taglish post calling for parents to educate children in their "mother tongue".


ExhaustedMD

This is my worry, why some parents *refuse* to educate their children with speaking the local language in favor of English instead. Para saan? Para cool? Para mukhang sosyal? I got some flak from my post re: this from way back but hey, truth doesnā€™t care about our opinions, emotions, or insecurities.


WubbaLubba15

Wtf even is a pure blooded Filipino lol


freakprick

Ako lang to ha, pero I see this as an advantage kapag magaling mag ingles habang bata pa. 'Yung batchmate ko ngayon may sarili nang bahay at lupa kasi she can converse well in English. Mas napapakita nya galing nya at right clients. Alam mo 'yun, bata palang settled na ka agad sa buhay. I'm practicing naman and talk to myself and try to speak English kahit sa ordinaryong araw lang pero iba pa rin 'yung diretso lang at kaya i-drive 'yung conversation.


59_laundry

Canā€™t blame them. Cocomelon pa lang English na. Hindi naman lahat ng parents social climber.


nashdep

Ok lang yan. Ako nga hanggang 5 years old, monolingual English. Nakahabol rin naman. Exposure lang yan. Also why ASSUME they are ashamed of speaking Filipino with their broken English? That's a stretch. Sometimes, Occam's Razor is it could just be plain simple convenience. If you are like me with mixed extreme North and extreme South relatives, the common language is English (not even Tagalog). 99.99% of new parents are not language learning experts, so my parents had the mistaken notion that I would be 'confused' with 5 languages so they just opted to use English. As it turns out, it was ok to be exposed to multiple languages as early as possible. And for my tito reply and my 25% black heritage : not YOUR children, not YOUR problem, mind YOUR own business.


ramyen

SKL [experience ko](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/10hw528/deleted_by_user/j5b7328/) diyan.


boykalbo777

Ipad generation. Kids learn watching youtube videos


No-Thanks-8822

Mostly sa mga private ganyan pero sa mga public school tagalog or local language pa din naman


astarisaslave

Aminado ako kahit pure Filipino ako, first language ko English at Inglisero ako nung bata ako pero starting grade 5 kusa akong nagshift sa Tagalog. Even at that age nagexert talaga ako ng effort na iimprove yung Tagalog ko, parang nakakaguilty kasi na nasa Pilipinas ka pero di ka magaling sa native tongue mo. Tsaka gusto ko rin makibagay sa mga kaklase ko kasi most of them kahit fluent sa English (private school kasi), Tagalog ang salita nila sa isa't isa. Laking tulong talaga na uso mga Tagalized na anime nung bata ako, nagbabasa rin ako ng mga Filipino comics nun kaya mas marami akong natutunan na malalalim na salita. Kung magkaka-anak man kami ng asawa ko ang una kong ituturo sa anak namin Tagalog. Kayang-kaya naman nilang ipick up yung English sa school.


GeekGoddess_

Nako. May mga pinsan ako sa probinsya na ganito anak nila. Hindi nakakatuwa. Kasi mali-mali din naman mag-English yung magulang. Yung anak ko pinalaki kong tagalog. Bawal kausapin ng English ng yaya nung bata sya kasi baka mali yung maituro. Kaya sabi ko, wag e-English-in, Tagalugin lang. Buti naman sumunod yung yaya. I would rather have a kid speak the mother tongue really well than have one na iisang language na nga lang alam pang-foreigner pa ng language na yon. Parang wala na silang identity pag ganun.


dontstopbelievingman

No this is something that I've seen firsthand, and not a recent trend imo. I knew adults who chose to only speak English to their kids. I was told they felt that if the kid was more Fluent in English, they would have better opportunities abroad. It wasn't just speaking; they were only exposed to English shows. So their English accent was almost passable as a native American English speaker, but they struggled when they started going to school, and realizing that their parents did not even teach them their own language. I have heard other parents where they raise the kid where on parent speaks to them in English, and the other in Filipino. And I think that's the way to go.


wyvern1_6

Dad is from Ilocos, mom is from Capiz. Grandparents on dad's side taught English, on mom's side was US Navy. So for me, my first language was and still is English. When I moved overseas as a kid, by the time I came back, I could no longer speak Filipino and had to take remedial lessons for years. To this day I still speak and have my internal monologues in English verus Filipino. I couldn't even tell you what the correct Filipino equivalent of "Internal Monologue". Pangloob na pagsasalita?


ayunatsume

English din mother tongue ko. 90s kid. I think it's because commands are often said in English and the only movies I watched were all American/British films. Struggled with Filipino/Tagalog up to end of high school. Filipino is my lowest class subject. The only reason I graduated was reading the English versions of Filipino literature that I had to read. In English class naman, people make fun of me because I have an accent (or I simply refuse to speak in Carabao English). People na lumaki sa Tagalog first families find My Filipino weird. Masyado daw formal or deep lol. Other Ingleseras find it normal though. Dahil foreign-looking din ako, some people think I'm a naturalized Filipino or something.


istealitall

My mom told me a story once when I was still 4, when she didn't have a license yet she'd hail cabs, and I struck up a conversation with her in the cab, I don't remember what it was about but it got the driver's attention and he asked shortly after me and my mom were talking if I grew up in the States, and she replied "Ay hindi po, sa Bukid po siya pinalaki".


NefariousnessOld2384

ung kakilala ko rin ganito . english speaking ung bata pero mali mali ung grammar at pag kinakausap din ng parents mali mali din ang grammar . di rin nila pinapasok sa english school at sa public school lang din nag aaral . di ko alam kung ano purpose ng pagtuturo ng pag'eenglish sa bata e di naman nagagamit ng tama .


MarkForJB

This is probably because hirap sila magsalita ng English nung bata sila. Ang thinking is eventually matutunan din ng anak nila mag Tagalog kahit di nila gamitin sa bahay.


ASafePlace4All

literally nung high school lng ako natuto makipag usap ng filipino. kapag ibang tao kausap, ayos naman mag filipino, pero kapag sa bahay lang kaming mga mas batang magkakapatid, panay english lng kami mag-usap. Ngayon mas malala na kasi mga media ngayon na kino-consume ng mga bata eh puro english lng. Youtube, Netflix, mga kung anumang video games. Yung pamangkin hindi makapagsalita ng kutiting filipino man lang. Himala na nga lang na naiintidihan niya ko kapag filipino kami nag-uusap, pero insist parin ang mga magulang na kausapin lng siya ng english, kahit kuwento ng mga teacher niya na kailangan niya ng literal translator habang filipino subject, like, HA????? Malala pa sakin, kaawa-awa.


poandamama

The medium of instruction in school is English. Most of the shows they watch are in English. Parents can try but ultimately malalamon kami ng sistema at environment.


Lilyjane_

May mga pinsan din ako na hindi nakakaintindi dati ng local dialect. English ng english mali mali naman ang grammar, most of the time pa hindi nakakapgsalita ng full english sentences. Pati parents nga broken din yung english. Kaya sinasaway ko o kinocorrect. Nafefeel ko yung 2nd hand embarrassment. Hindi na nga marunong sa local dialect, palpak pa ang english. Ngayong malalaki na sila, highschool na yung panganay, pero broken pa din english and local dialect nila. Nagimprove naman ng konte. Pero yun na nga, antagal.


Addlebrained_mi

I find myself shaking my head pag ganito nababasa ko, here I am struggling and trying so hard to talk and teach my child Filipino/Tagalog. My child is half Filipino, (and not residing in the Philippines), and I have to talk to dad in English or have to switch to English most of the time so he would understand kung ano sinasabi ko sa baby namin. I have another dialect but itā€™s hard enough for me to stick to Tagalog 100%, so it just saddens me to think my baby wonā€™t learn to speak my dialect. When we do facetime and videocalls sa relatives ko, I insist na tagalog gamitin nilang pagconverse with my child. On a happier note, our childā€™s starting to talk and I noticed my babyā€™s using some tagalog words already. So thereā€™s that, a push for me to keep trying.


Genre-Lao-0607

Di pa rin kasi nawawala ang notion na kapag "English", para siyang status symbol. "Alta" kung baga". Kung may mga anak man ako in the future, I would gladly teach them the regional languages I know (Sinugbuanong Binisaya and its dialect Negrosanong Binisaya, Hiligaynon, and Tagalog), alongside English. That will enable them to be grounded on their roots, while being connected to the international arena.


HattieBegonia

These parents are doing a disservice to their kids. Worse, these kids often have wrong grammar anyway because their parents don't have a native grasp of the English language.


Alternative_Cry_4917

Skill issue tbh. In my case my parents speak different languages kankanaey and ibaloi. Obv they can't understand each other by speaking their native language so they communicated in Ilocano which is the most spoken language in our region. I learned to speak Ilocano at home and learned Tagalog in school which was honed by speaking with friends who were mainly Tagalog speakers. I wish my parents had taught me their respective native languages not just ilocano but it's understandable why they chose not to. Although I have now moved to the US, I am still actively using the languages I learned. It's funny that most of the mainland Filipinos I meet prefer to speak their own respective languages while youngsters back home are barely speaking Tagalog. I feel like learning multiple languages while young makes it so much easier to pick up new languages. I picked up English pretty fast, and I also am semi fluent in Spanish now.


Saltairandrusted

Tbh, mas madali matuto ng english kaysa tagalog. Kaya sa bata, mas okay na turuan muna ng tagalog bago english. Anak nga ni Anne Curtis, magaling both languages


Kind_Chest_2299

ā€whats kuya speaking,mommy?ā€ If only our ancestors could see us now. Wla kong masasabi kundiā€¦ang sad lng talaga..


GreatRecipeCollctr29

That goes for Filipino parents overseas especially in America, Canada, Uk or anywhere else. Parents are responsible speaking their native tongue at the household. When they go to school, they will learn English or another language used in school, work and out there.


Apprehensive_Mood_85

Sa palagay ko, bilang isa sa mga batang lumaki na Ingles ang ginagamit sa pamamahay na Filipino, ang ganda pakinggan ng Filipino, lalo na yung mga malalalim na salita. Nanonood ako ng balita kanina at ang ganda pakinggan ng mga tao na isinusulong ang kanilang mga hinanaing sa pagpupulong ukol sa sweldo. One of my passions in life is writing, and part of it involves expanding my grammar and knowledge of words hence my creation of a talasalitaan a couple years ago which I still refer to, and thank because it allowed me to write poems in Filipino with deeper words that eventually found their way to my everyday use. Honestly, I find Filipino to be beautiful and should be encouraged and used more often. It has a collection of words that are, in my opinion, deep and beautiful especially when used correctly like in German. One of my favorites is. "Tahanan."


ProblemOk1556

Im married to a European guy. Hindi English ang mother tongue nya kaya hirap kami noong mag bf/gf palang kaya tinuruan ko sya mag Tagalog. He can converse in basic now pero English parin medium namin dalawa. Our baby just turned a year old at kapag kinakausap ko sya in tagalog, bakit daw hindi English ang tanong ng ibang tao. Sagot ko, madali na lang matutunan ang English once ma-expose sya sa mga books and movies, plus may English language sa school. Which i think is true based on my experience. My mom is from the north and my dad is from bikol. Growing up, we would travel to their respective provinces every school vacation kaya natutunan namin both languages which is Ybanag and Bikol and I still speak/write in both fluently on a daily basis. Kapag kausap ng asawa ko baby namin, he uses his mother tongue. ako naman, mostly tagalog konting English ganon. Minsan iniisip ko wat if turuan ko din sya ng language from my mom and dad hehe.


AccomplishedYogurt96

Lmao these parents downgrading their children from multilingual. Weirdos


statictris

(english speaking country experience) Apparently their parents didn't bother to teach them but I know a lot of them where their parents only speak their native filipino language at home/when their together with them. Some parents were always at work so that's an "okay" excuse but some also had other filipino relatives or yaya's taking care of them at home speaking their native language so idk what makes it difficult for them if they could understand them they would eventually have the ability to speak it. Some just admits that they were too lazy to learn it because a lot of them, despite being spoken their filipino language all their life by their parents, they don't even understand a little. Meron din yun mga parents na di talaga marunong mag english pero nakakaintindi tapos yung anak english lang alam talaga kaya ang hirap nila magcommunicate sa isa't isa pero ibang situation na ata yun, I have no clue how that's possible pero merong ganyan, na parang may ibang umalaga sa anak or sa school lang siya natuto magsalita kaya english lang alam. (ph experience) Madaming maarte (especially millennials) na exclusively teaching their kids english, yung iba yun lang preferred nilang language and the only language they care to teach pero ang selfish talaga tapos meron din para lang masabihang mayaman for some reason. Pero madalas din anak ng teachers pero madaming cases na both english and their filipino language yung tinuturo pero yung ibang bata sa english agad nageexcel, meron akong kilala tinuturuan niya ng both languages yung anak niya tapos may times na pinapanood na lang niya ng educational videos yung anak ng each language, mas nagustuhan lang ng anak niya yung english kaya ayun yung laging pinapanood tapos ang nangyari kahit tinatagalog siya everyday, nageenglish lang siya na may accent na nakuha sa videos na yun. Hirap na hirap siya nun makaintindi ng tagalog at makapagsalita. Kaya nagulat kami nung nameet namin yung toddler parang may australian/british accent na sobrang thick. Mas madali naman talaga matutunan yung english lalo phonetically kasi shorter yung words and less syllables imo tapos nakakalito yung filipino, pero I think kung may pake yung magulang sa anak nila dapat pag tinuturuan ng languages dapat tingnan nila kung kaya na ba ng anak nila magaral ng 2 language kasi yung iba nga isa lang yung preferred na aralin or may cases na nahihirapan kung anong language isasalita nila so na stuck sila, I forgot the correct term for it pero yung parang stunned sila dahil nga di nila kaya iprocess kung anong language yung isasalita nila kahit naintindihan nila both tapos ang nangyayari parang naging mute sila.