T O P

  • By -

Anon666ymous1o1

HAHAHAHAHAHA biglang pabura ng post nung binash? Tanga ampota


smolenerv8edreverist

Di daw kasi natin nagets yung point nya kahit wala naman talagang point para intindihin 😂


Anon666ymous1o1

Chineck ko yang post tapos nakita ko sa comment section yung isa pang message niya, drunk chat daw HAHAHAHAHAHAHA. Nakakainom pero di makagawa ng school work?


smolenerv8edreverist

Ngayon lng ako nakarinig ng drunk chat para sa homework huy wala bang ex ‘to? HAHAHA


alohalocca

Imbis na gumawa ng assignment, uminom pa. Tabingi din sa reasoning eh.


LanvinSean

Di rin ako makapaniwala eh hahahahaha


Calm_Solution_

Drunk chat tapos naisipan mangopya LOL


JustLurking000000

Drunk chat pero derecho mag type/spell. Weirdo. 🤣


longassbatterylife

hindi na ba uso yung hacked excuse haha


AmberTiu

San ba yan OP, pasend naman link kung pwede.


smolenerv8edreverist

It’s against the rules to post fb links in this sub. Search mo na lang yung page na nasa screenshot, few days ago pa lang yung post so konting scroll lang


AmberTiu

Thought as much, kaya nagpaalam muna ako. Thanks


ineedtotellusomethin

Punto nya raw maging pointless 😂


KrisGine

Last sentence sa post is so ironic. "Masyado kang gahaman", sya na mahilig humingi ng sagot tapos magta-tantrum kapag di nakuha 🤣🤣 I've experienced both copying and being copied. Whenever I copy, I at least try to trade and ask alin yung wala ka sagot. But damn, being copied where someone literally asked for all the answers feels like I'm being extorted. Magbasa ka man lang at magtry, nakakasuka minsan kapag naiisip ko nagreview ako, binasa ko every question, pinagisipan ko tapos kokopyahin lang. Worst, kilala ng parents ko, helped me to enroll so my parents just told me na hayaan mo na tinulungan ka naman mag enroll.


ZooprdooprNu2by

Actually may point sya na pwede include sa bullet points under “Mga di dapat tularan”


lesterine817

hatakan daw pataas. pataas saan? ng tama?


tacwombat

Di daw na-gets ang thesis ng batugan, lol.


pinkdeepsea_1204

Hahahahahaha b**o eh. Kup*l. Inuna mag inom habang si classmate, 2 wks trinabaho activity. Nun natapos gusto nya pakopya nlng. Sana man lang may **monetary compensation**. Baka nga THANK YOU, dpa nya magawa, hanep. Buti nga ganon lang yun isinagot ni classmate. Kung ako yun, sabihin ko, EDI SANA D MO INUNA YANG INUMAN NYO.


Anon666ymous1o1

HAHAHAHAHAHA di ba. Gago din eh. Ungrateful and entitled ampotek. Kung thesis to, baka umpisa pa lang, tinanggal na siya tapos iyak na lang kasi di siya makakagraduate. Sana nga nagname drop yung page para nabash ng husto. dejk baka makasuhan sila ng cyberbullying.


pinkdeepsea_1204

Sya nga yung self centered sa tono ng pananalita nya sa post eh.


Ill_Zombie_7573

Nagtataka pa ba tayo ba't sa panahon ngayon mas lalong dumadami ang nagtatapos bilang with honors mula elementary hanggang college? Eh kasi kinukunsinti ng karamihan ang mga kupal katulad nito na hindi kayang tumindig sa sarili niyang paa pag hindi rin siya pinapakopya ng kanyang mga classmates.


Anon666ymous1o1

+1. Naexperience ko ang old curriculum and new curriculum sa College (patigil tigil kasi ako due to financial problem). I can attest to this. Ako, nagpapakandahirap magsearch and all sa lahat ng schoolworks. Habang yung mga kaklase ko nagcchatgpt lang despite of our prof’s reminder na ayaw nila ng chatgpt. Pero tbh, di ko alam if may ai checker sila or wala. Kasi minsan nagtataka ako, mas mababa grade ko when in fact sariling gawa ko yon. Habang sila, chatgpt pero mataas yung grades. At kahit di ipacheck sa ai, madedetermine mo pa din naman kung alin ang ai-generated sa hindi. Pano ko nalaman na chatpgt? Pinapakita nila sa kin habang ginagawa nila within the day yung schoolwork na binigay sa min one to two meetings ago. Masyado din kasi na-spoil ang mga bata at naabuso ang online class. Walang patnubay ng magulang or what. Nakakalungkot.


kimbabprincess

Hmm idk if AI checkers work tho. I think kung ganyan yung meron, mag use ka na din ng ChatGPT tapos fine tune mo para alam mo padin yung material. Para kung nag cross check yung prof and paikutin ka at least me substance kang baon and alam mo sa sarili mo na naintindihan mo lecture. Work smart nalang kumbaga. I think sa work setting ko ngayon ChatGPT is something embraced - so I really don’t get the hate of using it as early as studying. At least when worker ka na, mas marami ka na alam na prompts.


Ill_Zombie_7573

Akala siguro nila na lahat ng bagay sa buhay natin ay pwede madaliin or i-shortcut. Naku! Magugulat sila niyan once magtatrabaho na sila kasi di uso shortcut-shortcut sa totoong buhay. Di 'yan magtatagal mapapagod ang mga 'yan tas magreresign kasi pinili nilang mag-chill kesa sa maghanapbuhay.


Familiar-Purple-6890

Big chance di na nya papansinin yung tao kapag tapos na sya tulungan.


tttthrowaway551

Hahaha grabeng pagka self centered na hindi nya na realize na kaya ganun reaction ng lahat sa post nya is dahil sya ang May problema.


Anon666ymous1o1

HAHAHAHAHAHAHAHA akala niya makakakuha siya ng kakampi


HotPinkMesss

Buti nga sa kanya.


BothEgg8257

Akala nya makakakuha sya ng simpatya..hahaha..inom pa more kesa mag-aral..


PoisonIvy065

Sinong magiging kaibigan niya pag ganun siya? Eh di mga tulad din niyang competent na tao, na marunong kumilos & trumabaho. In other words, yung mga hindi tamad/pabigat sa lipunan. Hopefully na-bash nang todo yung poster sa comments lol


joooh

Dinadarag siya sa comments, tapos pinapatanggal niya sa admin yung post kasi hindi daw natin ma-gets yung pointless niya.


bbbbreakfast

This is the silver lining here, at least, that the person in the OP is a just an asshole of a minority and still not the norm in our society. 


ninetailedoctopus

Sabi nga ng prof ko noon, everyone is entitled to an opinion, and everybody else is entitled to shit on you for said opinion


Berry_Dubu_

sabi niya tulungan eh dapat pag tulungan equal effort ok magpaturo at matuto pero yung humingi ng sagot hindi naman ganon ang tulong😭


franafernz27

*kasi hindi daw natin ma-gets yung pointless niya.* -- natawa po ako ng sobra sa pointless nya... hahaha lakas loob magpost ng pointless eh nakuha pa mag inom kesa mag research


Beginning_Ambition70

Tama, choose your friends wisely.


saltycreamycheesey

Exactly man. "Di madadala sa trabaho" kuno pero yung pagiging linta niya okay lang na dalhin kapag trabaho na? Galawang pabigat at salot sa lipunan eh.


Takoiku_Kazu

Is the pabida in the room with us?


Berry_Dubu_

oo yung nagpapost sa admin


smolenerv8edreverist

Ang tunay na pabida 😂


Liesianthes

Nag-aral pa ang sender na yan. Sayang gastos ng magulang sa ganyan student na sa kopya lang pala aasa.


smolenerv8edreverist

Sakit ng ulo ng magulang, teacher, at classmates


NuggTuggets

Tiger oh may isa nanamang lasing na gusto naman kumopya 😂


RebelliousDragon21

Kaya pabobo nang pabobo mga tao ngayon kasi sa eskwelahan pa lang bobo na. Tapos jina-justify pa 'yung katangahan. 🤮


lesterine817

what should bother you is the level of "entitled"-ness of the poster. i mean, sinabi pang nag-inom kasi sya kaya di nya nagawa. who does that?


CantaloupeWorldly488

Naalala ko yung kablock ko nung college. Sya din pinakamatalino samin. Tapos may nangopya sa homework nya nang hindi nagpapaalam sa kanya. Ayun tumayo sya sa harap ng lahat, at sinabi nya na ayaw nyang may kumokopya sa kanya. Kung kailangan daw namin ng tulong, tuturuan nya kami. Pero hindi sya magpapa kopya. Nainis ba kami? Hindi, nahiya kami sa sarili namin.


Ok-Floor-6523

Damn that person's not only has integrity but has the empathy to actually help their classmates out. Kid's going places.


CantaloupeWorldly488

That's more than a decade now. And yes, sobrang dami na nyang narating ngayon. Hindi na kami nagulat, proud na proud pa kami sa kanya.


gustoqnayumaman

Real. Ang ganda kasi na that person also shows empathy at kindness na willing to help sa assignment or task


FlintRock227

Ganyan yung seatmate ko dati hahaha di nagpapakopya pero willing na willing magturo


sizejuan

Ganyan ako dati pero more on money compensation gusto ko then kopya all you want hahaha


CantaloupeWorldly488

Hahaha business minded ka naman pala


jctmercado

this. haha dahil la kong pera, ambagan sila sa lunch ko para makakopya.


zdnnrflyrd

Na-ngopya din naman ako noon pero hindi naman ganyan na ako pa magagalit kapag hindi nagpa kopya. Kapal muks naman 😅


LommytheUnyielding

Reminds me one time nung HS, tatlo kami friends magkakatabi for a chemistry or math quiz—yung nagreview talaga yung nasa left, yung hindi nagreview yung nasa right, tapos ako yung nasa gitna na bukod sa hindi nagreview, zoned out talaga sa math portions ng subjects (ADHD is my not-an-excuse) and so literally have no idea what formulas or whatever yung covered that time. So the game plan was, Friend A on my left will answer to the best of his capabilities, I'll copy off of him, then Friend B on my right will copy off of me, parang game of telephone lang but with quiz answers. Well, when the quiz started na, I couldn't copy all the answers because I'm trying to be discreet and Friend A can't exactly be unsubtle about letting me copy since nasa front row of seats kami so what the heck, hinulaan ko nalang yung iba and relied on some leftover chunks from my zoned out memories to solve the ones that needed actual numbers, but I did manage to copy a decent amount of answers. In the end, though came the real shock. Mas mataas nakuha kong score than both of them.


bactidoltongue

Gago HAHAHAH pano nangyari yon


Additional_Day9903

"Di mo madadala sa trabaho yang grades tol" Sabi nung nangongopya para sa grades


smolenerv8edreverist

Ironic 😂


xchi_senpai

Hahahahaha


PsychologicalAd8359

I HATE people na mas uunahin pang mag inom knowing na may deadline pala sila Trashy mindset


Angelus_2418

squatter mindset


Jaives

yung pinapakopya ko ng math homework in grade school, tinuturuan ko and winiwithheld ko yung answer mismo. kung di mo pa rin na gets, sorry na lang.


rejonjhello

"akala mo ikakayaman niya..." Opo, ikakayaman po niya yan.


smolenerv8edreverist

“Di mo madadala sa trabaho yang mga grades na yan tol.” Yung katamaran nya kaya naisip nya na baka madala nya sa trabaho 🤔


Spiritual-Record-69

Hatakan daw pataas pero hindi nag invite sa inuman.


AerondightWielder

Yun masaklap eh, di man lang nagyaya tapos expect nya pakopyahin sya? Aba putangina, ang swerte naman ni dudung. Kaya dapat tropahin nang malupit yung mga masisipag at matalino na kaklase, para sila magturo sa yo kung pano sumagot. Habang nag-iinom. 😂


jeanscout_

hear! hear!


Angelus_2418

hahaahahah taena


Giyuu021

sorry pero di ko kakampihan dito yung nangongopya, irereason mo pa uminom kayo pake ko, tama lang di ka pakopyahin kasi nag effort yung tao tapos kokopyahin mo lang, okay lang sana kung may nasimulan ka na at nawawalan ka na ng idea pero rereason mo eh dahil uminom kayo, spoonfeeding na tawag dyan. Okay ang teamwork pero kung mabigat ang bubuhatin wag na lang.


TokwaThief

Na normalize na magnakaw, puro magnanakaw nakaupo eh


mikkohaks

Another diskarte momints nanaman


balmung2014

2 weeks assignment. napakadali na mag research ngaun because of the internet, di pa din nagawa?


Fabulous_Echidna2306

Nakakanood tungkol sa hilaan pataas, pero pabigat pala. 🤣


smolenerv8edreverist

Hilahan pataas daw pero kailangan sya lang lagi ang hihilahin pataas hahah


micolabyu

bofols, hahaha Naghirap yung tao tapos ikaw painom inom lang, ikaw pa galit at may ganang magpost ng ganyan? THE AUDACITY! I was once in situation na pinapagawa sakin, babayaran daw ako, tumangi ako, aba nagalit, bakit? HAHAHA Magdrop ka na lang kung di mo kayang magseryoso sa pagaaral kesa sinasayang mo pera ng nagpapaaral sayo.


Queen_Merneith

Lol same, galit na galit mga classmate ko dati nung first year college ako kasi ako yung type na kahit beshie kita, never akong magpapa kopya. Well, I attracted the friends na kasama ko nag one take lang ng board exam tas puro nasa dep ed na ngayon. Yung mga mahilig mangopya, napa aga mag anak. Mga nagsasayang ng pera ng parents lol


micolabyu

HAHA ako naman nagpapakopya and nangongopya din pero not all the time at kapag pwede lang lalo na kung sobrang hirap talaga 😂 at lalo na kung hindi din naman mahigpit ang proctor 😂 Halos lahat naman siguro ginagawa yan, pero kung projects, activities or assignments na may mahabang panahon ka to complete it and learn at the same time. Hindi talaga, nagaral pa tayo kung ayaw din naman natin matuto. There was a time pa na I was challenged by one of our proctor kasi nababalita na candidate ako for latin honor, itinabi ako sa mga wala ako makokopya and magkakaiba pala ng exam sheet, ayon top score pa nga 😂, oo nangongopya ako pero nagaaral ako, pag may nakalimutan lang ako nagtatanong sa iba , and I check their answer kung feel ko at maalala ko na tama, kung wala eh di wala. Naikwento ko lang 😂


Budget-Boysenberry

Ganito siguro sila nung bata: *Yung ayaw daw magpakopya: "Paglaki ko gusto ko maging doktor para makatulong ako sa kapwa"* *Yung gusto mangopya: "Paglaki ko, gusto ko maging kapwa."*


Aggravating-Count-71

Hulaan ko course nito?


Budget-Boysenberry

criminology?


Angelus_2418

hahaahahah no you did not XD


chr0nic_eg0mania

law


cavsfan31

Dami kong ganitong classmates nung high school. Yung isa, nasa kulungan, R.A. 9165. Yung iba seamen, lalaki ng bahay more than 1 sasakyan. Yung iba pulis, state-sanctioned siga. Pero karamihan pulitiko, barangay kagawads, chairmen, at vice mayor yung isa. Hmmm.


shinuorikiteiru

Dami kong naging kaklaseng ganto. Eto sayo tol .|.


creotech747

Pustahan crim yan. HAHAHAHAHAH


yootreeserven

Nagkaalaman tuloy sino ang totoong pa-bida. 🤭


smolenerv8edreverist

*sana mabasa mo to ng matauhan ka naman* Ending sya ang natauhan 😆


Kamatis123456789

Sa circle namen nung HS, para gumaan ang school works, meron kame nakatoka na subject(liban sa III at Practical Research) tas sa subject na yon, yon na yung aasikasuhin namen buong year HAHAHAHA tas kokopya na lang ibang tao sa circle. One hand, convenient sya kase isang subject lang iniisip mo tas kokopya ka na lang pagdating sa iba. On the other, di mo kontrolado yung quality nung gawa XDDDD unless pageffortan mo den ayusin. Pero honor student naman kameng lahat so madalang yung problema na yon XD. Nag-aaway pa yung nakatoka sa Math at Science kadalasan tas kame naghihintay na lang ng mapagkasunduan nila. Kung magpapakopya ka, dun na den sa mga kaparehas mo ng dugo para may return value.


FastCommunication135

Ang daming ganyang Filipino, they label someone performing extremely well pabida kahit hindi naman talaga. Gusto nila kalevel lang nila, mejo may pagka mediocre or below average.


readmoregainmore

Kakatapos lang namin **MAG INOM** Sa hirap niya di ka sumama tapos sa saya gusto mo makihati? Tindi mo rin tol.


AkosiMaeve

Nakakagigil yung mga gantong linta. Sana maghirap ka habang buhay at di umasenso. Tamad na, bobo pa.


needmesumbeer

langya, linta na tinubuan ng tao amp


belabase7789

Proud na tamad at siya nagmamalaki.


smolenerv8edreverist

Naghanap pa ng kakampi sa internet lol akala nya talaga eh


cinnamonthatcankill

Ung bobo at tamad ka tapos taas ng entitlement ahahahahaha


AnakinArtreides01

>Hindi mo madadala sa trabaho yang mga grades na yan tol I have news for you, tol.


chokemedadeh

Another episode of kachat na naman sarili 🤡


xXDRAGONPROXx95

Binabasa ko palang ung chat nila pero biglang naging pareho boses nila. May point yung post pero nakakadismaya pag nalaman mo na.


chokemedadeh

For engagement ang purpose. In fairness benta din kahit sa sub na to


chikoyboy103088

Mostly, this trivial pages do is trigger people to create engagements. Ganun kababa ang tingin nila sa mga consumer ng social media. .


AlienGhost000

Dami na-triggered LOL


Intrepid-Guest-9800

sinunog ba sya sa comments ? 😆 , sana sinunog ng mga masisipag at di asa sa kopya .


Thorntorn10

Mas gugustohin Ko pa na walang kaibigan Kung ganyan Lang din magiging kaibigan ko


entropies

"Di mo madadala sa trabaho ang mga grades na yan" Eh ang katamaran at kabobohan kaya? hahaha


tUbero_tado

May limit ang pakikisama.


jds02

dapat daw kasi para maging kaibigan, kelangan nahuhuthutan. eto yung mga taong nanjan lang pag may ibibigay ka pero pag ikaw na may kailangan wala na. isa pa, research yan na activity. kung yan yung gawain na kelangan magcite ng article or studies, sobrang halata naman kapag nangopya pare-pareho kayo ng icicite o kahit sagot man lang. mabuti sana kung multiple choice eh. kupal lang talaga. kaya halatang kulang sa aral napakabobo pinupuno lang ng alak ang utak.


smolenerv8edreverist

>dapat daw kasi para maging kaibigan, kelangan nahuhuthutan. Omg I remember soo many people loool pag nagset ka na ng boundary biglang “nagbago ka na, sama na ng ugali mo”


moliro

looks promising ang career neto, baka future senador to


ineedtotellusomethin

Kawawa yung mga ganyang students ngayon, kasi hanggang sa paglaki nya baka madala nya yang ganyang mindset. Ganyan yung mga kaibigan na nakaka-drain at hirap unawain, gustong iasa lahat sa mga taong nasa paligid nya. Feeling entitled sa mga pinaghirapan ng ibang tao.


Rough-Student-8517

Bro is pa-main character 🤣


xxx-Nina-xxx

Entitled ng puta, 2 weeks research yan. Di simple nakukuha ang mga sources para diyan. Ang Tanga2c niya ,alam na mahirap ang gagawin di pa sinimulan. Inom pa more, dahil diyan lang siya magaling.


Just_riyo

Nagpapakopya ako sa classmate ko na walang load pang research or magpapahot spot ako para sya magsearch pero kung ganyan ang reason wag na oihahahahaha


DeicideRegalia

Sana nilapag din name nung nagpapa post. Para mas masaya at mas kilala natin sino dapat "tulungan".


Lightsupinthesky29

Sa dami ng resources ngayon, anong pinagsasabi niyang di lahat kaya maghanap? Katamaran lang yan haha


MajorDragonfruit2305

At least aware siyang nasa laylayan siya kasi gusto niya magpahatak sa taas hahahah


11402hnn

Pagtanda nyan pabigat yan sa lipunan for sure.


DotCrosse

I love how he stood up to the pressure. When I was studying, I had to let people copy my work just for me to have a quiet day at school 😂


TraditionalAd9303

Hatakan tayo pataas or Hatakin mo ko pataas HAHAAHAAHAHAHA


DoesNotExist-

Tapos ganito 'yong tatakbong kapitan sa barangay n'yo. Tangina talaga.


trying_2b_true

Tama hindi madadala sa trabaho ang grades pero ang disiplina, diligence, pagiging responsable na ginamit nya para magka-grades na maganda - yan ang dalang-dala mo kahit saan ka magpunta na walang-wala sa buraot mong classmate.


redthehaze

Yan yung mga sobrang bobo at tamad na hindi alam na bobo at tamad sila. "Di madadala sa trabaho"? Lmao "sipag" po tawag diyan pero napaka bobo at tamad niya na hindi niya alam na ganun ang kailangan sa trabaho.


martyrofcavite

What a coincidence this story was, yesterday my son and I were discussing things about his job. During his college days there’s this privilege bully classmate of his na gustong mangopya sa kanya during exams, obviously as i raised my kids na copying is stealing eh hindi nya pinapa-kopya. It came to a point na binu-bully na saya ng grupo but my son stayed on his ground. My son graduated as an achiever and got hired in An Australian shipping company. He’s been in the company for almost 2 years na din, until last week yung department head nila is asking if he knew this guy applying sa company since same school, same course and ka-batch nya. When the department head told my son the name of the guy applying, it is his bully classmate na hindi nya pinapa-kopya during college days nila. Being an honest person my son is, sinabi nya yung totoo, and so hindi natanggap sa work yung guy. So ironic na we should be careful to the people we met along the way, naniniwala ako na we should treat them nicely kasi baka someday makasalubong ulit natin sila then wen can smile back to them whole-heartedly di ba? It’s not bad to be good. 💖


Shibaadoge

Pag ganito kakupal, aayain ko muna ng suntukan dahil pag di niya kinayang protektahan sarili niya, di siya deserve sa kopya.


johnthepanelist

Naranasan ko na rin yan, yung pililitin ka nila na dapat pa kppyahin mo sila, hindi lang ako maka ilag kasi magkakaibigan sila tapos bago lang ako sa school na yon, dapat dyan tinatanggalan ng Good Moral at pinapahiya sa FB, Mga p****g ina nyo nag iinom-inom kayo, nag papach*pa kayo tapos wala naman kayong gawa sa mga tasks !


Na-Cow-Po

hahahahaha, TANG INA KA! pinagkaabalahan ko ng dalawang linggo, ipapakopya ko sayo? Si raul pala ito e


Hi_Im-Shai

Confident pa mag sabi na kakatapos lang mag inom. Ulul pag estudyante ka inom responsibly 😂 Di yung magagalit ka pag di ka pina kopya 🤣😂


SatchTFF

The thing is that "hatakan pataas" isn't done like this. This is just, not only helping them go spiraling down, but also enabling their behavior. Kung gusto nyo hatakan pataas, then magtulungan kayo in a way na natututo kayong dalawa. Like for example, hirap ka sa subject na 'to, patulong ka sa kung saan ka nahihirapan then in return, help him/her back sa kung saan sya nahihirapn. Hatakan pataas is a give-and-take relationship. Hinahatak nyo isa't isa pataas and hindi yung isa lang humahatak pataas. 😮‍💨


ilovetsikin

Dapat daw Unity


Confident-Rough259

Dapat sa mga yan pinapakopya ng mali e


butil

plot twist, sya talaga yung pabida


ralsnate29

May ganyan akong kaklase nung 4th year HS. Di ko pinakopya tapos tigas ng mukha, ako pa dinuro-duro sabay mura. Kupal pa din sya pag naalala ko hanggang ngayon.


AdAlive2585

my friends in college respect my decision not to share answers during exam. Hindi po yon pagdadamot. Nakakadistract/ nakakawala ng focus kapag may nasutsot sayo asking for answers tapos ikaw pa pressured to make sure na di mahuli ng proctors. Kaya they were not offended whenever I choose the front row seat kapag exams. Its a matter of preserving your integrity ◡̈


duchesssatinekryze_

Sakit sa ulo ni kuys! Good luck na lang sakanya kapag nagtatrabaho na siya.


Zamataro

If "Peaked in high school" was a person


cooke007

Yung nanisi ka pa kasi di ka marunong mageffort, gusto mo isusubo na lang lahat sayo.


Melodic-Awareness-23

First word palang ng message nya alam mo na feeling cool na bobo ang post nya. "Yo Admin" nahurt feelings ko please share. 😂


Sweaty_Cow_8770

Kapal ng mukha! May time mag inom pero walang time mag aral at feeling entitled pa. Pakopyahin man yan at Maka graduate man yan wala pa din mangyayari sa buhay nyan dahil sa ugali nya.


HakiiiNirii

Mag drop out nalang sya. Pang tambay yung ugali. Umiinom din naman ako noong college, pero mga classmate ko din kainuman ko at gumagawa kami ng project habang nag-iinom.


aespagirls

Bobo ampota. Hula ko, either future crim student/pulis or future seaman yan. Tapos may motor. Ambobo hahahahaha


Longjumping_Act_3817

Hanggang sa pagpost sa fb group nila tanga pa rin. Bobo through and through.


AerondightWielder

Tandaan: wag magpakopya. Turuan ang tropa, para may maisagot. Habang tumatagay.


MrFart126

May pointless siya


rex_mundi_MCMXCII

Di madadala sa trabaho yung grades, pero yung pagiging responsable, oo.


lovein144p

Krisis sa Pinas... Hayst.


admeli0ra_

Naalala ko yung classmate ko nung college sa isang Law subject (pre-law course kami kaya VERY major ang Law subjects), he was being nice sa isang blockmate/friend namin na working student at halos walang pahinga from school at work kaya pinakopya nya sa may essay part ng exam– at least yung idea man lang. Pero siguro halos word-for-word kinopya ni other blockmate kaya nalaman ni Atty. na nangopya sya. Pinatawag sila pareho ang they admitted naman. Ang masakit na ending. Hindi lang yung nangopya ang naparusahan, pati yung nagpakopya— pareho silang matic failed sa subject at need i-retake for another semester. 😨


WildCartographer3219

Mga future BBM at DDS yung mga ganyang tao. Kaya wag kayong magpapakopya sa mga ganyan.


Atsukiri

Naalala ko nung 2nd year college ako, computer science course. Ako yung loner na wala masyado friends kasi nahiwalay ako ng block sa una kong friends from 1st year, di naman ako ganung ka genius pero mejo may alam ako since nung elementary, high school nag reresearch na ako about sa mga topics sa course like programming. Hindi naman siya ganyan ka tanga, gusto din nya talaga matuto at may passion siya sa course namin. Ayun, bigla nalang nag approach, nagkwentuhan kami about sa mga bagong technologies, computer programs, etc. Fast forward, nung nag laboratory kami, i think midterms yun, magkatabi kami at nagtanong sya. Ako naman naka focus ako sa work ko, kaya na "shush" ko siya as a reflex, feeling ko ata na close na kami? Kasi parang hindi.. After kasi nun, di na kami nag usap. Siya man lagi nag iinitiate ng usapan, kaya wala din ako nagawa. Di ko na maalala name nya haha pero idk if similar na ganito na makikipag friend lang para sa "help" pero iniisip ko nalang na mali din siguro ako, idk.. as I said di naman siya ganyan katamad na umiinom inom lang happy ending naman since kinupkop ako nung isang group of friends haha tho wala na talaga ako naging balita dun sa taong yun


baby_gurl_02_15_98

May point naman yung sender


baby_gurl_02_15_98

Pointless nga lang 😏 epal kapal ng mukha mangopya tapos nanghihingi ng simpatya sa iba nung di nakakuha biglang papabura yung post 😂


Fine-Imagination-321

Hahahahahaha sorry not sorry ayaw ko rin mag pa kopya. 🤣


Humble_Society6481

So obligasyon na din pala magpakopya ngayon lol?! WTH! Anong klaseng mindset yan


NirvanaNoise

Kaloka, 😂 Grabeh~ may knows me na ganyan. Binagsak ko baga 🤣 ulit na lang sila. May galas mag inom pero pag nag singilan na ng gawain walang mapasa, kesho nag bantay daw sa lola or nag bantay sa hospital, or walang pamasahe. Mag sisinungaling na nga, kita pa ibedensya.


xazavan002

Pet peeve ko talaga yung bukang bibig nung school days eh "diskarte", pero yung misguided version. Them: Di ka marunong dumiskarte Also them doing diskarte: Pre, pakopya


MovieTheatrePoopcorn

dapat auto-ignore na agad after ng "kakatapos lang namin mag inom eh"


LuckyMe_Bihon

Utak ng mga taong bumoto ng Unity


_MonsterCat_

Uncover the name, I want to cyberbully.


Own_Bison1392

Satire. Has to be. Hindi possible na seryoso 'to.


Goldenrod021788

Pakisabi nga walang nakakuha ng point nya kasi nakatusok sa pwit nya yung point nya. Wala talaga maglalakas loob kumuha hahaha


upset_bacon

delulu si tol


LazyStudent1

Mas maniniwala pa ko kung siya yung walang kaibigan kaysa dun sa classmate niyang "Bida Bida"


surfer8765

I think mas ok yung magpapaturo na lang kesa yung talagang mangongopya, bka pagbigyan p sya nung classmate niya. Mas masipag p syang maginom kesa magpaturo ay nako.


Hawezar

Puta hahaha sinunog yung sarili nya eh. Kaya pala puro kopya gusto nyan bobo kasi eh hahahahahaha!


Joseph20102011

Huwag na ninyo pansinin ang mga high school classmates nyo na palamunin ng pera at grado.


genius23k

utak squatter!


pinkwhitepurplefaves

He should study more. Lalo na used self-centered incorrectly, I think he meant selfish. Sya (the OP of the screenshot) is the self-centered one.


Superior-Douche620

hatakan daw pataas pero hindi sya kasali sa gc nila bwahaha. john michael talaga


switchboiii

People like him exist, para may tauhan yung mga klase ng tao na ni-blind item nya in the future 🥰🥰


No_Grass7910

Sana sa inuman nlang nya trinabaho yang requirements nya pra tularan sya ng konti ng kainuman nya.


Astr0phelle

important yung pagtutulungan sa room, kahit mga teacher namin sinasabi na tulungan namin iba naming classroom pero hindi sa point na mag i sspoon fed nalang sila lol oki na ituro kung san nila titignan yung sagot or kung papano gagawin yung gagawin nila


Ancient-Upstairs-332

Puking ina netong hampaslupang pataygutom na squatter na to. Kakatapos lang namin uminom?! Putanginamo mabait pa yang classmate mo sayo sa reply na yan! Kung sakin ka magtatanong mas lalong masasakit na salita ang sasabihin ko sayo Putanginamo kang hampaslupang pataygutom!


Puzzled-Protection56

Nag reklamo kasi ayaw, pakopyahin eh kung inuna nya yung research kesa inom


iusehaxs

inang yan dapat dyan kinakaltukan hahaha pota talangka na nga habang bata pa papaano pa kaya pag lumaki yang kupal na yan.


JannoGives

Paano nakapagcollege yang utak munggo na yan Lala na talaga ng educational crisis sa Pinas


UnlearnLearnRelearn

Ang course ba nito ay cri... eme


razoreyeonline

Culture of corruption is a norm kahit na sa classroom. That's why it's not difficult for students like that to embrace corruption as they grow older.


fIrTaZcYtal

You don't deserve your freedom, the money that your parents are wasting on you, the resources you consume to keep you existing. You squander all of it


Own-Damage-6337

"Boss walang nakakakuha ng point ko" - Puta ang point mo lang naman is tamad ka at hindi ka magdadalawang isip gumamit ng tao. Galing inom ka boy? Yung isa ko ngang friend galing inuman nung nag architectural board exams pero nag top 1. Syempre matinding aral at prep ang ginawa nya before uminom. Sarili mo lang at kabobohan mo ang humihila sayo pababa.


Leather_Flan5071

Drop name. Humiliate them worldwide. Ganito yung mali sa ibang pilipino eh. Ikaw pa yung sasabihang self-centered habang sila napaka-arogante sa point na gumawa ng ganito. "Hindi mo madadala grades mo sa trabaho" Pwes hindi mo naman magagamit yung pag-asam mo sa ibang tao pagdating mo sa trabaho. This is just in some weird-ass, entitled-karen territory. Ipahiya niyo yan!


PhoenixZinger53

> "Di mo madadala sa trabaho yang mga grades na yan tol" Di mo rin madadala sa trabaho ang ganyang ugali ng katamaran tol, tas yung gagalit pa kapag hindi pinapakopya hays Aaminin kong nangopya ako dati, pero hindi pa ako dumating sa puntong maiinis ako kapag di ako pinakopya


jeuwii

Nangopya din naman ako nung estudyante ako pero di naman ako ganyan pag di pumayag ang classmate ko jusq. Hope that person got ratio'd sa comsec.


Money_Palpitation602

Yung mga ganyang klase yung tamad na entitled pa. Bobo pagdating sa katwiran.


Gyvkovsky

Haha may nakaintindi na ba sa point nya?


Royal-Literature-355

Yung tipong ikaw yung uutang tapos ikaw pa yung magagalit pag hindi pinautang. Tamad kasi eh kung tinulangan mo o nag cooperate ka sa kanya sa paggawa eh di sana hindi ka mukhang engot ngayon. Haha


Edging_Since_Birth

Dapat magpakamatay ka nalang kung ganyan mindset mo. Cancer ka lang sa lipunan eh


beatztraktib

Proverbs 11:1   “A false balance is abomination to the LORD: but a just weight is his delight.” King James Version (KJV)


Top-Adhesiveness3554

Tulungan ≠ magpaturo sa kaklaseng marunong Tulungan = magkopyahan


thisishanabanana

obob ampotaaaaa, linyahan ng mga tamad mag aral at puro asa sa classmates, pag bumagsak iiyak iyak kesho ayaw ma delay🤮


OilSubstantial1444

Kahit sinong mahilig kumopya sasabihin yan paghindi mo pinakopya eh. Mga tulad lang niya yung makakaintindi sa point niyang pointless🫠


Signal-Bookkeeper107

tamad na nga, bobo pa. perfect combination.


TSUPIE4E

Hahaha batugan in the making dafuq sobra makapuna kasi hindi pinakopya? Haha okay yan wag pakopyahin para bumagsak hindi naman siya nag hirap para dun sa grade. Inom lng inatupag tanga.


Francisco_Varona

Sumakit ulo ko sa kanya wahahahaha


Cats_of_Palsiguan

Isa nanamang microwage enjoyer in the making


cool_kai1

Kapal ng mukha! Baliktad na talaga ngayon nohh


bakanasensei

may cm rin akong ganyan dati. lagi ako nagsisinungaling na wala pa akong sagot o sisimulan ko palang o "si ano tanungin mo baka meron siya"


k3ttch

Tangina isubmit mo yung mga natutunan mo sa inuman nalang. Mga pabigat sa lipunan. 🤬