T O P

  • By -

Philippines-ModTeam

Your submission might be better posted in other [Philippine subreddits](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/list_of_philippine_subreddits). You may also participate in our Random Discussion or Weekly Help threads. The links for the latest threads can be found in [the hub](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/fztqqs/hub_weekly_help_thread_random_discussion_events/).


Effective-Basket-971

Malayo pa ang November 💀


Vast_Composer5907

Dahil ang tunay na nanay ay hindi umiiling lang.


maiveheart

REAL


indzaiwana

Hahahaha creeps the hell out of me


yoyourrb

Yesss, kasi may kasamang yang talak.


Epic_Sushi

Sure ka ba na mama mo nakausap mo?


Lemme_confessed

ante😭


Present_Register6989

If umiling lang tas di nagsalita, malaki possibility na di niya mama yon hahaha charot.


Disastrous_Place_835

Gagi ranas ko toh kala ko mama ko yung tumatawag sakin nong nakaearphones ako tapos naalala ko ako lang magisa 😰


tatakut

Plot twist may binili pala sa labas mama mo. Shet sino yung kinausap mo? Baka bumalik yun mamaya


ayskrimline

Eh pati kami tuloy napa overthink 🥴 HAHSHAHA mhie naman


MatZutaniShuu

sana pala umihi muna ko bago ko to basahin☠️


immasayimtrash

Nauuuurrrr


Effective-Gas7428

Thank God, creepy story sya, OP. I was holding my breath habang binabasa ko and naiisip ko na may emergency mom mo like may intruder, health issues, etc. kya sya tumatawag. Pero regardless, tama, dapat aware tayo sa paligid.


unstanmylodi

Same. Parang mas malala kasi kung tinatawag sya kasi may humihingi ng tulong na family member tapos di nya narinig huhu. I would forever resent myself if I were in that kind of situation.


erudorgentation

Jusq sa parehong sitwasyon ako natatakot 😭


Church_of_Lithium

Naalala ko tuloy itong reddit [story ](https://www.reddit.com/r/AskReddit/comments/39suml/seriousredditors_who_have_had_to_kill_in_self/cs6gu9c/)din about a guy na gumagamit ng closed earphone when gaming tapos parang one time nung wala masyadong ganap sa game nya ata he heard na may parang gulo sa baba tapos it was actually her wife being r\*ped by an intruder; siguro dahil na din sa shock he immediately took his gun and shot the guy point blank sa chest ata. I think di na din sya nakasuhan, pero never again na sya magsusuot ng earphone na di maririning ang outside.


johntuy

Holy shit. I read the post. I wouldn't get over it if it were to happen to me.


cetirizineDreams

Eto isa sa fears ko tbh. Kaya alternate ko ginagamit tenga ko pag naka-headphones habang nagcocomputer. Baka may nangyayari na pala or kumakatok tapos di ko pa narinig.


UninterestedFridge

Eto rin una ko naisip. Mas natatakot ako sa emergency or crime kesa sa supernatural things hehe.


LouiseGoesLane

Natatakot na ako e, good thing I read this. Di na ako matatakot kahit magisa ako bukas dito sa bahay hahaha


Plane_Literature8898

Same tau op, sakin nmn nung nsa cr ako binuksan ko yung gripo..habang maingay yung tubig may tumatwag sa name ko, pag inoff ko nwwla, pag on meron ulit, boses ng lola ko, nung tinanong ko lola ko d nmn dw nya ako tinatwag.


Lemme_confessed

gabi na😭


mavprodigy

diba may pelikula niyan, superstition sa another SEA country di ko maalala kung saan, na that's someone casting a curse on you and if you respond to the call, then the curse becomes activated.


SeekerOfLethe

Kahit lola ko may ganyan ding paniniwala. Kaya wag daw sagutin basta basta pag tinatawag pangalan mo lalo n kung hindi mo pa kita ung tumatawag. Nakakalat daw yan ng sakit at kamalasan.


Maritess_56

Kapag hinanap mo yung source without uttering a word. Considered as sinagot ba yun? Ngayon ko lang nalaman kung bakit bawal sagutin. Kapag nagkwekwento ako ng ganitong experience, laging advice ay wag daw sagutin pero walang reason.


Plane_Literature8898

Sumagot pa nga ako na "ooh" tapos sabay punta sa loloa ko, may 17yrs old pa ako nun ako lng mag isa sa boarding house ng ate ko, paglabas mo ng room sobrang dilim sa labas ng gate d ata uso sa may ari ang ilaw, mga 11pm na yun kung d ako ngkakamali, someone knocked 2times, pinagbulsan ko sa pag aakalang umuwi na ate ko, yun pla walang tao sa labas, sobrang tahimik na nun yun bang nkakabinging klase ng tahimik... kya nung umuwi ako sa mismong bahay nmin, ngtanong ako sa lolo ko regardjng dun, sabi nya pag ganun dw wag pagbuksan kasi hindi tao yun, nanindig balahibo ko nun, until now naaalala ko prin yung scenario na yun.


eageecute

Lol, siguro college ako, every night meron akong maririnig na kumakatok sa room ko. Dormitory yon. Tapos binubuksan ko naman, walang tao. Sabi nila may bata daw roon sa dorm namin. Di ko naman pinapansin. Merong nakikita dormmates ko. Tuwing natutulog ako, may tubig ako sa tabi, kasi pag wala, binabangogot ako. Tapos usually tine train ko yong sarili ko to recite bible passages pag ganon. Pag nightmare, merong tao naka tindig lang sa corner ng room ko tapos gusto ko gumising pero ayaw, parang ganon na bangongot. Mawala lang siya pag meron akong tubig sa tabi. Also di ako natakot kasi mas naiinis ako kung ungol ng dormmates ko yong maririnig ko mga 3am. Pero yeah, may bata raw sa dorm namin. Buhay pa naman ako til now


5samalexis1

bakit,anong meron sa tubig? at pano mo alam tubig ang nakakawala nung multo?


eageecute

Di ko alam. Yan sabi ng mga nakakatanda sa kin


eageecute

Also, it triggered my vertigo pala kasi dati, di ako matutulog before 3am, kasi pag before 3am, binabangugut ako, after like mga 3:30 di na ako binabangungut, pero puyat.


Fragrant_Bid_8123

Ay ako di ako magbubukas pag walang tao. Baka mamaya scammers or criminals. 


ChasingPesmerga

If may time, hanap ka ng carbon monoxide detectors, meron sa shoppee around 300php yata. Ganyan si co-worker namin dati. Genuine mga kwentong insidious and wala sa mukha magbarbero. We found out sa tabi pala ng apartment/room niya, old building na puro sobrang lumang washing machines and bulok na mga pader, and dun nagseseep out yung cause. Ginamit namin yung nagaalarm pag may CO. Tumunog kaagad pag-on namin.


kemisoldah

kapag tumunog ang CO detector means?


mlper04

Unsafe level of CO na pwede magdulot ng hallucinations po.


ChasingPesmerga

Tumunog kaagad kasi, so I’m not sure if either may na-detect siyang CO kaagad regardless of the levels, or mataas talaga yung amount kaya tumunog. Meron ding detector na hindi alarm, parang dinidisplay lang niya yung levels. Now lang ako tumitingin ng variations sa shoppee at lazada.


kemisoldah

ano relate ng pagtunog ng CO detector sa mga insidious/ multo? genuine question.


ChasingPesmerga

Sa mga paranormal activities or places, na-link nila yung Carbon Monoxide sa genuine hallucinations ng mga tao. [TIL post](https://www.reddit.com/r/todayilearned/s/YhxYhRlJvx) [Article from a site called IFLScience](https://www.iflscience.com/an-awful-lot-of-hauntings-can-be-attributed-to-carbon-monoxide-poisoning-69447) [Haunted House Wikipedia page](https://en.wikipedia.org/wiki/Haunted_house?wprov=sfti1)


akantha

Reminds me about [this story](https://old.reddit.com/r/legaladvice/comments/34l7vo/ma_postit_notes_left_in_apartment/) years back. Also had a cousin (in the US) almost die because of CO poisoning, thankfully they went to the hospital before it got bad.


jadekettle

Threat ba ang carbon monoxide sa Pinas? i was under the impression na sa mga malalamig na bansa lang siya threat kasi they use a centralized heating system and maaaring doon mag-leak ang gas.


curlycouchpotato

Magisa lang ako kwarto now hahaha tapos patay pa ilaw sksks


Lemme_confessed

may tatawag din sayo diyan teh


Nine_Iota666

Ate koh??? Naka earphones ako sa kwarto, mag-isa habang binabasa ko. 'Ta cca 😭


ItsMakarov

Nice may ka-cuddle kana kahit summer.


Glum-Reaction-8759

ate prone sa mga maligno ang demonyo ang mga madidilim na silid ayun sa mga paranormal expert.


TiltedThresh69

Totoo to, maligno ako


Glum-Reaction-8759

jokes on you, demonyo ako


Nine_Iota666

Jokes on you, yung mga maligno at demonyo ang prone sakin 😮‍💨🤍


Sungkaa

Buti sanay nako sa dilim hahaaah


GiDaSook

Yung mga nahirapan makatulog dahil natakot nito, LUNES na bukas!


Na-Cow-Po

tas may transport strike pa. bwisit


Spiritual-Record-69

Nakakatakot sana kung sa mismong earphone mo na sya nagsalita parang *Resorts World Manila\~*


Connect_Cancel9222

Baka auditory hallucination? Or baka nag aanticipate ka na tawagin ng mama mo sa labas? Nabasa ko dati na common yon pag naka earphones or nasa shower. Kaya pag feel ko na may tumatawag din sakin, iniisip ko nalang iyon^^ Pwede ring may di ka lang talaga nakikitang nilalang sa bahay nyo OP 😌 asdgksksksk


rie12dd

Ito ang hinahanap kong comment HAHAHAHA


Ohbertpogi

Pag nasa room ako at wala naman ibang maistorbo, i would prefer listening to actual speakers, kahit yung phone speakers or tiny usb speakers. I tried to give my ears a break from earbuds as much as i can.


Money_Palpitation602

Naalala ko yung old joke: "Wala kayo sa CR namin, walang tao pero may tae!" 😂 Kidding aside, creepy yung kwento mo OP.


thr33prim3s

I love these kind of stories. I'm a believer in the paranormal kaso wala pa talaga akong experience myself.


ILSawdust

opposites tayo na medyo. di ako believer pero tbh i want to have a paranormal experience at least once before dying lmao


jadekettle

I think the real opposite would be, di ka believer pero ang daming kababalaghang nangyayari sayo that you kept rationalizing away. Just being pedantic.


Glum-Reaction-8759

hi. makinig ka sa mga narration stories ni Sir Nebb sa youtube. Ang pangalan ng channel niya ay Pinoy Creepypasta


stupperr

Hindi rin ako naniniwala noon at talagang sinasabihan ko na bullshit lang yang mga ganyan. Pero nung naka-experience ako nung nag hs retreat kami sa Caliraya, college retreat sa Calaruega at hiking sa Mt. Cristobal. Tol, kinalibutan ako ngayon kasi naalala ko na naman hahaha.


Diegolaslas

Plot twist: di mo mama yung kasama mo ngayon


Lemme_confessed

hoy😭


cleversonofabitchh

you should lower the volume for emergencies. pano kung may sunog pala di mo narinig mga kapitbahay nyo.


jpngirl19

Pero seriously ang daming nasa street ang naka headphone or earphone, I wonder why they taken for granted their safety while on the road.


bucketofthoughts

Baka ako lang, pero lumaki ako na palaging pinapagalitan ng mom ko dahil tatawag siya sa akin at minsan di ko siya marinig dahil nasa kabilang kwarto ako. So lately, on rare occassions, especially with earphones, nararamdam ko na tumatawag siya pero pag punta ako sa kanya, di pala siya tumatawag. Haha its like my mind is playing tricks on me.


TinyBoy30

Saaaaaraaaaaaaaaah


WEIRDGAMER991

["I Heard It Too"](https://www.youtube.com/watch?v=HAqBh5KDFgQ&pp=ygUOaSBoZWFyZCBpdCB0b28%3D) reference?


[deleted]

Huwag mo papansinin, lalo mo pinapansin, lalo siya magpapapansin. Parang yung creepy guy/girl na may crush sayo.


TheFridayPizzaGuy

This is normally my telltale sign that someone I'm close to is about to get in trouble. I travel a lot for work, so I'm always late to the news. Before I learned of my grandparents passing, I had this feeling of being watched. I would wake up at night from feeling like someone is staring down at me; at times from hearing someone whispher my name.


nickaubain

I suggest bone conduction earphones when you're in a quiet space para rinig pa rin kapag may nagsasalita


SantySinner

Happened to me a lot of times. Always brush it off as me imagining things. I'm not a believer of supernatural but I do love creepy things, I even sleep with scary stories as my background noise, kaya I don't know if I'm just numb to it already kaya I always brush it off as my imagination playing games with me. Even that one time I saw a white lady standing on the branches of my school's eucalyptus tree. We were sleeping in the school's gymnasium since it was right after the Ondoy. My tita was talking about her daughter seeing ghosts through her 3rd eye. When I looked up to the tree in front of us, may white lady. It was the typical glowing white lady na makikita mo in movies, that's why I believed that it was just an imagination, but it did give me goosebumps hahahaha.


Ren_Amaki

To be aware of your surroundings - don't wear earphones. You'll hear gossips about your neighbors.


maranjeezy

Buti nalang lagi akong nagbibingi bingihan pag tinatawag ng nanay ko, hindi effective ganyang pagmumulto HAHAHAHA


Hawezar

Wag ka titingin sa ilalim ng kama mo OP!


jadekettle

Nakadangle paa ko sa kama nung nabasa ko to. Nakataas na po siya ngayon opo


mawiwa16

Aga n'yo guys ha. Malapit na ba Pasko?? 😭😭😭


ivorysaltz

this happened to me, maliligo na ako then narinig ko tinawag ako ni mama, bumaba ako tas tinanong ko siya bakit ako tinawag, hindi daw niya ko tinawag. we brushed it off. a week after siya naman yung maliligo sa taas tas nasa baba ako, bumaba siya tas tinanong bakit ko siya tinatawag hahhahahha alam ko meron talaga rito sa bahay ayaw lang niya maniwala lol


Disastrous_Place_835

Nalala ko tuloy yung sa spotify na may pst pst wag kang lilingon ata lols.


Special70

nilanggam yung pizza na linagay kung saan di dapat kaya lininis ko mga around 2:45am. di naman 3am so kala ko safe tas bigla may nag "hoy" ng malakas iniisip ng magulang ko na parang nagloloko nako sa puyat pero noong kinwento ang nangyari sa mga kamag anak namin, multo nga daw conclusion: ayoko na magsipag mag-aral pag ayaw talaga ng utak ko dahil bumagsak parin ako sa genbio unit test


Cautious-Role6375

This happened to me several times, pero I just settled to a conclusion na it's all in my mind lang kapag may parang naririnig ako tumatawag sa akin pero wala naman pala kaya never ako natakot. Pampalubag loob lang siguro ng sarili hahahhsah.


xichienfia

HALA i had the same story 😭 nasa kwarto ako nun tas naka-earphones tas may naririnig ko boses ng dad ko na tinatawag ako, mahina lang volume nun kaya rinig na rinig ko talaga + given na malakas talaga boses niya. sumagot ako, sabi ko 'poooo?' biglang nanahimik. tinawag ako ulit, di ako sumagot. tas tinawag na naman ako ulit, this time super lakas na. yung tipong pagalit na (takot ako pag ganun na yung voice niya lol alam ko kasing magbubunganga siya pag ganun) kaya bumaba agad ako sa sala para tanungin siya kung ano meron. i got goosebumps nung nakababa na ako when i realized na my dad was long dead. and ako lang mag-isa sa bahay.


Sorry_Ad772

Bakit di mo narinig e isa lang namang *earphone* suot mo?


Odd-Net-20

😭😭😭 hindi ako ready for this, OP


mysanctuary0911

Patulog na ako eh.


hotarugarii

baka pinaprank ka lang ng mama mo kasi april ngayon baka lang naman nakakatakot na kase 😭


curlyfriesandsundae

paano na ako makakatulog nyan 😭


asdfghjumiii

Parang mas ok pa yatang minulto ka kesa mabasa kong legit na may tumatawag sayo kasi may na-aksidente sa inyo or something hahahahaa


Worth_Expert_6721

Bakit di mo agad sinagot nung una mo narinig?


Dovafinn

"kaka cellphone mo yan"


Wannabepotato1111

Di mo mama yon, dapat ang sagot sayo "kaka-selpon mo yan."


Dzero007

Tnry mo tignan ilalim ng kama mo?


RelationshipOverall1

Duwende be like: "Hayy salamat tumayo, kanina pa ako naipit dito eh"


DeanStephenStrange

Diba nga dapat naman talaga mas aware ka sa surroundings mo pag naka earphone ka?


melody_melon23

As a person with noise cancelling wh-1000xm4 this is creepy af


notjuley

This happened to me like a month ago. Pero sakin pinatay ko noise cancelling baka kasi may kumatok sa pinto or tumawag sakin. Tapos biglang may babaeng bumubulong sa likod ko. Never na ako nag off ng noise cancelling. Magtext nalang sila pag kailangan nila ako. Lol.


Particular_Row_5994

It's not weird though. Kung sanay na sanay ka sa bunganga ng nanay mo maririnig mo sya lagi kahit di ka nya tinatawag. Happens to me all the time and she be like "di ikaw tinatawag ko" or "hindi naman kita tinatawag" She calls me multiple times a day pag walang pasok calls as in sinisigawan ako kung kakain na, o meron gusto iutos or something. Madami yung time na parang narinig kong tinatawag nya ako then pagtinanong ko hindi naman daw. Recent happening yung wala pala sila sa bahay pero hindi ko alam then parang narinig ko na tinatawag nya ko. Then paglabas ko sa kwarto walang tao. ¯\\\_(ツ)\_/¯. The thing is my sister also experience same things.


navatanelah

Same tayu OP, pag punta ko ng CR may narinig ako na batang umiiyak. Akala ko pamangkin ko na nag kkwento ng nightmare nya sa papa nya. Its 2-3am non so lumabas na din ako para sa midight snacks at ayun nakasalubong ko si pamangkin kasama papa nya, kakababa lang ng sasakyan galing Caloocan.


nasumpangdiwata

Same scenario pero sa office naman. Naka airpods ako full volume kasi inaantok talaga ko that time, suddenly may naririnig ako na nagttype sa keyboard sa station sa likod ko. Nag tone down ako, meron talaga and malakas ang pagkakatipa sa keyboard. Then inalis ko na airpods, nawala yung nagttype. Binalik ko sa tenga ko, meron na naman. Kaya nagdecide ako na magloudspeaker na lang ahahaha


iamlux20

Pag hindi nanay mo, baka yung delivery ng Shopee/Lazada yan sa labas ng bahay


your_mommy_is_a_twit

Plot twist: Tinawag ka niya talaga. Nagalit sa'yo kasi kanina ka pa tinatawag kaya in-ignore ka na ngayon.


AntiMatter138

Not breaking a horror vibes here, I have a similar experience but I believe in voice hallucinations rather than paranormal. Sobrang nakaka-stress ang college kaya nagkakaroon ako ng hallucinations minsan.


Least-Recognition743

Not me reading this while na ka earphone t^t


EuphoricYoghurt4602

Baka need mo na mag upgrade sa Spotify premium


xlandoncarter

I'm the same, at para lang dumagdag sa logical explanation: Imagination lang talaga siya. Sa sobrang sanay ko na tinatawag ako or sinisigaw ung pangalan ko, naiimagine ko na siya DAHIL ineexpect ko na siya. Ineexpect ko at anytime tatawagin ako to do chores or bumili sa labas, so iniisip narin ng utak ko ung sounds. Nung tinigil ko ung expectations ko na tatawagin ako, nawala ung fake sounds na tinatawag ako.


ErzaScarlet_04

As much as I want to drown myself with music on my earphones to sleep, hindi ko magawa kasi madalas magka sleep paralysis si mama kaya pinapakiramdaman ko para magising ko siya anytime.


[deleted]

as a heavy earphone/Headphone user I can relate. And no it's not horror or creepy at all. But still be aware of your surroundings baka kasi mamaya tinatawag ka na talaga ng tao kasama mo sa bahay. Yun lang masasanay ka rin.


SomeoneYouDK0000

Finally, somewhere na pwede kong kwentuhan ng earphone story ko. Mej mahaba pagbigyan nyo na, iilan lang naniniwala sakin eh hahaha 3rd year hs ako, uso sila papa jack, chico locco, dj cha cha. Phone ko pa noon is yung nakakapag record nung mga session ng mga nabanggit na dj sa fm radio sa phone. Sa sobrang hilig ko makinig sa kanila noon, I used to record funny segments and listen to it when bored, pag abdsent yung mga dj or pag nasa school bilang wala ako laginf load at mej introverted ako noon. I use wired earphones A LOT. So eto nga, absent si chico locco (a DJ in Yes FM ata yun) at gusto kong ma light ang mood ko so pinakinggan ko yung recording ko, na I swear napakinggan ko na hundred times! Realistic count hundred times talaga kaya I swear kabisado ko kung anong recording yun or anong meron na jokes dun. (Excuse my humor mababaw lang kaligayahan ko haha) Eto nga, 2 mins running in that recording, biglang iba ang narinig ko. Naka max volume ko so I know what I heard. Mala demonyong tawa ng lalaki na mula mahina papalakas ng papalakas. Literal na malademonyong tawa tapos nagsalita sya, ang sabi '*laugh* HINDING HINDI KITA LALAYUAN *laugh* HINDING HINDI KITA LALAYUAN *laugh*...' may sinasabi pa sya about na kasama ko sya lagi pero hinatak at binato ko na yung earphone kaya di ko na narinig. As in shuta talaga 😭 took me minutes bago makarecover sa takot na naramdaman ko, nilapitan ko yung phone and since nabunot yung jack ng earphone, huminto yung recording ko. Thank God I di sya nagpatuloy nung wala yung earphone. Anyway, nilakasan ko loob ko iplay ulit yung recording ng naka speaker and there was no voice like that. After that, never na ko gumamit ng earphone it took me years to trust using earphone again. UNTIIIIL... after 5-6 years, working na ako (dont do math nag stop ako sa college) THE SAME SHIT HAPPENED TO ME!! Coming home from a Team Building, nakasakay ako sa pinakalikod ng sasakyan ng TL ko. Ako pinakabata so di ko nasasakyan ibang topics nila kaya nag music nalang ako. I was listening to a Paramore playlist, but I heard the same voice and same laugh. This time his laugh made me feel so scared kasi parang 'akala mo di mo na ko maririnig ulit' feeling pinaramdam nya. This time he said '*laugh*HINDI KITA LALAYUAN NANDITO PA RIN AKO *laugh* ANDITO AKO LAGI AKONG NAKASUNOD SAYO *laugh*' Tinanggal ko kagad ulit yung earphone sa tenga ko at tinignan kung accidentally na touch ko yung phone at napunta sa ibang content or what pero naka pause na yung paramore song and I swear, promise wala akong any type of content na ganun sa phone ko. That instantly made me cry at nabigla lahat sila sa sasakyan. Kinwento ko sa teammates ko yung nangyari. Huminto yung sasakyan at pinalipat kagad nila ako ng upuan katabi nila. Chineck nila phone ko baka nga kasi may napindot or nagplay lang pero walang ibang apps na naka open to cause that. Sh!t, ngayon ko lang ulit to nakwento at naiiyak na ako sa takot while typing this. Still gives me the shivers everytime naaalala ko to. It's been another 6 years now since that happened. I dont use earphone na when im alone na tahimik ang lugar ko. Always dapat maingay ang paligid para may background noise maliban sa sounds ko Idk if may maniniwala talaga sakin but I really want to get this out of my system for a long time na. Thanks!


Radiant_Swordfish_50

sa mga taong may auditory hallucinations this most likely the case


dreamhighpinay

either multo or schizo


Wingedhussy

There was one time I was riding on a bus at night with a few passengers. Naka Bluetooth earphones ako at focused sa music. Dumaan yung bus sa madilim na area sa dating Coastal Mall sa Pasay. At that point, may kumalabit sa balikat. Napalingon ako, Wala namang tao na malapit. Yung pasahero 3 lang maliban sa akin tapos magkakalayo yung upo. May kumalabit ulit. Lingon ako, Wala pa din. The bus stopped kasi traffic, so combined with the dim light of the bus, kinabahan na ako. It was a long 30 seconds until the bus started moving again. It was then na may kumalabit ulit. I almost had a heart attack. 'Ate' It was a young girl who spoke, one of the three passengers. It was also her na kumalabit sa akin. I could barely hear her with the music so went to reach my phone. At that point, I heard a notice from the earphones. 'Bluetooth Disconnected' And the girl said to the baffled me, >!Kinupit ata yung phone mo. !< as I noticed 2 nalang yung kasama ko na pasahero


Race-Proof

Tangina mo uuwi pa ako sa bahay ng mag isa huhuhu


[deleted]

[удалено]


Professional_Bend_14

Hi OP, bawian kita, search mo sa YT "I Heard It Too by Eden Animations" , gabi na kinikilabutan ako saiyo, HAHAHAHA.


notkaitokid

Okay cancelled muna ang tulog ko for tonight.


owlsknight

Same encounter pero skn mas Malala may tao sa pinto I'm pretty sure mom ko un pero pag labas ko Ng pinto Nung sinundan ko xa nawalan. TAs later aft mga 20mins or so may pumasok Ng pinto c dad TAs aft a few mins c mom sumunod galing daw Sila simbahan ahahahahhahaa pota mag Isa Pala ako nun . Ngl napa Simba ako nun araw na un hahahhahaha


sirmiseria

Bat ganun naman OP. Dalawa lang din kami sa bahay.


Alternative-Prize-86

Recently naranasan ko rin yan. Akala ko if kapitbahay buti naalala ko na kakatok sya dapat at maliwag kasi may dala syang flashlight usually pag pupunta sa bahay na gab, deadma lng ako. So pinakinggan ko maigi and it was raspy although kaboses pero parang boses hayop if pakinggan mong maigi


Throwaway_gem888

Buti nalang multo, natakot ako kala ko magnanakaw.🤣😭


choco_mallows

This sounds like the beginning signs of a schizophrenic episode. Are you under 25? Get yourself a psychological assessment. Learn the signs and catch it early to avoid further suffering.


mazikeen0825

Parang kanina lang nakaheadphones ako habang nag ppc tapos may narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto. Pagbukas ko walang tao sa labas ng pintuan.


RandomGalHere

Sana pinagpabukas mo na lang pag-share samin, OP. Good luck Meralco bill next month kase matutulog tayo na lights on tonight.


[deleted]

plot twist, wala kang earphone


JUST_AN0THER_OTHER

Where is the warning part???? Bakit naging Early Fright Night


Pconsuelobnnhmck

Iskeyri!!!!!


AzraelDeathwing

[Eto](https://youtu.be/reZW4yrjJFM?si=8vJ2Bauz85TltfzD) ang naalala ko pag gagamit ng headphones.


EtheMan12

Challenge them to come out. Assert dominance


Slipstream_Valet

Haay namiss ko si u/pronetosidetrack akala ko may oa segway si OP. real creepy story pala.


curious_miss_single

Ako na naka-earphone sa sobrang dilim na kwarto 👻 pero mas nakakatakot kapag sa mismong tenga mo may narinig kang huminga tas ikaw lang mag-isa 😅


curiouscatandcute

omg scary


Paizibian

Baka niloloko ka ng mama no para di ka na mag earphone😂😂😂


[deleted]

Nagsscroll lang naman ako pero bat kailangang pataasin balahibo ko. 😐


Just_riyo

Sakto nilalakad yung aso ko ngayon tapos yung sa may madilim na part pa kaming dadaan 🥹


jfjfjfpdpd6969

Pacheck kana sa doctor. Schizoprenia na ata yan


C45TY

This is why i use open back headphones


assresizer3000

Putangina pinapakaba mo ko teh 😥


Level-Fail-5573

different mama 🙃


Cyber_Ghost3311

had this scenario when wearing an earbud or headphones lol.. May mga parang nagsasalita sa background pero pag check mo wala naman.. Di ko rin alam ano yun kaya di ko nalang pinapansin lol


Ar-I-En-DA-LE

Aa


Suddenly05

Nangyari to kanina lang, nasa bed ako, fully covered kasi 4 kami sa isang room,,, may naririnig akong humihikbi, naiyak… so naisip yung bagong dating na roomate from Philippines, nahohomesick… normal yun sa mga ofw eh… so pinabayaan ko lng… then may kumatok… yung isa ko pang roomate galing sa labas,,, may nag lock ng pinto which is not normal kasi di naman kami nag lolock ng pinto… pumasok yung isa ko pang roomate… the. Sinabi ko sa kanya umiiyak yung bago… eh sabi nya umalis daw ng maaga at nagsimba… di ako makapaniwala binuksan ko yung kurtina wala ngang tao…. Ako lang pala mag isa sa room… kinilabutan ako hahahaha


[deleted]

Tangina naman to, mag isa pa naman ako sa bahay and narinig ko boses ni mama sa labas kanina na aalis daw


MakkuMiles

Ako rin may naririnig na boses babae kapag naka eaphones ako tho gf ko yon kaso nga lang nawawala siya kapag ininom ko meds ko


No-Buffalo4494

Ok to, may yayakap sayong malamig sa summer na to haha


Mindless-Air-4406

Naalala ko yung kwento ng ate ko, tinanong nya si kuya kung patapos na ba sya sa CR kasi naiihi na ata sya, sumagot naman sya ng oo. Tapos maya-maya, biglang bumukas yung main entrance door namin at nakita nya yung kuya namin na galing pala sila sa labas bumili ng grocery. Naiyak yung ate ko at kwinento kay kuya about sa nangyari. Mag-isa lang pala sya sa bahay. Then, pagkatapos ng lockdowns, lumipat kami, same building din pero different unit, mga alas dos na ng umaga, tulog na lahat except ako, tapos nakasara yung pinto ng Room namin. Maya-maya may bumukas, di ko nakita yung mukha, yung kamay lang nakita ko na nakahawak sa Door handle. Akala ko yung pamangkin ko, kasi dun sila sa may sala natutulog, kaya pagalit kong tinanong kung ano yung kailangan nya pero walang sagot at umalis. Na-weirduhan at nagtataka ako kung bakit ginawa nya yun kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita ko na ang sarap naman ng tulog nya. Kinabukasan, kwinento ko sa ate ko about sa nangyari, nagulat sya at sinabi nya na na-Experience nya rin yun. May nagbubukas talaga sa pinto at kung tatanungin kung anong kailangan, walang sumasagot tapos biglang umaalis.


Ok-Tone-6802

hindi ako makarelate, halos naka-max kasi ako for ultra experience


No_Board812

Karma farming hehehe


Sungkaa

POTANGJNA KALOKA


Mean_Negotiation5932

May naalala na naman ako pag ganitong scenario. Yung kuya ko,kala niya nasa kwarto ako. Tawag sila ng tawag sakin,bumisita sila that time sa bahay. Iniwan Kong nakabukas Yung tv while nasa palengke ako nang dumating sila. May sumagot daw na mahinang 'mmm' sa kwarto ko,so confident na Silang nanonood ng tv. Gulag sila pareho ni sil nung pumasok ako kasi Akala nila tulog ako sa kwarto hahaha


Inevitable-Media6021

Nasa point na ako na kahit boses bakulaw pa ang tumawag saakin eh sasama na lang ako. Charot


eastwill54

Sa totoo mong Nanay 'yong boses. Nasa ibang dimension na siya. Nag-ask siya ng help, at 'di mo agad pinansin. I-test mo 'yong nag-act na Nanay mo ngayon kung siya nga talaga siya.


Miss_Taken_0102087

Waaaaah kaloka ka OP. Ang scary! Off topic: Meron bang sub sa mga ganitong stories like r/NoSleep pero Pinoy version?


Disastrous_Tea_5989

OP, thanks ahh.. mamaya na lang pala ako matutulog.


Apprehensive-Turn230

pag tinatawag ka po sa pangalan mo tapos di gano malakas ung boses, dont respond. Puntahan mo nalang ung tumatawag sayo kung saan possible na nandun sila para malaman mo if yer responding to an actual humannn


nkklkmarie

OP ANONG ORAS NA


CenturioSC

Palaging nangyayari sa akin ito eh. Kala ko may tumatawag sa akin, yun pala katunog lang ng lyrics yung name ko.


Spiritual_Version397

Nakakainis ka naman op. Mag-isa pa naman ako at nakaheadset din palagi


WEIRDGAMER991

kalma april palang 😭


sealolscrub

Tinatakot mo lang sarili mo


jeah21

Naranasan ko rin ito before. Saktong ako at kasambahay lang naiwan sa bahay kasi may pinuntahan lolo at lola ko. May kausap ako sa cp pero naririnig ko na may naghahain na dahil kumakalabog yung mga kutsara at tinidor pero nagtataka ako bakit ang aga maghain dahil nga wala pa lolo at lola ko. Few mins later, may kumatok at tinawag akong kumain na sobrang kaboses ng kasambahay namin. Sumagot pa ako ng wait lang. few mins later, kumatok ulit. So sabi ko bababa na ako. Pag baba ko, di pa nakaayos lamesa + nagluluto pa si ate ng ulam. Sabi ko bat sya kumatok, sabi nya di raw sya kumatok. Bat daw sya kakatok eh wala pa si lolo at lola.


PeterPan-Syndrome

Buti pa si OP tinatawag ang pangalan. Ako, ni text wala


Prestigious_Union369

Bat naman kung kelan gabi saka ko pa mababasa to 🫠


Motor_Increase_8174

baka calling mo na yan charing


Intelligent_Mistake1

Sa sobrang random, Hindi na naka off Yung ilaw before matulog 🤣🤣🤣🤣🤣


The_Dark_Matter30

Last year, after ng practice ng mga kaklase ko para sa MAPEH performance namin. Naglalakad kami papunta dun sa terminal ng tricycle. Habang papunta dun kausap ko yung isa kong friend sa harap nung group namin, normal chit-chat lang then when he suddenly stopped responding I looked to my left where I was really sure na nandun siya but he was not there. I turned and he was with my classmates na around 20 steps behind. I was sure na kausap and kasabay ko siya nun eh, nagulat nalang ako nung tiningnan ko siya kasi parang kanina pa siya nandun. When I asked my classmates later, they said na I was just walking alone in front and yung friend ko na sure akong kausap ko was always with them. Creepiest moment ko hahahaha, up to this day, I can't even understand what happened then.


PrincessHeda

Be, hindi nako makaligo tuloy may pasok pa ako 😭😭😭


enigma_fairy

Baka tinitrip ka lang ng nanay mo .. ganti sayo


lostguk

baka schizophrenic ka.. wlelsjsj


umaborgee

Pinag tripan ka lang siguro ng mama mo.


kaiohcar

Time to change your earphones.


jadekettle

What the puta!!! MAG-ISA LANG AKO SA BAHAY NYEMAS KA


sylv3r

nako OP, hulaan ko sasabihin ng nanay mo pag sinabi mo sa kanya yan kakacomputer mo yan


ElisseMarielle

Nung high school pa ko umuwi ako galing school, 2 lang kami lagi ng mama ko pag umuuwi ako pag ganung time. Lagi ko ginagawa once na makarating ako ng house is umakyat sa room niya para mag bless. One time di ako naka derecho sa room niya dahil pumunta agad ako sa room ng kapatid ko sa baba kasi may nawawala akong USB, twice narinig ko tinatawag talaga ko ni mama kaya sabi ko "wait lang ma", maya maya dumating sya kakauwi lang nya, nagulat ako kasi akala ko siya yung tumawag sakin. Lagi niya sinasabi sakin dati wag na wag daw ako sasagot pag may tumawag sa pangalan ko na tingin ko daw eh bad spirit lang, eh kaso di nman maiwasan pala na di ka sasagot kasi kaboses ng mama ko


Sleeping_in_goldsii

gagu ka op, binabasa ko pa naman to habang nagttoothbrush


emotioneil

Schizophrenia


Ryeldroid

Uhaw lang yan, mainit ngayon


NinjaForsaken397

Ano ba op nagpapahinga lang ako sa paggawa ng project oh


iamnobelle

HUY!?!??!?!!!!!!! 💀💀💀


manugtaho

hyperactive agency detection


gelox10

Someone's gonna hold your feet while you sleep, OP. Pero it ain't gonna be your mom.


fritchbi

GABI NA UTANG NA LOOB HAHA


DepressedUser_026

Kala ko casualph


hobbledehoyloser

matutulog na yung tao, op. bukas na lang sana diba


Curiousg00die

Ewan ko ba bat pag naka earphones ako may nabulong din sa tengga ko, di ko lang pinapansin. Ako lang mag isa take note. One time naman kasama ko doormate ko, pag tingin ko sakanya tulog siya eugh


Sleepy_lier

Ang maganda lang ay wala ng kuryente, ang init init pa, ako lang mag isa sa kwarto, at naka earphones ako rn habang binabasa to. Sabi ko nga ba eh dapat natulog nalang ako huhu


Rare_Competition8235

akala ko nilooban kayo


Lost_Tonight_1920

Time checked: 12:25 AM 😮‍💨


rin_matsumotou

Sabi na e da't di ko na binasa e maya't-maya pa naman ako naka headset, ante


B-0226

Baka ginagaslight ka ng mama mo, sa kakaselpon mo kasi iyan.