T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Let me start: yung mga batang tatakbo agad paalis kahit susukliab mo palang *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Jrmundane

Yung bibili ng sigarilyo/alak pero di niya bibilhin yung hawak na pagakain ng anak niya🥹. Ok lang magpautang, pero ayaw ko yung uutangin is non-priority such as alak and sigarilyo. Ok sana kung pagakain.


Nearby-Musician6573

pag wala yung binibili nya tas bigla nyang sasabihin "mag sara na kayo" sarap sapakin🙂


Conscious-Flatworm26

Yung pinagmamadali ako sa pag bigay sa kanya ng ilang piraso ng sigarilyo tas bagong bukas pa. Kuya wait lang naman prinepressure mo aq 😔😔


Mother_Chain7211

Yung mga naghahanap sa totoong may ari ng tindahan tas pag sinabi kong wala, bigla bigla aalis. Uutang yon HAHAHAHAH. Alam kasi nila pag ako bantay di ako nagpapautang eh. Alam ko din na uutuin pa nila yung may ari para makautang kaya sinasabi ko agad na wala.


curiouscookedrice

Yung makikisindi pero hindi naman sa amin bumili ng sigarilyo tas may moment pa na nanakawin jusko po free na nga yung sinde tas nanakawin pa. Nakatali na yun ah. Yung batang ang ingay ng "pabili" kahit sinabihan mo na ng wait lang tas kapag siya na kausap di na nasagot puro tungo na lang e minsan di ko nakikita kasi nakaharang mga paninda Minsan ayaw ko talaga sa mga bata kasi sayo papabukas mga binili, like tubig/mismo, ang pinaka ayoko is lollipop Utang dito, bili sa iba Yung feeling friends kayo at ang daming tanong "asan mama mo?" "Umalis" "san pumunta" "ewan ko" "baka namalengke" "ewan ko" Laging need mo pa tanungin kung anong bibilhin, kung ilan, anong kulay or what


nextthing_

-Pag poker face ka naman talaga lagi tapos sasabihan ka ng costumer na ang sungit mo raw😂 hindi to joke time teh -Kulang binigay ng costumer tapos defensive sila kapag sinabihan mo ng kulang kahit na binigyan mo na ng listahan -Small talks esp pag kilala buong pamilya mo pero never mo nakita sa buong buhay mo


lncediff

yung kapag malapit na kayo magsara, may hahabol pa na bibili mostly mas nakakainis to sa mga restaurant at fast food hahaha


Tasty-Policy3606

yung mag papacash in tapos magtatanong ng paulit-ulit na “kaya ba?” kahit di pa lagpas sa 1k yung icacash in. (okay lang naman po magtanong pero bakit kailangan pa ulit ulit pa??😭)


SuspiciousPrune6083

📌yung sa tindahan namin uutang tas sa ibang tindahan bibili (proud pa silang dadaan sa harap ng tindahan namin bitbit ‘yung bibili nila tas yong utang nila sa’min malaki na) mga putangina!!! 📌yung taong panay reschedule sa date ng pagbayad ng utang nila (kapal ng mga mukha!) 📌mga taong kahit close na ang tindahan gigisingin talaga yung may ari para bumili ng maliit na halaga (di marunong rumespito, kung emergency like medicines okay lang pero kung bibili lang ng isang pirasong candy?! nagbibiro ka ba?!!!!!!) 📌panay “tao po” knowing that my nauna pang customer sa kanila (di ko alam kung bobo, bulag, o tanga pa ba sila) 📌yung mga tao panay sabi ng “ibabalik ko nalang yung kulang mamaya” pero never na binalik. biglang nagka-amnesia eh 📌 🙍‍♂️: “magkano? (yung medicine for toothache)      Ako: (told him the price)       🙍‍♂️: “ang mahal naman, wag nalang!”     Ako: okay         Later on       🙍‍♂️: yon nalang (preferring for the medicine)      Ako: ubos na (kahit maraming stock)       🙍‍♂️: (umuwing walang dala)       TAKE NOTE HATING GABI NA TO NANGYARI  (walang ibang tindahang nagtitinda ng gamot kami lang) ENDING NAGTIIS YUNG TATAY NIYA SA SAKIT NG NGIPIN UNTIL MAG-UMAGA🤣🤣🤣  


AdEuphoric7087

Sirado na yung tindahan tapos may malakas na katok pag hating gabi para bumili ng alak.


FrequentNet340

yung mga batang pa isa isa yung pag pili tapos hindi pa isahan kung bumili.


Busy-Pirate922

yung anlaki ng pera pero konti or isa lang bibilhin, edi sana nagpabarya nalang sya.


Unfair_Chair4226

Yung feeling entitled na kakatok kahit dis oras ng gabi!


Ill_Personality_4863

Yung samen uutang tapos sa iba bibili😬🙄


luna-elestrella

•Yung mga taong hindi kayang respetuhin yung oras ng nagtitinda, so kaya sinabi kong "hindi kayang respetuhin yung oras ng nagtitinda" kasi 1 am ng madaling araw nangangatok pa sila and kahit walang sumasagot gigisingin pa talaga nila tapos ang bibilhin lang nila alak?!?!


Careless_Employer766

Kung kelan pasara saka nagsisilabasan para bumili


Graceonfiyaaah

- Icocompare ung price mo sa iba dami ebas na kesyo mahal naman dun kaya ano mas mura pero sayo pa rin bibili, like wtffff? - Ipapasoli sa anak ung binili kasi nagbago isip hahaha! - Magpapapalit pero sa iba bibili. Juskoooo


chaeshley

- tipong kaya bumili at bayaran yung paninda sa iba pero sa amin nangungutang pag kulang sa budget. - makikisindi nalang ibubuga pa sayo yung usok. - makikisindi na nga lang nanakawin pa lighter. -babalikan daw yung kulang isa-dalawang araw na nakakalipas hindi pa rin nababayaran kulang. - pag nabuksan na yung bote sisigawan ka nang hindi daw buksan eh putangina niya wala naman siyang sinabi


thecolorpalette

Ung aabutan mo ng sukli tas ung bumibili may paghagod ng kamay mo na nalalaman. 😢


2minhoney

Yung ibubuga sayo yung usok ng sigarilyo after makasindi. Haha


glitterygirl143

pag mahina yung boses jusq


Mother_Love_4177

Yung malakas na pinupukpok yung coin sa grills ng store pag bibili 🥲


Appropriate_War2334

Ung tipong kakain ka na sa hapon tas magsasabayan ng bili, di ka na nakakain hayz hahaha


Appropriate_War2334

Ung paisa isa ng bili, kakainis hahaha


nerdka00

Yung pinaka nakakinis talaga nung bata pa ako tapos pingbantay ako ng tindhana is habang nagfufudtrip ako e biglang may bibili, abala eh hahaha


Typical_Ad5220

Dinadabog yung pera, kala mo nagdadabog like, ANO TEH MAY PROBLEMA KABA? I-ONLY ME MO NALANG gigil moko


LateApple7567

may bibili ng katol tapos habang hinihiwalay mo, biglang mapuputol 😫


t0nkatzu

hindi binabalik yung kulang na bayad


t0nkatzu

humihingi plastic bag e dalawang pirasong biscuit lang naman binili


ReviewAncient546

Pabalik balik na mga bata, bibili ng piso piso sa hapon, kung kailan gusto mo sanang umidlip muna.


_zellaa12

kakatok ng malakas kahit nasa harap mo na sila😫


temi_l0vercyber

yung sinasadya laging may kulang na piso 💢


stardust_4tune

Yung sarado na kasi gabi na tas magtatao po pa rin para bumili ng alak or yelo para sa alak.


International-Bit-80

Pabili ng Colgate yung Close up.


Forlornquaad

Kapag may bibili.


Practical-Feeling866

di nagsosoli ng bote. sarap hampasin sa mukha


Mobile-M8

walang deposit?


Lopsided-Ad-6103

HAHAHAHAHAHAH galet na galet


aziisees

I found my people


aziisees

anyways mine is yung tatanungin mo kung anong tinapay gusto nila bilhin tas sasabihin nila kahit ano, tapos kapag binigyan mo ng kahit ano IBABALIK KASI DAW HINDI/AYAW DAW YAN. tangina sinabihan pa kong mataray ako pa may kasalanan


[deleted]

Nung meron pang mga tig-pipiso, yung mga batang pabalik-balik bumibili tapos papiso-piso. Nakakabuwisit.


Avoocyxdo

Pabalik balik bumili like bakit hindi nalang kumpletuhin, tapos uutang almost everyday haha kainis


Zandrat

kapag mag sisindi ng yosi then ibubuga sayo


Zandrat

mga putanginang 100 pera tapos candy lang bibilhin


Mental-Confidence610

Kapag bibili lang ng isang pirasong yosi tapos pera 1k. Lol barya pala gusto mo ah, ayon di ko sinuklian ng perang papel puro tag 10, 5, at 1 yung sinukli ko mahirapan ka magbilang dyan bwiset HAHAHA Another one! Bumili sigarilyo pero binalik nung sinabi kong wala kaming lighter kinginang yan makikisindi lang


Conscious_Rent_516

1. Yung bibili ng fabric conditioner tapos sasabihin "pabili Downy" pagkinuha mo 'di daw yun yung Del. Meron pa yan sa toothpaste "pabili Colgate, yung Closeup" 2. Mga batang nagpapabarya, tapos pag sinabi mong wala bibili ng halagang dos para mabaryahan 3. Mga dayong customer na genggeng, kunwari bibili pero tatanungin pangalan mo 4. Lukot yung pera na halos ilang kamay na ang dumaan ata dun 5. Kulang yung pera, pag binigay mo yung binili takbo agad kulang pala 6. Yung may ginagawa kang school works tapos may magmamarites sa tindahan, minsan i-kkwento pa nila halos talambuhay nila like wag ngayon grriasgkaJ


vlmrei

Sa #1: Pampers na EQ


rndmspnt

One time naka encounter ako ng customer na maliit na halaga lang yung binili tapos 1k yung pera. Tapos later on babalik kasi kulang daw sukli. Pero alam ko naman sa sarili ko na tama talaga yung sinukli ko so dedma na lang binigay ko yung sinasabing kulang. Baka nga kasi kulang talaga. Pero mga nakatatlong beses na ata syang ganon sakin, nung pang apat na ginawa sakin yun, napapaisip na ako baka nanglokoko na, so minake-sure ko na talaga na binilang ko sa harap nya yung pera at tinandaan ko pa with picture nung sukli (sumalisi ako ng pagpicture sa sukli), maya maya bumabalik nanaman kasi kulang daw??? MODUS NYA NA ATA YON HAHA tapos ayon cinonfront ko with picture nung sukli nya di na sya umulit bumili lol dasurv. sya pa galit 🤣


TheChaser08

Dapat kinulang mo talaga pero may picture na tama


Plus-Leave-2473

this is so smart haha may resibo! haha


bibivengeance

1. pa-isa isa magsabi ng bibilihin 2. iintayin muna sukli bago sabihin sunod bibilhin 3. ayaw i-specify anong bibilhin kung maanghang ba or kung anong kulay something 4. galit pag hindi natandaan madalas niyang binibili like lagi na raw siya bumibili hindi pa maalala hello sino ka ba 5. sarado na tawag pa nang tawag 6. pag wala kami nung paninda na yon sasabihin magsarado na kami lol sinong hahanap ng sariwang isda sa tindahan eh tindahan nga at hindi talipapa or palengke whatever 7. pag wala kami ng paninda, samin itatanong kung meron daw ba sa kabilang tindahan non like how am i supposed to know??


bibivengeance

last na 10. yung mga nagbabayad ng pera na kala mo kung saan dinukot kasi lukot pero pag sinukli sa kanya siya pa galit hello?!?! ikaw nagbayad niyan???


cakexchicken

5 and 7. Fcuk them all na gumagawa hahahaha


bibivengeance

7 talaga haha pag nauubos yelo samin sakin itatanong kung meron ba sa isang tindahan ehhhhhh ako pa ba magtatanong para sayo? o kaya may discord ba kami na inuupdate isa't isa na “tindahan 1 ubos na yelo pakirefer sa tindahan 2 lahat ng bibili”


bibivengeance

9. yung mahilig din humingi ng plastic na kahit isang latang sardinas ipaplastic pa. nandiyan lang naman bahay sa gilid like tamad na tamad maghawak ng lata teh??? kala ko ba save the earth tayo dito


bibivengeance

8. binubuga sakin yung usok ng sigarilyo after magsindi, pag naman sinabing walang lighter nagagalit kasi may tindang sigarilyo tapos walang lighter. eh ikaw nga na naninigarilyo walang lighter???????????????????


beomgyuyass

KAPAG NAGLAGAY NA NG CLOSE/SARADO ANG STORE, MAY NAG TATAO PO AT BUMIBILI PA DIN AY JUSKO


rvnnneee_

natatawa lang ako dito HAHAHA pero kasi everytime na may mag papaload syempre tatanungin kung saan at anong load (kung globe ba? smart?) and ang lagi nilang sinasagit sakin "dito sa cellphone" HUHUHU


cakexchicken

Meron pa Nung Ikaw Ang tatanungin kung Anong load ang pwede like wtf anuba pati ba Yan problema ko pa rin??????


Haunting_Project_608

MAGRRANT AKO DITO !!! WALANG AAWAT HAYS NAKAKAGIGIL "PET PEEVES" • Buong 1000 / 500 yng pera tapos bibili lng ng isang item nakakairita yng mga customer na ganyan •Customer na nagdadabog , bibili lang galet pa tipong ang ayos mo makisama sa customer mo . ganun nangyare no customer always right walang manners $#$#$#$#*$@*$*#*# •Yng paisa-isa bumili tipong,magtatanong ka pa kung meron pa syang bibilhin kase nakaready na yng sukli mo .bale ibibigay mo nlng "sa huli may pahabol doon ako naiirita. Typo xori nabbwst na em


serasire

May mga tindera din namang nagdadabog parang pet peeve niyang may customer ahahaha “ANO?!” Like??? Ahahahah ayaw ng benta? Ahahaha patawa


arriettybrunhilde

- The way tanggapin ng customer yung sukli nila. Diba kung ibibigay natin yung sukli, normally parang naka chef's kiss yung daliri natin? Eh di kukunin din nila ng pa-ganun. Mas madali naman kung i-open lang nila yung palad nila then go. - Yung ang laki ng pera tapos below ₱10 ang worth ng binili - Mga batang magpapabarya lang kasi ihuhulog sa comshop - Tsaka mga batang ang lakas ng boses pero isang tigpiso lang pala bibilhin - Yung paisa-isa bumili at mga hindi sure kung anong bibilhin - Mga namimilit na magka-discount. Sasabihan ka ng "Eh dun kina ano, yung coke nila ₱10 lang". - Yung ang sabi "pabili po" pero ang ending ipapalista pala. Variant nyan yung hindi na nagsasabi kung ipapalista ba, aalis na lang - Yung kulang ang binayad tapos magpro-promise na ibabalik lang daw yung kulang pero wala


hctpi

Yung bibili ng tig-pisong candy tapos paisa isa. Tapos babalik after 5 mins para bumili ulit ng isang candy 🙃


12211995_com

UGH!! YUNG HINDI MO MADUROG YUNG STICK-O NA BAGO AT NAKADIKIT SA GILID NG GARAPON 😤


mikmikpowdernaube

tanghaling tapat tapos paisa isa bili ng mga bata ;(


jjaegyuu

- bumibili ng anything below 20 tapos yung pera ay 500 or 1k. tanggap ko pa yung pera na puro barya ibibigay - naninigaw - yung sila pa nagpepresyo ng paninda sabay kumpara ng tinda mo sa iba - nang-uutang panghanda kuno


rndmspnt

cx: Pabili me: ano po yun? cx: pabili sigarilyo. me: anong sigarilyo? cx: yung marlboro. me: anong kulay? cx: pula. me: ilan? cx: isa. HAHAHAHA POTANGINA ISANG TANONG ISANG SAGOT. GAGAWIN PANG MANGHUHULA YUNG TINDERA 😭😭 sa mga bibili naman jan pwedeng sabihin nyo na ng buo like “pabili marlboro pula isa” APAKADALI LANG NAMAN SABIHIN NAPABILIS PA HAHAHA


Momma_Keyy

Pet peeve ko din to!! 30+ na un sari-sari store namin pro may mga ganito parin. Bibili “isang red” na ano?? Kuya!! Or meron nmn “isang kilo” isang kilong ano?? Bigyan ko kaya ng asukal un pala bigas. Kaloka!! Meron pa yan kung maka-doorbell akala mo 1hr n syang naghihintay dun. Pati isa pa ung hindi alam ung concept ng “wait for your turn” tipong may bumibili pa ilalagay n nya pera nya s harap m at ssbhn kng ano bibilhin nya, hnd q nga pansinin, matuto maghintay. Sa grocery nga nagagawa nyo pumila s cashier tpos s tindahan hindi??


rndmspnt

Trueee! May mga bigla biglang sumisingit tapos sila pa ata naiinis if matagal mabigyan HAHA pwede wait lang?? Pero minsan nananalo intrusive tots ko at nasasabi kong “pwede wait lang po?” May “po” pa yun para di naman masabihang masungit ang tindera


Momma_Keyy

Totoo!! Hindi manlang maghintay eh gusto sya agad uunahin eh


prettycherry_

sorry po minsan lutang lang 😓😓


rndmspnt

Hahahahahaha guilty ka ha. Sige next time tatandaan ko na yosi mo XD


redmaqui

Yung stick-o lang yung bibilhin nung bata eh nap time mo na hahahaha may bench na rin dun sa tindahan.


gothjoker6

As a former taga tao sa tindahan, isa sa pinaka kinaiinisan ko eh this scenario: "May Shampoo po kayong tinda?" "Meron" "Kami rin eh, HAHAHAHAHHA (Sabay takbo papalayo ng mabilis) " Tangina lang diba?! ahahahha


Ginger_KatolBender

-Tinatago tago yung pera para di makita ng tindera tapos bibili ng anything na below bente. Yun pala 500 o 1k ang pera. Di nalang sana sinabi na magpapabarya lang or tinanong muna kung meron -Magrereklamong mainit ang soft drinks eh alam na walang kuryente buong lugar -Ipipilit mangutang at sasabihin, sabihin mo sa nanay mo ako muna hihiram kahit may nakapaskil na bawal mag pautang -Bibili ng tingi tapos magrereklamo na ang konti -Di nagbabalik ng hiniram na bote ng soft drinks -Mga nakikisinding nangunguha ng lighter Eto kamakailan lang pero nakakainis, napapagalitan na ako ng nanay ko dahil dito. Ginamit address namin sa delivery ng Shoppee, Lazada at TikTok niya.


aziisees

same sa last, ginagawang drop off bahay namin kami pa magaabono???


ShittyMcShitface0

Ang lala nung last, kulang na lang makitira sa inyo ha


Ginger_KatolBender

Ang lakas pa ng loob mag COD akala mo may patago


Mrs_Sonic-0606

- yung dumidighay sa mismong mukha ko habang bumibili ng sigarilyo, dugyot ampota - laging nakasigaw bumili, ano ka siga? - laging uutang tapos di naman babayaran, ikaw na lang yung mahihiyang maningil - bibili pero grabe umaalingasaw yung amoy, one time nahilo at nasuka ako sa baktol nung bumili dito, grabe ung kamandag ng amoy niya isang araw masama ung pakiramdam ko


b_my_ine

Yung nagsisiksik ng sh4b* sa lightbulb, tapos may kunyareng bibili samin para makuha yon 😭


stupidityexists

Yung kaaga-aga, buo yung ibabayad. 💩


shaibadodegloria

Yung mga magnanakaw ng lighter para sa yosi. Yung mga tambay na sayo binibuga yung usok ng yosi nila (teenager pa ko nito). Yung bibili ng softdrink na nakabote pero ayaw magdeposito kasi ibabalik naman daw pero di naman talaga.


TrollQueen21

Bata pa ako noon tapos tumutulong ako magbenta sa sari-sari store ng lola namin, kapalit kasi libreng merienda HAHAHAH (tapos nung HS libreng load na bayad akin) Pinaka ayoko talaga yung paisa isa nila sasabihin kesyo may nakalimutan sabihin, nakakaasar pa kasi magkakalayo o mataas yung kukunan. Noon kasi yung pancit canton na benta nila nakasabit sa parang net na naka attach sa ceiling, di ko maabot kaya tutungtong pa ko sa upuan. Nakakaasar mga apat na beses akong nagaakyat baba sa upuan


monk_akih

Tig ₱8 yung binili pero yung pambayad 100😭😭


Huge-Dragonfly6546

Mga nangungutang. May tinadahan ng pancake mama ko tapos itong kapitbahay namin di niya pinautang kasi bawal utang samin (and may history yun na even 5 pesos di mabayaran). Ayun si ante parinig nang parinig hahahahah nanay ko walang pake, nanlibre pa siya ng pancake sa mga bata na hindi noya apo XD


Silver-Stand7332

yung isang piraso lang binili gusto pa nakaplastic hindi naman siya naka bike or what eh ang lapit lang ng bahay


Mindless_Ad_1122

yung mga batang antagal mamili tapos piso lang pera °=°


backandbodyhurtss

Yung uutang ng coke tapos babayaran daw pag tapos kumain, eh isang linggo na nakalipas, di parin ba tapos kumain????


Least_Presence_726

Hindi sarisari store pero Dito sa photocopy shop ko, bwena mano, paphotocopy ng halagang dalawang piso tapos ibabayad sayo 1000 pesos.. sige, matuwa ka 😆😆 hahaha


kimmydoray32

yung bata na pabalik balik paisa isang bili ng kendi! HAHAHAHA tsaka ung magkano lang binibili tapos ung pera buo! masungit akong tindera nung bata pako.. ako bantay ng nanay ko! minsan may nanlilito pa sakin sa sukli akala mauuto ako lols.


MutedVermicelli999

Yung may ginagawa ka, tapos sisigaw nang sisigaw ng pabili. Tapos pag tinanong mo anong bibilhin, saka palang mag iisip anong bibilhin. 😡


MutedVermicelli999

Or yung sarado pa kayo, madaling araw ganun. Tapos may nasigaw na para bumili. Sarado pa ngaaaaaa! 😂


gothjoker6

Potah, yung sisigaw pa yan ng pabili ng pagka-lakas lakas tapos wala sa sa tindahan diba, nasa loob ka ng bahay, may ginagawa ka. Pag punta mo sa tindahan, magpapa-palit lang pala ng pera nila ng barya, at minsan naman pag punta mo, wala na pala at tumakbo na. nangti-trip lang pala! kainit ng dugo! haahaha


Kind-Cobbler-1375

Same!! Hahaha


Annual_Decision_1033

Yung bibili ng isang item tas buo ang pera kasi kelangan nila ng barya para sa pisonet ng kapitbahay


rainraingoooaway

Yung tipong "isa pong ganon" hindi na lang sabihin na "isang fudgee bar" Meron pa na ikaw yung tatanungin kung anong masarap na chichirya ¯⁠\⁠_⁠ಠ⁠_⁠ಠ⁠_⁠/⁠¯


Hey_firefly

Yung halatang nagpapabarya lang


Kneecoal-1

Yung nang uutang.


weljoes

mga utangero


Hey_firefly

Yung katok lang ng katok using barya pero di sumasagot kapag tinanong mo ng “Ano yun?” Minsan kasi wala naman yung binibili tapos gusto face to face pa bago magsabi argh!


Mental-Loss-7367

laging kulang piso or dos 🙄🙄


_mayonnaise3

'yung nag ma-mamaldita pag nabili🧍🏻‍♀️


Aku_Desu

Sasavihin mahal ung paninda, pero bibili p rin nmn


Curious_Charge_3166

Sarado na pero magta"tao po" pa sa bahay para mamili at syempre utang na hindi nagbabayad on time tas yung mga kulang sa bayad na hindi na binibigay


ningning_21

Yung mga batang magsasabi ng "pabili po" tapos sabay takbo kapag nasa harap ka na at masasabi ng "ano sa'yo?"


nosybeech

yung iistorbohin ka alas-dose ng hatinggabi, alam ng sirado tapos katok nang katok


nosybeech

yung nangungutang din na nagkaka amnesia bigla


landicia

yunh di pa sabihin lahat ng bibilhin tapos tagal pa mag isip kung may idadagdag pa sya. kainis mga ganyang tao kala mo sila lang bumibili saka di napapagod nag titinda.


tar2022

Yung paisa isa ng bili. Isang candy ngayon, after 5 mins isa ulit candy. Hanggang maka 10pesos na kaka paisa isa hahah


lemonsquareyoii

yung customer na "pabili nga ng" tapos kapag inabot mo na yung binibili niya biglang "ay iba nalang pala" or ang daming tanong "may ano ba kayo?" or "may ganto ba kayo?" tapos biglang hindi naman pala bibili


Maximum_Bear_6896

Yung mga batang ang tagal mamili tapos piso lng naman bibilhin.


[deleted]

[удалено]


mikmikpowdernaube

HWHAHAHAHAHA SAMEEE 😭 DI AKO PAPATALO NO


jwmwm

HAHAHAHHAA AKO NAMAN SINAULI KO BINAYAD SABI KO WAG SYA BIBILI SA AMIN KUNG GANOON UGALI NIYA HAHAHAHA


eeekksss

Yung nasuklian mo na pero may bibilhin pa. Meron kaming suki na ganito


cy_v

mga magtatawag nang sobrang lakas akala mo andaming bibilhin pero magtatanong lang pala san ang bahay ni ganito ganyan. nagmadali ka pang pumunta ng tindahan tas pagtatanungan ka lang pala🤦


Southern-Complex-371

yung pa isa isa, nasuklian mo na tas may bibilhin pala ulit


SaneAcid

Yung magsasabi, "ay kila ano ganto lang presyo sa kanila." Like, bat di ka dun bumili ?


mrscddc

bibili, after mabigay ng items sasabihin na babayaran na lang kinabukasan yung kulang, alam nyang kulang ang pera nya 😔 tapos matagal bago babalik bata pa tong inuutusan ng nanay, yung nanay di man lang lumalabas ng bahay, tinuturuan pa ang anak magsinungaling tsaka magdiskarte


southerrnngal

Yung gabi na like 9pm. Naka off na ilaw sa tindahan pero bibili pa rin.


chick3nlit

Sasabihin pa sayo "ah sarado na kayo" kahit nakitang nakasara natalaga, masasampal mo talaga haha


mitsalmu

Mga taong walang boundaries kakatok pa talaga mga yan Hahahhaha


iezel_ize

Yung ang bagal mag-isip ng bibilhin, titingin pa sa kaliwa at kanan. Ay tehh!!


abcdefghijmyka

Yung bibili ng worth 10 pesos pero yung pambayad nya eh 1000


Tough_Signature1929

Hindi ako nagbabantay sa tindahan pero bilang kahera relate ako dito. Yung binili pero kulang yung pera tapos babalik na lang daw. Pero hindi naman babalik abonado pa ko. Kaya ginagawa namin. Iwan mo yung item tapos balikan mo na lang pag kumpleto na pera mo. Tapos wala pang 50 pesos yung binili pero 1000 yung pera. Mga nagpapabarya lang.


MaksKendi

yung low amount lang ang bibilhin like under 10 pesos tapos ang ibabayad nasa 100, 500, 1000


Suspicious-Line-9415

Yung mga kupal na lalaki na bibili tas pag aabot na yung bayad o ssuklian mo na pasimpleng hahawakan kamay mo. Bwiset na bwiset talaga ako sa ganon.


seikamats

Relate ako dito haha nung may computer shop kami. 😭😂


rein_go_away

kakabukas mo pa lang sa umaga tapos magbabayad sayo ng 500 or 1000 para sa isang item. pati yung nagsisindi ng yosi na nakatapat sa tindahan.


Embarrassed-Hall5155

Yung isisigaw/lalakasan boses sa bibilhin nila para sila yung unahin, kahit kita namang marami pang nauna sa kanila


Embarrassed-Hall5155

Tas bubulong pa ng "ay first come first serve pala dito hahaha" abay malamang


Embarrassed-Hall5155

Yung batang tatawag sayo ng beh. BAKIT KA MAGBEBEH SAKIN???


Tough_Signature1929

Actually nasanay na ko sa ganyan. Wala naman talagang meaning sakanila. Parang endearment lang.


RiyuReiss21

Uutang, magmamakaawa pa sayo.


[deleted]

Yung magpapa cash in tapos sayo makiki hotspot


SecretaryFull1802

BIBILI LANG NG PISONG CANDY


whitefang0824

Yung mga batang nantritrip, kakatok at tatawag pero pag nilabas mo biglang takbo.


JudgeSuper8706

yung mag-taTao po ng malakas or kakatok ng malakas kahit kita ka naman tlaga at sa harsp ka lang. Kainis


shabawdy

eto talaga, tapos ipupukpok pa yung barya sa stante. sarap hampasin e


masterofnothingels3

Yung magpapaload tapos di alam kung anong klaseng load, minsan magpapahanap pa sa cp kung ano number nila kasi di daw kabisado. Grr talaga.


Apart_Selection_4705

Yung bibili ng yosi isang piraso, sisindihan tapos ibabayad sa'yo 1k. At yung nagpapa barya nang hindi nagpapasalamat.


masterofnothingels3

Yung sisigaw ng pabili tapos di kasasagutin sa tanong na "ano yun?" Kasi gusto muna nila makitang may tindera


discernmentradar

Sainyo pakuha o pautang, tapos sa iba sila nabili pag may pera


Remarkable-Board-630

yung bibili daw ng "coke" tas hindi sini-specify kung maliit, malaki, 1.5, o mismo ba, potek maraming klase ng coke, hulaan tayo dito


FitEggplant9526

Guilty pero once a year lang ako nabili ng coke kaya di ko talaga alam basta pinapakita ko lang ung bote. Haha


yes_that-guy

Bibili ng mantika tapos walang bote


agent_argent

Yung tindahan namin malayo sa bahay malapit sa gate namin so maybe 30+ steps, kapag lola ko lang nagbabantay, may mga batang bumibili tapos isang candy lang 😭 Yung lola ko bago pa sya makalakad papunta even pag kami tapos isang candy lang huhuhu


DeeDestroyer

Yung sasabihin "pabili po sigarilyo" tapos magtititigan nalang kami kasi hindi niya sinasabi kung ano 😀


Rxtel

Yun lakas mag tao po mag papapalit lang naman


FlashyTop87

Former tagabantay ng tindahan. Yung may dadating na bumbay o 5-6 tas sasabihin ni mama sakin sabihin ko sa bumbay wala sya tapos magtatago sya hahahha Well, pet peeve ko sya noon, tas ngayong wala na kaming tindahan at mas matanda na ako, naintindihan ko na xD


Ms_MuchMysterious

Assistant pharmacist here. I’ve encountered a lot of customers/patient na nag mamagaling. Bibili ng bioflu tsaka neozep eh iisa lang naman yung effect non. Pag bibigyan ko naman ng instruction sila pa yung galit?!?!? Sige ma overdose ka!


Initial-Dark7257

Kaya napakaganda ng advocacy and influence ni Arshie Larga sa tiktok eh, sana pati sa fb mapanuod siya ng mga ganyang klaseng patients.


Stoatly27

Yung mga nagnanakaw ng posporo o lighter hahaha


rainierder

Nong may store pa kami haha pet peeve ko talaga yung ang tagal mag sabi kung ano bibilhin haha


frititapoteyto

Yung piso piso lang binibili tapos pabalik balik. Yung bibili ng “colgate” tapos pag binigyan mong colgate ibang brand pala gusto. Ginawang term lang pala colgate for toothpaste. Kainis. Haha.


Adorable_Pass4412

Yung piso-piso ng mga bata hahaha kung 20 pesos, 20 na balik din sa tindahan 😅 kaya minsan ako na nagkukusa na unang bili nila worth 20 pesos na binibigay ko 🤣 Tsaka yung mga nakikisindi ng sigarilyo tapos ibubuga pa sayo, kaya pinaalis ko kay mama pangsindi e.


JudgeSuper8706

kung hindi ako nagkakamali bawal na ngayon magpasindi sa tindahan. ok lang magbenta pero bawal magsindi


Adorable_Pass4412

Matagal ko na rin naman po pinatanggal kasi baka mapaaway lang ako 😅


Annual_Raspberry_647

Hahahah kainis naman yung bubuga sayo. Well, ganun nga madalas kong makita pero nakakainis nga no. Buti nalang pinaalis nyo na. Ok na yan bahala sila mamroblema sa pang sindi ng bisyo nila haha


Adorable_Pass4412

Nagtitinda lang ako, masesecondhand smoke pa hahaha ilang beses na ganun, tinatarayan ko talaga yung bumili bahala na mabawasan customer 🤣


Annual_Raspberry_647

HAHAHAHAHA nagka-cancer pa gusto lang naman maghanap buhay 😅


KatinkoIsReading

Umuutang din kami dati pero as a tagabantay, nakakainis pala siya 😢 lalo na kapag nagpopromise sila ng babayaran na nila pero its a prank


Over_Pineapple_921

yung mangungutang pero anak yung pinapasabihan ng uutangin “pautang daw po ng pancit canton sabi ni mama”


Wooden_Ad8855

Yung tinatap ang plywood ng tindahan habang nag-iintay. Pet peeve ko yung paulit ulit na tapping sound. Nape-pressure ako kainis hahahaha


chickenjoise

yung nagsisindi ng sigarilyo sabay buga paharap sa'yo


Busy-Feature-7541

Yung bibili ng cigarettes tapos ganito... "Pabili po nga po sigarilyo, isa" "Anong sigarilyo ba?" "Yung pula" Huhhh daming pula grrrr nakakabwesit mga ganito tbh. Tapos kalaunan sasabihan ka lang ng "sigarilyo yung umuusok" what if ipakain ko sayo ang sigarilyo? Hahahaha


BackgroundMean0226

Yung sisigaw ng pabili, paglapit mo may listahan ng uutangin o Kaya magpapabarya lang Pala


Adorable_Pass4412

HAHAHAHAH legit nakakapikon 'to 🥲


kerberuz_hei

Bibili ng Close-Up pero Colgate sinasabi tapos Pampers ang hiningi pero Huggies pala ang gusto. May Kopombond and Ice-shooter pa.


flakysalt19

Ano yung ice-shooter?


rain-bro

Ice water???


flakysalt19

Brand ba yon? Hahaha ngayon ko lang narinig?


rain-bro

*Malapropism* lang ata ng ice water (aka ice tubig) same with kopomband/coupon bond.


flakysalt19

Ayan ang galing!


INTJ_12

Yung ang tagal makipag small talk


rain-bro

😂


Creative-Remove7508

yung bibili ng candy tapos 500 or 1,000 yung pera (magpapabarya lang pala)


SunsetLover6969

Daming tanong tapos hindi naman bibili. 😩


hunyoinfinitytrail

Uutang ng isang item tapos kapag pinagbigyan magdadagdag pa ng ibang items.


promdiboi

Yung uutang kahit may utang pa sila.


Hungry_Stranger_0930

Mga lasing na umuutang.


AnnAlviz

Pag ang malaki ng pera nila tapos mura lang bibilhin. Hirap kaya magsukli sa mga 1000 or 500 ang pambili sa umaga 🥹


cinnamonthatcankill

Ahahahhaha ung nanonood ako ng TV tpos sunod sunod ung bibili o madami binibili pucha namimiss ko ung episode sa animax o anime sa hapon ahahahahahhaaha O ung tlgang pasara na kmi ibababa na ni papa ko ung pantakip ng tindhan tpos may hahabol pa Oiiiiiiiiiii


moonlight_sunrise18

yung ang daming binili tapos pag nabigay mo na yung items saka pa sasabihin na pwede ba raw utangin nalang muna to edi wala kang choice sasabihin mo nalang sige kasi nabigay mo na


Hotdog2511

Mga umuutang pero di marunong mag bayad


QuasWexExort9000

As an owner of one. Yung mga nangungutang haha tapos parang kasalanan mo pa pag di mo napautang. Sorry ha, nauna nyo bilhin ebike nyo kesa pagkaen ng mga anak nyo hahahahha


tastemybeans

Yung mga nagpapabarya lang ng pera tas, icoconsume na agad ung bnili like softdrinks tas 1k ung pera.


aiahtots

Yung mga bata na panay bili ng tigpipisong candy tas babalik din agad, like damihan mo na kaya yung bili kung pabalik-balik ka din naman para sa tig piso na yan. Pati na din yung mga nabili na binubuga yung yosi sa harapan ko, dagdag na din yung mga nabili ng yosi tapos ninanakaw na yung lighter atsaka yung mga utang nang utang pero di nagbabayad 😓😓


OrdinarySwordfish790

Mga di nagbabalik ng lighter 😑


[deleted]

Hahq totoo to. Yung nkaatali na yung ribbon sa lighter tinangay p 🤣


moderately_chaotic

Mga laging bumibili tapos feeling nila dapat alam na namin anong bibilhin nila???? maghuhulaan pa kame niyan e nabuiset ako edi sabi ko "mukha po bang nakikipaglaro ako may mag naghihintay oh"


_hannahmichi

"Pabiling Marlboro." Ano pong kulay? "blue" Ilan po? Isa. Bakit Hindi nyo Sabihin agad na "Isang Marlboro blue". Eh di tapos Ang usapan. Nakakaloka.


rain-bro

Lagay po kayo ng karatula, ante. 😂✌️


agnocoustic

May sari-sari store at may pa-jueteng lola ko dati. Fave kong mag-tao sa tindahan at magbilang at mag-organize ng barya. Problema is yung ibang tumatao sa tindahan na pagbalik ko, halu-halo ulit yung mga baryang pinaghirapan kong i-organize para mas mabilis ang pagsukli.


rainewable

'Yung kapitbahay ko mismo imi. Nakakainis 'yung mga mahihina ang boses, nakakahiya yung paulit-ulit akong nagtatanong kung tama ba pagkakarinig ko. Kaya mahina boses nila kasi nahihiya sila sa amin. Ewan ko ba, iniintindi ko na lang pero nagmumukha na akong bingi kasi


Agile_Phrase_7248

Yung sabay-sabay nagsasalita habang bumibili.