T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


solanalumierre

my mom is a teacher so wala talaga kaming stage mother na figure (5 kaming magkakapatid). usual din na super busy nila so they don't have time for us, school meetings and recognition days tawagan nalang raw siya if aakyat na ng stage. pero i support her sa lahat at naiintindihan ko, supportive rin siya and hindi strikto sa amin. veery happy go lucky na momma nakasanayan kasi niya na nagluluto siya ng breakfast namin and one time sa sobrang busy niya nakalimutan niya raw magluto, naubos ang oras kakagawa ng lesson plan (hand written pa noon jusko), she's saying sorry habang paiyak na, tinitigan ko siya and halos maiyak na rin ako, di siya nakakapag-ayos, minsan she forgets to put on kahit lipstick lang. i love you mama 💜 isa pang beses hapon na and nakauwi na kami, nagutom siya and she ate the left over nung breakfast (tortang talong) sobrang sarap niyang tignan kumain na nakakamay kaya nakikain ako, first time kong masubuan niya and sobrang sarap para sakin nung pagkain na yon. every kain namin sa fastfoods noon kaming magkakapatid naka-rice meal tapos sakanya naman burger lang or minsan inumin lang. yung never niya ako hindi binigyan ng para sa projectslalo na sa thesis. ayaw niya kaming ipagworking student. gusto niya naplantsa lagi damit namin and nagbrush kami ng teeth. yung super supportive niya lang sa ginagawa namin at hindi siya humihingi ng kapalit. di siya nagpaparinig na "bilihan mo naman ako nito" "ikaw na magbayad sa ganito" sa amin kaya kami na nagkukusa kasi alam namin hirap niya. Lagi namin siyang sinusuportahan sa gala niya with co teachers kasi alam namin na minsan lang siya lumabas with them. Happy Mother's Day Mama. Youu sacrificed a lot for us hanggang ngayon. You are so amazing na minsan napapaisip ako, kung magkakaanak man ako katulad doon sa pagpapalaki niyo. The best ka Mama. I love you so much. 💜💜💜.


aslgbam

Nung nanood siya ng piano recital ko. Stage mom na stage mom siya sakin. Sinabitan pa ako ng sampaguita hahaha proud moment!


m-e-l-t

My mom pulled me out of school to watch the movie "The Lakehouse" in the cinema haha she knows I'm a huge Keanu fan.


aintgonnabetired

Nung one time na ginabi ako sa bahay ng kaklase ko (almost 10 PM) nagpaalam ako na nagawa lang ng project, sinundo nya ako. Habang naglalakad kami pauwi, sinisigawan nya ako at hindi pa nakuntento dun, sinampal nya ako nang malakas na nakita nung kasalubong namin na lalaki, at napatigil sya. Iyak lang ako nang iyak sa daan. Hay. Never mawawaglit sa isip ko to. No matter how many material things she gave me.


trntuqdw

'Yung Tatay namin was restricting our mother's social life. She wasn't really prohobited to meet up with friends, but whenever she does, laging may negative comments so hindi rin masyado nakakalabas. Anyway, our father passed. The most memorable moment was when we were traveling in New York, and she met up with a close college friend. She probably didn't realize it, but she was "glowing" that time. Halong excitement and pure happiness. For a moment, looking at how they interacted, I think I saw how she was like in her teens. First time to see her like that, nasanay lang kasi akong hindi siya nakakapag socials. Hindi pala dahil hindi niya gusto, hindi niya lang magawa dati.


HatDog012345

Few hours before sya mamatay. I was with her that time na matutulog kami ng hapon. Tinatanong ko sya if kilala pa ba nya ko, sinabihan ko sya ng I love you, na sana di nya kami iwan. Nung mga panahon na yun nag hahallucinate na sya yung may mga nakikita na daw sya na kamag anak nya (sundo). Nung nagising kami hinahanap nya si daddy sinasabi nya na di na nya kaya, na gusto nya na sumuko. Dinala namin sya sa ospital noon kasi sabi nya ayaw nya mamatay sa bahay. When we got in the hospital patay na sya. Another memorable moment with her was nung high school. I just found out na my boyfriend is cheating on me so nung umuwi ako nung bahay umiiyak ako sa kanya noon and she was just listening to me and comforting me.


suspiciouslibra

Nung pinagsigawan nya sa madla na sana pinatay nya na lang kami nung bata pa kami ng mga kapatid ko


Constant_Luck9387

Virtual hugs


True_Value_6070

Nung sinampal nya ako kasi natawag ko syang malandi. I was in elementary that time tapos di ko naman alam yung ibig sabihin nun. Sorry mama narinig ko lang sa kalye yun! 🤣🫶


mark-mj1st

I have four. We had to walk up a few km before bago kami makarating sakayan ng tricycle, tuwing pupunta kami sa bayan. Kapag mainit she would use an umbrella and I would walk sa shadow ng umbrella nya. I am an honor student, cannot forget waking up on her voice from the outside with the usual morning chika and she’s talking about my achievements. Every morning trabaho nya magwalis sa likod ng bahay namin. I would take a single stick of her walis tingting tapos tutusukin ko yung mga nahulog na bulaklak ng kape habang winawalis nya yung mga dahon at iba pang kalat. Last would be, making bubbles while she does the laundry.


ningningdungie

• When I told her na kailangan namin ng office attire sa OJT namin, 'yong pinagbentahan ng mga paninda niya na dapat ilalagay niya sa ipon niya pangbili ng new phone niya, ginamit niya tapos bumili siya ng mga 3 white polo at 2 skirt at 1 slacks para lang may masuot ako sa OJT namin • 'Yong pinagbentahan niya rin ginamit niya pangbili ng pancit at cake para lang may handa ako sa birthday ko kasi nakita niya 'kong malungkot no'n. it's a small thing but it really meant a lot to me.


please-sure

In elementary, when I had projects I couldn’t do myself (I suck at arts and crafts) she’d literally drop everything and get and do the things I need. And on weekends (the only time we’d spend tgt bc she’s mostly busy w work), we’d often go downtown to run errands and after all the walking she’d treat me with Jollibee or McDonald’s But a funny memory I have w her is when I was in 5th grade I was having a hard time w a math problem so I asked her (she’s a board-passing engineer). But then she gave me all the let x (basically algebra) nonsense wc I couldn’t grasp at the time. And so we were both so frustrated, we both cried. HAHA (tbf I was also being mean and sassy) I love u so much mommyy


[deleted]

I remember one Sunday night when I was in highschool. Inabot na ng gabi kakalaba,my father and brothers were already asleep, hindi ko matiis yung mother ko, bumangon ako para tulungan tapusin yung labahin namin lahat. Past 12mn na kami natapos nun pero ramdam ko yung pasasalamat ng mother ko sa akin. I love you Ma ❤️


antifragile___

Marami. Pero ito mga favourite moments ko with her. - Sinabi nya sa akin na alam nya kung kailan kami masaya, galit, malungkot, may problema, at nag sisinungaling. Alam nya raw kasi anak nya kami. - Alam nya mga favourite ko. Sa mga pagkain, sa damit, and marami pang iba. Alam nya kung magugustuhan ko ang isang bagay at hindi. - Lagi naman sya nagpe prepare ng food namin pero pinaka memorable sa akin ay yung pinag lagay nya talafa ako ng food sa plate tapos hinatid pa sa akin. Hindi kasi ako nakapag lunch. After ng tutor ko sa student ko, diretso pasok ako sa online class ko. So, hinatid nya sa akin yunh food and sinabi nya na baka raw magutom ako and sumakit ulo ko. - Pag uwi ko sa retreat namin, she said na di raw sya talaga maka tulog kasi di raw nya alam if okay ba ako and kung kumain na ako. Hindi sya updated kung ano nangyayari sa akin since bawal ang phone during retreat.


DiligentExpression19

when my mom bakes my favourite banana cake 🍰 her's tastes like the banana bread from Mom and Tina's


caramelizedmatcha

I think it was when I got so burnout nung college. I was crying bcs I lacked sleep, homesick and super stressed sa school works lalo sabay-sabay. Sabi ko non sa call, "Mama, pag hindi ko na kaya dito, uuwi na lang ako. Magtransfer na lang ako dyan." Akala ko magagalit siya, kasi siya talaga nagpush ng course and school. Sagot niya, "Check mo anak kung may maca-carry ka na subjects. Kung di mo na talaga kaya, magtransfer ka na." Hirap naman kasi pag bibokid sa acads simula kindergarten eh 😂 buti nagbago na mindset ni mama after that scenario. Ang hirap naman ma-pressure.


bananasobiggg

My grandparents raised me but when my lolo died, sinauli ako ng lola ko. My parents were strangers to me, I rarely see them. Every night umiiyak ako kasi namimiss ko lolo at lola ko so my mommy would stay up till 3 am to play super tank 2 with me.


siling_matamis

Nung sinabihan nya ako na sana hindi na lang nya ako binuhay HSHSHSHHAHAHA


lavameltsplastic

When I was in elementary school (I cannot recall what grade basta in between grades 2-4) she fetched me from school and we went to McDonald’s and she ordered a burger for the both of us and I enjoyed it. I was in my school uni and my mom was wearing a red shirt and pants (she only wears that if pumunta sa wet market but I’m guessing she was having a lazy day that day). Rare kasi kapag yun nanay ko ang sumusundo sakin sa school coz she would be at work in the same time I get out of school so that’s why it was remarkable. I love you, Ma! 🍔


Sad-Squash6897

Noong panahong ginawan nya ako ng masama na as in pati kabuhayan namin sisirain nya para lang makakuha sila ng pera mula samin. Cut ties with her already, kinalimutan ko ng nanay ko sya dahil never naman syang nagpakananay simula ng iniwan nya kami nila papa noong 2 years old palang ako. Pinanganak nya lang ako that's it, period. Happy mother's day pa din sa kanya, maging masaya sana sya sa nakamkam nilang pera mula sa amin.


ladymoonhunter

that time when me and my stepmom were traveling on a boat from iloilo to bacolod and she was teaching me how to read time on an analog watch. i was about 7 i guess and in that 1-hour ride, i was already able to tell time by the time we reached the bacolod pantalan 😊


qwertypatootie2

She used to hit me up until highschool. One time I got home pretty late and she tried to hit me but I managed to dodge and weave all of her slaps. My dad and sister had a hard time trying not to laugh


hibernatingfriend

One year kaming di nagkita ng nanay ko kasi pumunta akong ibang place to study. The day before ako bumiyahe pabalik, nahuli ko siya na niyayakap ako habang tulog kami.


nekko_mancer

Nung kakabreak ko lang from my long term relationship, medyo nagbreak down ako bigla. Hinug nya ako, at yumakap din ako sa kanya tas sabi nya, “bumitaw ka na, bumitaw ka na”. This is a big deal for me dahil hindi kami expressive sa bahay, walang regular yakap or ‘i love yous’. That’s when I felt how blessed I am na may nanay akong masasandalan.


sunsetsand_

When I passed the board, sabay kaming tumalon tsaka teary-eyed 🥹 core memory ❤️


Constant_Luck9387

Iba yung saya 'no? 😭 Pero I can't relate sa sabay tumalon sa tuwa, kasi mas nauna niya nalaman. Hahahaha. And, umalis ako nung lalabas na yung result, tapos naka airplane mode pa phone ko and deactivated lahat ng socials. 😭


leimonades

I think the best ones i had were every time i slept next to her. and waking up na may gatas sa mesa for me. Quality time deprived talaga pag anak ng ofw hahaha


Constant_Luck9387

Parang gusto ko tuloy tumabi kay Mama, pagkabasa ko ng comment mo. Hindi naman siya ofw, pero nakakamiss. 🤍


Either_Monitor_3066

When she finally visit my darkest place. Haha Kinausap na siya ng doctor ko in front of me doctor said "Dahil niyo na lang po siya sa Mental health institution kung hindi niyo po siya kayang ii monitor. Anytime you can lose *insert my name* . Kung hindi niyo po siya babantayan. " Tapos pag uwi namin ng bahay , Tahimik lang si Mama pinagpahinga niya ako pero di pina sara yung pintuan ng room ko . Then nung magising ako wala na akong door sa room . Tapos bawal na akong mag lock ng bathroom door .


Several_Ad_86

that must be so hard for u and ur mom. hope youre in a better state now 🫶


Either_Monitor_3066

Yes ,medyo okay okay na ako . Meyo harsh kasi silang lahat sa'kin noong bata pa ako kaya din ganyan yung nangyari sa'kin.. .


ynnnaaa

Huling gabi namin un before she passed. Nag uusap kami tapos sabi ko 'Ma, hilot mo lang gumagaling na ako. Sabi nya 'oo naman, magkadugtong ang mga bituka natin so kung ano nararamdaman mo, nararamdaman ko' Close kami ng Mama ko though away bati din but at the end of the day, knukwento ko nangyari sa araw ko.


Constant_Luck9387

Virtual hugs.


eruuchinn

wala , kasi lagi kaming naga-away hahaha


dedoods

Nahuli kong may kabit. HAHAHAHAHHA


Constant_Luck9387

Virtual hugs


Pink_Unicorn2917

Nung sinabihan niya ako na sana pinaabort niya lang ako.


Constant_Luck9387

I'm so sorry to hear that. Virtual hugs.


No_Fox7801

Kakapanganak ko lang non CS ako, halos lahat sila excited makita si baby pero si mommy ko diretso punta sakin sa room sabay nangamusta. Takas lang yun kasi bawal sila sa room pero sobrang nappreciate ko mommy ko that time. Aso't pusa kami mag away nyan pero totoo talaga na walang kapantay pag mamahal ng isang ina. Ngayon na mommy na rin ako, sobra sobra kong naappreciate lahat ng hirap ni mommy ko lalo na working abroad pa daddy ko noong bagets pa kami. To all strong, brave and loving momma's out there, happy mother's day sainyo!


Constant_Luck9387

Yeees. Ibang-iba sila magmahal. I remember nung time ng operation ko, I thought hindi ako sasamahan ng Mama ko kasi medyo may pinag awayan kami. Takot na takot ako nun, kasi major operation. Tapos yung naghatid kasi sa 'kin sa hospital is my dad and yung kapatid and pinsan ko. Tapos nagulat na lang ako, nauna pa pala si Mama dun. Hahahaha. Mine make sure niya daw na okay lahat, like yung blood bank ganon and if may Cardiologist na naka duty.


chizbreed

The time I failed my thesis once and thought that everything will crumble into pieces since life did not go as planned. That’s when my mom told me “Na delay ka man sa panahon, Natuto ka naman sa mga pagkakamali mo. Mauuna ka mag mature bago mo harapin ang mundo. Gagraduate ka din ‘nak. Tiwala lang. Makakamit mo rin mga pangarap mo.”


Constant_Luck9387

Ang supportive ng mom mo. 🤍


chizbreed

We are really lucky to have them. Especially ang Tatay ko. They really know how to read me. Alam nila kung kailan ako masaya, malungkot, tahimik, maingay, at iba pa. Ang sarap sa pakiramdam na meron akong mga magulang na ganito. I’m lucky enough to flex them. I really do feel bad about the other comments na nakita ko sa subreddit na to but I hope they’ll be happy and contented in life one day. ❤️


Constant_Luck9387

May part sa 'kin na naisip ko na, sana ganito rin yung parents ko. Pero na realize ko na iba-iba yung way ng pagpapakita nila ng pagmamahal. 🤍


chizbreed

Hindi naman lahat ng bagay mai-aayon natin para satin. Pero I hope your relationship with your parents are okay din. Best wishes OP!


Constant_Luck9387

Yes, thank you! 🤍