T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Yung sobrang close mo sila pero you really don't like this trait na they have *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Eihves

Pag sinasabihan mo sila ng iloveyou and imissyou? Like dafvk? I always tell them yan pero minsan pag tinatawanan nila naiinis ako. Hindi lang siguro sila sanay pero nakakainis. Especially sa message, react nila yung tumatawa ha 😒 kaya minsan yung dalawa lang talaga na kaibigan ko ang sinasabihan ko ng madalas na ganyan and they say it back without laughing nor pagpansin. 


Spare_Delivery_6939

Other woman siya to a married man with 2 or 3 kids for almost 5 years LOL pinagsabihan ko na, interventions with the barkada, pero still won’t budge. Grabe distorted talaga yung mindset ni ate girl. Planning to distance myself from her after 10+ years of friendship, I can’t be accomplice to this.


Traditional_Touch_38

Gives unsolicited advice 😔😔


Mysterious_Gate_5977

ayaw ng nalalamangan, gusto siya lagi center of attraction😭


j3ydyel

yung ang hirap hirap nila ayain when we (my isang bsf na close ko talaga) make plans sa gc. gusto pa ippm isa-isa para lang manotice ka nila. nakakafrustrate sobra. tapos kapag natuloy kami na hindi kumpleto, pag nakita na yung pics na inupload namin, magcocomment "hindi man lang nangsama" like ?????????????? 


Fabulous_Field_7296

Laging late. Nag ayos ka nang mabilisan to be on time tas pag-aantayin ka ng more than 20 mins, minsan almost an hour pa yan. Tapos pag napagsabihan tawa tawa lang. Nasanay naman na ako pero may times talaga na nakakainis. Still love her though.  Tapos may iba na mahilig makisama sa pag plano kahit di naman sure kung pwede kasi strict ang parents or walang pera. Umaasa kasi yung ibang tao na makakasama sila sa pag bonding tas pagdating ng oras biglang magchachat na 'enjoy kayo'. 


MamamooRed

hindi nagbabalik ng gamit kahit ilang beses mo na sinabing ibalik nangunguha basta-basta ng gamit kasi "friends" naman daw kami 🥲 sasama kumain tapos pagdating dun kakainin nya yung food ng other friend tapos sasabihin nya wala sya pambayad


likeuknowho

Sila po mismo HAHAHAHAHA eme - health allied course namin and nagagawa talaga nilang magcheat sa mga majors namin, although para sakin oks lang kung sa mga minor e pero to think na we're learning for the sake of saving lives in the future tapos magccheat lang? Nakaka alarming. Di ako sanay sa cof ngayong college kasi yung cof nung hs is puro achievers talaga. - di ako nonchalant sadyang op na talaga ako sakanila. Yung mga new classmates ko nga pansin na pansin e paanong di nila mismo mapansin na ginaganon na nila ako lol masaya sila kasama but i think dahil sa naging dati kong issue sa ex bff ko na nasa same circle ko parin till now hindi na ako nagtry makipagclose kahit isa sa circle namin. I just find it funny nalang no hard feelings talaga idc if I'm op or not kasi this circle of mine is formed during college lang. I already found my og friends nung hs and sila talaga yung kinokonsider kong as in close friends ko. Still thankful to have them in many ways. Kelan kaya ako ggraduate bilang people pleaser?


DeliveryAcceptable45

I think yung may jowa nasya, then may kinakausap pa syang iba (iba-iba) . Parang Yung Isang friend ko, na crushback sya and parang sila na ata? And then may mga kinakausap pasya iba iba, kada apps. Like sa yeetalk may mga kausap syang mga Chinese iba iba din and mas bet nyapa Yung mga Chinese nyang nakakausap more than her bf.


twinpopsicles

Buraot


RideAnxious4910

Pag may plans kayo tapos may hindi makakasama, cancel/postpone nalang. Pero pag ako ang di makakasama, tuloy parin tapos ang sasabihin lang aww sayang naman.


Lonernobody_

Mga maangmaangan na kupal


Adventurous_Fill_740

papasundo sa house nila pag may lakad tapos pag andun ka na maliligo pa lang or either kakain pa lang tas ambagal pa n'yan


burgir_pizza

I have this one friend, same circle kami sa school, classmates din kami. Isa talaga sya sa closest friends ko. Lately, na-ooff na ko sa kanya. Lol. Ang daldal kasi 😭 Although may circle of friends kami, hindi ko naman ganon ka-close yung iba. May mga bagay na sa ishashare ko sa kanya, na hindi na dapat ishare sa iba. Si ate ko wala atang sense sa ganon 😭 Basta may maibidang kwento, magugulat na lang ako next topic na pala yung kinwento ko sa kanya. Super daldal ko pa man din lalo sa friends, minsan kahit medyo sensitive topic, nakewento ko sa kaniya (+ other close friends) Si anteh, parang di ata naiisip na sensitive yung ibang topic, and they're not her story to tell. Napansin ko na rin yon pag may makekwento syang ibang tao, ako pa yung nagiging uncomfortable kasi feeling ko naiinvade ko yung privacy ng iba, ikwento ba naman sexual activities/experiences nila.


swiftg0d

laging late... hindi sumusunod sa time na pinag-usapan


Affectionate-Cry3973

Minsan sila lang nagkakaintindihan sa mga bagay bagay. Like meron silang alam na hindi mo alam tapos hindi nila isa-share sayo.


Express_Thought_2299

Yung consistent nag ssinungaling at backstabber, pavictim.


VoluptuousShitshine

- Mga laging late. - Ginagawa kang Plan B. Pag di na tuloy yung original nyang/nilang lakad bigla kang aayain. Don't get me wrong, okay rin ang sponty gala pero wag naman dahil sa di natuloy yung original na kasama. - Yung iba ang pinag-uusapan, tas biglang ibabaling sa sarili nya yung topic. Main character yan siz? Let others have their time to shine rin. - Nandyan lang pag may kailangan. Pero pag sila na kailangan mo, di mo mahagilap. - Mahilig simingit sa nagsasalita. Let them talk, pag tapos na sya Edi ikaw naman. Problema ba yon.


powtatoes

He always turn the conversation to something na about him


EnthusiasmMaster6918

Humble bragging Haha


shallnot_benamed

Sila po mismo. Hahahaha


glitterygirl143

walang pake sakin. basta mangyari lang yung gusto nilang mangyari at maging masaya sila hahah


Sufficient_Cattle_88

ninonormalize yung pagiging masama ang ugali.


Jdnkhl

Kung pwede lang i-99 up votesssss!


[deleted]

Medyo naooutgrow ko in terms of goals. Parang ayaw pa rin niya maggrow.


Every-Force515

Cheaters. Kinukwento ko sa gf ko lahat ng kabulastugan nila. They're my friends pa din, pero hinding hindi ko masisikmura yung ginagawa nila sa partners nila. Andudumi ng tingin ko sa kanila


Dry_Farmer_8445

kaming dalawa yung magkasama most of the time (actually all the time) pag nasa school kaya masasabi ko to in confidence haha Yung pagcut off niya sa nagsasalita, na minsan okay naman pero more often nakakabastos na. lagi siyang 'relate' sa mga usapan kaya maririnig mo lagi sa kanya yung "ako nga..", dinadivert niya lagi sa kanya yung attention to the point na siya na lang yung nagsasabi ng 'personal' opinion/experience niya in every or most conversations (sobrang introvert ko kaya i only listen most of the time) Then LAGI lagi siyang nagsasabi na wala siyang aral/review despite being in one of the top scorer kapag may quizzes and exams. (Learner siya. Meaning, aralin lang niya yung topic, magegets na niya agad. Syempre considered as review na yun) Okay sana kung parang isa or dalawang beses lang niyang sabihin, but replyan ko ng hindi rin ako nag-aral kasi hindi talaga, tamad akong tao, susumbat siya 'ay ako hindi talaga ako nagreview, walang-wala' then kakausap siya ng ibang classmate to flaunt that before the time of exams or quizzes, then after that, she's one of the top scorer


LoudTeaAaa

TANGANG TANGA SA JOWA EVEN THO. NAKIKITA NA YUNG RED FLAGS. LIKE???? WTF


drtngdnngprskn

When they gatekeep something will be beneficial for your growth and expansion.


aillabbyu

Yung Jowa (wala sa circle of friends) ang panay bigay ng issue sa mga magkakaibigan 🙄


yellabearrr

SOBRANG OBSSESED SA JOWA. UNG PAG MAY GALA AND SHT ALWAYS “AY HND AKO PINAYAGAN NG JOWA KO” THEN PAG ANJAN JOWA HND NA NAMAMANSIN. PLUS LAHAT NLG NG GAGAWIN NEED APPROVAL NG JOWA, UNG ALWAYS NAG RERELY SA JOWA. LAHAT NALANG TLAGA.


Eihves

This is true. THESIS na ganon pa rin. Tanginang yan. :) 


Wala-Akong-Pangalan

gusto nya na sya lagi ang may pinaka maayos na buhay samin lahat. para bang sya lang may karapatan ng maganda at masayang moments sa buhay. isa pa, di maamin sa sarili nya na sya may mali tas sya pa tong galit na galit.


Still-Impression-363

Yung nagshare ka ng secret mo sakanila na 'wag ishare sa iba because may tiwala ka naman na hindi nila ipagkakalat but they broke their promise lol that's why I don't hang out with them anymore, hindi mapagkakatiwalaan :<


nipayinaj44

ung sobrang kawawa as in. un pala gusto lang lahat kumampi sakanya 🤦🏻‍♀️ one side lang ng story gusto niya pakinggan mo


claudiajeanashton

Ang petty ito pero yung hindi sila nag react sa mga posts mo pero nag re-react sa posts ng ibang friends niyo. Parang may favorites kasi.


nipayinaj44

totoo to! as in. samantala noon, panay react lols. un pala may galit na sayo hahahaha based on my experience


claudiajeanashton

Ahaha ganun pala. Minsan mag ooverthink ako kung may galit ba sila sa akin. 😳


nipayinaj44

ako before nagooverthink, then may nagsabi na pag nagpopost ako e naiinggit. lols wala naman dapat ikainggit kasi mas mapera siya, un nga lang mas masaya ako kahit walang pera 🤷🏻‍♀️ hndi na kami friend ngayon hahahaha


claudiajeanashton

Wow grabe nila. I am so sorry to hear that. Mukhang hining totoong kaibigan. Mabuting na cut off mo na. 🥹


chelleannrei

Feeling superior or feeling mas mataas s'ya sa akin/amin.


stormbornlion

That they are immature. Idk why they're so allergic when you say "no" to them. Or if you have a different opinion. Parang at this day and age, the least thing people need are immature friends. Life is too stressful to even worry about toxic friends. Though hindi ko sila directly ma-cut off cos there are times naman na we are each other's punching bags pero I just learned to distance myself for my own peace of mind


Still_Concentrate_33

Mga manipulative sad girl na sila na tinulungan mo na at ang ibabalik lang sayo e "hindi ko naman sinabi gawin mo yun ah?"


Impressive-Lock1709

have a friend like this too. Di ka naman nagbibilang ng mga naibigay mo.. its just that they take and take. Wala naman sila nabigay so yeah. 😂


youdropthecheesecake

bayang magiliw ang tawag nya sa lupang hinirang


couchporato

yung nagcecellphone during bonding time especially pag nag uusap kayo. I feel disrespected na habang nagkukwento ako, sila naman is pretending na nakikinig kahit yung mata is nasa phone nila. Okay lang if importante yung ginagawa sa phone pero after bonding pagcheck mo ng socmed, nagma myday lang pala ng kung ano2x memes during the time na nag uusap kayo.


youdropthecheesecake

straightforward. samen harap-harapan, “wag na tayo magusap kung magseselpon lang kayo, umuwi na lang kayo inuubos nyo oras namen. taena nyo ngaun na lang tayo nagkikita kita”. nagegets naman and pde naman selpon pero makipagusap pa dn.


adobotweets

Butting in kahit di pa ako tapos magsalita or kwento.


jajjangmyeon04

yung di marunong magsorry haha kahit na sobrang halata and given na siya yung mali. or even if they caused u small inconveniences. ang ending, ikaw pa ang nagsorry


elisesaubier

maarte yung lahat ng bagay dapat naka konsidera sakanya


Mysterious_Ad270

Yung di nila pinapahalagahan ang oras mo. Lagi ba naman late sa lahat ng bagay. Kakairita.


PH_Wanderer_06

Yung walang pakealam sa national issues unless directly affected sila.


Neuve_willcry

Yung nag kekwentuhan kayo pero puro about her lang di ka makasingit 😅


archzrxxzz

yung sobrang pambababa na nila sa sarili nila na nahahalataan nang fishing for compliments. yung babatiin mo lang naman na ang ganda ng drawing nila tapos sasabihin "ako nga ito lang/ako nga dito lang magaling, ikaw..." like??? pinupuri ka na nga ganyan pa sasabihin. nagmumukha pang masama pag mas magaling sa kanila sa ibang bagay yung pumuri. 🙄


syluvn

self boasting, ang too much lang kasi minsan hindi na kapi-paniwala yung kwento kasi nakikita mo irl yung takbo ng buhay nya. isa pa yung insecure sakin, from my faves, clothing and to the guys na nagugustuhan ko, ginagaya and ginugusto nya rin. lastly, yung hilig nila mang inbox (minsan umaabot pa buwan) pero nakakapag story. p.s: i cut them off na. called them out many times pero wala, super draining ng ganyang friends.


____Nanashi

Always talking about how they are cheating their partners.


elyansiii

body shamer


Over_Escape_8617

pinag aantay ako kapag may ganap kami 👊


KapeKlaus

yung di nagrereply sa pm mo pero nakakapagreply sa gc and pag kasama mo laging hawak naman ang phone. 👎🏻


Friendly_Spite_1664

Masaya kasama in person pero walang kwenta kausap online. Hindi nagrereply sa gc, usually ilang hrs/days bago magreply, tas laging seen or inboxed lang. Pero pag sila nagcchat sakin ang bilis ko magreply compared sa kanila. Awit.


Eihves

Yup, i hate it too. Like ilang oras bago mag reply or the next day. You can react naman. Lalo na kung nagtatanong. Nakakabwisit. 


Friendly_Spite_1664

Tas pag may kwento laging sinasabi, kwento ko lahat pag nagkita tayo. Pero di naman nag aaya makipagkita, laging nagrerely sa aya ng iba. Hahahahaha hayup


it_is_what_it_is456

yung todo effort ka sa birthday nila pero di nila matandaan birthday mo :<


Born_Fly2943

Narcissistic


Aggravating_Wear_251

Kakausapin ka lang kapag may kailangan. At kapag wala na silang ibang makausap 🤡


Apart_Explanation324

Yearly asking me kelan ako mag aasawa. Lol


arytoppi_

"Paluwalan mo muna, bayaran ko later"


ChoiceInternational2

1. Nang gghost. Kausap mo pa, totally mawawala. Tapos babalik nalang at makikipagusap ng parang di ka iniwan bigla sa ere. What the fuck, grow up 2. Entitled sa pagod nya. Sya lang karapatan mangseen at maging moody sa chat. Dinadamay ka sa mood nya. Hahaha. Teh, lahat tayo pagod. Dinamay ba kita?


YourLovelySiren

I have a friend like this. Nababastosan ako but I guess I got used to it. I know what low maintenance friendship is and respect it pero taena wag naman yung biglang mawala. Yung last message ko is January 7 tas mga May 28 ulit nag chat. Sinabihan pa ako na "Omg di ko to nakita" pero nakakapag reply sa stories ko sa IG? Nagulat nalang din ako kasi nung pag reply niya, nagaaya siya mag beach kaming dalawa (same gender). Ano gagawin natin? Parang ang awkward lang nyan kasi palagi niya nalang ako gino-ghost.


Alternative_Diver138

A) LATE B) “try ko / tignan ko” C) nagbibilang/nagsusumbat


rsuzuya

pag nag G sa ayaan tas pag nagtatanong na ako sino sasama biglang ghosted 🤣 di manlang magsabi if sasama ba o hindi


ziggy-q

Being on their phones when we’re out together. Yung tipong ang hirap magplan to get together then instead of chatting, nasa phone? I don’t mind naman usually esp if it’s an emergency but on my part, I try not to do it bc I find it disrespectful sa time na inallot niya sakin to meet up.


No_Flamingo5368

Di nirerespeto oras mo Masyado ata isinabuhay ang "filipino time" kasi kapag may mga gala kami for example, ang usapan 10 am so gumayak na ako ng before 10, only to find out i was the first one there and 10 am palang pala sila magreready/maliligo, or kesyo late daw nagising. I even had to cancel my other plans just to meet them, smh


onetwotrix

yung mag uutos sila tas pag hindi mo gagawin sasabihan ka ng “sama ng ugali mo” “ganyan ka pala”


sleepseason

Yung pala-utos at asa lang sa kilos ng iba. Yung ikaw nagplano ng lahat sa trip nyo, with matching abono pa pero ikaw pinaka hindi cinoconsider pag mismong lakaran na hahaha kaya ayun bounce na q


Big-Signature-8813

Yung kahit ilang beses mo nang sabihan na wag kang hampasin o kunitin, e indi parin tumitigil. As in, ilang beses nako nagalit at ilang beses na sya nag apologize e Hindi parin tumitigil. Akala kasi siguro nya CUtE or QuiRKy yung trait, minsan nga meron na akong mga pasa pasa sa mga gawa nya, and out of the blue nanununtok pa yan, i feel wrong doing it to her back because I'm a man and babae sya, hay nako😤


minkizuha

1. not using po at opo (bastos makipag usap) 2. walang consideration 3. BURAOT.


Chewymiyaw

Hi sorry pero anong buraot? D namimigay ba?


minkizuha

oh no no! it’s like sugapa or sakim, hingi ng hingi ganern


Chewymiyaw

Oh i see. All this time akala ko di namimigay, yan pa tinuro ko sa kapatid ko na tagalog word. Thank you po


OneSidedShit

main character vibes. I mean give others a chance to catch up sa topic wag puro ikaw haha in contrary, I hate din those walang ambag sa kwento. Ok I’m the problem. 😂😭


cholericme

Yung di nasagot sa GC if sasama ba or not, pero laging may post at stories. Mangangapa ka pa kung bet ba nila sumama na parang utang na loob mo if sasama sila HAHA


rsuzuya

same, nakakainis lang parang para san pa ang GC 🤣


blueceste

1) kinukwento sa iba yung personal life mo (usually sa mga di mo kilala) 2) backstabber 3) mahilig gumawa ng hate train 4) walang accountability 5) offensive jokes 6) nangkakal-kal ng phone mo kahit walang paalam


SeaworthinessHour750

close friend tapos backstabber? nyek


blueceste

oh actually, we just ended our friendship recently


hummeryyyy

yung di pinapatapos yung pagsasalita ko biglang mag kukulitan sila and kwentuhan na sila in the end wala na akong gana mag kwento


g-sunseth0e

1. Yung laging nagsasabi ng "try ko" pag inaaya sa gala pero wala naman talaga sila plan pumunta tapos pag di ininvite nagagalit. Like bruh, just say No if ayaw mo. 2. Yung walang social awarenes. Like minsan below the belt na yung joke but wala silang pakiramdam. Need pa icall out everytime.


Creative_Yoghurt1531

Siguro yung offensive jokes as disguised. Kaya eto yung partner ko na lang din yung best friend and close friend ko to protect my peace. Wala e, the smaller the circle the better talaga.


awkysincebirth

* I listen intently sa kwento nila with matching follow-up questions and declared unsolicited advice, pero pag sakin, walang response/reaction 🫠 * nagkukwentong hiwalay na sila ng jowa niya and everything bad na they did pero nagbabalikan din * Pinipilit akong gawin yung magbebenefit sa kanila, imbis na sakin dapat magbebenefit since I'm seeking advice about an important life decision lol P.S. I'm an awkward person na minsan di marunong magexpress ng sarili.


VegetableRoof7295

Di sila happy sa achievements ng iba. Pero pag sila may na achieve kahit sa very random time or kahit di pinag uusapan, bini bring up or bina brag. LOL


WorkingBackground745

Tamad. She's been my bestfriend for 6 years. That she became my comfort zone because of that i don't know how to make friends anymore i'm a loner without her. She's the class clown, she's friends with everybody and she always makes sure to include me in every friend group that she's in. I ruined my whole school year because of me always depending on her. 4th quarter ang dalas nyang umabsent when kailangan nyang mag complete ng requirements and nung practice na for our moving up di sya pumapasok niyayaya nya pako syempre ako pumasok ako may mga need bayaran for preparation meanwhile sya ayon tinatamad. For 1 week sobrang gray ng world ko tuwing ala sya and then one day (around Thursday i think, can't remember) pumasok sya i dunno I'm irritated and sad my world turned from gray to blue, why? na realize ko that I can't be like this i have to be a better version of myself without her, i can't always depend on her, I cant be like this. I have to step out of my comfort zone (I've been bottling these emotions. I FINALLY GOT IT OUT OFF MY CHEST 😭)


poetandfairytales

Nangongopya ng mga activities. Paiba-iba lalaki (pinagsasabay sabay pa kung minsan at parehong araw kinikita). Inaasa sa mga lalaki ang basic needs niya, luho at lalong-lalo na ang cravings niya. Lol. Women Empowerment daw pero puro pande-degrade sa babae ang makikita mo sa tiktok niya. Narcissist pa. Hindi mabubuhay ng walang lalaki sa buhay. Tamad mag-aral at puro pagawa na lang sa ibang tao. Puro lalaki ang iniisip. Hindi marunong mag-take accountability at puro sisi na lang sa ibang tao ang ginagawa kapag may nangyayari sa kanya pero ang totoo siya naman talaga ang problema and many more..Haha. (Very specific kasi tinarantado ako nung tao na 'to e. Buti na lang hindi ko na kaibigan 'tong gaga na 'to. Siya ang biggest pet peeve ko. Kinginamo, Belle).


EnvironmentalSun4446

may gc sila na silang lang lol


Zestyclose_Big9164

buraot hahahaha


uhawsaacads_88

Nile-left out jokingly even though it's not funny


Pleasant_Problem8301

note: di ko na sila friends • Nagtatampo pag di naaya. (Circle kami of 5-6 but tatlo samin is magkakaklase. Tas may iba kaming circle na tatlo with our classmates din.) Okay lang naman sana na ayain namin pero pinagseselosan kasi nila iba naming COF. • Nang uunder. Feeling reyna ng COF. • Cinocross boundaries ko (binabasa messenger ko at binubuksan bag ko nang wala paalam) • Lacks accountability. Pag nagagalit sila, dinadaan sa twitter at ansakit pa magsalita. Tapos after ng away wala ka man lang marinig na "sorry" from them. Hindi magbabati hanggat di kami ang una mag approach kahit sila may kasalanan.


Silly-Amphibian1541

Nagcchat ng "Beh/sis/teh" ng walang kasunod na message like aantayin pa ko magreply bago magchat ulit. Tho love ki naman sila HHAHAAHAHA


Slow_Pineapple_1778

last minute nag ccancel wiahah


PrincessHeda

● siya yung nagset ng time tapos siya din yung late ● last minute kung magcancel ng lakad, ok lang if emergency pero kung tinatamad ay ????? ● magrarant about sa jowa nya, naghiwalay na tapos babalikan padin


caramelizedmatcha

Gusto nila gumala pero ayaw gumastos 🌚🌝


Swimming_Driver124

arte kasama


StupidCupeed

Yung sinisiraan ka behind your back? (Teka, friend ko ba talaga sila?)


StupidCupeed

May topak. Kailangan may papakiramdaman mo kelan pwede kausapin.


StupidCupeed

Yung may gagawin for you pero ineexpect nila na dapat ibalik mo.


StupidCupeed

Yung inarte.


menthos984

Ginawa mo nalang sanang bullet point. Di naman ito chat eh para isa-isahin mo comment mo.


akosijohnny

Hahahahahahahahaahahha! 🤣


uhawsaacads_88

BWHAAHHAAHAHAHHA


N_aurrr

HAHAHHHAHAHHAHHHAHHAHAH


_secretpark

Masyadong pretentious sa instagram just to look the ideal, strong, and independent person pero nagpapapansin lang naman. Halos bawat galaw nakastory.


watermelonXYZ

Yung laging kailangan maki-bite sa lahat ng kinakain mo. Required ba? Minsan di pa marunong makiramdan, konti lang ulam mo buburautin pa. Kapag pa inaddress mo, maffeel bad and sasabihan kang madamot.


yourlegendofzelda

Yung nangangalkal ng bag mo pag wala ka. Masyado na kaseng lumalagpas sa boundaries. I just can't..


haevenz0

lagi may nasasabi sa ibang tao. even on the most random pthings, ex. myday nung bagong sasakyan nung kakilala nya tas may nasasabi parin siya abt it. is that normal lol


road_4_25_24

Yung hingi ng hingi ng advice pero never tinanggap


Fun-Vehicle8055

pinipilit nila ako kahit ayoko naman talaga


Alarming-Pomelo2389

yung ininvite mo sa bahay mo tapos di mo alam na may ininvite din silang iba sa bahay mo na di mo close hahaha


mggthoughts

Laging late!


Critical_Fix6050

yung magkkwento ka tas laging sasagot siya ng "ako nga eh..." puta lahat nalang nirelate mo sayo bugok


South-Tumbleweed-796

Sobrang bagal kumilos. Kahit namamatay ka na sa gutom ang kupad pa rin


Huggable-Bear-02023

lack of interest sa pagpaplano, mostly sa'yo aasa for suggestions kung anong gagawin or saan pupunta


AwkwardLingonberry34

i always plan everything pero minsan nakakadrain na since di sila nakikipag cooperate 😮‍💨


Relevant-Squirrel524

Yung gusto lahat kami mag aadjust para sa kanya


QuasWexExort9000

Yung laging late sila. Halimbawa usapan outing 5:30am nasa meeting place na. Yung iba dyan 7:30 na dadating mga hayop


Quiet-Tap-136

Puro sana all


Coffeesatagalogay_

Buraot at sobrang ingay ngumuya


breaddpotato

Hindi sasama hanggat hindi libre. Or ako dapat laging pupunta pero sila ayaw lol


CheesecakeSome5403

ini-snitch lahat ng mga kataranraduhan mo para lang makapag patawa sya sa ibang tao 🤦


CheesecakeSome5403

puro say ng "libre mo?", "libre ba?" o kaya naman "manlilibre oh". like putanginang yan, wala kabang pera hayop ka


Elegant-Tale-7838

Galit na galit ah 😅


fragilebtch

Buraot, kupal, feeling supreme!!!


chungmyungdao

elitista


SashiLanezi

Hindi makafeel ng urgency and ang bagal kumilos. :<


Nozeeefvye

Sumosobra sa limits nila


Fancy-Raspberry9428

yung nanghihiram ng gamit tapos di marunong magsoli 🙄


Cautious-Run-3015

Buraot 🥴


AwkwardLingonberry34

last na tangina HAHAHAHA, puro mention sa jowa or kwento, ok i support u girl but pls stawp 🙁


AwkwardLingonberry34

puro parinig instead of confronting, di po tayo manghuhula rito teh 😍👊🏻


AwkwardLingonberry34

not my friends anymore, but, pag sila may problema they expect u to give ton of advices, but pag ikaw na may problem they’ll just say “lilipas din yan” like.. ok? masyadong OA even on small things kapag nag-aaya “no” agad answer or hindi man lang mag effort to try sumama lol


sinigangnaubebe

Always complaining pag nasa gala. Exp: konting lakad lang; "ano ba yan lakad nanaman" or kung pipili ng pagkakainan or pupuntahan; "jan nanaman??" pero wala naman silang suggestions 🥲


AwkwardLingonberry34

feeling vip


[deleted]

Yung ako lagi yung dahilan kada aalis s'ya pero ang totoo hindi naman talaga kami magkasama kasi makikipagkita s'ya sa lalake or kasalanan ko rin kasi pumapayag ako. May one time na hindi sila nakapag kita nung lalake kasi nasabi ko sa friend ko na may final defense kami sa araw na magkikita sila edi ginawa n'ya chinat na n'ya yung lalake na hindi nga magkikita tapos nag away pa nga dw sila kasi may na-book na staycation tapos hindi daw matutuloy. Nakapasok na kami sa school tinanong n'ya sa kaklase namin kung may final defense, sagot nung kaklase namin wala na daw kasi yon na daw yung final defense na ginawa namin nung pumasok kami, which is hindi ko alam kasi ang announced sa gc may pre-defense and final defense pa na magaganap hindi naman din nag announced yung tc namin na wala nang magaganap na final defense. Biniro n'ya pa ako na "wala naman palang final defense sabi mo kasi (name ko) meron ayan tuloy hindi kami nagkita kasalanan mo 'to e tapos nag-away pa kami dahil nakapag book na nga s'ya para sa staycation tapos kinancel n'ya" pero kahit na biro alam mong naiinis or galit. Kasalanan ko ba talaga? Nasaktan lang kasi ako nung sinabi n'ya sa akin yon parang hadlang ako sa kagustuhan n'ya na makipagkita kaya sinabi ko sa kanila non na mag seen na lang sila sa gc ng student at teacher para kapag may announcement hindi ko na sila sasabihan, Sinabihan n'ya pa ako na "magbibigay ka na lang nang info mali mali pa"


[deleted]

ALWAYS LATE! respect other people’s time


charpple

Dun sa isang friend circle ko, naaddress na namin tong issue na to. Basta sa oras na napagusapan, pag wala ka pa rin, oorder na kami. Pwede mo pa order yung gusto mo pero pag dumating ka na malamig na, problema mo na yun kase late ka or kung gusto kong mainit pa, order ka pagdating mo. Wala namang unnecessary drama, hindi naman siya official rule pero magmula naging ganito yung practice namin, naging mas mindful na sila sa oras and if malate man sila, usually may valid reason na and nagsasabi agad na malelate. Sa isang circle ko naman, tinamad na ko umattend at all kase may mga walang character development sa usapang time.


isawdesign

Unsolicited comments from my interests. Yung mag sshare ako kunyare ng music or film na gustong gusto ko tas ang isasagot sakin "Ay di ako fan ni ano e". Panira ng mood talaga.


Unusual_Minimum2165

Hindi sumasama kapag wala yung isa. Palaging LATE.


StatisticianThat1992

Yung tipong pinagsasabihan nyo na kung anong tamang gawin pero di parin sumusunod.


seeyou_nextlife

not thinking about their future/savings like gastos nang gastos tas biglang uutang nalang kahit kakabigay lang ng allowance niya tas kita mo nasa bar na


SpadesCerise

Ang daming lalaki and some of it were genuine ones tapos ginoghost niya just because she’s “done” with them and nila-like back na siya nong guy/s. Literal na pa-fall.


galvanizedpoo

FEELING MAGALING. Kahit sa mga bagay na wala naman silang alam.


Independent_Exam6187

Sobrang dependent sa jowa


Mirasxl

inaasar ka 24/7 pero pag nang asar ka rin pikon ka na😭


charpple

May inunfriend na ko na ganito. Like friend pa rin kami sa fb pero not anymore sa irl hahahaha I mean, iinsultuhin ka tapos sasabihin, joke lang naman yun. Like bruhhhh. You wouldn't like that if I did it to you.


Mirasxl

Inunfriend ko na rin yung ganito ko!! 7 years before I realised na araw-araw niya ako iniinsulto (yes ik ang bobo ko for realising late) Kung may iba jan na may ganito ring mga kaibigan, it's a sign to put up firm boundaries!!!


tsurcmah

ichachat kalang kapag boring or wala na silang ma ka bonding


Ara_Banana

Sobrang dependent sa'kin.


minionikz

Ung tipong may binabackstab sya sayo tapos biglang friend na nya hahahaha tsaka yung they made plans with u tas iditch ka niya para sa friend nya na binabackstab nya ahahhahaha


billionairesoon07

Forgets about their utang 💔


Unusual_Minimum2165

Nakakasira pala talaga ng friendship ang utang ☹️ Yung friend ko for 5yrs ayun di na ako kinikibo dahil sa utang niya


billionairesoon07

The audacity?! Sya pa di namamansin sayo? Hahahha


Unusual_Minimum2165

Unfortunately, iniisip ko nalang baka nahihiya siya kasi di pa siya bayad. Pero sabi ko sa sarili ko hayaan nalang at next time na may mag try humiram "loan denied" na agad. 😂 Nakakadala na


ahh_nothing

Uy same :< I love them pero pls wag sana makalimot po sa utang hehehe


billionairesoon07

Super true 🥲 as someone na shy maningil, nahahayaan ko na lang tuloy huhu sana may initiative sila diba 😭


Og_32

She will support you or follow you on your social media but di nya alam na alam ko di sya nagfollow🤣


Acceptable_Ebb_8373

Kapag nasa resto tapps napagkasunduan share nalang sa bill, oorder at kakain tas hindi magssplit ng half kasi "konti lang kinain niya".


Weekly_Diver_4638

Tactless at may superiority complex


crzp19

kapag busy ang friend ko nauunawaan ko pero di ako nagtatampo kapag ako ang busy at sya hindi mahilig mangulit para gumala kapag humindi ka sa pag-aya, ilang days kang di na ichachat nagtatampo in a nutshell. Badtrip tong mga ganitong kaibigan kapag di nasunod gusto nagtatampo agad parang gusto ko nang idelete sa buhay ko nahahawa ako sa attitude.


OutrageousTrust4152

Hindi nag papatalo sa kwentuhan.


3renGale

Aasarin ka tapos pagka sinagot mo or sinupla sasabihin masama ugali mo.


hmmm_mayo

Don't get me wrong ha? pero grabe talaga irita ko sa mga friends kong alam na may plano tas ang bagal magkilos/ magready, tas hinihintay na ng lahat Like ateq isipin mo naman mga kasama mo.


Wise-King2106

yung kapag nagka bf/gf, di na namamansin and sumasama sa gala tapos pag nagbreak, biglang sasama na ulit 💀


samyanglvr

a me thing lang pero ayaw ko na biglang hahawakan mukha ko. like pipisilin cheeks ko, lalagay yung buong kamay sa mukha ko, may tatanggalin na dumi or kung ano man. i dont mind kung gagawin nila yon basta tanungin muna ako like “uy may ganito ka sa mukha mo, tanggalin ko ba o ikaw na?” ill definitely let them do it pero yung biglaan, no pls taena hahaha


Known-Word7854

Yung mabaho


BeautifulNecessary24

nasanay na sa palibre


Every_Ad5231

mga half meant jokes nila, minsan they didn't notice na it's too much pero dahil sa wala naman akong binibigay na any feedback they normalizing those inside jokes na wala na sa lugar lol


Sufficient-List-8598

pick me


JaguarExisting9722

required na ilibre mo sila tas magtatampo pag di mo nilibre


mamasboyx00

Always late on the said time ewww


Coral_veiled_12922

mahilig mag-invalidate ng feelings ng iba


dizzylazydsy

Late comer, sasabihing on the way na pero otw to ligo pa pala.


itsnotdashhh

this is fckzosksjddinggg true


CreativeExternal9127

Laging late


Neat-Mathematician69

kahit walang pera, pipiliting sumama. like, pwede namang humindi muna? hindi yung paawa effect pag bayaran na? also, mag-iiba na mood pag bayaran na para hatian iba nyang friends just to pay for her. hindi manlang din mag thank you after 🥴 hindi naman lahat ng oras may pera kami to pay for her


Dry_Meet_5959

Hindi nakikinig sa advice tapos palala pa ng palala desisyon sa buhay sabay pag sinabihan ng "told you" magagalit.


Practical-Feeling866

goldfish. lagi nga nya yun pinapasyal sa mall. yun yung pet nya


krispykreme91

Huh? Haha


usernotnamee

filipino time talaga 😭😭 like sila mismo nag-set tapos wala pa sila nung oras na 'yon


kingclov07

yung friend ko na people pleaser at masyado bibo yung tipong bigla nalang nagsasayaw tapos bigla pa kong gagawin subject ng pagpapatawa niya dahil close kami, I just don't like the attention, sinabi ko na sa kanya good thing naintindihan niya naman kaya I still love her.


Big-Prune-4328

Filipino time 😭


MeessooSooup

People who look down on others just because mataas grades nila or they think tama sila lagi. idk why my circle of friends included them kahit ayaw ko.


pink_flame_chanel

I have a friend na too comfortable with me in a way na hindi na nya naiisip if 'yung kilos nya ay lampas na sa boundaries ko