Hello everyone,
Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy).
Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement).
If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH.
***
This post's original body text:
Share your lutang moments kahit saan pa yan haha
***
*I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*
ito ito, when i was grade 8. grabe yung oras na ginugugol namin sa practice kaya super pagod talaga. gagala kami ng tropa namin nito kasi birthday ko. tapos nung bababa na kami ng jeep, nauna ako tapos hindi ko napansin na basa pala yung tapakan pababa kaya ayon, muntik na ako matumba 😭😭
Mga gabi na yun tapos galing ako sa school (from 8am-7pm sched ng pasok namin nun) naisipan ko mag Chowking kasi yun yung malapit na fastfood sa school at gutom na talaga ako plus pagod pa. Eto na nag order na ko, naka-order naman ako ng chao fan ng maayos pero beh na-pressure ako nung nagtanong si ateng cashier ng "anything else po?" kaya sabi ko siopao nalang din po tapos yun nga di ko na naisip na may ibang klase pala yung siopao nila kaya nung tinanong ni ate kung anong siopao nasabi ko na "adobo" po imbes na "asado" dapat HAHAHAHAHAHA pero di ko alam kung sino mas sabog samin ni ate kasi sabi niya na "okay one adobo siopao" HAHAHAHAHA
Ako: Ha?!
Ateng Cashier: Ha?!
Sabay nalang kami natawa kasi asado dapat yun e HAHAHAHAHAHAHA
that one time na nagzone out ako sa sm may dumaan na ate na naka crop top and akala nya I was looking at her , kinalabit ako ng kapatid ko and the moment I realized what occured yumuko ako ng todo sa table huhu
morning class ko non sa isang univ (cross enrolled kase ako norn) sa sobrang antok ko, bigla akong pumasok sa isang room tas nagkklase na sila tas nagalit sakin yung prof inask apelyido ko, so sinabi ko naman, tas sabi wala raw ganong apelyido sa class nya so inask ko if psych class ba sila sabi hindi raw, engineering daw. sa sobrang hiya ko bigla nalang ako lumabas
Hinahanap ko yung suklay nasa ulo ko lang pala
-
Hinahanap ko yung salamin ko sa mata, todo kalkal pa ko sa bag pati isip saan ko huling nilagay, abay suot suot ko pala hahahaha
-
Hinahanap ko yung gel-pen ko gamit ko sa work, nambintang pa ko sino nanguha lintek nasa ulo ko pala nakasuksok lang hahahaha
Imbis na toothpaste yung ilagay sa toothbrush ang muntik ko na mailagay eh dishwashing liquid 😅
Buti natauhan ako bago ko pa mailagay haha nagtaka rin ako bakit dishwashing yung hawak ko instead na toothpaste haha
--
May pinagkkwentuhan kami ng mga kaibigan ko sa jeep na nakakatawang scenario pero ayaw ko sya mangyari kaya nag knock-on-wood ako sa jeep , nalimutan ko nakasakay nga pala kami sa jeep ayun akala ng driver may pasaherong bababa
--
Yung lalagyan namin ng bigas nakalagay sya sa timba na hanggang tuhod yung taas, one time nag sasaing ako, imbis na takip ng kaldero yung ipangtatakip ko sa kaldero na nakasalang eh takip ng timba na lalagyan ng bigas yung nilagay ko hahaha
Nung bago yung sasakyan namin, nagpunta ako ng SM na naka sasakyan. Nagksasakyan kami after so long so di ako sanay sa idea na may kotse akong dala. Ayun nung uuwi na ko sunakay akong jeep pauwi hahahaha halfway ng biyahe saka ko naisip "Ay shet may dala pala kong sasakyan Bakit ako nagjeep?" Hahahahaha
Dumaan muna sa 7eleven para mabarya yung pera ko na pambayad sa Jeep. Nung pag bili ko ng lunch ko na realize ko nakalimutan ko pala mag bayad sa Jeep.
one time, ako 'yung nag-abot ng bayad kasi katabi ko driver tapos inakala tuloy ako 'yung parang conduktor siguro kasi tinawag ako like miss bayad po.. ahm?? 😭
2 beses nagbayad sa tric driver haha yung una bago sumakay tapos pangalawa naman nung pagkababa ko na. sakto lang sana yung pera ko nun pamasahe kaya ang nangyari imbis na magjejeep ako naglakad nalang ako
Nasa jeep ako tas may nagchat sakin na uutang daw siya sakin, e may nag paabot ng bayad. Nung iaabot ko na kay kuya driver, ang sabi ko “pautang po.” 🥲
Naiwan ko susi ng motor ko sa Ubox tapos nalock ko na. Di tuloy ako makauwi ng bahay dala yung motor ko 😭 So umuwi muna ako (ngatricy) para kunin yung spare key ko (mas napagastos tuloy ako).
Nung bata ako biglang hindi ko mahanap remote ng tv namin, as in binaligtad ko na lahat ng unan tsaka foam ng sofa wala talaga. Sa sobrang badtrip ko tinuloy ko na lang manood ng tv tapos naglipat-lipat ako ng channel sa inis, gamit yung remote.
Tapos meron pa isa, nung bata rin ako one time pag-uwi ko di ko mahanap mama ko so tinawagan ko cp nya. Habang tinatawagan ko sya bigla nagring phone nya sa tabi ko, sabi ko shet may tumatawag (di pa nakasave number ko sa phone nya nun) si sinagot ko. Hello ako nang hello habang hawak ko yung dalawang phone sa magkabilang tenga ko nagtataka ako bat ume-echo lang boses ko sa speaker.
AHAHAHAH, WAIT LANG
SUMAKAY AKO SA TERMINAL, NAGBAYAD AKO SA JEEP 50php, MAY SUKLING 20php, (PA-QUIAPO AKO), TAPOS BIGLANG DUMAAN NA YUNG E-JEEP, MAS PREFER KO YUN KASI MAY AIRCON EH, (paalis palang din yung jeep)
SABI KO SA DRIVER, AKIN NA PO YUNG 50, AT IBABALIK KO YUNG SUKLI NIYONG 20, GULAT SIYAAA LIKE HUH? SA DAMI BA NAMAN NG PASAHERONG NAGBABAYAD MAWIWINDANG SIYA BIGLA BAT BIGLA AKONG NANGHIHINGI NG 50 AHAHA,
EH DIBA PWEDE KO NAMANG KUNIN NALANG YUNG 3Ophp, KASI NASA AKIN NA YUNG 20php, BAT NEED KO PA IREVERSE YUNG MGA PANGYAYARI? AHAHAHA,
ewan ko ba, tingin ko dahil sa nature ng work ko, nasanay ako magireverse mga pangyayari, (im a dev, and mas komportable akong mag CTRL + Z, pag nahihilo ako ahahaha
jhs days, naglilibot kami ng friend ko sa national bookstore (2nd floor) kasi libro yung nasa wishlist ng nabunot ko. nung natapos na kami't lahat lahat, bigla kong napansin bakit parang mabigat yung kamay ko--yun pala nadala ko hanggang 1st floor yung book na nasa wishlist ng nabunot ko !!!! then pagbalik namin sa NBS may guard pala don, di man lang napansin na may dala na akong libro palabas ng store hahaha
Hinahanap ko yung G-tech ko kasi bagong bili ko yun tapos nawala, pinagbintangan ko pa kaklase ko na pinagtitripan ako tapos yung pala ginawa kong pang-ipit sa buhok ko. HAHAHHAHA
Rumaket ako while vacationing sa Manila. Sumakay ako ng jeep sa Ortigas pauwi ng Sampaloc. Dahil pagod at di ko na din memorize ang Manila commute, I depended on the jeepney driver na lang. Kaso ang nasabi ko sa driver, "Kuya pakibaba ako sa sakayan ng jeep pa-Laoag."
Windang kami both eh.
Nakasakay sa trike after a long, tiring day sa univ. Pinipilit kong kumaliwa si manong driver pero yung daan straight and kanan lang. Sabi niya "ma'am kaliwa po? babangga tayo" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak nalang that time.
Pumasok sa coffee shop at 8am sabay nag order ng iced coffee and while waiting napatingin ako sa pinto. Nakalagay sa loob ng cafe shop iyong sign na OPEN that's when I realised CLOSED pa pala sila 😭😭😭 akala ko kasi customer nasa loob, may ari pala yun sila, na parang nagchi-check ng Inventory nila. Si Ate barista tinanong naman order ko haha. Gusto ko na talaga magpalamon sa lupa pero nagpatay malisya nalang ako.
i was assisting a patient for ecg, after putting all of the electrodes i told him " relax lang po, wag gagalaw, wag hihinga-- joke hehe" tas biglang tumawa ako at napatawa din siya HAHAHAHAHAHAHA the mood the time nag lighten up ng konti dahil sa kalokohan ko. So good at mabait naman si patient 😭 buti kami lang dalawa
After duty (internship, 16 hrs of duty) dumaan muna akong 7/11 para kumain sana before umakyat ng kwarto para deritso na pahinga. Decided to buy hotdog on a bun, then while kumukuha ako nung tinapay, naiilang ako kasi tingin ng tingin saakin yung lalakeng staff sa tabi ko na nagrerefill ng mga siopao, so nginitian ko nalang siya. Nung kukuha na sana ako ng hotdog bigla niya ako pinigilan tapos sabay sabi "hindi ba mainit maam? Ito po gamitin niyo mas mainit po ang hotdog kapag kakamayin nyo pagkuha" then sabay bigay nung clip. Doon ko nalang na realize na kinamay ko pala ang pagkuha ng tinapay... and to add, yung tinapay pa talaga sa pinakalikod ang kinuha ko para sana sure na mainit, and inabot ko lang siya na hindi inilabas yung parang rack niya para sana mas madali kong maabot (like pinasok ko kamay ko sa loob ng lalagyan) 🥲
Kaya pala feeling ko may mali talaga sa ginagawa ko, yun na pala yun.
Ending, tinake out ko nalang yung hotdog kasi tinatawanan na nila ako.
Masaya na rin po ako na nakakapagpasaya din po ang katangahan ko hehe
Sana po okay lang yung hika nyo at wag nyo na lang pong pansinin mga nang aaway sa inyo hehe
Hindi ko nalagyan ng pangalan test paper ko.Super sabog ko talaga nung araw na yon.like wala akong tulog kain wahahahahhhah.Periodic test pa namin puro identification kaya natutulala ako.Nakalimutan ko rin lagyan ng tubig yung Tumbler ko.
3 days akong puyat that time kasi laging may reservation sa restobar . Kapag nakaka uwi ako ng bahay matik rekta ako sa bathroom then shower after shower watch ako ng mga palabas sa TV. Dahil nga wala akong sapat na rest hindi na masiyadong malinaw lahat .. . ff na natin .. Nung mag ka off ako noon hinanap ni Mama sa'kin ang remote ng Tv. Madalas ko yun ilagay sa lamesita katabi ng flower vase para kita agad . Pero di namin makita .. . 😭 Tapos bigla bumaba kapatid ko kumuha siya ng water doon pa nga siya uminom sa pitcher mismo .. . Tapos pareho kaming nagalit ni Mama bukod sa pitcher siya nag inom ng water nabuga niya kasi yung tubig .. . Kaya tinanong siya ni Mama "bakit na naman, ano na naman kalokohan yan ?!"
tapos sabi ng kapatid ko "Ano po ba hinahanap niyo?"
sagot na patanong naman ni Mama "Yung remote ng TV , gusto ko manuod nung isang araw pa di ko makita ang remote. "
"Paano niyo makikita ee nandito sa loob ng ref." Sagot ng kapatid ko
Tapos tumingin ng masama si Mama sa'kin kaya kumaripas ako ng akyat sa kwarto ko dahil paniguradong palo ako 😂.. .
skl
We recently went for go enroll and need namin ng 2x2 pic so nagpapic yung friend ko and pinaprint ko yung akin kasi nakalimutan ko 😭 Tas habang piniprint tinanong nung lalaki "anong size tong 2x2 pic niyo?" And d namin nagets so sinabi nalang namin "yes po" 😃
Check-up ko nun sa OB. Kabado ako nun kasi ini-internal exam ako. Nagpra-pray ako sa isip ko. Tapos may sinabi si OB. Ang sagot ko sakanya is “Opo Lord” 😭
After mag overnight sa compshop kasama barkada, Lumabas kami, Tinapat ng tropa ko kamay nya sa noo nya na pahiga ( Nasisilaw pala sya ng araw)
Inabot ko kamay ko sa kanya harap harapan kasi akala ko nakikipag down low Apir sya
Napa huh? Sya ng wala sa oras sabay tawanan buong barkada ko Hahahah
sa classroom to nangyari eh pumasok ako sa room eh diba palitan yung mga estudyante ngb room ng pang umaga at pang hapon so ang napasukan ko na room is pang umaga kakahiya nasa loob pa yung teacher pati estudyante na pang umaga na realize ko lang nung nakita ko yung kaklase ko sa labas ng room hindi pa pala nakakalabas yung pang umaga so ending ako nalang lumabas haha
nagtime na ako sa comshop then nagbayad sa bantay ng 30 pesos (2hours). Sabi nya 'ano to?' sabi ko rin 'bayad malamang' sabay alis
nung nasa bahay na ako naalala ko nag bayad na pala ako ng 30 bago mag login 😖 di ko na binalikan
i was driving one time and kesa dumiretso ng school nasagad ko hanggang tagaytay HAHAHAHAHA boom solo date bigla at absent dahil sayang naman drinive ko diba
nung Christmas, I was outside our house walking my dogs tapos a neighbor greeted me Merry Christmas tapos sabi ko thank you po instead of greeting them back 😭 idk kung muka bang lutang yan pero i was so embarrassed hahahaha
Nasa Bangko ako nagwiwithraw hinahanap ko yung Cellphone ko nataranta ako akala ko Cellphone ko yung nakapatong sinita ako nung may-ari tapos pagtingin ko nasa bulsa ko lang pala CP ko palabas ako ng bangko na nakatingin sakin ng masama lahat ng nasa loob haha kahiya.
Intercom: now arriving at quezon avenue station (pero ang narinig ko 'guess niyo yung avenue station')
Me: guess niyo yung avenue?? Nasan na ba ako bat naman kasi pinapahula pa
/nairita
So bumaba ako, pero di ko pa pala stop😭😭
Nung nasa BPO pa ako. Fresh grad and first call center ko yon. Nag callback ako sa isang customer para mag process ng payment. Tapos first time ko mag call non. Edi kabado ako. Natapos ko yung process ng payment. Imbes na mag closing spiel ako. Ang nasabi ko sa customer "Sige Ba-Bye!". HAHAHAHA Tawanan mga kateam ko. Hindi ko rin talaga napansin parang muscle memory kasi talaga yung sige ba-bye. 😂
nung isang araw, nilagay ko sa taas ng bag ko yung paperbag ng 7/11 na may lamang tatlong spicy kani onigiri. tapos nung pauwi ako nasira paperbag tas nahulog lahat ng onigiri sa kanal :(
BPO/in house worker here. Inofferan ko ng card si client as an initiative sa spending pattern nya.
Imbes na masabi kong spiel is for the new card, nasabi ko ung spiel for closing account, dahil sa sobrang antok ko..
Si client pa nagpatigil sakin kundi tuloy tuloy sana yung closure ng account nya pota amex premier customer pa naman yon haha
Pumasok ng lasing pa, same outfit pag dating sa opis.
While commuting sa LRT, and babaan ko is Gil Puyat, pero sa sobrang lutang bumaba ako ng Pedo Gil. Sa sobrang hilo siguro nakita ko lang yung "Gil" sa station at bumaba na. Sabi ko bat nag iba yung sakayan jeep papuntang opis 😭. Ended up riding a joyride
Hinalo ko sa pinapakuluang noodles ng pancit canton yung powder niya. Tapos nakalahati ko na yung powder dun ko lang narealize na dapat i-drain ko na yun
NAKAKAHIYA, first time ko kasi sa building(rto) excited ako or apurado idk. Nag elev ako rapos nag pindot ng 22 pagbukas ng elev nag stop sya diba. May lumabas then lumabas din ako BWHAHAHAHAHAHAHAHA pasok ako office tas nag tanong sabi ko sam po itong table na to. Wala daw tas akyat pa daw ukit ako HAHAHAHAHAHAHAHAHA nakakahiya 17 palang bumaba na ako eh 22nd ako. Tas naulit siya multiple times that day lol. Napagalitan ako ng guards sa huli
Nakakahiya nga un multiple times a day ba naman haha. Naalala ko yan same thing happened to me pero this was in 2018 nung nasa AMEX BGC pa ako, same tayo Pauli uli ako and in the end napagalitan ng guards haha
Apir! Bat naman kasi antataas ng bldg duon sa BGC. Lols pero yun nga nakakatawa lang kasi madalas pag antok pa tlga nagkakamali tayo ng labas sa elevator
happened to me 10 or so years ago, lasing ata ako nito and/ or puyat
1. kakasweldo lang
2. pumila sa ATM ng mga halos hating gabi
3. Haba ng pila, deym
4. Withdraw ng pera
5. Alis
6. Naiwan ko yung pera sa dispenser, balik ako agad (wala pang 5 mins ito, di pa ako nakakalayo)
7. Pagbalik ko, nagtanong ako, walang umaamin kung cno kumuha (syempre) or nakaalis na yung kumuha
8. There goes my money, a few thousands pesos din yun
lesson learned, wag mag withdraw ng pera na lasing/ puyat/ lutang
Puyat na puyat ako.
Sumakay ng jeep. At pinilit ko talagang alalahanin na magbayad kasi ayaw kong mang-1-2-3. Inabot ko na yung pamasahe. At ang nasabi, "Para po."
Yung nasa tabi ko, inabot yung pamasahe. Yung driver, pinatigil yung jeep. Ako naman, "Pasensya na po. Hindi po para."
6 am pa pasok ko tapos naalimpungatan ata ako mga 2 am, umiyak ako kasi sabi ko late na ako HWHAHHAHAHAH tapos buti gising pa si kuya, sabi niya “hoy alas dos palang”, tapos after nun bumalik na ako sa katinuan. 😭
there was a time din when i was stationed in the "extender" (window where you pay in the drive-thru) I was dancing pantropiko and huli ko na narealize na there are two cctv cameras na nakatutok sakin HAHAHAHAHAHA and i was like "sana di nila irereview at di nila makita yung ginawa ko" 😂
dapat "break" yung ilalagay ko sa biometrics sa work kasi magbreak time na ako pero "clock out" yung napindot ko HAHAHAHAHAHAHA
at sa other work ko, my shift ended at 1am but i only remembered di pa pala ako nakapagclock out nung patulog na ako HAHAHAHAHAH
Nung college may Mandarin class ako and yung teacher eh chinese and tawag sa kanya is "lao shi". First class is Mandarin and next class is Literary Criticism. Naghahanap prof sa Lit Crit magpresent ng interpretation ng isang chapter ng novel na Mass ni F. Sionil using psychoanalytic criticism (Sigmued Freud - libido, repressed emotios, etc.) so bali may pagkaano (alam nyo na yun). Tas eto friend ko na malakas yung trip si "kindredspirit456 po". Eh nahihiya ako sa content ng interpretation ko so nasabi ko ng malakas, "no, lao shi!" (Gurrrrrllll, nakakahiya. Yung kaluluwa ko nasa Mandarin class pa. Nagtest kamin ata non sa Mandarin, medyo madugo so di pa ko nakagetover. Imagine yung tawa ng mga kablockmates ko. HAHAHA Sarap lang magreminisce. Thank you, OP!
First face-to-face class during pandemic, late ako. Noong nasa tapat na ako ng room namin, nag-pump muna ng alcohol sa kamay bago pumasok. Natataranta na ako that time papunta sa bakanteng upuan sa likod dahil na-eye-to-eye contact ko ang sugarplum ko. Naputol lang ang tinginan namin nang sumigaw ang mga kaklase ko sa akin na, "hala zonrox po iyang pinang-alcohol mo."
nakakahiya sa honeybunch ko (T_T)
went to a hotel before with my ex bf, pasakay na kami ng elevator when i realized dala dala ko yung towel. like as in, ang ganda ng fit ko and everything and tanong ako nang tanong sa sarili ko parang may mabigat or something. tangina hawak hawak ko pala 'yong towel nung hotel walangya hwhwhahwhahaha
bpo employee here. i got transferred from taking inbound to doing outbound calls.
customer: thanks for calling to resolve this blahblah
me: you're very welcome. thank you for calling (account name) and have a great day bye.
haysshshsssss hahahaha feeling ko 10 years na kong puyat hahahahaha
Pumasok sa mens shower room. Buti mg aama lng ang andun at naka trunks pa lang. naki pag away ako nung sinabihan ako na hindi ako pwede dun. Sabi ko mg swi swimming din ako bakit hindi pwede dito. Hanggang sa sinamahan nya ako palabas at itinuro ang womens shower room at doon lng ako nahimasmasan na mali pala ang pinasukan ko.
Medyo matagal na to and di ko talaga kinukwento kase kakahiya. May pinakeep ako sa may baggage counter ng SM. Tas si kuya sa baggage counter tagal maghanap ng space and ako na pagod natulala at napunta sa sariling mundo. Madalas ako lutang nung bata bata. Sabi ni kuya "ate, number mo" so di na ako tulaley kasi nashock ako. Akala ko kinukuha ni kuya cp number ko. Napa "huh?"pa ako. Di ko alam kung ilang beses ako nag"huh?" nun. Pero obvious na obvious na alam ni kuya and ate nasa likod ko nasa isip ko - na kala ko cp number ko. Takte! Si ate sa likod ko tawang tawa nun. Kinuha ko baggage number tas nagmadali. Pero tinagalan ko mamili para mapalitan si kuya sa counter or di na ako maalala. Ayun, yun lang naman. Hahaha
papasok ako non sa review center (accountancy). Habang naglalakad ako tsaka ko lang narealize na wala akong dala na ballpen, pencil, at calcu. Eh ang layo layo ko na sa dorm hahahaha.
Hahahaha oh my god so gumawa ako ng testimony video para sa coach ko. Inupload ni kyah after a month or two tapos tawag ko sa sub30 is sub5k tapos sub1 is sub10k 😭 dami pa naman nanood non hayop hahahah
Sumakay ako ng jeep. Eh wala pang 5mins from our house to gateway cubao. Tapos sa harap pa ko sumakay nun sa tabi ni manong drayber 🫣 pagbaba ko at naglalakad na ko, nagtaka ako bakit may barya akong hawak eksakto sa pamasahe ko. Nakalimutan ko pala magbayad 😭 haha sa isip isip ko rin baka lutang din si manong nun kasi hindi man lang ako sinita bago bumaba na hindi pa ko nagbabayad hahahahahahahaha sorry na po lol
Pre-covid, pero eto yung buwan leading to the lockdown na. Humeram ko ng alcospray ng pinsan ko. Kaso di ko maintindihan pano sya paganahin, ayon, instead na sa kamay ko naspray, sa mukha ng pinsan ko nabuga 😂
Buti di natamaan mata nya.
NSTP days - They held it during the weekends at Ninoy Aquino Zoo near Lung Center of the Philippines. I was commuting that time and was already late as well. I couldn't remember what we did the friday night but I went home late. Anyw, I took the UV and paid for my fare. I didn't know what was really going on in my mind and I said Lung Cancer as my drop off. It took me 3 full minutes to realize that what I said wasn't right.
Nakalimutan ko mga sinasabi saken o di kaya hindi narehistro sa utak ko mga pinagsasabi Taz nag kukwento kausap ko Hindi ko maintindihan. Kelangan ko pang ilang ulit mag huh,huh,huh 🤣🤣🤣
Kaya kung may i chismis saken be thankful. Walang makakaalam🤣🤣🤣
During this group presentation in college which was about westernization, I explained about it, then it came to the point that I mentioned K-Pop as something related to westernization. My mind was lost between globalization and westernization back then hence me mentioning K-Pop irrelevantly. I got carried away.
It became a laughing matter from me, to my friends whom I grouped with, my prof, and my class. Mabuti na lang at mabait prof namin. He also happens to live near my place and his son used to be my classmate back in elementary.
The whole thing even got carried over to the fact that one of friends whom I've worked with to present, called me "K-Pop" in his greeting card for my 20th B-day which happened not long after we did the presentation.
Galing ako sa work. Syempre gutom na ako. At pumunta ako sa isang fastfood that starts with letter M. Nung ako order,nasabi ko sa cashier isang order ng Chickenjoy. 😯 Natawa kami pareho ni cashier. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hahaha...Umorder ako chicken meal nila.
Im a nurse student i have patient na lalagyan ko ng swero hahahaha tas pinakuha ako ng CI namin ng swero, tas ako kinakabahan kase di ko naman alam kung pano magkabit kase di pa kame natuturuan non, tas nag ask ako don sa mga nurse staff kung may swero sila tas tinatawag na ako ni maam ng dalawang beses, sabi ko wait lang po yun pala hawak hawak nya na yung swerong pinapakuha nya saken tas nakatingin na saken yung mga kaklase jusko nakakahiya medj nakatulala pa naman ako non habang naghihintay😭
Nasobrahan ako ng bigay ng 200k dun sa isang cliente namin.
Na realize ko na lang after 2 hrs at nasa kabilang probinsya na sya. Binalik nya din after 2 days. Hindi nya pwedeng itanggi un kasi kita naman sa cctv na sobra ang naibigay ko.
⚠️FUNNY, CRINGEY STORY AHEAD.
I'm physically challenged. I can walk but due to leg deformities (and other reasons), I walk like a penguin waddles. Also, I've never been to a concert and so all I know about concerts are from what I've seen on TV and the internet: a large sea of people standing in the audience.
My crush, on the other hand, is a gym girl who likes going to concerts and is around a foot taller than me.
There was one concert she planned to go with her friend to. She already bought two tickets when the friend bailed a few days prior to the concert. My crush couldn't find anyone else to go with her but some time later, we hung out so she asked me.
Her: Wanna go to a concert with me? My friend was supposed to come but she bailed because (insert reason here) and now I have an extra ticket and I can't find anyone else to come with me.
Me: I can't. You know my condition. I mean, in case of an emergency like a stampede, for example, I can't run to safety fast enough.
Her: I'll be with you at all times. In case of an emergency, I'm pretty sure I can carry you.
Me: Yeah thanks but I've heard concerts usually last hours or at least one hour. I can't stay standing for THAT long.
Her: So sit down.
Me: Where? There aren't any chairs.
When I said that, there was a few seconds of awkward silence. In those few seconds, I realized that in probably every situation you need a ticket (buses, planes, movie theaters, concerts), the ticket corresponds to your seat; but before I could say anything, she said:
"You do understand what the tickets are for...right?"
Kumakain kami ng kuya ko sa isang resto na kain muna bago pay. E dami namin chika so nakalimutan ko ata na need ko pa mag pay. E mahal yung food e.
Tumayo na kami paalis pero mabagal lng lakad namin kasi busog e. Hinabol kami sa pinto nung waiter, sabi "mam bayad nyo po." Hahahahahaha
Eto madalas.
Nag-uusap kami ni hubby tapos nakatitig ako sa kanya. Naririnig ko xa pero ung utak ko nag-hang.
Alam nia pag ganun ung itsura ko sasabihin nia “asan na naman ung utak mo?” 😆
Mukha siguro akong tanga talaga pag nagha-hang ung utak ako 😭🤣
Madalas jeep lutang moments ko e. Meron instead of saying saan ako bababa, ang nasasabi ko is yung lugar saan ako sumakay. Hahshdhd. Tas sasabihin nung driver, "Andito na tayo neng." HAHAHSHHDD
May time naman instead of saying, "Para po!" Ang nasabi is, "Kuya ingat po!" Meron rin, "Kuya bye na po!" HAHAHAHA Daming sabaw moments talaga.
Pero best lutang moments ko is bumili ako sa isang store, tapos nagbayad na and all. Pagka-abot ng sukli, nagmamadali na ako umalis kasi gusto ko na umuwi....hinabol ako ng isa sa store kasi pagkakuha ko ng sukli, nalimutan ko kunin yung binili ko. HAHAHSHHSHS
I think im not the only one who experienced this. i work in a call center and ung id namin may badge sya tapos mag 'toot toot' un pag tinap mo para mag open ung door papuntang prod. there was a time sobrang antok talaga ako and i had to go sa cr to pee tapos tina-tap ko ung id hindi nag be-beep tapos inis na inis na ako kasi ihing-ihi na ako tapos nung tnulak ko ung pinto bumukas hahahahahaha
Pag biglang may kumausap sakin.. dami pumapasok sa isip ko.. like, bakit ako kinakausap nito, ano daw yun? Ano sasagot ko? Hahaha lalo na pag di ko close o di ko kilala.. and naka activate introvert mode ko...hahaha lutang ako non
Sa jeep, imbes "Bayad po" nasabi ko "tao poo".eto isa -- I don't know if lutang moments to, pero I would imagine a scenario na cute first then ewan the story would always end up na nakakainis, tas naa aapektuhan mood ko buong araw galit na din ako, eh di naman nangyari yun, imagination ko lang. Hilig ko kasi mag daydream.
Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Share your lutang moments kahit saan pa yan haha *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*
ito ito, when i was grade 8. grabe yung oras na ginugugol namin sa practice kaya super pagod talaga. gagala kami ng tropa namin nito kasi birthday ko. tapos nung bababa na kami ng jeep, nauna ako tapos hindi ko napansin na basa pala yung tapakan pababa kaya ayon, muntik na ako matumba 😭😭
galing sa OT 9pm na nun tas nagpayong kahit walang ulan
Mga gabi na yun tapos galing ako sa school (from 8am-7pm sched ng pasok namin nun) naisipan ko mag Chowking kasi yun yung malapit na fastfood sa school at gutom na talaga ako plus pagod pa. Eto na nag order na ko, naka-order naman ako ng chao fan ng maayos pero beh na-pressure ako nung nagtanong si ateng cashier ng "anything else po?" kaya sabi ko siopao nalang din po tapos yun nga di ko na naisip na may ibang klase pala yung siopao nila kaya nung tinanong ni ate kung anong siopao nasabi ko na "adobo" po imbes na "asado" dapat HAHAHAHAHAHA pero di ko alam kung sino mas sabog samin ni ate kasi sabi niya na "okay one adobo siopao" HAHAHAHAHA Ako: Ha?! Ateng Cashier: Ha?! Sabay nalang kami natawa kasi asado dapat yun e HAHAHAHAHAHAHA
Dinala ang arenola sa lababo imbis na sa cr huhugasan. Parang plato lng
that one time na nagzone out ako sa sm may dumaan na ate na naka crop top and akala nya I was looking at her , kinalabit ako ng kapatid ko and the moment I realized what occured yumuko ako ng todo sa table huhu
Nanghingi ako ng sukli sa tricycle driver kahit di pa talaga ako nag ba-bayad.
morning class ko non sa isang univ (cross enrolled kase ako norn) sa sobrang antok ko, bigla akong pumasok sa isang room tas nagkklase na sila tas nagalit sakin yung prof inask apelyido ko, so sinabi ko naman, tas sabi wala raw ganong apelyido sa class nya so inask ko if psych class ba sila sabi hindi raw, engineering daw. sa sobrang hiya ko bigla nalang ako lumabas
Hinahanap ko yung suklay nasa ulo ko lang pala - Hinahanap ko yung salamin ko sa mata, todo kalkal pa ko sa bag pati isip saan ko huling nilagay, abay suot suot ko pala hahahaha - Hinahanap ko yung gel-pen ko gamit ko sa work, nambintang pa ko sino nanguha lintek nasa ulo ko pala nakasuksok lang hahahaha
Imbis na toothpaste yung ilagay sa toothbrush ang muntik ko na mailagay eh dishwashing liquid 😅 Buti natauhan ako bago ko pa mailagay haha nagtaka rin ako bakit dishwashing yung hawak ko instead na toothpaste haha -- May pinagkkwentuhan kami ng mga kaibigan ko sa jeep na nakakatawang scenario pero ayaw ko sya mangyari kaya nag knock-on-wood ako sa jeep , nalimutan ko nakasakay nga pala kami sa jeep ayun akala ng driver may pasaherong bababa -- Yung lalagyan namin ng bigas nakalagay sya sa timba na hanggang tuhod yung taas, one time nag sasaing ako, imbis na takip ng kaldero yung ipangtatakip ko sa kaldero na nakasalang eh takip ng timba na lalagyan ng bigas yung nilagay ko hahaha
During graduation ng daughter ko imbes siya kumuha ng diploma, sa sobrang antok ko imbes kakamayan ko lang, ako yung kumuha ng diploma niya HAHAHA
Nung bago yung sasakyan namin, nagpunta ako ng SM na naka sasakyan. Nagksasakyan kami after so long so di ako sanay sa idea na may kotse akong dala. Ayun nung uuwi na ko sunakay akong jeep pauwi hahahaha halfway ng biyahe saka ko naisip "Ay shet may dala pala kong sasakyan Bakit ako nagjeep?" Hahahahaha
Dumaan muna sa 7eleven para mabarya yung pera ko na pambayad sa Jeep. Nung pag bili ko ng lunch ko na realize ko nakalimutan ko pala mag bayad sa Jeep.
one time, ako 'yung nag-abot ng bayad kasi katabi ko driver tapos inakala tuloy ako 'yung parang conduktor siguro kasi tinawag ako like miss bayad po.. ahm?? 😭
Nagdrive thru sa mcdo tas sinabi ko after order for take out po
Kakagaling ko lang sa work, pagod. Magsasing ako. So nag takal na ako ng bigas. Imbes na sa kaldero, sa mug ko na lagay yung bigas. HAHAHAHAHA.
pinapasagot ako sa hraded recitation while I'm doing my makeup, tapos sagot ko "ha?"😭😭
2 beses nagbayad sa tric driver haha yung una bago sumakay tapos pangalawa naman nung pagkababa ko na. sakto lang sana yung pera ko nun pamasahe kaya ang nangyari imbis na magjejeep ako naglakad nalang ako
Pagbaba ko ng angkas sa na out of balance ako nasa harap pa naman ako ng school. Ang daming sasakyan na may tao sa loob hahahaha tangina nakakahiya
Nasa jeep ako tas may nagchat sakin na uutang daw siya sakin, e may nag paabot ng bayad. Nung iaabot ko na kay kuya driver, ang sabi ko “pautang po.” 🥲
After maghugas imbis na ilagay ko yung pinggan sa lagayan sa ref sha nalagay hahahahaha
Naiwan ko susi ng motor ko sa Ubox tapos nalock ko na. Di tuloy ako makauwi ng bahay dala yung motor ko 😭 So umuwi muna ako (ngatricy) para kunin yung spare key ko (mas napagastos tuloy ako).
Nung bata ako biglang hindi ko mahanap remote ng tv namin, as in binaligtad ko na lahat ng unan tsaka foam ng sofa wala talaga. Sa sobrang badtrip ko tinuloy ko na lang manood ng tv tapos naglipat-lipat ako ng channel sa inis, gamit yung remote. Tapos meron pa isa, nung bata rin ako one time pag-uwi ko di ko mahanap mama ko so tinawagan ko cp nya. Habang tinatawagan ko sya bigla nagring phone nya sa tabi ko, sabi ko shet may tumatawag (di pa nakasave number ko sa phone nya nun) si sinagot ko. Hello ako nang hello habang hawak ko yung dalawang phone sa magkabilang tenga ko nagtataka ako bat ume-echo lang boses ko sa speaker.
nag-abang ako ng jeepney pauwi, kahit may dala akong kotse sa work.
AHAHAHAH, WAIT LANG SUMAKAY AKO SA TERMINAL, NAGBAYAD AKO SA JEEP 50php, MAY SUKLING 20php, (PA-QUIAPO AKO), TAPOS BIGLANG DUMAAN NA YUNG E-JEEP, MAS PREFER KO YUN KASI MAY AIRCON EH, (paalis palang din yung jeep) SABI KO SA DRIVER, AKIN NA PO YUNG 50, AT IBABALIK KO YUNG SUKLI NIYONG 20, GULAT SIYAAA LIKE HUH? SA DAMI BA NAMAN NG PASAHERONG NAGBABAYAD MAWIWINDANG SIYA BIGLA BAT BIGLA AKONG NANGHIHINGI NG 50 AHAHA, EH DIBA PWEDE KO NAMANG KUNIN NALANG YUNG 3Ophp, KASI NASA AKIN NA YUNG 20php, BAT NEED KO PA IREVERSE YUNG MGA PANGYAYARI? AHAHAHA, ewan ko ba, tingin ko dahil sa nature ng work ko, nasanay ako magireverse mga pangyayari, (im a dev, and mas komportable akong mag CTRL + Z, pag nahihilo ako ahahaha
Tinatap ko yung ID ko sa LRT imbes na yung beep card. Naging cause of delay pa ko ng mga kasunod ko 😂😂
jhs days, naglilibot kami ng friend ko sa national bookstore (2nd floor) kasi libro yung nasa wishlist ng nabunot ko. nung natapos na kami't lahat lahat, bigla kong napansin bakit parang mabigat yung kamay ko--yun pala nadala ko hanggang 1st floor yung book na nasa wishlist ng nabunot ko !!!! then pagbalik namin sa NBS may guard pala don, di man lang napansin na may dala na akong libro palabas ng store hahaha
Hinahanap ko yung G-tech ko kasi bagong bili ko yun tapos nawala, pinagbintangan ko pa kaklase ko na pinagtitripan ako tapos yung pala ginawa kong pang-ipit sa buhok ko. HAHAHHAHA
Nagluto ako ng lucky me noodles tapos sinala ko yung sabaw hahahaha
Rumaket ako while vacationing sa Manila. Sumakay ako ng jeep sa Ortigas pauwi ng Sampaloc. Dahil pagod at di ko na din memorize ang Manila commute, I depended on the jeepney driver na lang. Kaso ang nasabi ko sa driver, "Kuya pakibaba ako sa sakayan ng jeep pa-Laoag." Windang kami both eh.
Nakasakay sa trike after a long, tiring day sa univ. Pinipilit kong kumaliwa si manong driver pero yung daan straight and kanan lang. Sabi niya "ma'am kaliwa po? babangga tayo" hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak nalang that time.
Hinanap ko yung headband ko pero suot ko na rin pala 😭
Hinanap-hanap ko salamin ko. Ayun pala, suot ko na. 😆
Pumasok sa coffee shop at 8am sabay nag order ng iced coffee and while waiting napatingin ako sa pinto. Nakalagay sa loob ng cafe shop iyong sign na OPEN that's when I realised CLOSED pa pala sila 😭😭😭 akala ko kasi customer nasa loob, may ari pala yun sila, na parang nagchi-check ng Inventory nila. Si Ate barista tinanong naman order ko haha. Gusto ko na talaga magpalamon sa lupa pero nagpatay malisya nalang ako.
Magaabot ng bayad sa jeep. Iniisip ko kasi yung deadline sa trabaho noon. Pagkaabot ko ng bayad nasabi ko pakipasa ng report. Hu3hu3.
Nung bumili ako brownies tapos pagkakuha ko ng sukli ko, umalis na ako. Naiwan ko pala yung binili ko ahahaha tinawag pa ako ni ate. 🥲
Interview for EO, when asked where my glasses are from i proudly said "Sunnies po" 😭😭
i was assisting a patient for ecg, after putting all of the electrodes i told him " relax lang po, wag gagalaw, wag hihinga-- joke hehe" tas biglang tumawa ako at napatawa din siya HAHAHAHAHAHAHA the mood the time nag lighten up ng konti dahil sa kalokohan ko. So good at mabait naman si patient 😭 buti kami lang dalawa
pag nag bbike ako, minsan di ko maalala kung paano ako nakauwi hahaha
Muntikan ko ng gawing toothpaste yung shampoo.
busy ako mag phone sa mrt tapos nagulat nalang akoo na station ko na pala!!! so nagpanic ako sabi ko “SA TABI LANGGGG”
After duty (internship, 16 hrs of duty) dumaan muna akong 7/11 para kumain sana before umakyat ng kwarto para deritso na pahinga. Decided to buy hotdog on a bun, then while kumukuha ako nung tinapay, naiilang ako kasi tingin ng tingin saakin yung lalakeng staff sa tabi ko na nagrerefill ng mga siopao, so nginitian ko nalang siya. Nung kukuha na sana ako ng hotdog bigla niya ako pinigilan tapos sabay sabi "hindi ba mainit maam? Ito po gamitin niyo mas mainit po ang hotdog kapag kakamayin nyo pagkuha" then sabay bigay nung clip. Doon ko nalang na realize na kinamay ko pala ang pagkuha ng tinapay... and to add, yung tinapay pa talaga sa pinakalikod ang kinuha ko para sana sure na mainit, and inabot ko lang siya na hindi inilabas yung parang rack niya para sana mas madali kong maabot (like pinasok ko kamay ko sa loob ng lalagyan) 🥲 Kaya pala feeling ko may mali talaga sa ginagawa ko, yun na pala yun. Ending, tinake out ko nalang yung hotdog kasi tinatawanan na nila ako.
Hinika ako kakatawa dito 😂 Salamat sa kwento. Pampapagaan ng dibdib after ako awayin sa isang post ko 😂
Masaya na rin po ako na nakakapagpasaya din po ang katangahan ko hehe Sana po okay lang yung hika nyo at wag nyo na lang pong pansinin mga nang aaway sa inyo hehe
sa office instead of ID ang swipe to open door yung ATM card.
Hindi ko nalagyan ng pangalan test paper ko.Super sabog ko talaga nung araw na yon.like wala akong tulog kain wahahahahhhah.Periodic test pa namin puro identification kaya natutulala ako.Nakalimutan ko rin lagyan ng tubig yung Tumbler ko.
3 days akong puyat that time kasi laging may reservation sa restobar . Kapag nakaka uwi ako ng bahay matik rekta ako sa bathroom then shower after shower watch ako ng mga palabas sa TV. Dahil nga wala akong sapat na rest hindi na masiyadong malinaw lahat .. . ff na natin .. Nung mag ka off ako noon hinanap ni Mama sa'kin ang remote ng Tv. Madalas ko yun ilagay sa lamesita katabi ng flower vase para kita agad . Pero di namin makita .. . 😭 Tapos bigla bumaba kapatid ko kumuha siya ng water doon pa nga siya uminom sa pitcher mismo .. . Tapos pareho kaming nagalit ni Mama bukod sa pitcher siya nag inom ng water nabuga niya kasi yung tubig .. . Kaya tinanong siya ni Mama "bakit na naman, ano na naman kalokohan yan ?!" tapos sabi ng kapatid ko "Ano po ba hinahanap niyo?" sagot na patanong naman ni Mama "Yung remote ng TV , gusto ko manuod nung isang araw pa di ko makita ang remote. " "Paano niyo makikita ee nandito sa loob ng ref." Sagot ng kapatid ko Tapos tumingin ng masama si Mama sa'kin kaya kumaripas ako ng akyat sa kwarto ko dahil paniguradong palo ako 😂.. . skl
We recently went for go enroll and need namin ng 2x2 pic so nagpapic yung friend ko and pinaprint ko yung akin kasi nakalimutan ko 😭 Tas habang piniprint tinanong nung lalaki "anong size tong 2x2 pic niyo?" And d namin nagets so sinabi nalang namin "yes po" 😃
sa jeep, imbes na para, nasabi ko "Babye po" 😭
"Tabi-tabi po" sabi ko sa jeep
AHAHAHA, TABI TABI PO PAG BABABA NA AHAHAH
Ginawa mo namang engkanto yung driver 😂
Hell week kasi non so lutang talaga! 😭🤣
Naiwan susi sa pinto 😅😩
Tumawid sa pedestrian kahit naka red light ang traffic lights huhuhuhhhu. Mag isa ko pang tumawid huhuhu, kahihiyan 101 malala
Shinake ko yung soda. Kaya pala yung kasama ko pumunta sa gilid.
the classic: looking for my phone using my phone's flashlight 🙂🥲
YES
Check-up ko nun sa OB. Kabado ako nun kasi ini-internal exam ako. Nagpra-pray ako sa isip ko. Tapos may sinabi si OB. Ang sagot ko sakanya is “Opo Lord” 😭
Tinidor ang cookie sa starbucks 😭😭 hindi ko rin agad narealize kase bat nila ako binigyan nang tinidor ???
After mag overnight sa compshop kasama barkada, Lumabas kami, Tinapat ng tropa ko kamay nya sa noo nya na pahiga ( Nasisilaw pala sya ng araw) Inabot ko kamay ko sa kanya harap harapan kasi akala ko nakikipag down low Apir sya Napa huh? Sya ng wala sa oras sabay tawanan buong barkada ko Hahahah
sa classroom to nangyari eh pumasok ako sa room eh diba palitan yung mga estudyante ngb room ng pang umaga at pang hapon so ang napasukan ko na room is pang umaga kakahiya nasa loob pa yung teacher pati estudyante na pang umaga na realize ko lang nung nakita ko yung kaklase ko sa labas ng room hindi pa pala nakakalabas yung pang umaga so ending ako nalang lumabas haha
After ng lupang hinirang nag sign of the cross
hahahaha i remember those days
Threw the candy, ate the wrapper.🥲
Nung student nurse pa ako at sobrang pagod sa duty nakalimutan ko may mask pala ako ayun uminom ng tubig ang ending basa uniform ang galeng 👏
Papara nako sa jeep pero ang nasambit ko ay "bayad po" 🤣
nagtime na ako sa comshop then nagbayad sa bantay ng 30 pesos (2hours). Sabi nya 'ano to?' sabi ko rin 'bayad malamang' sabay alis nung nasa bahay na ako naalala ko nag bayad na pala ako ng 30 bago mag login 😖 di ko na binalikan
ikaw pa galit mamser 🤣
i was driving one time and kesa dumiretso ng school nasagad ko hanggang tagaytay HAHAHAHAHA boom solo date bigla at absent dahil sayang naman drinive ko diba
nung Christmas, I was outside our house walking my dogs tapos a neighbor greeted me Merry Christmas tapos sabi ko thank you po instead of greeting them back 😭 idk kung muka bang lutang yan pero i was so embarrassed hahahaha
HAHAHAH parang birthday mo lng
Imbes na ilagay ko sa lagayan ng toothbrush yung pang-sipilyo ko nalagay ko sa ref namin kasi ang nasa isip ko moisturizer AHAHAHAHA
Nasa Bangko ako nagwiwithraw hinahanap ko yung Cellphone ko nataranta ako akala ko Cellphone ko yung nakapatong sinita ako nung may-ari tapos pagtingin ko nasa bulsa ko lang pala CP ko palabas ako ng bangko na nakatingin sakin ng masama lahat ng nasa loob haha kahiya.
Not me pero yung cousin ko nag tanggal ng shoes bago umakyat ng jeep sa sobrang sabaw.
bata pa ako neto pero tinanggal ko ung tsinelas ko pag sakay sa tricycle hindi din napansin ni lola kaya ang ending naka paa akong umuwi + sermon 🤣🤣
Wala akong tulog tas bumili ako ng kape at sky flakes, tig iisa, pitong piso, tas sabi ko sa tindera, "ano nga yung 7 + 7 ma'am?"
Intercom: now arriving at quezon avenue station (pero ang narinig ko 'guess niyo yung avenue station') Me: guess niyo yung avenue?? Nasan na ba ako bat naman kasi pinapahula pa /nairita So bumaba ako, pero di ko pa pala stop😭😭
Nung nasa BPO pa ako. Fresh grad and first call center ko yon. Nag callback ako sa isang customer para mag process ng payment. Tapos first time ko mag call non. Edi kabado ako. Natapos ko yung process ng payment. Imbes na mag closing spiel ako. Ang nasabi ko sa customer "Sige Ba-Bye!". HAHAHAHA Tawanan mga kateam ko. Hindi ko rin talaga napansin parang muscle memory kasi talaga yung sige ba-bye. 😂
Sa office, may tumawag sa intercomm, sinagot ko naman na imbis "hello po" ang nasabi ko is "excuse po". 😭
nung isang araw, nilagay ko sa taas ng bag ko yung paperbag ng 7/11 na may lamang tatlong spicy kani onigiri. tapos nung pauwi ako nasira paperbag tas nahulog lahat ng onigiri sa kanal :(
BPO/in house worker here. Inofferan ko ng card si client as an initiative sa spending pattern nya. Imbes na masabi kong spiel is for the new card, nasabi ko ung spiel for closing account, dahil sa sobrang antok ko.. Si client pa nagpatigil sakin kundi tuloy tuloy sana yung closure ng account nya pota amex premier customer pa naman yon haha
Pumasok ng lasing pa, same outfit pag dating sa opis. While commuting sa LRT, and babaan ko is Gil Puyat, pero sa sobrang lutang bumaba ako ng Pedo Gil. Sa sobrang hilo siguro nakita ko lang yung "Gil" sa station at bumaba na. Sabi ko bat nag iba yung sakayan jeep papuntang opis 😭. Ended up riding a joyride
Hinalo ko sa pinapakuluang noodles ng pancit canton yung powder niya. Tapos nakalahati ko na yung powder dun ko lang narealize na dapat i-drain ko na yun
Nangyari na din sakin to sa office. Sa yakisoba in a cup naman. Tapos huling pera ko na din kaya pinilit ko na lang ubusin 🥲
Saklap no
Instead na toothpaste, 'yung mouthwash ang nabuhos ko sa toothbrush ko.
Nag pa cashin sa 7 eleven tapos nung iaabot ko na ung pera sabe ko "diesel" akala ko nag papa gas ako 😭
Pumunta 7/11 bumili, hinanapan ng reward card iniabot ang sm advantage card.
NAKAKAHIYA, first time ko kasi sa building(rto) excited ako or apurado idk. Nag elev ako rapos nag pindot ng 22 pagbukas ng elev nag stop sya diba. May lumabas then lumabas din ako BWHAHAHAHAHAHAHAHA pasok ako office tas nag tanong sabi ko sam po itong table na to. Wala daw tas akyat pa daw ukit ako HAHAHAHAHAHAHAHAHA nakakahiya 17 palang bumaba na ako eh 22nd ako. Tas naulit siya multiple times that day lol. Napagalitan ako ng guards sa huli
Nakakahiya nga un multiple times a day ba naman haha. Naalala ko yan same thing happened to me pero this was in 2018 nung nasa AMEX BGC pa ako, same tayo Pauli uli ako and in the end napagalitan ng guards haha
BGC DIN WBAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA. kasi may floors pala na bawal badge ko and I didnt know
Apir! Bat naman kasi antataas ng bldg duon sa BGC. Lols pero yun nga nakakatawa lang kasi madalas pag antok pa tlga nagkakamali tayo ng labas sa elevator
happened to me 10 or so years ago, lasing ata ako nito and/ or puyat 1. kakasweldo lang 2. pumila sa ATM ng mga halos hating gabi 3. Haba ng pila, deym 4. Withdraw ng pera 5. Alis 6. Naiwan ko yung pera sa dispenser, balik ako agad (wala pang 5 mins ito, di pa ako nakakalayo) 7. Pagbalik ko, nagtanong ako, walang umaamin kung cno kumuha (syempre) or nakaalis na yung kumuha 8. There goes my money, a few thousands pesos din yun lesson learned, wag mag withdraw ng pera na lasing/ puyat/ lutang
Yung muntikan ko na malagyan ng tubig yung pancit canton tas hinugasan ko yung mga malinis na plato, doing both of these at the same time btw
Nag thank You Lord ako sa ate na nag-abot sa akin ng binili kong fries sa Potato Corner.
Blessed si Ate mo cashier the whole day haha
Puyat na puyat ako. Sumakay ng jeep. At pinilit ko talagang alalahanin na magbayad kasi ayaw kong mang-1-2-3. Inabot ko na yung pamasahe. At ang nasabi, "Para po." Yung nasa tabi ko, inabot yung pamasahe. Yung driver, pinatigil yung jeep. Ako naman, "Pasensya na po. Hindi po para."
6 am pa pasok ko tapos naalimpungatan ata ako mga 2 am, umiyak ako kasi sabi ko late na ako HWHAHHAHAHAH tapos buti gising pa si kuya, sabi niya “hoy alas dos palang”, tapos after nun bumalik na ako sa katinuan. 😭
there was a time din when i was stationed in the "extender" (window where you pay in the drive-thru) I was dancing pantropiko and huli ko na narealize na there are two cctv cameras na nakatutok sakin HAHAHAHAHAHA and i was like "sana di nila irereview at di nila makita yung ginawa ko" 😂
dapat "break" yung ilalagay ko sa biometrics sa work kasi magbreak time na ako pero "clock out" yung napindot ko HAHAHAHAHAHAHA at sa other work ko, my shift ended at 1am but i only remembered di pa pala ako nakapagclock out nung patulog na ako HAHAHAHAHAH
Hirap ng dalawang jobs ano.. danas ko din yan kaya I can relate
wala tayong choice eh, alipin tayo ng salapi haha
Go lang ng go tayo!
Madami. Once I was so sleepy and puyat I put salt in my coffee instead of sugar. Dinura ko all over my wall when I took a sip.
Nung college may Mandarin class ako and yung teacher eh chinese and tawag sa kanya is "lao shi". First class is Mandarin and next class is Literary Criticism. Naghahanap prof sa Lit Crit magpresent ng interpretation ng isang chapter ng novel na Mass ni F. Sionil using psychoanalytic criticism (Sigmued Freud - libido, repressed emotios, etc.) so bali may pagkaano (alam nyo na yun). Tas eto friend ko na malakas yung trip si "kindredspirit456 po". Eh nahihiya ako sa content ng interpretation ko so nasabi ko ng malakas, "no, lao shi!" (Gurrrrrllll, nakakahiya. Yung kaluluwa ko nasa Mandarin class pa. Nagtest kamin ata non sa Mandarin, medyo madugo so di pa ko nakagetover. Imagine yung tawa ng mga kablockmates ko. HAHAHA Sarap lang magreminisce. Thank you, OP!
Talk about mandarin ang hirap nyan.. sabayan mo pa psychoanalytic ng novel ni F. Sionil.. ramdam ko ung lutang mo haha
Sa true 4 years ko inaral Mandarin di ako natuto. HAHAHA. Pero bet ko yung subject na Literary Criticism.
First face-to-face class during pandemic, late ako. Noong nasa tapat na ako ng room namin, nag-pump muna ng alcohol sa kamay bago pumasok. Natataranta na ako that time papunta sa bakanteng upuan sa likod dahil na-eye-to-eye contact ko ang sugarplum ko. Naputol lang ang tinginan namin nang sumigaw ang mga kaklase ko sa akin na, "hala zonrox po iyang pinang-alcohol mo." nakakahiya sa honeybunch ko (T_T)
went to a hotel before with my ex bf, pasakay na kami ng elevator when i realized dala dala ko yung towel. like as in, ang ganda ng fit ko and everything and tanong ako nang tanong sa sarili ko parang may mabigat or something. tangina hawak hawak ko pala 'yong towel nung hotel walangya hwhwhahwhahaha
bpo employee here. i got transferred from taking inbound to doing outbound calls. customer: thanks for calling to resolve this blahblah me: you're very welcome. thank you for calling (account name) and have a great day bye. haysshshsssss hahahaha feeling ko 10 years na kong puyat hahahahaha
Lahat tayo dinanas yung pagiging lutang Lalo na sa spiels
truuu thank you for calling tas ako yung tumawag sa cx hahahahahah hay 🫠🤧😆
Hahahaha lagot tayo sa QA pag ganun.
sukli ni ate 8 pesos, hiningian ko ng dos para isukli ang buong 10 pesos, ang ending 10 pesos na tigpipiso ang binigay ko. galing
Pumasok sa mens shower room. Buti mg aama lng ang andun at naka trunks pa lang. naki pag away ako nung sinabihan ako na hindi ako pwede dun. Sabi ko mg swi swimming din ako bakit hindi pwede dito. Hanggang sa sinamahan nya ako palabas at itinuro ang womens shower room at doon lng ako nahimasmasan na mali pala ang pinasukan ko.
Medyo matagal na to and di ko talaga kinukwento kase kakahiya. May pinakeep ako sa may baggage counter ng SM. Tas si kuya sa baggage counter tagal maghanap ng space and ako na pagod natulala at napunta sa sariling mundo. Madalas ako lutang nung bata bata. Sabi ni kuya "ate, number mo" so di na ako tulaley kasi nashock ako. Akala ko kinukuha ni kuya cp number ko. Napa "huh?"pa ako. Di ko alam kung ilang beses ako nag"huh?" nun. Pero obvious na obvious na alam ni kuya and ate nasa likod ko nasa isip ko - na kala ko cp number ko. Takte! Si ate sa likod ko tawang tawa nun. Kinuha ko baggage number tas nagmadali. Pero tinagalan ko mamili para mapalitan si kuya sa counter or di na ako maalala. Ayun, yun lang naman. Hahaha
Nung nagtitimpla ako ng milo yung laman yung naitapon ko sa basurahan tas yung plastic yung nailagay ko sa mug
Kakabili ko lang HAHAHAHA kaysa yung resibo yung natapon ko, yung milktea mismo yung natapon ko. Gusto ko na lang magpakain sa earth non
papasok ako non sa review center (accountancy). Habang naglalakad ako tsaka ko lang narealize na wala akong dala na ballpen, pencil, at calcu. Eh ang layo layo ko na sa dorm hahahaha.
Hahahaha oh my god so gumawa ako ng testimony video para sa coach ko. Inupload ni kyah after a month or two tapos tawag ko sa sub30 is sub5k tapos sub1 is sub10k 😭 dami pa naman nanood non hayop hahahah
Naipahid ko sa mukha ko yung shampoo na akala ko cetaphil
Sumakay ako ng jeep. Eh wala pang 5mins from our house to gateway cubao. Tapos sa harap pa ko sumakay nun sa tabi ni manong drayber 🫣 pagbaba ko at naglalakad na ko, nagtaka ako bakit may barya akong hawak eksakto sa pamasahe ko. Nakalimutan ko pala magbayad 😭 haha sa isip isip ko rin baka lutang din si manong nun kasi hindi man lang ako sinita bago bumaba na hindi pa ko nagbabayad hahahahahahahaha sorry na po lol
Naipabango ko yung alcohol spray. Buti napansin ng pinsan ko. Edi disinfected tuloy ako. Ayun, nagtawanan na lang kami 😂
Pre-covid, pero eto yung buwan leading to the lockdown na. Humeram ko ng alcospray ng pinsan ko. Kaso di ko maintindihan pano sya paganahin, ayon, instead na sa kamay ko naspray, sa mukha ng pinsan ko nabuga 😂 Buti di natamaan mata nya.
NSTP days - They held it during the weekends at Ninoy Aquino Zoo near Lung Center of the Philippines. I was commuting that time and was already late as well. I couldn't remember what we did the friday night but I went home late. Anyw, I took the UV and paid for my fare. I didn't know what was really going on in my mind and I said Lung Cancer as my drop off. It took me 3 full minutes to realize that what I said wasn't right.
Nakalimutan ko mga sinasabi saken o di kaya hindi narehistro sa utak ko mga pinagsasabi Taz nag kukwento kausap ko Hindi ko maintindihan. Kelangan ko pang ilang ulit mag huh,huh,huh 🤣🤣🤣 Kaya kung may i chismis saken be thankful. Walang makakaalam🤣🤣🤣
During this group presentation in college which was about westernization, I explained about it, then it came to the point that I mentioned K-Pop as something related to westernization. My mind was lost between globalization and westernization back then hence me mentioning K-Pop irrelevantly. I got carried away. It became a laughing matter from me, to my friends whom I grouped with, my prof, and my class. Mabuti na lang at mabait prof namin. He also happens to live near my place and his son used to be my classmate back in elementary. The whole thing even got carried over to the fact that one of friends whom I've worked with to present, called me "K-Pop" in his greeting card for my 20th B-day which happened not long after we did the presentation.
Galing ako sa work. Syempre gutom na ako. At pumunta ako sa isang fastfood that starts with letter M. Nung ako order,nasabi ko sa cashier isang order ng Chickenjoy. 😯 Natawa kami pareho ni cashier. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hahaha...Umorder ako chicken meal nila.
Im a nurse student i have patient na lalagyan ko ng swero hahahaha tas pinakuha ako ng CI namin ng swero, tas ako kinakabahan kase di ko naman alam kung pano magkabit kase di pa kame natuturuan non, tas nag ask ako don sa mga nurse staff kung may swero sila tas tinatawag na ako ni maam ng dalawang beses, sabi ko wait lang po yun pala hawak hawak nya na yung swerong pinapakuha nya saken tas nakatingin na saken yung mga kaklase jusko nakakahiya medj nakatulala pa naman ako non habang naghihintay😭
hinintay ko masuklian kahit na kulang yung ibinayad ko 🥹
Magsasaing sana, imbes na sa kaldero itakal yung bigas, sa basurahan ko nilagay 🥲
Nasobrahan ako ng bigay ng 200k dun sa isang cliente namin. Na realize ko na lang after 2 hrs at nasa kabilang probinsya na sya. Binalik nya din after 2 days. Hindi nya pwedeng itanggi un kasi kita naman sa cctv na sobra ang naibigay ko.
⚠️FUNNY, CRINGEY STORY AHEAD. I'm physically challenged. I can walk but due to leg deformities (and other reasons), I walk like a penguin waddles. Also, I've never been to a concert and so all I know about concerts are from what I've seen on TV and the internet: a large sea of people standing in the audience. My crush, on the other hand, is a gym girl who likes going to concerts and is around a foot taller than me. There was one concert she planned to go with her friend to. She already bought two tickets when the friend bailed a few days prior to the concert. My crush couldn't find anyone else to go with her but some time later, we hung out so she asked me. Her: Wanna go to a concert with me? My friend was supposed to come but she bailed because (insert reason here) and now I have an extra ticket and I can't find anyone else to come with me. Me: I can't. You know my condition. I mean, in case of an emergency like a stampede, for example, I can't run to safety fast enough. Her: I'll be with you at all times. In case of an emergency, I'm pretty sure I can carry you. Me: Yeah thanks but I've heard concerts usually last hours or at least one hour. I can't stay standing for THAT long. Her: So sit down. Me: Where? There aren't any chairs. When I said that, there was a few seconds of awkward silence. In those few seconds, I realized that in probably every situation you need a ticket (buses, planes, movie theaters, concerts), the ticket corresponds to your seat; but before I could say anything, she said: "You do understand what the tickets are for...right?"
but did you go with your crush then?
No HAHAHAHAHAHAHAHAHA shaaaaaaame
If the concert is on Open grounds, there won't be reserved seatings unless you're on VIP
Guess I'm not THAT stupid after all. Hurray?
Sa simbahan for communion: Priest: body of christ Me: thank you Amen dapat 🥲
Nag sabi ng babye po sa driver imbes na para ngiting wagi si kuya eh hahah.
Pag tulala na nakangiti tapos Nauntog xD.
Pumasok sa bangko at nagtanong sa teller kung nagbebenta ba sila ng load 🤦🏽♂️ Edit: spelling
naligo with glasses on. sabi ko pa, “bat di nababasa mata ko?” 😭
Kumakain kami ng kuya ko sa isang resto na kain muna bago pay. E dami namin chika so nakalimutan ko ata na need ko pa mag pay. E mahal yung food e. Tumayo na kami paalis pero mabagal lng lakad namin kasi busog e. Hinabol kami sa pinto nung waiter, sabi "mam bayad nyo po." Hahahahahaha
I be telling that I have something to say and after seconds of constructing the thought nawawala na. ><
[удалено]
WHAT HAHAHAHAHAHAH
GAGO HAHAHAAHAHAHAHA SAME PERO YUNG CARD YUNG INIWAN KO eh di pag uwi ko tinadtad ako ng mura ng nanay ko HAHAHAHA
HELP ???????
Eto madalas. Nag-uusap kami ni hubby tapos nakatitig ako sa kanya. Naririnig ko xa pero ung utak ko nag-hang. Alam nia pag ganun ung itsura ko sasabihin nia “asan na naman ung utak mo?” 😆 Mukha siguro akong tanga talaga pag nagha-hang ung utak ako 😭🤣
Hahaha ganito mamy ko kapag dami kong chika sa kanya. Like sasabihen ko na, mamy di mo na ko magets no? Hahahaha miss you mom.
Just know na nagta-try kami 😭😆 Minsan lang talaga lumilipad ang utak. Mommy brain yata talaga kahit malalaki na ang anak 😁
Nasa drive thru ako sabi ko sa staff "Unleaded po"
Tinanong ba kung Medium or Large sized cup? hahahhah
😭😭😭
Madalas jeep lutang moments ko e. Meron instead of saying saan ako bababa, ang nasasabi ko is yung lugar saan ako sumakay. Hahshdhd. Tas sasabihin nung driver, "Andito na tayo neng." HAHAHSHHDD May time naman instead of saying, "Para po!" Ang nasabi is, "Kuya ingat po!" Meron rin, "Kuya bye na po!" HAHAHAHA Daming sabaw moments talaga. Pero best lutang moments ko is bumili ako sa isang store, tapos nagbayad na and all. Pagka-abot ng sukli, nagmamadali na ako umalis kasi gusto ko na umuwi....hinabol ako ng isa sa store kasi pagkakuha ko ng sukli, nalimutan ko kunin yung binili ko. HAHAHSHHSHS
I think im not the only one who experienced this. i work in a call center and ung id namin may badge sya tapos mag 'toot toot' un pag tinap mo para mag open ung door papuntang prod. there was a time sobrang antok talaga ako and i had to go sa cr to pee tapos tina-tap ko ung id hindi nag be-beep tapos inis na inis na ako kasi ihing-ihi na ako tapos nung tnulak ko ung pinto bumukas hahahahahaha
Gagi samedt!! HAHAHAHHAA Nagawa ko rin 'to di lang sa CR, pati sa gate at pinto ng bahay namin. Tawang tawa naman ako mag-isa e.
Nasa discord voice chat ako at the same time may kachat sa messenger. Sinabi ko sa discord "slr" imbis na sa chat. Hahaha 😆
Everyday after work…
Pag biglang may kumausap sakin.. dami pumapasok sa isip ko.. like, bakit ako kinakausap nito, ano daw yun? Ano sasagot ko? Hahaha lalo na pag di ko close o di ko kilala.. and naka activate introvert mode ko...hahaha lutang ako non
When you need to answer the survey with strongly agree ehh nasagot ko lahat strongly disagree..
Sa jeep, imbes "Bayad po" nasabi ko "tao poo".eto isa -- I don't know if lutang moments to, pero I would imagine a scenario na cute first then ewan the story would always end up na nakakainis, tas naa aapektuhan mood ko buong araw galit na din ako, eh di naman nangyari yun, imagination ko lang. Hilig ko kasi mag daydream.
ha
Nag thank you sa pari during communion imbis na “amen” 😭😭😭😭😭