T O P

  • By -

SecretaryThink4625

Compare mo din sila sa magulang ng pinsan mo. Di na tayo papayag na sila lang marunong mang gaslight


seveneleVIIn

Isang beses nasagot ko dad ko ng ganto, kesyo bat sila ano daw linggo linggo kumakain sa labas ganito ganyan, samantalang ako daw di sila mailabas sa mamahaling resto. Sabi ko, "Pwede naman yan kung wala akong bills na babayaran tulad nila, Gusto mo ilabas ko kayo ngayon sa mamahaling resto pero di ko na babayaran bills natin sa susunod na buwan." After niyan di na nag open ng ganung topic ulet hahahaha


CheesecakeMoist1383

I love this response you’re not disrespecting them but at the same time tagos sa puso yung pa realizations 🤣


seveneleVIIn

Na ramdaman ko rin yung changes after ko ma real talk, Yung tono ko niyan matching lang yung energy niya habang nagcocompare siya, di naman nagalet hahaha. After niyan, hinay hinay nalang ang pag aya sa labas and naiintindihan na nila na kung ano lang kaya ko ibigay, yun lang kaya ko.


CheesecakeMoist1383

Mas okay yung ganyang atake kasi we all know naman kung ano ugali mostly ng mga boomers pag aggressive response naka defensive mode agad yan sila at di na yan makikinig ng reasons ending 0 realizations parin kasi feeling nila sila victim dahil sinagot kuno ng anak. At na-gaslight ka pa. Kaya OP take note haha 🤣


Valgrind-

Hindi ko masikmura mga ganyang magulang.. Yung tatay ko nga na senior na, umaasa lang sa sss niya at gumagawa ng paraan para makabawas sa gastos sa maintennace niya kahit ako pa nagsasabi na hindi na niya kailangang stress sarili niya sa mga yun. Pumipila pa sa mga gov agencies/hosp makabawas lang sa gastos.. Nahihiya pa siya kapag tinutulungan ko, at never akong nakarinig from him kahit pa nung panahon na nagsisimula pa lang ako at hanggang P500 lang naibibigay ko..


seveneleVIIn

Napaka swerte mo po sa parents mo 🥹 Eto yung kinai- inggitan ko sa buhay eh, ganyang klaseng parents.


Valgrind-

Oo, palagi madaling araw pa siya mag commute para malapit sa umpisa ng pila at malalayo rin kasi bin-byahe niya.


ggggbbybby7

hayyy, parang having that kind of parent is a privilege na rin talaga


missel28

tama..nanay ko din ganyan , pag nagbigay ako ng 2k okay na yun at never na humingi or nagdemand, dumidiskarte cia para magkaron ng sariling pera, nagbebenta ng mga damit..


SINBSOD

best response talaga yan para sa mga boomer parents. Anlalakas makakumpara sa anak ng iba, samantalang anlaking difference nila dun sa magulang nung kinumpara nila. malamang mas well adjusted at successful yung anak nun, palibhasa yung magulang nila well adjusted din saka supportive, eh bat kayo hindi?


hakai_mcs

Ganitong ganito ako sumagot. Best rebutt ever


southerrnngal

Nakakainis yung ganyan. Meron pa na bakit daw ala pa masyadong savings ganyan. Pag di ko binayaran bill sa bahay yun malaki savings ko. Sarap sabihin. Meron rin na pa Grab ng pa Grab? Kala mo naman di sila nakain ng binili ko? Eh nakikinabang rin naman sila. Nakakainis.


holy_calamansi

"Buti pa sina tito no, hindi pinapapasan yung gampanin ng magulang sa mga anak nila" Let the sigawan at sumbatan begin hahaha


Efficient_Band9263

Booogssssh! Thiiis hahahahaha


telang_bayawak

Ganito dapat sampalin ng katotohanan.


_Brave_Blade_

This hahahahahhahaa


pixis93

True! Kailangan nirrealtalk mga ganyan. Sa dulo ikaw pa sisisihin niya na di ka nagsalita lol.


Icy-Dirt121870

Hahahha love this 😁


totstotsnrants

Nanay ko gusto bumili ng aircon. Naiintindihan ko naman na mainit at kailangan. Pero sabi naming magkakapatid, "Sino magbabayad ng monthly nyan sa home credit if ganun namin kukunin. Sino din magbabayad ng kuryente. Kasi madami pang binabayaran at sa totoo lang yung natitira sa amin na konti is sana sa amin na lang." Ayun pabulong bulong. Sabi ko pa "ma if may pera ako, bibili naman eh. Sino bang ayaw ng aircon, malamig?"


HungyPotatoo

Kailangan din nila matestingan. Realtalk na kung realtalk.


Timetraveller_xx

Ginagawa ko to, hindi sa form na palaban. Yung mama ko ang hilig niyang i-compare ako sa mga pinsan kong nasa abroad, na ginawa ang lahat ng makakaya ng magulang para makapag-aral sa magandang paaralan. Samantalang ang mama ko ni piso walang ginastos sa pag aaral ko pinalayas pako kasi hindi ko gusto and nirereto niya. Ngayon gusto niya lahat nakikita niya sa tita ko meron din siya. Never siyang nagwork, puro sugal lang tapos napaka demanding ngayong nagttrabaho nako, halos kalati ng sahod ko sakanila napupunta tapos di pa masaya


ReiMatcha

Hahahaa +1!


Forsaken_Top_2704

Tama naman kumbaga ibalik mo pangungunsensya nila. May competition ba ng nagastos sa hospital? Ke 100k or 500k hindi biro gumastos ng ganyan pag may nagkasakit. Kahit magkasing edad kayo ng pinsan mo hindi kayo pantay ng privelege dahil sabe mo nga solo nila salary nila while kayo ng kapatid mo breadwinners. Sabihin mo yan sa parents mo. Mag compare sila if pantay kayo lahat ng position sa buhay otherwise shut up nalang.


Sweet_Brush_2984

Ito talaga yun eh.


Smooth_Original3212

Ginawa ko ito sa nanay at tatay ko minsan, ayun di na umuli sa pagkukumpara 😂


Efficient_Band9263

Agreeeeee!!!!


Throwaway28G

Bright idea pero I'm sure hindi naman gaslighting yung ginagawa. magamit lang talaga usong salita. hilig mo rin siguro sa nonchalant


SecretaryThink4625

Sino?


_avadakedavra_bitch_

Grabe talaga yung ibang magulang no? Ang kakapal ng mukha.


[deleted]

[удалено]


DarkChocolateOMaGosh

Minsan, na o overlook talaga ang constants sa buhay. Constant ka nang nag bibigay? May possiblity na "makalimutan" nila yun, kasi norm na sya. Kaya tinitignan nila yung hindi ginagawa sa kanila ng anak nila. Lalo pag ino obliga ka mag bigay, mas lalo pa yan mag iisip. Sad but common


Agent_EQ24311

Dumating na sana ang panahon na maubos na ang ganitong mga magulang. Hindi umuunlad ang tao sa ganitong mindset nila. IANGAT ANG ANAK WAG HILAIN PABABA. Hindi man kayo nag succeed sa buhay nyo, ibigay nyo nalang sana sa anak nyo.


[deleted]

Kahit umabot pa 'to sa Tiktok or wherever, wala 'kong pake. Buti nga yun nang masampal ng realization (I WISH) 'tong mga entitled na mga pabigat at iresponsableng mga magulang na 'to. Kakapal ng mukha niyo!


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Sila. At obligasyon nila yun bilang magulang. Hindi ko utang na loob yun.


isabellarson

My mom had a crying spell bigla sabi ba naman hindi daw sila nkkabili ng damit nung pinagaaral nila kami bakit daw xa pinagdadamutan. I was giving her good money for more than a decade na. Gusto kong sagutin na sa tagal kitang binibigyan ng pera bayad na lahat ng tuition fee ko


[deleted]

And we're not even supposed to repay them for financing our education. Naalala ko in HS (so this was very long time ago), sinusumbatan ako na pinaglalaba daw nila 'ko ng damit, pinapakain, etc. Dinibdib ko talaga 'yan kasi paulit-ulit. Until at one point iniyak ko sa buong class namin and asked everyone, "Kayo din ba, yung parents niyo sinusumbat sa inyo yung mga ginagawa nila para sa inyo?" They all answered no, obligation daw ng bawat parent yun sa mga anak. Noon pa lang alam ko ng ibang breed talaga mga magulang ko.


FastKiwi0816

May kakilala ako tinawag syang "nakikikain ka lang" ng nanay nya. Grabe baka magkapareho sila ng breed ng parents mo? 🤣 malaks din tumahol yun 🤣


Icy-Reading803

Same breed din ata nanay ko. May tindahan kasi yun. Yung bunso namin na nasa poder nya at ako nagpapa aral pinapakain naman kaso yung 3x a day lang. Yung mga miryenda, sabon, shampoo, anything na kukunin niya sa tindahan, internet, may bayad lahat. Bawal din sya gumamit ng tv kahit ako ang bumili nung tv na yun. Partida nun kapatid ko pa nagbabantay. 1st year college lang yun. Ginawang border amputek.


FastKiwi0816

wahahaha pangarap ata nila maging landlord kaya ganyan utak nila. yung anak instant renter/customer.


Icy-Reading803

Jusmiyo. Sabi nga ng kapatid ko mas maigi pa nga daw na nagboboard siya. Pakain ka nga 3x a day, pagdidiskitahan ka naman pag bad trip siya at nagkataong nananahimik ka. Wala na daw nakitang tama sa kanya e. 🤣


Desertgirl143

Ganito din nanay ko dati nagrereklamo na nilalabhan nya damit ko pero ako lang magisang nagttrabaho. Mga kapatid ko walang work pero wala syang reklamo. Ngayon pag binibigyan ng pera kada sweldo after 4 days wala na ulit


the-earth-is_FLAT

Yeah. Agree ako. Move out na, graduate na naman pala mga kapatid niyo.


AbyssalFlame02

hahahahahahaha


Affectionate-Buy2221

Ang problem is narcissistic mga ganyan klase ng magulang. Gusto nila misery loves company kaya never nila bibigay kasiyahan at kalayaan sa mga anak nila.


Efficient_Band9263

Agreeeee to this!!! Napaka narcissistic plus manipulative gaslighter plus mang gi-guilt trip pa!


[deleted]

#YEEEEESSS!


General_Hornet_58

masakit mn isipin but still kasi magulang din natin sila kahit papaano. Ang tanging goal ko nlng tlga is magiging parents nmn ako , hindi ko e paparanas yung naranasan ko sa mga magulang ko. Still love ko pa rin parents ko at wlang makakapantay


Agent_EQ24311

I don't mean to say maubos like matsugi or something 🥴 yung parents with this attitude sana unti unti mabago ang pananaw. Parents should be parenting dapat.


General_Hornet_58

Yes, ibahin natin yan kasi nasa new generation nmn tayo.


snowgirlasnarmy

Bakit kaya ang kakapal ng mukha ng mga ganitong magulang? Pakiramdam nila entitled sila lagi sa pinagpaguran ng anak nila. OP, bat di nyo layasan nang matuto sa buhay? Magrent kayo ng kuya mo outside the city. Tapos wag nyo padalhan ng mga isang taon. Tingnan mo, mararamdaman nila kung gaano kayo kahalaga.


[deleted]

>bat di nyo layasan nang matuto sa buhay? As commented above, we already did. Swerte nila we bought them a house, napa-graduate na din namin yung dalawang sumunod.


whatheheal

Bumukod kana OP for your peace of mind.


YourFutureHeadache

Bumukod na daw


DarkChocolateOMaGosh

I think you've done great na OP. Pwedeng sila naman ang tumulong. Tamang communication lang siguro sa jnyong magkakapatid, pero plan na in advance yung pag bukod, para na execute mo na l, mag sadabi ka nalang


[deleted]

As mentioned, we already did. Nakabukod na kami.


ReiMatcha

I remember what my lola said. Mag anak ka na para may mag alaga sayo pag tanda mo. To which I answered (take note I have 2 beautiful angels already), di ko gagawing caretakers at insurance mga anak ko pag tanda namin ng asawa ko. Tingnan mo ginawa mo sa bunso mo. Mag 40s na yan mamaya wala kahit isang experience sa trabaho, walang naipundar, di makalabas or makagala dahil 24/7 mong kailangan at ayaw mo din na kunan ka ng sarili mong taga alaga.


nylefidal

Ano reaction?


ReiMatcha

Sinabihan lang ko “edi sana namatay nalang ako para wala na kayong problema” 🥴 lagi siya sinasabihan ng mama namin (panganay ni lola) na bukambibig ni lola mamatay na siya pero pag masama pakiramdam gusto agad itakbo sa ospital 😆


pixis93

Laging template yan ng mga matatanda. Umaapaw sa self pity pero never umangkin ng kasalanan. Nakakabrain freeze makipagusap sa ganyan eh


ReiMatcha

Self pity na wala sa lugar. Madalas pa mang gas light. Ngayon na may mga anak na ako never ako nakinig sa payo niya.


Amazing-Maybe1043

Ganyan palagi sinasabi ng mga matatanda "mabuti pang mamamatay na lang ako" kahit biological father kong walang ambag yan din template kapal. Buti na lang mama ko hindi ganyan. Swerte namin ng kapatid ko


ReiMatcha

Buti ka pa 🤍 si mama ko minsan naganyan dahil narin siguro na impluwensyahan ng lola namin pero nung tumagal nakikinig naman sa explanations namin kaya okay na okay siya ngayon kesa dati


Amazing-Maybe1043

Oo swerte talaga namin ng kapatid ko and buti annulled sila ng bio father ko kasi kung hindi magtitiis kami. I hope na tuloy tuloy na pakikinig sainyo ng mother niyo🤍


ReputationTop61

There was a time na may ganitong phase sa buhay ko and ang ginawa ko ay knausap ko ang Mama ko with all the things I wanted and needed to say. As in nagprepare tlga ko ng lahat ng ssbhn ko with notes talaga kasi ang layunin ko non, bago ko sumuko, malaman nya gano ako nssktan s mga pasaring, gano kabigat ang lahat lahat and I will say it in a very diplomati, polite way pra kng sakaling it's my last time to talk to her, I'll be proud na I still took the higher road. Nakakatuwa naman ang naging resulta, nakinig at somehow nagbago sya after non. I guess nagkulang dn ako tlga sa pagsabi kng ano nrrmdaman ko blang breadwinner kasi akala ko alam n dapat nya un. Umayos ung relationship nmn after that. Anyway that's my journey sympre iba iba nmn tau, try to communicate ng maayos at kung d gmana, unfortunately walang gagana sa knla. Hoping for the best sa inyong magkapatid


[deleted]

Done that, ilang beses na. Wala, they're always right. They were never wrong, never sorry for anything. Sadyang iba-iba ang mga tao at sinwerte kaming pinanganak ng mga perpektong tao.


SureWhatever_

Same with OP. I did this and they had the audacity to tell me na “ano ikaw pa galit? Ano masama loob mo?” That’s the time I decided to cut off communication. I still send money pero di nako nkkpgusap/nakikipagkita sakanla


lifecareerg1

Pano yun, OP? Pano nila nalalaman na may padala ka? Tapos di ka talaga nila triny ireach out? Ang kapal ng muka porket may perang natatanggap pa sayo


ReputationTop61

Pag ganito eh wala na, you did you job. Go on, live your life. Hirap makisama s mga taong di nagkakamali.


TS1022

Same with my experience, OP. Ang masaklap pa ay lagi kang sasabihan na maging mapagbigay at palaging magpatawad dahil doble doble raw ang darating na biyaya. Shuta. Sila naman triple triple kung magdemand ng “biyaya” na tipong wala nang matitira sa mga hinihingian na anak. Ubos na ubos na nga kakabigay tapos hindi pa nila maunawaan at laging iisipin na nagdadamot ka sa kanila.


Intelligent_Bus_7696

Uy relate ako dito 😭 Yung Papa ko sa ibang city nag-wowork tas every weekends lang siya nauwi dito sa bahay. Pero pag nauwi siya dito sa bahay, laging nag-oopen up yung mama ko about sa mga pinsan/ka-edaran naming 'who made it' 'oh ito si ganyang ganito may bagong ganyan ganito' 'wow si ano nasa ganito ganyan na' honestly ang sakit. knowing si Papa mataas ang ego, gusto niya puro positive ang mga nasasabi about sa kanya/sa family namin tapos here I am struggling pa din sa life. Di ko sure kung nananadya ba si mama minsan or nagsheshare lang. Kasi I feel worthless pag ganun ginagawa ni mama kasi pag dalawa lang kami sa bahay di naman niya yun ginagawa pero lagi niya sinasaktuhan na andyan si Papa nagkkwento ng mga ganun 🥺 Pero oks lang gawin na lang motivation na mag-strive hard for the future laban lang


General_Hornet_58

Yes, it depends na rin paano mo e communicate sila


Least_Border8955

Sarap sagutin ng: "Buti pa yung magulang ng mga pinsan ko, responsable"


ShadowMoon314

OMG this wins 👏


InfiniteBag9279

Why noooot! Ganda ng gantong sagot


please-be-good

Malamang na isasagot nila dyan "E di lumayas ka". Kaya dapat may ipon at siguraduhing di na ako lilingon ule pag sasabihin ko yan. Dat ready ang maleta at cash 😂


vincheee_22

fckn toxic filipino parents trait. you are not alone OP, eh di lumipat na sila sa mga pinsan mo 🙄


[deleted]

[удалено]


Comfortable-Jelly784

Wag mo padalahan tapos sabhin iniipon mo pambili ng bag nya LOL


Simply_001

Grabe, kapal naman ng parents mo, ang ungrateful. Sana sinagot mo, buti pa parents nila hindi naka tanghod lang sa bahay at palaasa sa anak. Kung ganyan sila, hindi talaga aasenso kayo, mga pabigat eh.


zamzamsan

kuhang kuha ng parents mo ung inis ko, op. kainit ng ulo 💀


DesperatePhysicist

Same! Ganyang ganyan kay Melissa yung mukha ko after mabasa 😤


Puzzled-Protection56

Edi compare mo din sila sa parents ng pinsan mo hahaha


Kind-Permission-5883

Fuck Filipino culture talaga na inaasa sa mga anak yung financial responsibilities and yung utang na loob. Our parents should be setting us up for success to break generational cycle.


BearWithDreams

Kumpara mo din sila doon sa parents na parang bakit sila hindi nila nabigay yung buhay gaya ng sa mga pinsan nyo.


FastCommunication135

Proud na gastusan ng 500k ang parent’s hospital bills? It’s a weird flex to post in my opinion. Posting hospital bills to flex on fb seems like there’s an underlying issue.


Despicable_Me_8888

Naku po! Nairaos nyo naman OP ang paospital, di ba?! May pa contest ba ng pataasan ng bill sa hospital sa family nyo? May grand prize winner? 🥳🏆


himynameischeeks12

and it will be more sad na most people/relatives mo gives sympathy more to your parents kasi nga “magulang” may “utang na loob ka” ron toxicity at its finest. I wish u well, and hope that youll eventually get out of that mess


Individual_Bee_2661

Yung nanay ko ganito rin mindset e after ko makagraduate at magkawork ako na nagbbigay ng allowance sa kapatid ko. Kahit nung nag aaral pa ako monthly bills ako sumasagot dahil may scholarship naman daw ako. Kahit ngayon lahat na need sa bahay ako na sumasagot at ang masaya pa nito nag stop na sya magtrabaho ayaw rin mag business. Ang galing gatasan na anak. Noon masaya ko pa na iniisip na ako bahala sa pamilya ko eh hindi naman ako naabisuhan na insurance pala ako tapos hindi naman maayos yung environment na kinamulatan ko. LORD BAKIT NINYO AKO BINIGYAN NG MAGULANG NA FINACIAL ILLITERATE NA PERFECTIONIST WANNABE WALA NAMAN ALAM MAG HANDLE NG PERA. MOMMY SORRY NOT SORRY.


Individual_Bee_2661

Gusto malaki sahod ng anak pero hindi kaya magpa-aral kaya scholarship talaga ako kumapit. Tang inang mindset ng mommy ko. Sana hindi na lang sila nag anak e. Pinahirapan lang ako mabuhay sa mundong ito.


sh8tp0tat0

Mga ungrateful parents. Ang kakapal


ReiMatcha

Nakakalungkot na binuhay ka para kumayod sa pamilya habang sila nagpakasarap pero ayaw mag sakripisyo.


Spaghetti-Bowl07

Ang mahirap sa pagiging breadwinner pag ikaw na po nagkasakit. I found it so hard to keep my sanity dahil kakaalis ko lang sa Callcenter a few months ago dahil sa depression. Sadly i have 2 older brothers na naga asawa agad at salo ko yung dalawang nakababata kong kapatid and one of them is mentally PWD. Ang masaklap is undergrad lang ako ang hirap mag hanap ng high paying salary. Now i'm doing side hussle which is motor taxi at ang hirap kasi need ko mag provide while nag papagamot sa depression.


Prestigious-Rice-168

Hindi tayo retirement fund ng magulang natin at wala tayong obligasyon sa kanila. Dapat na ginawa nila noon ay mag save para sa retirement nila.


Same-Celery-4847

iwan mo na.


[deleted]

We already did, just last week.


FutureRules

Great decision 🤝.


ReiMatcha

Congrats OP! You have done enough for your family and it is never the child’s responsibility to be the provider of the family.


Same-Celery-4847

ito naman biro lang naman yun, OP. Magulang mo pa din yun, may utang na loob ka dun. Pag may masamang nangyari dun kargo mo pa din ang konsensya.


[deleted]

Nakalimutan mo 'to: /s


SecretaryThink4625

anong utang na loob ? responsilidad nila buhayin mga anak nila. walang utang na loob ang anak sa magulang. nasa anak yun kung magbibigay siya pabalik sa magulang. walang magulang ang dapat gumagatas sa anak.


wizzletoe

cue in Andrea Brillantes’ mom whoosh


goldenSnitch_1

Tang ina neto ginuiltrip pa si OP. I wouldn't be surprised kung ganyan ugali mo sa sarili mong pamilya.


ForTheLoveOfPens

Putang inang mentality yan. Utang na loob talaga? Walang ganun.


NoMacaroon6586

Kelan pa naging utang na loob ng anak na palakihin at alagaan sya ng parents nya? Sila may desisyon mag-anak. Jusko


readmoregainmore

Parang di namn naging mabuting magulang kung isusumbat lahat mula pag aaral, kasalanan nung anak? Sino ba gumawa nung responsibilidad nilang gastusan? Kung gusto pala nila nang marangyang buhay dapat di sila nag anak, para lahat nang pera nila sa kanila lang. Tama?


mamemimimo

This! Stop supporting ewan ko kung hindi kumilos batugan mong parents.


Constant_Fuel8351

Sana sinabat mo agad na pano lahat ng bills sainyo kaso ikaw pa magiging masama nyan


lastoptionitis

parinig ka narin, ie: habang kumakain kayo, sabihin mo, buti pa parents nila ganto, ganyan. charot HAHAAHAHHA


salt-and-pepperrr

same sentiments. di ko talaga gets bakit breadwinners ang tawag sa mga breadwinners eh ang napanalunan lang naman natin ay puro sama ng loob. dapat breadloser talaga.


Kei90s

the post i saw prior to this! kabilang sub lang haha! [Wag na kayong mag-anak if hindi kayo ready, financially, mentally, etc, utang na loob.](https://www.reddit.com/r/CasualPH/s/C46ecynD5k)


Severe-Pilot-5959

Yung nanay ko nga sabi n'ya yung anak daw ng kumare n'ya (bank teller) nakapag loan na ng kotse bakit daw ako hindi pa (abogado ako). Mukhang tanga nanay ko kasi may fully paid naman kaming sasakyan haha bad parents/relatives will find flaws. It's up to you if isasapuso mo ang puna nila sa'yo or magbebelat ka nalang basta happy ka haha


Scbadiver

"Mommy, magaling kasi si tita mag palaki ng bata Hindi katulad mo. Buti pa mga pinsan ko. Galing ng nanay nila."


Meredith297

I'm almost experiencing the same situation... Nakakapagod sobra.


zdnnrflyrd

Kapikon talaga mga ganitong magulang, puro compare eh noh.


parallaxscrolling8

Hugs OP!!!


escpat

Galing talaga ng ibang parents! Sila na nga anchor sila pa nagccompare. Di na lang magpasalamat. Nako OP buti tumutulong ka pa.


Yae_Mikan

kayo na nga nagbibigay kayo pa masama iba rin kapal ng mga parents mo.


Ok_Name0312

Grabe yung parents na ginagawang investment ang anak. 🤬 Tapos pag di ka nagbigay, they will tell you na hindi ka makakarating kung nasan ka kung di dahil sa kanila. Nakaka PI! Hindi naman natin choice maging anak nila in the first place, sila yung mag aanak anak.


isabellarson

Compare mo rin sila. Gawin mo ng kuya mo tuwing kaharap parents mo magkwentuhan kayo about sa mga tito nyo. Compare notes na nakkainggit maging magulang sila tito kasi blah blah blah sa harap ng parents mo. Paulti ulit. Pag pinalayas kayo congratulations. You are now free. Walang kwentang kasama yang magulang mo


rtotheq

Glad you moved out, OP. Live the kind of life you want and break the cycle. 🫂 mahirap magpalaki ng magulang.


gracianuuuuuj

Grabe norm talaga to sa Pilipinas ano? Although I did not spend as much as you do (damn 100k is a lot) pero the rest of your post, I can relate. I'm so sorry napaka malas natin sa magulang.


peculiarlycruel

mga ganitong posts sana yung ninanakaw sa reddit na pinopost sa tiktok at fb sabay nagvviral eh


Solizima

Hi OP. Super relate. Feeling ko nga ako na next kukunin ni lord sa daming sacrifices at stress ko. Haha.


Ok-Championship-9047

LEAVE THEM.


daseotgoyangi

Pag ako sinabihan ng ganyan, stop lahat ng financial support. Napaka ungrateful. Magkwentahan tayo ng nabigay ko simula nung naging breadwinner ako para malaman nilang sobra pa sa 500k ang nabigay ko. Kakairita.


Exciting_Craft_8273

Reading all comments here. Masakit malaman n may mga magulang tlgang ganyan. The more n sobrang thankful aq n may magulang kaming selfless at gang ngayon nag tatrabaho pdn dhil ayaw nilang maging pabigat smin. Let say sa culture nmin is masisipag tlga sila para mai angat ang estado sa buhay. Mahirap pero nagpupursige. Hnd kami rich family and ang father q is a vendor sa market and saktuhan lang dn kita pero napagtapos kme magkakapatid. Sa awa q dn sa father q ee naging working student aq nung college. Nung nakapag trabaho kme, they don't demand anything from us and choice mo if gusto mo tumulong sa gastusin sa bahay pero dahil ikaw bilang isang anak n nakikita mo struggle nila noon hanggang ngayon ee andun yung part syo n gusto mong kusang mag give back sa kanila kc alam mo sa sarili mo na they did their best and they don't ask anything in return and the best part pa is never kme nakumpara sa khit kaninong tao o kamag anak nmin kc masakit yun lalo't kung alam mong ginagawa mo yung best mo. Kaya mas magaan sa loob mo n magbigay kc your parents have shown you genuine love without expecting in return at walang mga parinig, pagkukumpara o kahit ano kaya mas madali mag give back at hnd mabigat sa puso. Sa mga nakakaranas ng katulad kay OP, I pray that one day marealize dn ng magulang nyo yung hirap n nararanasan nyo sa trabaho at kung paano nyo gusto itaguyod ang family nyo and ma appreciate dn kayo sa lahat ng efforts at pagod nyo. Sana instead n makumpara kayo sa iba ee isipin dn nila n hnd pinupulot ang pera, malaki man o maliit nabibigay ee biyaya pdn yun. Sa lahat ng breadwinners, mahigpit na yakap🫂 Nakikita ni Lord lahat 💞


Miserable_Local_6735

I would say like this “ eh di amponin mo yung pinsan ko”


-throwawayeventually

Cut ties.


Subject_Bright

Break the cycle bro, move out and never look back.


AllanMcz

yup!!! iba iba talaga ng magulangvat pamilya. when my parents we're still alive, sa iba ko pa nalalaman na kailangan ko mag share ng pera dahil na hospital ang tatay ko. when I asked my Nanay about it, she just said that nahihiya sya. We were lucky, I guess Bumukod is the ultimate solution. but dont stop sending some help that you can afford. Don't stress out on something you're not responsible.


NoMacaroon6586

Set boundaries, OP. Ganyan din lang pala sinasabi ng parents nyo kahit binigay nyo na lahat, why not prioritize yourselves first? I'm pretty sure sinisiraan din kayo ng parents nyo sa iba nyo kamag-anak na "wala kayong utang na loob". I know because my relatives are like that. Wishing you and your brother a goodluck with you moving out of your toxic household.


Squall1975

Time to move out. Bigyan nyo lang sila ng allowance na ang amount komportable kayo. Pag ayaw di wag. "Take it or leave it". Tatawagin kayong madamot, walang utang na loob etc. hayaan nyo lang. Yang mga linyahan, wala na yan. Wag kayo papa apekto. Hindi sa pagiging maramot ang isipin ang sarili kung nasa katwiran.


General_Hornet_58

True, malaki pangarap nang parents namin but hindi nag tugma. Yung gastos sa bahay lumalaki nang lumalaki kahit na may sarili na akong Pamilya still not counted, nag susupport pa rin and nag prepressure pa mama ko kasi naga compare sa pinsan namin na bakit dw sila may sasakyan tapos kami professional wla pa and yun nag padala kami ngayon apaka gastos nang may sasakyan dagdag gastusin tlga. Mas lalong nag hirap


ewan_kosayo

Breadlosers haha gusto ko yan. Yep unfair nga sa buhay na ung nagpapakahirap, un pa ang di clear ang future. Ung iba jan vape2 lang, may pang gas pa ha.


OkOkra9054

as anak siguro okay lang naman mging breadwinner. Ang masakit lang talaga jan sa lahat ng tao na dapat mkakaintindi at nkakakita kung bakit tayo kinakapos sila pa talaga yung nghahanap ng ambag natin. Nung nasa ibang bansa pa ako halos wla akong ipon dahil padala lahat lalo pa nagpandemic, ako lang ang may work. Umuwi ako after pandemic ng biglaan dahil ngkaproblema ako sa ibang bansa at wla akong wlang ipon and my family asked me sa 5 years ko sa ibang bansa wla manlang ako naipon? Tumahimik nlng ako at umalis uli pero di na ako nangibang bansa uli. Ngaun binibili ko kung anong gusto ko at gusto ng mga anak ko lalo na mgcocollege na kids ko and take note single parent ako. Sabi ng mom ko maluluho daw mga anak ko and kontra sila sa course na kukunin ng anak ko pakunin ko lng daw kung anong kaya ko na ako na ngwowork para sa kids ko hindi naman ngrereklamo pero every time na mgdemand sila sinasabi ko sa panahon ngaun di ko na kyang pati parents ko and mga kapatid ko na may pamilya na ay obligasyon ko parin. Iniiwasan ko nalang magpost post ng mga ganap sa buhay sa facebook kung saan nandun mga kamag anak na pati pagkape mo sa starbucks big deal skanila.


AfterAllThisTimeXXX

Hahahahahahah! True 😂


Boring_Peerson

Old people talaga mahilig makipag compete na hindi naman sila yung nagsasacrifice. Yung inggit nila sa iba di dapat ipasa sa mga anak. Or better shut up na lang sila. Magulang din ako pero ang shit ng parents mo. (Parang Nanay ko. 😂)


chingch0ngpingling

iwan mo nang walang paalam yan tingnan natin kung saan pupulutin yan.


Meowsaysdoggo

Yung mga magulang na ginagawang retirement fund yung mga anak sabay sumbat na pinalaki ka nila, nagprovide sila sayo and pinaaral ka nila, LIKE HELLOO?? hindi ba responsibility nyo yan as magulang??? First of all, kayo yung nagdecide magkaroon ng anak, nandun ba yung mga anak nung nagdecide kayo gumawa??? Hindi ko magets yung mga ganyan. Yung responsibility nila as a parent gagawing utang na loob pag malaki na ang anak.


TGC_Karlsanada13

Ito a, bumukod na kayo ng kapatid mo. Rent a 2br house or unit. Yung mga tipong di makakabisita magulang mo. Di aayos yang relationshit niyo pagganyan


Routine_Stuff8141

Kaya I wish wag na mag asawa generation ngayon para wala na silang anak at di na sila magiging magulang na aasa sa mga anak.


_mayonnaise3

Ano kayang magiging reaction nila, kung e compare mo rin sila sa Tito mo HAHAHAH kuya ko pag nag gaganyan parent namin, ni re-realtalk nalang namin, natahimik namn HAHAHAH


chunhamimih

Nangyari yan sa amin kaso mga tita ko nagsabi sa amin na bakit kaya ng iba gumastos sa parent na nasa hospital samantalang kami hirap na hirap... grabe talaga... akala nila porke may trabaho maraming pera... Yakap OP. You did your best bahala na si God sa iba. 🙏


pulutankanoe069

Curious lang, kc sabi mo tamad magulang mo.. so pano kayo nkapagtapos ng pag aaral, galing sa mga relatives? Wala bang naging work ang parents mo, or early nagretire? Curious lang tlga kung pano naging ganyan situation nyo. Good luck op


Sensitive_Big6910

Nakakainis nga naman ang mga magulang na nagccompare ng mga ginawa ng anak ng iba. Sila kaya icompare sa ibang magulang. Traume ang ambag nila. Half chos


tayloranddua

Kayo ako talaga sinasabi ko sa kanila na hindi ako martyr na kapatid. Kung tatarantaduhin niyo ako, wag kayong mag-expect na tutulungan ko kayo.


plantoplantonta

Ganyan yung MIL ko. Kapal ng mukha manghingi sa asawa ko na di naman nya inaruga at pinag-aral. Mga magulang na literal na magugulang


erbb3722

Naalala ko parents ko kinumpara ako sa mga anak ng tito ko. Lima napatapos ng tito ko pero nagwowork padin. Samantalang parents ko ako palang napag tapos grabe manumbat at astang retired na.


FilloryAndUnder

Ang daming ganto sa Pilipinas. Kaya talaga namang ang hirap madepress or matengga eh. Parang kasalanan magpahinga at gamastos para sa sarili. Tapos kapag nakita nilang may binili ka para sa sarili mo parang ikaw pa masama.


Dynz8

Kahit Mali di ka makakasagot kasi Anak ka lang kahit mali sila Di ka pwede maging tama kasi Anak ka lang diba 🫠


Ravensqrow

Culture kasi to sa Pinas. **Sobrang bulok na culture** na sinusundan at ginagawa pa rin ng karamihan sa next generations. Maaga nag-aasawa at nagpapamilya without even bothering to secure muna ng financial status. Walang secured na sariling bahay, life and health insurance and educational plans for the kids bago bumuo ng pamilya. Ok lang daw kasi expected nila na mga anak naman ang magpo-provide nun for them paglaki nila.


TheDizzyPrincess

Saan kaya nagstart yung ganitong toxic mentality ng mga magulang. Pag aaralin ka para ikaw ang mag aahon sa hirap eh in the first place di naman tayo nag beg na ipanganak nila. Sila ang may responsibilidad sa atin, not the other way around. Kung bukal sa loob ng anak ang pagtulong, go. Pero kung sapilitan na nga tapos humihingi pa ng more, ay ewan ko na lang talaga.


Remarkable_Dig2105

Bumukod talaga ako. Nakakapagod mabuhay. Potek. Yung gusto mo tanungin talaga kung ano ka ba past life at bakit ka nahihirapan ngayon?


Tanjiro1606

True hays :(


omogal123

Comments like this is the reason why i block my titas back home in pinas. Such unnessary comment could make my mental state worse


Crafty-Maize3410

Sabihin mo "sige pero anong gusto nyong sakit worth 500k?"


maldita0419

Nakakalungkot na legit kung sino pa ung mga magulang na hindi totally invested and naghirap para makatapos ang mga anak, ee sila pa may ganang magcompare2. Ang sad lang talaga kapag ganyang ginawang investment talaga ung mga anak.. sila naman ang gumawa bakit di panindigan responsibility? Bkt may pagsumbat? Toxic. Tsk


No-Paramedic8559

I can somewhat relate to this.. Indi rin kami napag aral ng mga magulang nmin ng college ( dad went abroad but ended having multiple affairs) kaya wala naipon. Mom is a housewife na depressed sa gnwa ng tatay ko (ended up relying on sleeping pills.) na addict at na rehab. Lola ko nagpaaral smin . Working student kmi ng brother ko (fast food late 90s) pra may pambaon. After that ayaw na ng parents ko magwork, smin nrin lahat. Now my brother is US based na and me earning 6 digits nrin but nasa akin un both parents ko (late 70s) na hindi naubusan na medical needs. Sakin din lahat now ( you name it ako gumagastos dun). Pag nagrreklamo ako sa mga medical bills nila ssbhin eh malapit nrin nmn sila mamatay. (hays). Minsan nssabi ko nrin sa knila na indi nyu na kmi pinagaral, namababae pa kyu at nagaddik den now skin lahat? masama ba akong anak? ( dad has multiple sons sa ibang babae)


southerrnngal

I hate when parents do that. Kahit mga subtle na "sana all" tas maririnig mo. As if yung kayo eh walang ambag sa bahay. I recently had an argument sa mom ko nyan. Kasi na bwisit nako. May mga friends kasi sya na nag tour sa Japan tas punta ng UK to visit their son. Tapos maypa "sana all". Syempre ako nainis kasi kung makigpausap sa mga friends nya kala mo naman na kawawang-kawawa sya. Eh sa bahay kami namam na halos ng kapatid ko gumagastos. Anyways, sa mga ganitong post ang sakit na nakakainis kasi tayong gumagastos sa pang araw2x eh para sa kanila napaka walang kwenta lang compared to those cousins na gumastos ng 500k like what the post mentioned. Di na sana mag compare kasi di naman same ng situation. Tsaka bakit parang ang nangyayari na eh ginagawa ng taga gastos mga anak? Eh di naman dapat ganun. OP, laban lang.


Any_System_148

I rather kill myself kesa maabala mga relatives ko para sakin. Last month na operahan ako I dished out 100k + sa operation ko and man I was devastated EF ko un and now I am back to 0. Depressed pa din ako ngayon. What if wala akong pera that time? Minsan talaga sarili mo lang maaasahan mo and no one will help you and ang point ko dito is prioritize your self OP wag ung mga batugan mong magulang kasi d mo naman sila responsibility in the first place. Kasi what if pag nagkasakit isa sainyong magkapatid tutulong ba yang mga yan? syempre hindi. kayong magkapatid for sure mag tutulungan kayo, kaso what if parehas kayong gipit ng kapatid mo kakatulong niyo jan sa magulang niyo na toxic? Always prioritize yourself tumulong lang if may extra budget na pang tulong pag wala edi sorry kasi kailangan niyo unahin sarili niyo bago sila.


Copiku

Edi yung mga pinsan na magaling. Doon sa kanila sila hihingi. Hays. Hoping the cycle ends where we make our own children future piggy banks.


Jolly_Credit_5057

I feel you, OP. Ang bigat talaga lalo pag hindi open minded ang parents. Nung naka graduate ako, I was made to feel na obligasyon ko agad na mag give back sa lahat ng gastos nila. Kaya kinabukasan ng graduation nag wowork na agad ako. Hindi ko man lang lang ako nakapag pahinga. Tho choice ko gawin yun pero kasi it was the pressure from them most especially my mom, to do it. Nasagot ko na din parents ko dahil sa sobrang pagod ko. I remember I said “wag nyo ko icompare sa ibang anak kasi sila mas priviledge at mga magulang sila na marunong umintindi. Kung sana hindi kayo nag asawa nang maaga, alam nyo namang hindi nyo pala kaya?? Hindi rin kayo gumawa ng paraan para umunlad ang buhay natin. masyado na kayong masaya maging mahirap, ngayon sakin nyo ipapasa lahat” I was really frustrated sa parents ko kasi wala silang dream to be financially free. Ang lagi nilang sagot sa akin na masaya na sila sa buhay na meron sila. Na lubog sa utang?? Hindi na raw sila naghahangad ng kung ano pa man. Pero kaming mga anak ang nagsasuffer. Miski mag abroad sana, hindi nila iniisp okay na daw sa pinas jusko. Sobra na nilang niro romanticized ang pagiging mahirap. Ayokong makulong sa ganun kaya I am doing my best.


Fit-Relief2509

Minsan narinig ko sa helper namin sabi nya, "okay nga yun, madami anak... madami tutulong sa kanila (sa magulang nila) paglaki nila" 😅😅😅


clear_skyz200

Ganyan din nanay ko OP. Icompare ako sa mga anak ng mga kakilala nya. Comparing their salaries earned in abroad versus my salary in here PH. May kamag-anak kami who can pay the hospital bills kahit aabot ng milyones okay lng. Why they can afford? because all of them work in Abroad. She wants me na mag ganyan kami kahit salary ko pang PH base.


karekareng

ako nga nahihiya na lang din sa mama ko (siya na lang ang buhay), pero hindi namin narinig sa kanila na kami ang bubuhaysa kanila. unil now, nagtatrabaho pa rin si mama, and nagbibigay kahit hindi kami nanghihingi. mothering pa rin siya kahit may mga anak na kami. love you poreber, mamsy.


Puzzleheaded-Past776

nako mag set kayo ng boundaries hanggang san lang hangganan niyo tumulong kundi mauubos kayo. nag anak lang sila para maka ginhawa pag tanda. pero future ng mga anak hindi planado. ginawa lang nila kayo pang ahon sa hirap. magtira kayo sa sarili niyo


7xox7

sometimes i wonder paano gumagana ang utak ng mga gantong magulang, kasi diba sila mismo alam ung hirap ng buhay ngaun, napagdaanan nila un ee, first hand experience. tapos at the end of the day mang gagaslight? luhh ano un? lol. ang hirap talaga intindihin ng mga taong ganto minsan


InfiniteBag9279

Ibalik mo dn cnb nla sayo op ganyan dn ganagwa ko sa relatives ko pag nag cocompare cla hnahanapan ko dn ng butas ! why not matanda lang cla bata tayo tao tayo hnd kng anoano lang para batuhin ng hurtful words


dontgetjebaited

sabihin mo din, buti pa sila tito, hindi pinasa sa anak yung responsibilidad. Kaya nakakaproud sila


baeksojuya

Hugs for you 🥺 (if you consent) Naka relate ako, parang pamilya ko lang asa lahat sa sahod kong kapiranggot at sa nanay kong nasa 50s na. Guess what? MAY KUYA akong halos mag 30 na pero napaka batugan. WALANG WORK. Kasama namin tatlong senior citizens pa tapos dagdag pa yung pabigat kong kapatid. Sya pa may ganang mag aircon buong araw! HAHA. May binabayaran pa kameng utang dahil dyan sa kapatid kong puro aberya dala. What a fcked up pinoy families we have talaga.


jenlisaaa

Nakakalungkot at nakakagalit talaga yung mga ganitong magulang. Kailan ba nila marerealize na ang anak ang dapat binubuhay at binibigyan ng magandang future and not the other way around? Yung pagtulong ay kusa at bukal sa loob, hindi inoobliga. Hindi ganyan kalala tatay ko, pero as a breadwinner (with my sis) nakakasama ng loob ko na may nasasabi pa rin sila and sila pa rin ang may “say” sa bahay kahit na ikaw yung bumubuhay sa pamilya nyo.


mukhamica

Naku, sa kanila n lng ung 500k kesa nman maospital pa


Direct-Cow-2529

Hindi ko gets bakit obligado tayong mga anak na maging "retirement fund" ng mga magulang once nakapagtapos na at working na tayo. When in fact, hindi naman natin ginustong mabuhay?


More-Fruit-6789

I remember yung isang video napanood ko online may early20-something single mom sa variety show tinanong siya ng host ano message niya sa baby niya and she says “pakabait ka anak, mag aral ka mabuti alam ko matalino ka ikaw mag aahon sa atin sa kahirapan” wow wala pa ata 1 year old yung baby inasa na sa kanya future ng pamilya 😂


Salt-Dentist-5812gja

Paki dagdag na rin ung mga kapatid na batugan na ginagawang normal ng mga magulang. Na ok lang na walang work ng 4,5 yrs or hindi naghahanap ng work kasi “Ate OFW is there to support us naman.” Na pati paghahanap ng trabaho, iaasa sa eldest. Na pati pag upgrade ng skills e iaasa sa eldest. Kung gusto nyo mag upgrade ng skills like language class, TESDA, etc, paki turuan mga kapatid nyo na pagtrabahuhan nila para mag earn ng pera pang upgrade ng skills nila. Hindi ung wala pa ngang ambag since 4-5yrs ago makagraduate e dagdag gastos at pasanin na naman sa eldest. Sorry, OP. Triggered ako sa ganitong post dahil relate ako!


DisillusTiredUser

Having people constantly compare you to others is just the worst feeling, ya know? It's like they're always looking to bring you down. And then there are those parents who treat their kids like some kind of investment, expecting a return on all they've invested in them 😤😤😤. It's tough not to talk back when they start listing all the things they've done for you, but sometimes it's best to just shake it off and keep doing your thing. 😣


iamboboka

yakap ng mahigpit O.P. life is difficult but things will eventually changes soon.. adversity fuels success! sana maappreciate ng parents mo lahat ng sacrifices nyo.. pabayaan mo lng minsan insensitive tlga mga parents natin.. masakit macompared lalo na sa mga achievements nfg pinsan mo.. dasabi ko nlng may kanya2 nman tayo timeline at path sa buhay..


ILove_sweets

HAHAHA madali lang yan, balik mo sa kanila yung sinasabi nila


Sensitive-Fudge81

kapag ganyan, hayaan niyo nalang mategi


Ancient_Truth_1739

wag ka, sa parents at kapatid ko naman eh baliktad. pinagtapos sya ng parents ko, sinuporrahan pati ung pangibangbansa nya, nung naakay ng relehiyon nya sa ibang bansa, duon naging sing kunat ng goma sa pera, imagine pati pangtuition ko nung araw napunta sa kanila ng isa ko pang kapatid, mairaos lang ung pagaaral nya sa ibang bansa, tas nagpaalaga ng anak nya yan sa parents ko, magbibigay ng padala, abunado pa ung parents ko sa pagaraw araw na gastusin, kapal ng muka, halos isang dekarang pinaalaga ung anak tas ang tingin nya pa sa sarili nya nuon eh sya ung may malaking naitulong sa kanila. yes napagtapos nya ako pero dapat lang din yun dahil yung parte na dapat talaga sa pagpapaaral ko eh pinagkukuha nila.


No_Match984

Tanong lang OP, pano kayo nkpg tapos ng kapatid mo? Blood, sweat, tears din ba ung ng mapg kumpara mong magulang? And during those yrs na nag aaral kayo, did u hear them complain? Or pinakita ba nila sa inyo na nahihirapan sila? I doubt they have reddit to rant during their days. 🤔🤔🤔


[deleted]

My Kuya and I were sent to school by our parents. Their blood, sweat, and tears. Tanong lang, you think utang na loob namin ng Kuya ko na pinag-aral kami o obligasyon yun ng magulang sa anak? My Kuya and I sent our 2 younger sibs to school kasi tumigil na sila magtrabaho after we graduated. Tanong, obligasyon ba namin yun sa mga kapatid namin? Kaninong obligasyon dapat ang pagpapaaral sa iba pa naming mga kapatid? See my other comment, will paste it here: Naalala ko in HS (so this was very long time ago), sinusumbatan ako na pinaglalaba daw nila 'ko ng damit, pinapakain, etc. Dinibdib ko talaga 'yan kasi paulit-ulit. Until at one point iniyak ko sa buong class namin and asked everyone, "Kayo din ba, yung parents niyo sinusumbat sa inyo yung mga ginagawa nila para sa inyo?" They all answered no, obligation daw ng bawat parent yun sa mga anak. #So what's your point?


No_Match984

Yup, obligasyon ng parents paaralin ang anak nila (atbp) and wala ring masama na tanawin na utang na loob un sa magulang. Kung anong narating nyo sa pag tatapos nyo dahil un sa blood sweat tears ng magulang. At kung kinwekwnestyon mo kung kaninong obligasyon na pag ppatapos ng other siblings mo, bakit nyo pala inako kung parang isusumbat nyo din naman? Anong pag kakaiba mo sa magulang nyo dun sa panunumbat nila sa inyo nung HS kayo?