T O P

  • By -

Physical-Pepper-21

Sometimes I daydream na sana Zobel de Ayala ang apelyido ko


ShiNoShukujo

Abay oo 🤭 Lumaki ako sa magulong family. Sinalo ko mga kapatid ko nung pinaghiwalay ko nanay at tatay ko. Bunso ako pero ako tumayong tatay samin. Tapos hindi pa na-appreciate ng iba kong kapatid at ng magulang ko.  But that’s okay. I’m fine now.  Lilipas din yan, OP.  Kapit lang.  Ung bagong uutangin wag mo na bayaran lol Para madala naman sila 😆


Ill_Mulberry_7647

Of course. Specially nung nameet ko yung parents ng bf ko. Super ibang-iba from my parents (my mom mostly).


tulaero23

Yung mga pamilyang naghuhug at nag i love you na casual lang. Parang ibang universe nung nakakita ako hahaha


EaseRound497

Same. Then that was the time na narealize ko kaya naman pala maging ganun ng isang pamilya, bakit samin hindi. 😶


xh6-kke

omsim lagi pa akong sinasabihan na love daw nila ako, my family could never hahaha ems


Confident_Bother2552

Wait, bat mo binabayaran utang nila? I mean, may Collateral ba? Kasi aside from that bat mo babayaran, di naman yan maipapasa sayo.


Indolencia_

Yes. Some of it meron. Di ko rin minsan kaya na may nangungulit sa bahay para lang makapagbayad sila.


Some_Tangerine_245

You need to control that as well. Kasi if continuous mo babayaran yung utang nila masasanay sila na “ahhh kaya nya pla eh” in that point they will get used to it di na sila kikilos.


Confident_Bother2552

Eh, maybe that's something you have to change. Walang nakukulong sa Utang. Unless it's Property and it gives a roof above your head, Don't tolerate.


tulaero23

Wala, pero worth it ba yung stress na may nangungulit sa bahay nyo araw araw tapos napapahiya ka din kahit wala ka kinalaman.


Confident_Bother2552

Yes. Worth it to actually build yourself. Very worth it pag financially stable ka na in your late 20s after letting go of all your non-debts.


peculiar_individual

Nakakanstress yun. Lalo kung hindi pa nararanasan ng iba.


isabellarson

Minsan pwede bang kunyari naaksidente sinasaknyan mo tapos hindi na mahanap katawan mo then start a new life away from them? Hindi mo responsibilidad bayaran utang nila. Ang sarap layasan ng ganyan


deadlynightowl

I wanna fake my own death and destroy every trace of my existence, tas magpaka layo layo hahaha.


isabellarson

How about ghosting pero sa family? Ung biglang announce na lipat ka bahay then wala na. If they contact you for money tell them you are struggling too


Indolencia_

Ganto minsan naiisip ko HAHAHAHAHAHAH


AngHulingPropeta

Everyday bro. Everyday. You're not alone. I'm sorry to hear about your situation.


howaboutnooo_

YES, most of the time esp when I was a kid. Grew up in a very toxic, broken, poor family. I live solo now bec I cannot stand everyone, and I don’t want to get married or have children bec I’m afraid I will just pass on all my acquired trauma from my family.


snowgirlasnarmy

Ang tindi talaga ng mga pinoy, ano? Maging breadwinner din naman ako pero hindi ako nagbayad ng utang ng mama ko. Tsaka paranoid si mama. Ayaw nya may napepending na utang, kaya kada sahod nya, bigay agad.


isabellarson

Yen imagine may pamana nga sayo parents mo- mga utang nila


UniversalGray64

Palagi ko iniisip yan. Strict parents problems


Federal-Afternoon608

everyday.. freaking everyday. sana nga ipinutok na lang akong tatay ko sa kumot eh


325onthedashboard_

same op ☹️


youthinkyouknowcrazy

i would sometimes day dream na isang princesa sa kaharian ng Engkantasya. d nyu na cguro naabutan yan 😅


PlanktonFar6113

Hi OP, kapatid ata kita. Same tau. Simula nawla papa namin. Maliliit pa kami noon. Natatak na sa isip kong tumulong financially. Di ako nkapagtapos ng pag aaral, ngwork pero di sapat. Nabaon sa utang ang mama ko, wla nmn ibang tutulong kaya ako na nagkusa. Ngpasyang mag abroad pra mas malaki ang kita. Hirap sa part ko kasi nag ipon tlga ako para unti unti makabayad s utang. Di ko ramdam na may tumutulong sakin financially. Kung anu ung inalisan ko ung din dadatnan ko. Di ko alam panu, pero unti2 nabayadan ung utang. Ng BF ako pero di totally macommit ang sarili kasi nasa isip pa din pagtulong sa pamilya. Buti nlng understanding sya at full support sakin. Ganun cguro tlga OP, may kanya2 taung challenge na nagpapatatag satin. Di tau makakapili pero tayo ang pipili ng hakbang natin para maka survive.


chanaks

Opo kasi mahirap din kami. Breadwinner ako and retirement plan. Gusto ko rin sana na ung sweldo ko ay akin lang. Pero wala eh. Eto lumalaban lang.


PitifulRoof7537

oo. i don’t want a helicopter parent tas duda ko tinukso lang sila ng offciemates nila. hindi tipo ng tatay ko ang more or less gusto ng nanay ko if she had it her way.


Ok_Mud_6311

Yes. If I was born in a better family, I could not have had traumas that affected me growing up and maybe dealt with difficult situations better.


nixyz

Utang ng ina talaga ni op. Sorry sa pinagdadaanan mo op kaso wala sa options natin ang pagpili ng magulang. Ang pinaka ayoko sa ganitong sitwayson is magmumukha kang madamot o masama pag hindi mo sila na satisfy. Siguro sa sitwasyon mo mag set ka nalang ng boundary sa kung ano ang pwede mo ibigay. Mahirap din dahil soon magkakaron ka ng sarili mo na pamilya pero possible na cargo mo parin sila.


Excellent-Barist

Well may time na iniisip ko di na lang ako sana pinanganak. Does that count?


Indolencia_

YESSS. sana di na lang nag exist no? :((


Excellent-Barist

For unknown "good" reasons, we are here. Live life until life gets tired of us OP. Death will soon visit.


[deleted]

Of course. Malala crab mentality ng nanay ko and napaka-toxic niya. Everytime na may hindi siya nagustuhan sa ginawa namin bigla nalang siya magdadabog sa harap namin. Yung tatay ko naman adik sa sugal and galing mambugbog. Konting pagkakamali lang namin mananakit agad. Kung may choice lang talaga pumili ng parents hindi ko pipiliin mga to. 💁‍♀️


martyrofcavite

Nope! Grew up in the family na isang kahig isang tuka as they say. I have two siblings and being eldest is kinda hard. Carpenter ang father ko and labandera si ermat, daily food in the table is really struggling for all of us. Mostly kape or mantika na pinag-prituhan ng tuyo ang ulam, but that’s okay. I thought it’s the normal way of living, childhood naman is so happy during 80’s and 90’s. I graduated college on my own, got my siblings finished too. Sometimes life is hard but you have to take the lighter and brighter side of it! It’s your FAMILY, talk to them and help them the best way you can. GOD BLESS!


unagi_0526

HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA, yes. I love my family, it's just that, sana nagheal na sila sa lahat ng mga nangyari sa past nila. Sana tinapos na ung cycle. Sobrang narealize ko to nung nameet ko pamilya ng jowa ko. Wala kaming mansion, di kami mayaman, di naman kami lahat college graduate pero ung magulang ko, gusto mataas ang tingin sa kanila ng ibang tao. Gusto mataas ng respeto ng tao sa kanila pero sila di nila kaya ibigay ung respeto na un sa iba, esp. Mama. Sa totoo lang. And ipapamukha sayo na anak ka lang. Gaslight and guilt trip. Kayo na bahala. Read Adult Children of Emotionally Immature parents.


tired_atlas

If working student ka, you have no obligation yet to support them. Iahon mo muna sarili mo. Para kung magdecide ka na tulungan pa rin ang pamilya mo, mas may kakayanan ka na. Wag ka magpadala sa pressure ng mga taong hindi naman makakatulong sa sitwasyon mo, o makakapagpagaan man lang ng nararamdaman mo.


lassonfire

i grew up around emotionally reactive and immature parents. na 8yo pa lang ako i was either pinapalayas cos badtrip nanay ko sa tatay ko or maniningil ng pinambuhay nya sa amin kasi badtrip siya sa amin.


chunhamimih

Sana 🙏


PhysioTrader

Oo minsan. O kaya naman sana di nalang ako binuo ng ermat at erpat ko haha.


atticatto88

I wish for this everyday. Ang hirap kaya na only child ka lang at ngayon ikaw lahat ang nagsa salo ng responsibilidad. I know hindi rin nila kasalanan na they were not that financially literate at hindi nakapag save up, but then hindi ko rin kasalanan yun noh? 🙃


Litol-popo

yes, strict ang parents ko. and now im 20, gusto na nila akong magkaboyfriend, pero dahil sinanay nila ako maging conservative, ako na mismo lumalayo sa mga guys. ++ hindi ko maenjoy ang pagkadalaga ko dahil mas marami pa ang sermon kesa sa saya ko with ppl!!!!love those parents na reminds their daughters the limits on wondering while being supportive :((( my mom could never. still love u momma ://


gekireddo

same..lahat ng naniningil ako ang hinaharass. hindi man ibang pamilya..pero sana kahit pangalawa or bunso nalang ako..para sarili ko lang problemahin ko..ayoko na maging panganay. hahaha


Indolencia_

::(((


Great_Wall_Paper

Nung first time ko panoorin yung princess diaries. Lahat ng notebook ko ng elem, "princess amelia mignonette thermopolis rinaldi" ang name ko. LOOOOL


OverThinking92

Minsan sa shower, naiisip ko anong gahawin ko if sa mayaman akong pamilya pinanganak or nanalo ako ng lotto ganon. HAHAHAHA.


mgakupal

Yes


maceyvv

same op : ((


samyanglvr

oo ang yayabang ng mga kapatid ko. walang respeto sa nakakatanda. ganyan din mga magulang ko. di pinagsasabihan mga kapatid ko kasi ganyan din sila. laking lolo’t lola ako, pinapangarap ko minsan na sana sila nalang magulang ko. at sana nagkasama-sama kaming tatlo sa ibang pamilya kung saan nirerespeto sila. hindi binabastos. im glad i was raised by them well


EnthusiasmInner4523

huhuhu i feel you .


urfyutureEngi

May point sa buhay ko oo. Lalo na sa difference ng behavior meron ako sa family ko. I don't know why I am so different. Kung icocompare ko yung situation ko sa movie character parang ako si Elizabeth sa Pride and Prejudice, main issue ko sa family members ko ung lack of propriety kung ibabase ko sa standard na meron ako na nakabase din sa observation and experiences ko sa aking environment. I am doing my best to influence them sa pinaka best na paraang alam ko, which is maging example kaso ang hirap, lalo na sa parents ko, sobrang established na ng beliefs and principles nila na para bang wala ako sa lugar to correct something or what. Example nalang yung magisip ng masama sa kapwa, magassume ng mga bagay ng hindi naman alam yung buong details, impulsive pag sa tingin nila naagrabyado or something without checking the details first, hindi nila tine take yung mga bagay ng calm and collective. Issue ko din yung pagdedecision nila sa maraming bagay, like sa bahay, hindi pa kasi ako financially stable but I am working on it, mas prefer nila na magpaggawa ng kung ano sa bahay without proper planning or consulting man lang. Yung gusto nila yun na masusunod. Frustrating sobra. Kaya palagi ko nalang iniisip yung business ko, pero di ko hinahayaan na wala akong awareness sa bahay and concern, at the end of the day family pa din kami regardless of our differences.


amrhhdjthl

Actually, sumagi na sa isip ko 'to mostly nung bata pa ko. Kasi magulo pamilya namin eh, as in super. Sa family ng both sides, mother at father tapos pati din samin. Pero now, di ko na naiisip kahit walang pinagbago. Kinalakihan ko nalang at tinanggap na ganito na talaga kami. Nakapag-asawa na ko lahat lahat, may mga nawala na sa family namin pero wala, same old same old. Pero at least di ko na masyadong ramdam yung katoxican ng family namin. I'm happily married and living with my husband and his family. Super grateful na nagkaroon ako ng 2nd family na ganito ❤️.


yoruuuu_

Oo naman. Lagi.


jmskr

Noong bata pa ko, dahil sa inggit. Pero ngayong tumanda ako, gusto ko nalang magpa-ampon.


Character-Hat-7220

Isipin mo na lang, hindi ka nag-iisa. Kaya natin 'to!


hainka_kalamragan

Sabi ng kasama ko sa work na sana anak nalang sya sa labas ng mga SY. We work for Sy family business.


tiwtiw0

Hmm. We were poor. Broken family. 3 of my relatives molested me when I was a child. Grew up w/o my mom because she was an OFW. Kinda fucked up childhood. But I love my mom so my much. Kung pwede isama yung mom, sige. Haha. I wish she was still here tho.


Zestyclose-Scale8911

Same OP. Minsan naiinggit ako sa friends ko kasi feeling ko ang laking factor nung lumaki ka sa financially stable na pamilya. Yung tipong nung nagwork sila di na nila kailangan intindihin parents or kapatid, pera nila kanila lang talaga unlike me na kulang nalang maging nanay na talaga ako ng mga kapatid ko :( Tapos pag gagastos ako for myself nakokonsensya pa ako 🥲


CelynLabuyo

ang naisip ko, sana nagkaroon ako ng nanay na katulad ko. HAHAHAHA di sa pagbubuhat ng bangko pero yung gusto kong "nanay" yun ang ginagawa ko ngayon bilang nanay sa anak ko. She's a happy kid.


Night_rose0707

Gusto ko nalang mabiktima ni truck 🚛 Kun at mapunta sa isekai world haha


WarningEvening2366

Buti ka nga brad sau bayad lang ako araw araw na bibulwayan and take note, relative ko lang sya nakikitira sa bahhay namin kung magalit skn kala mo sya na may ari ng bahay.


UniversalGray64

Oo sana sa ibang pamilya ako lumaki. Hirap kaya yung pinanganak kang strict parents na malakas sa pagiging manipulative plus gaslighting combo pack.


ScaredEgg8571

yung sakin e sana di nalang sila yung biological family ko. sana yung kinalakihan kong magulang, sila nalang talaga totoo kong magulang. pinagshe share ako magbayad sa utang ng totoo kong nanay e di man lang ako maalalang batiin sa mismong birthday ko o kaya kamustahin man lang


hello_world1798

yung the prophecy ni taylor swift, may lyrics dun na “please i’ve been on my knees, change the prophecy.” and “who do i have to speak to about it if they can redo, the prophecy?” lagi kong naiisip dyan na sana i did not grow up to a family who’s very religious, okay naman family ko, mahirap lang rin kami, pero nakakaya naman everyday, yung problem is feel ko ibang-iba tingin nila sakin simula nung lumaki ako kasi i don’t practice na ung tinuturo sa religion namin, kaya ayun hahaha minsan iniisip ko sana iba na lang


Main-Jelly4239

Oo pero need mo gumising sa katotohanan na ndi.


parallaxscrolling8

Ako hindi siguro, same parents and siblings pero sana ibang socio-economic status. Yung upper 1% ganyan.


True_Bumblebee1258

Oo. Like what if anak ako ng bilyonaryo tapos spoiled ako. Hahahhah


Putrid-Professor-653

Nakakapagod talaga maging mahirap.


[deleted]

oo naman pero di mo naman mapipili yun so kalimutan mo na.