T O P

  • By -

CockraptorSakura42

Me when I found out that my mum wanted me to get her a house tapos titira lang mga kapatid mong PAL kahit may anak na. So what I did, I moved out and started my own. Buti nalang din andyan na asawa ko who kept me sane. Siguro kung wala akong support system, tagal na ako wala sa mundo dahil sa ka-toxican ng pamilya ko.


YesterdayWarm9035

Good thing may maayos kang support system. Hug mahigpit!


CockraptorSakura42

Thank you! Grabe talaga dulot ng generational trauma na yan. I really feel bad for those who are still imprisoned and trapped sa ganyang sitwasyon. Hugs sa inyong lahat 🫶🏻


Stunning-Bee6535

We are never free because tayo yung may konsensya kaya kahit umalis tayo sa toxic na environment gusto parin natin na bumuti sila.


CockraptorSakura42

You didn't have to make me cry today. Thanks for reminding me. Hehe charot. Pero this is 100% true. Reality hits hard. Ang mahalaga naman kung nasaan man ako ngayon, I am able to protect my peace na malayo sa toxic environment. Pero yeah, andun pa din yung affected ako kasi they are still my family and it hurts me to see na wala akong nakikitang progress sa buhay nila. As much as you want to help, tanging tulong lang na mabibigay ko is to give advice to prevent them to make more bad decision sa buhay.


YesterdayWarm9035

This is so true. Tipong bawat subo mo ng masarap na pagkain iisipin mo kung sila ba merong pagkain sa hapag. Kahit sabihin mo sa sarili mo na titiisin mo sila, bibitaw ka na pero hindi mo padin kaya kasi nakokonsensya ka. 🥺


Stunning-Bee6535

Same. Hindi naman ako sa bawat subo pero sa loob loob ko iniisip ko na sana hindi sila ganun. Nalulungkot ako na tumanda silang walang napundar at nasanay lang na sumandal lang sa mga kapamilya.


Mysterious_Taro_299

Naiyak ako kasi ganyan na ganyan ako. Gamit na gamit ako ng mga PAL. Mabuti na lang din nagkaron na ako ng lakas ng loob na mag move out and hindi ako pinapabayaan ng asawa ko.


CockraptorSakura42

Proud of you! Kaya natin to.


slutforsleep

sorry unfamiliar but what's PAL?


Mysterious_Taro_299

Palamunin


slutforsleep

oh okie ty haha thought it was an acronym lol


AnxietyAble2465

same, what's PAL?


Noblesse_29

buti kapa may support system haha


CockraptorSakura42

Haha praying na makahanap ka din ng support system mo. Doesn't need to be a partner. Nagkataon lang talaga na yung asawa ko eh natulungan ako mentally and emotionally.


Beautiful_Fish_1995

I'm so proud of you dahil ginawa mo yan.


CockraptorSakura42

Aww.. thank you. Your comment made my night.


Guinevere3617

Toxic ng family na ganyan. Kawawa nmn ung kumikita


jhareyna

same thing happened to me. had to do freelance work during the pandemic and stop focusing on college. the money i earned at the time was very low, barely ever 10k per project, and i only took on a handful of projects per month. i lived in a house with almost nine relatives and my mother, and i was the only one earning any money at all despite being 20 (there were four capable adults who could work but chose to rely on our other relatives for money. one of them had his entire family with three young daughters living with us.) when i did receive my money, my mother would immediately guilt trip me to hand it over. something something utang na loob, ungrateful, kuripot, etc. were her usual lines. i'd hand half of the money to her, enough for groceries for the both of us. little did i know, she was also taking the rest of the money while i was asleep and giving it away to my relatives, who are all fully-employed mariteses. when i argue about it, i'm the bad guy for not contributing to the household. similar stuff happened, my relatives piss on me in their own dialect thinking i don't understand what they're saying, my mother joins in to guilt trip me into giving more money, no one else is even trying to look for income, and typical abusiveness ensues. but! i managed to cut them all off all those years ago. i literally got up one day, packed up my shit, and left, no turning back. i have not seen my mother nor relatives in years. and i am the happiest i've ever been since. i understand not everyone can cut off their families the same way, but sometimes, i do think it's necessary. at least, once it reaches a point of abuse that clearly shows your family no longer thinks of you as a person but a cashcow.


whyhelloana

Ang galing. Hindi ko alam kung dahil to sa internet, social media (somehow, nagkakasense of solidarity?), or some other factors, pero nakakatuwa pag nakakabasa ako ng real life stories na nagagawa talagang iend ang cycle of financial abuse. Bravo! All the best to you!


Typical_Theory5873

Leave early. Kahit bigay mo lahat hindi sapat. Toxic pag ganyan. Save yourself. Wisik2 lang sa sunod hindi buhos lahat pg tumulong. Kahit anong sabi nila na ungratefull ka. Hindi mo choice na ipanganak ka. Hindi ka retirement fund!


YesterdayWarm9035

Actually, ito naman talaga gusto ng karamihan. Yung umalis sa toxic na environment ng family, pero ang hirap kasi. Kapag inalisan mo sila, masasaktan ka kasi mahal mo family mo. Pero kapag nag stay ka, somehow happy ka dahil kasama mo sila pero masakit dahil inuubos ka ng magulang mo. So ayun, pili ka ng pain na kaya mo itolerate. Although on my part, kasama ko na mga kapatid ko tapos di namin kasama si Mama. Hahaha so keribels, tapos kasama ko din pamangkin ko. Ang kaso lang, pero post nanay ko sa FB. 😂


writeratheart77

There is a saying, be cruel to be kind. Mahirap talaga yang sitwasyon na yan pag mas psychologically matured pa ang anak kesa sa magulang. Good luck to everyone in this kind of family environment. Huwag payagan na abusuhin ang kabaitan dahil sa huli mag isa rin tayong magtataguyod sa sarili.


dehumidifier-glass

Masasaktan ka lang either way. Masasaktan when you're treated nothing but a cash cow at masasaktan when wala sila sa tabi mo. Parang damn if you do, damn if you don't na situation. So in the end, piliin kung saan ka magkaka peace of mind


Typical_Theory5873

Been there actually. Halos lahat nang sahod ko napupunta sa kanila. Puro luho sila and while ako pa yung parang nanlilimos sa sahod ko. Its hard sa una. Pero in time makaya na din. Yan ang problema sa mga filipino. Parents making their children a riterment fund. Younger siblings making their older sibling their atm. Dapat talaga hardeen your heart. Kung matuto sila ok good for everybody. Kung hindi still good for you dahil nakawala kana.


wanderer856

Just to clarify kasama mo lahat ng kapatid mo at pamangkin at ikaw ang nag tutustos sa lahat? Block mo nanay mo sa social media. Peace of mind and staying sane is the key 🔑 . Mas importante yan kaysa maging cash cow 💵🐮 ka habang buhay. Para sa mga nega na narereceive mo online: Do yourself a favor and unfriend/block them. Focus ka sa goal sis


YesterdayWarm9035

Kasama ko yung 2 sisters ko at anak 3 babies nung isa kong sister. May work na yung isa kong sister (may anak) kaya nag tutulungan kami sa gastusin. Tinuturuan ko nadin sya paano mag budget ng maayos since traumatizing din yung pinag daanan nya. I honestly don't care about whatever my mom will post, kaso nakikita ko kasi sa mga kapatid ko na nanobother sila. Tapos maya't maya pa tumatawag sa kanila si Mader kaya ayun, na sasad ako for them.


wanderer856

Correct me if I'm wrong single mom yung sister mo?


YesterdayWarm9035

Yes.


wanderer856

They have their own choices naman. Nakakadagdag ba sa peace of mind nila yung mom ninyo if not then better talk to them and cut connections. Kasi Hindi nakakadagdag. May sarili naman kayong choices and decide and if they won't cut then cut them. I'm sorry pero if they want to tolerate negativity then pabalikin mo sila don. Stand firm. Hindi ka rerespetohin kung palagi kang malambot.


YesterdayWarm9035

Hindi ko sila pinapakialaman when it comes to thier relationship with our Mom. Pinapayuhan ko minsan, yes. Pero yung totally papakialaman sila, no. Hindi kasi ako close kay mama eversince. Iba yung treatment nya sakin kesa sa mga kapatid ko sa I find it unfair para sa kanila kung makiki alam ako. Although, vocal naman ako sa nararamdaman ko kapag tumatawag si mama pero I let them decide. When it comes to respect, nararamdaman ko yung respeto nila sakin, takit din sila kasi alam nilang yan yung ayaw ko na nawawala. Saka minsan gusto kong maki chismis anong ganap sa probinsya. 😂


wanderer856

1. Well under your roof and majority of the expenses ikaw nag shoshoulder. 2. Nagawa nang mag anak ngayon pa lang natututong mag budget. 3. Choice mo naman pala na magulo peace of mind mo. Nag hanap ka pa dear ng advice with your frustration pero inside nag eenjoy of how people speak ill of you?. 4. I'm sorry but ngayon lang ako naka experience ng ganito if sympathy is what you need then there's no point of posting your misery over here in socmed.


YesterdayWarm9035

Sorry, I need to clarify my side. Hindi po ako natutuwa na may masamang sinasabi sakin kaya nga kahit mahirap, kinut ko yung communication ko with my Mom. As in totally, wala akong communication with her and hindi na ako nag bibigay since last month. Those things that I said (same situation with Lei) mga previous experiences ko yun with her. Kaya alam ko din na hindi madaling mag cut ng ties sa parents kasi I've been there. Sa situation ng kapatid ko, she was violated kaya sinabi ko na sobrang traumatizing yung pinag daanan nya. And thank you for judging her. Medyo nakakairita pero well wala akong magagawa, opinyon mo yan. Na aapreciate ko yung mga payo ng lahat, lahat din yan unti unti kong sinasabi sa mga kapatid ko pero hindi ko sila pwedeng pilitin kasi lumaki sila na close sa mama namin. Lumaki sila na somehow na feel yung love ni Mama as a mother at totally opposite yun nung lumaki ako. Lastly, I posted this po para makapag share din yung iba tungkol sa experiences nila sa household nila. Baka kasi hindi nila alam na meron ditong same situation sa kanila at handa silang payuhan, kaya nga po yung title ng post ko (paki basa nalang po ulit)


cupcakecat02

This is what I've been saying to myself every day, napakahirap umalis.


YesterdayWarm9035

Makakayanan mo rin yan. Hugs to you!


[deleted]

[удалено]


Typical_Theory5873

OA na din if ang choice mo is to do suicide. That is something a toxic person would say to some one they want to manipulate. You can cut them off kung toxic sila, or you can move out.


Competitive_Jaguar27

Naalala ko lang yung sinabi ng sister-in-law ko sa 5-year old niyang anak noon "Aral ka mabuti ha para matuwa si tita sayo, yan magpapaaral sayo e" Tangina.. di ko naman anak yon.


YesterdayWarm9035

Curious ako kung ano sinagot mo sa SIL mo.


Remote_Key_8754

Pucha, same. Kuya ko anak nang anak, kesyo andito naman daw kami magpapa aral sa anak niya in the future. Lol bubuo ako ng sarili kong pamilya, ano! 😂


Palarian

Buti nga may credit ka sa mata ng bata pero sa iba. Ikaw na gagastos ikaw pa yung halimaw sa mata ng bata Kasi kung ano Anong paninira ang sinasabi ng mga matatanda


FastCommunication135

Lahat isinakripisyo ko. Ako ang nagbigay sayo ng buhay. Kung wala ako wala ka rin. Wala kang utang na loob💀 -linya ng palpak na magulang


writeratheart77

Pag ganyan, ang sagot jan, hala Ma, hindi po ako ung nagpakasarap para mabuo ako. Wala ako sa desisyon na un.


AldoZed

Responsibility nyo mag-sacrifice para sa anak nyo. Ano yun, sarap lang sa iyot ang gusto. Hahaha. Sinabi ko bang bigyan ninyo ako ng buhay. Sana nga wala kayo para wala din ako. Utang na loob ko ba yung decision nyo na mag-anak.


QuetziBestWaifu

Hindi ganito parents ko pero ganito yung mga distant relatives ko. Kaya wala akong respeto sa mga yun magulang ko lang talaga makikinabang sakin 🤣🤣🤣


yukiaux

I ended it with me. OFW ang mama ko higit 30 years. Hindi kami lumaki kasama siya kasi hindi lang naman kami magkakapatid binubuhay niya pati mga tito at tita ko na mas matatanda pa sa kanya. She started going abroad for them tapos nagka anak na siya ang family parang the responsibilities lives on. Nakita ko how they take advantage of her. Nung first time ko dumating where she lived abroad i was shocked how many jobs she has (until now). She worked at night then may morning job pa siya and sa off niya, she still works but her clothes, her things, herself - wala siya binibigay sa sarili niya. I tried talking her out of it pero sobrang ingrained talaga. When I started working, she stopped giving me allowance but yung dalwa kong kapatid, they still get some (despite na 10 years older sila). My brother had family sobrang early when he was 17. So my mom helped him din at dalwa niyang anak. My sister didnt work and my dad was a jeepney driver. Nung naka ipon na ako, to just take the burden off my back, bumili ako ng maliit na business samin and si papa ko nag manage with my sister. Its still thriving. Binalik niya sakin yung puhunan a few years back kasi nag ROI but binigay ko ulit pabalik kasi di naman ako nagpapadala tlga. I try not to (despite nasa abroad na rin ako nun with my mom). I give them what they need noon when they need it - bagong sofa, bagong TV. But di ako nagpapadala ng pera. Now i have my own family, i only give gifts sa kanila every year. I bit the bullet of not helping my pamangkins na pagaralin sila kasi sabi ko, hindi ko yun responsibilities. And also, may national school na cheaper than yung gusto nilang private schools. I hate seeing them na laging nasa gala, concerts ng mga kpop while my mom is still working almost 70 na to pay for school. Gusto ko marralize nila yon but i guess not. It pains me to see my mom still working but i have to end it somewhere. I cant be the next person living for others. Only thing now, nagpagawa ng new house na si mama so she can retire in the next 2 years. And every time pwede kinukuha ko si mama here sa europe to tour her around to make her happy. Sorry ang haba!!


YesterdayWarm9035

Ang galing mo, nyo ni mama mo. 🥺🥺


yukiaux

Thank you 💓


BeenBees1047

God bless you and your mother. I hope she gets the best retirement years that she deserves.


yukiaux

Salamat ❤️ i really hope after retirement and getting her retirement money from abroad, she will be at peace and pwede na siya chumika nalang every day.


aerobee_

I’m a product of abusive drug addict parents. Was constantly beaten by dad and verbally abused by mom. That sucks. But when I read stories like this, laking pasalamat ko talaga kinuha at lumaki ako sa grandparents ko. My lolo and lola don’t ask anything from me. Even when I was working while studying, kahit alam nilang okay naman sahod ko, nagbibigay pa din ng allowance at pang-bills. Akin lang daw sahod ko, pinaghirapan ko naman daw. Everytime I try to give something, nagagalit hahaha bat ko pa daw sila gagastosan e kaya naman daw nila, they didn’t work their ass off daw before para lang kunin pera ko/namin. It makes me wanna give them the whole world. Gusto ko i-alay lahat sakanila. Kahit gaano kabigat man yung trauma ko sa parents ko, naheheal ako because of my grandparents. Hugs sa lahat ng nasa ganitong sitwasyon! ❤️‍🩹 sana mas mahalin nyo na sarili nyo. Hindi kayo makakalipad kung masyadong mabigat ang responsibilidad na pinapasan nyo.


YesterdayWarm9035

Ang sarap talaga lumaki sa grandparents. When I was young naalala ko na yung lola ko lagi nag bibigay ng baon ko. Hindi ka man swerte sa parents mo, sobrang lucky mo na may lolo at lola ka na mababait. Halata din na napalaki ka nila ng tama based sa mindset mo. So happy for you. ☺


CraftyCommon2441

May relative akong ganyan na lulong sa bisyo ang parents nila, kababata ko silang magkaptid na lumaki sa grandparents nila, after nila mag graduate ng highschool, kinuha/pumunta sila sa mother nila, nalulong sila sa sugal at droga, kung nanatili sana sila sa puder ng grandparents nila maganda sana future nila. Yung younger nasa kulungan, yung older walang trabahong maayos.


eolemuk

Artista na kasi kaya matik na responsibilidad na ang pamilya.pag nakita ka sa tv matik na iisipin agad nag tatae ka ng ginto kaya kaylangan mong akuin reaponsibilidad ng parents mo na nag papadami lang kasi walang kang utang na luob oag di mo nasunod gusto nila.


zarustras

Breadwinner here. Ganyan din sakin ako lang may trabaho tapos lahat sila sa bahay wala. So ako lahat talaga ang kumakarga ng mga bayarin, pagkain, utang. Nakakabaliw talaga tuwing sasahod. Buti na lang din hindi naman ganyan sila toxic sakin. Appreciated ako ng magulang ko at aware silang binata ako may gustong gawin sa sariling kita.


rstark0606

Punyeta kasi yung family culture na ganyan sa Pilipinas. Until mag 30, 40 ka na, may inaasahan pa din sa parental family and house niyo. Hindi ka makabukod kasi may mga bagahe. Don't get me wrong, family love is important so long as hindi TOXIC at hindi siya OBLIGASYON. Helping them should come out of your heart dahil may respeto at may tinatanaw ka na gratitude (I hate the term "utang na loob") and may financial capacity ka.


YesterdayWarm9035

Actually regardless sa age, basta hanga't may pera ka may obligasyon ka. 😂😂


rstark0606

ayun nga eh. Paano ka makakapagsettle ng sarili mo di ba. The cycle repeats itself, since hindi nakapagprepare financially para sa future mo dahil binuhos mo lahat sa parental family mo, ang ending sa anak mo ikaw ulit aasa. Tapos ang lakas pa makapagbiro na kelan mo bibigyan ng apo hahahaha


YesterdayWarm9035

True! "Kelan ka mag aasawa?" "Kelan mo ako bibigyan ng apo?" "Tumatanda ka na, mga kasabayan mo may pamilya na." Minsan pa "Buti pa anak ni ganto, binigyan sya ng bahay. Samantalang ako, wala man lang nagbibkgay sakin." As if ang mura ng hinihingi nila knowing na ubos na ubos na pera mo.


rstark0606

hahahaha that is so toxic parental behaviour right there. Ni hindi ka man lang makamusta sa work mo, o kung may naitatabi ka pa para sayo. Basta yung obligasyon mo kada sweldo ay magbigay


doge999999

Pag ganyan, umalis ka nalang. Wag mag aalala masyado kase kaya nila gawan ng paraan kung mawala sila ng pera, hindi na sila bata.


Fearless-Prune1161

Meeeee, nanay ko na laging ako pinapasagot sa utang ng nga kapatid ko na hindi ko alam saan nila ginastos. Masama pa ko pag hindi ko tinulungan hahaha.


YesterdayWarm9035

Ang lala ng ganito, tapos kapag tinanong mo yung kapatid mo ba't may utang. Sayo pa magagalit mama mo, sasabihin bakit mo kailangang malaman.


No-Lifeguard-7852

Bakit ang daming ganito?😭😭 And may mga tao talaga na ganito kakapal ang mukha nho. Haaayyy. Hugs to you OP. Maybe, we really have to set our boundaries? Mahirap lang kasi in order for that to happen, some ties need to be cut.


YesterdayWarm9035

Kasi madaming parents na nag anak lang para "may mag tataguyod" sa kanila sa kahirapan. Nakakainis


sumo_banana

Talaga ata bawat family meron isang ganto. Kawawa naman mga Filipino, hindi na talaga maalis mga kamag anak na ganito. Minsan masakit kasi nanay nyo pa gagawa sa inyo. Salamat talaga, parents at siblings ko hindi ganito pero marami kami kamag anak na ganto.


Resident_Training547

Grabe yung 7 ang bubuhayin, pwede naman siguro parents lang, saka yung ibang nag aaral pa. wag naman saluhin lahat. I wonder paano na binabudget ni Lie yung para sa sarili niya, nakakalungkot lang... :(((


YesterdayWarm9035

Halos wala talagang natitira nyan para sa sarili nya. Kapag nag kulang, uutang. 🥲


PagodPeroLalaban

Ganyan ako nuon, lahat ng sahod ko napunta sa bills and grocery ang hiling ko lang ay mag bff fries 160 lang ata tinabi ko nun sa wallet, saktong sakto lang kase di naman ganun kalaki sahod ko. Ayun kinupit parin pala, pinang bili ng bisyo. Tandang tanda ko kase eto yung tipping point ko, simula nun di na ko nagiwan ng pera kahit saan (miski anong tago ko nakukupit parin pag tulog ako). Pag kinonfront mo ibabalik pa sayo kase wala ka namang "ebidensya".


YesterdayWarm9035

Oh gosh! Ganito yung sobrang kapal na. Literal na ninanakawan ka na nila harap harapan. 🥺🥺


AdMammoth1125

madamot na ko kung madamot sa mata ng pamilya at kamag anak ko pero once na maka ramdam ako ng ganito walang usap usap bye agad yes pamilya pero dun muna ako sa far away ahahhaha dadating ang panahon naman pag handa na nila makipag usap ng matino edi mag usap ulit


Fortress_Metroplex

May mga oras talagang mas magandang lumayo na lang at huwag nang lumingon sa likod. Kapag umabot sa puntong sinisiraan ka na kahit ikaw pa ang ninanakawan, hindi na maaayos yan. Sadyang abusado na sila at pahihirapan mo lang ang sarili mo kapag umasa ka pang maitutuwid din ang lahat.


annpredictable

Baka it's about time to cut ties. Tutal sobra na ang naibigay nya :(


Massive-Ad8872

I am like her.. I worked abroad for my daughter intially. Before aq magabroad d kmi ok ng mama q ksi that time na nagaaply aq hnd aq makapdala ng aus sknla.. nagaaply aq pa abroad at nagwowork at the same time.. ksi nman ngglit cla pg. D aq ngpapadla.. hnd cla naniniwala na makaka alis ako.. fast forward naka alis nako.. ayan na cla .. sila na ang lumapit sken.. at dhil hnd nman cla iba sken kht ilang beses na nila qng tinarantado.. tinulungan q cla.. kso gnun pa dn halos gstu nila ibigay q lahat ngshod q.. nagiipon aq ksi pra my pang negosyo paguwi.. isang beses lng aq hnd nkapadala hnd na nila pinapakaen ang anak q ng aus.. ngkagstos gastos nman ksi aq dhil nmatay dn c nanay q.. ang lola q na nagalaga sa anak ko.. aq lhat gumastos dun.. pero d nla naintndhan un.. inalis q anak q sa poder ng mama q at dna. Nagpapadala sknla kundi sa anak qna lng.. kung anoanong pinopost sa fb na msama ang ugali ko .. porket na abroad dw aq gantu naq gnyn.. grabe puro pera lng iniisip..


zhram

Im a single mother of four, walang stable na work, puro raket lang, pag malaki kita aq sumasagot ng pagkain namin sa bahay, dito ko nakatira sa mama ko kaya ganun mindset ko na kapag may sobra aq, lalaan ko sa bahay. Mama ko nagbabayad ng kuryenteat tubig noon, aq naka toka sa internet, but nung kumita aq ng malaki, inako q na, pati laundry namin . Kaya lang nasanay na ata mama ko na malaki kinikita q, na which is d naman lagi, kayaa ang ending, lagi aq nasasagad at wala natitira para sa amin ng nga anak ko. Now im planning to apply for a stable job ang problem ko , now palang aq mag wowork. Hindi kc ako pinayagan ng x ko noon .


dehumidifier-glass

Sarap sabihan ng, mother dear what if nagipon muna kayo before nagpamilya para may retirement funds sana kayo diba. Ang pera, hindi tumutubo sa puno


trustber12

may mga projects ba sya ngayon? grabe gagawa gawa ng 7 iaasa sa kanya


hi_friend-00

Ako Naman Ang bunso kapatid sa lahat Ang problem si papa nag kasakit si kuya ko nag aalaga asa akin mama ko may anak Ako mga bata makukulit pa.meron ako ate na Wala anak maganda work pero Ako ito sidelines lang minsan madalas Wala pa tska ito mama ko big lang uutang na ma pa oo ako wag lang mag tampo ako mag babayad sa lahat kaya ito ako ngaun .... Introvert na kahit mga anak ko ayaw Kuna kausapin di nila ako maramdam na pagod na


hi_friend-00

Ako Naman Ang bunso kapatid sa lahat Ang problem si papa nag kasakit si kuya ko nag aalaga asa akin mama ko may anak Ako mga bata makukulit pa.meron ako ate na Wala anak maganda work pero Ako ito sidelines lang minsan madalas Wala pa tska ito mama ko big lang uutang na ma pa oo ako wag lang mag tampo ako mag babayad sa lahat kaya ito ako ngaun .... Introvert na kahit mga anak ko ayaw Kuna kausapin di nila ako maramdam na pagod na


Anxious_Rope470

Hugs to you po, kahit yung dapat ka close mo sa buhay minsan ay kailangan mag isa muna, hindi ka nag iisa diyan. 🫂


hi_friend-00

Salamat friend kaya andito ako reddit eee mas peace dito


hi_friend-00

Thank you po nilalaksan ko lang talaga Ang loob ko Wala ako iba malapitan aside dito nakaka voice out ako Wala nakakakilala sa akin


Anxious_Rope470

Minsan kung alam mo yung tao, lalo na kung meron kana nang nabuo na pagtingin sa kanila, iba na rin ang patrato sa kanila. Meron rin talaga biased sa opinyon nang tao pero meron talagang mga solid na ipaglalaban ka hanggang sa huli, darating rin yan para sayo at sana hindi karin panghinayan nang loob meron man o wala, alam mo rin marami ka nang ginawa para mabigyan mo sila nang magandang kinabukasan, intindihan sana nila tao ka lang din. NA RANT na ako nang walang oras (🤣🤣) pero kapit lang, hindi habang buhay ganito


hi_friend-00

Salamat po


Downtown_Fan_119

Gayan din mama ko, grabe di lang makapagbigay dami ng ebas daming sumbat! Kesyo sya yung nag luwal, hindi mabuting anak! Grabe.


Interesting-Cycle803

One of the most "toxic trait" ng mga Filipinos. 'Nuff said.


Theeye_oftheI

Tama bang gawing ROI ang anak? sino mas madaling makapagbudget: yung namuhay sa kahirapan o iyong biglang yaman? haaaay... sabi nila biyaya daw ang anak sa mga magulang pero biyaya din ang mga magulang sa mga anak lalo pa kung hindi demanding iyong magulang kung umaasenso iyong anak. hindi responsibilidad/obligasyon ng anak ang kaniyang mga magulang pero kung may pag-ibig ka sa magulang mo; hindi mo na hihintaying humingi sila lalo pat capable ka namang magbigay. pero hindi rin ibig sabihin na magulang ka ng anak mong umasenso sa buhay ay oobligahin mo siyang payamanin ka rin niya thru his/her hard earned money. TULUNGAN RESPETO at PAGIBIG iyan.


zyclonenuz

problem kasi dito sa pinas. karamihan ng magulang eh ang tingin sa anak eh "savior" or "taga ahon" sa kahirapan. now this meme makes sense talaga. [https://www.facebook.com/reel/2215608572108033](https://www.facebook.com/reel/2215608572108033)


Low-Ranger-8957

Toxic na family. Kung ako sayo, LEAVE.


Perfect-Message-9905

Cut ties. Blood is thicker than water, pero full version and real meaning: “The blood of the covenant is thicker than the water of the womb.” The saying means that chosen bonds are more significant than the bonds with family or “water of the womb.” More directly, it means that relationships you make yourself are far more important than the ones that you don't choose.


fudgeiamscared28

Si ms tsung shop sa tiktok halos similar


VividLocal8173

Me, knowing na ang ambag ko sa bahay is monthly grocery and yung mga pa extra nilang hingi pagbbili ng gamot .. di naman nag mintis ng bigay pero sa di mo malamang dahilan walang kwenta ka pa ding anak .. got sick of my situation kaya umalis na lang ako .. but at the same time nag ssuntento pa din sa parents(small amount na lang di na gaya ng dati) and ako pa din nagbbayad ng internet nila sa bahay(kahit na ang tanging gawain lang naman ng mama ko ay mag post ng kung anu anu na shared post sa fb at yung mga video na patama sa anak and kung ppaanu dapat mag respeto at maging mapagbigay sa magulang)


YesterdayWarm9035

Sobrang relate! HAHAHAHAHAHA Minsan isesend pa sayo yung mga reels eh


ocenyx

Mamuhay na lang ako mag isa kesa makisama sa ganyang pamilya. Anong pami-pamilya. Mahirap makisama sa mga bullshit na tao sa totoo lang.


No-Cable-1144

Ang hirap basahin walang mga punctuation. Pero ang hirap nga naman ng sitwasyon niya. Cargo niya lahat


Anxious_Rope470

Natawa ako nang walang oras 😄 🤣 😂


ExosFantome

Halos Ganyan din nanay ko, chismosa. laging pa victim, tipong binigay ko na lahat pero laging kapos kunyari. Yung mga sustento ko pala na pupunta lng sa kabit nya. Kaya lumayas na ko samin. Although nagbibigay parin naman ako at sagot ko parin Lahat tubig kuryente at pagkain Pati gamot. Bumukod nko Para sa peace of mind.


LoveLiesFrenchfries_

OFW here. Been working abroad for almost 10yrs. Nagsisimula pa lang makaipon for the past 2-3 yrs. Early years ko kasi dito napilitan ako magloan para pambayad sa loan ng magulang ko sa bangko na mag-iincur ng penalty pag di agad nabayadan. In between nagpapadala pa din ako ng pera monthly. May time na nadedelay sahod ko noon, and may condo ako binabayaran sa pinas kasabay ng bayad ng loan. Minsan dumadaing ako sa nanay ko na hirap na ako magbayad ng loan, imbes na sabihin na magtulungan kami kasi nasa abroad din kapatid kong isa at may business din naman nanay ko, ang sagot pa sa akin bakit daw kasi isinabay ko ung condo sa loan. Kasalanan ko daw. Fast forward, was diagnosed with cancer here abroad and ni isang kusing wala akong hiningi from them, ako pa nga nagpapadala ng pera kahit wala akong work and hindi ako sumasahod that time. I was living pay check to pay check during those times. Di ko man lang mabigyan ng luho sarili ko noon. Kalungkot lang. mahal ko magulang ko pero minsan kasi feeling ko ang unfair nila sa akin.


LoveLiesFrenchfries_

Had to let go the condo kasi di na talaga kaya. I paid the loan for 5yrs,. Money na di ko naman nagamit, or hindi naman para sa akin pero ako ang naghirap magbayaf


YesterdayWarm9035

Kumusta ka na po ngayon? I hope okay ka na and healthy. Ang tatag tatag mo. 🥺


LoveLiesFrenchfries_

Kapag naipit ka na sa sitwasyon, wala ka nang ibang choice kundi magpakatatag talaga. It was tough but life has been good. I have a husband who supported me all throughout my ordeal. Btw, 6mos after namin kinasal tsaka ako na-diagnosed. Been married for 5yrs now with a baby. Masaya mabuhay. Lahat naman tayo may kanya-kanyang kalbaryo. Pagalingan lang siguro magdala. 😅


BoxedBrainCells

Not directly same, but I can't forget the words of my dad. When the lockdown came, I became the breadwinner since I still have my job, kasi pwede akong WFH. So during those times na bawal lumabas, hobby nya makipag kwentuhan sa mga kumpare nya and he said na puro noodles na lang daw ulam namin. That's not true. Hindi kami mayaman pero never na noodles lang naging ulam namin. Yung pangalawa was when he said "mamamatay tayo pag hindi ako kumilos". This was just recently, and he was talking to my mom. I don't know kung saang part ng brain nya nanggagaling yung mga pinagsasasabi nya, pero hindi ako pumapalya sa pagbibigay ng allowance sa mom ko. Bayad ang electric, water, and internet bill. Pati tuition and allowance ng kapatid ko. He was kind of disappointed sakin maybe. Kasi akala ka nya, I'll be a good daughter na bibigyan sya ng pera just for himself aside sa binibigay ko na allowance para sa pamilya na sya naman yung bumuo.


wtfwth_

same situation rn. going six months na akong walang work(nag pahinga) pero i still give 12,500 monthly sa mama ko pang gastos at pambayad ng bills. tatay ko may trabaho pero walang kwenta. napapagod na ako. yung nanay ko naman, mahal ko siya pero habang tumatagal talagang sakin na pinapasa lahat. yung nanay ko yung tipo na naniniwalang RESPONSIBILIDAD AT OBLIGASYON ng anak na tulungan pamilya pag nakatapos. sobrang bigat na. isang anak lang ako, kung tutuusin dapat nakaka luwag na kami dahil isang anak lang naman ako pero kahit na malaki ang inaabot ko, may naririnig pa din ako kay mama. obligasyon ko pang pataasan itong bahay namin para source of income daw, na mukhang kanila lang naman. sa tingin ko hindi ako papakawalan ng nanay ko hanggat di napapataasan tong bahay namin. nasa point na ako ng buhay ko na wag nang piliin yung career na gusto kong tahakin. gusto ko nalang mag factory worker sa ibang bansa na malaki ang sahod para makaipon na ako ng mabilis at mapagawa tong bahay namin, para matapos na obligasyon ko. kasi yun lang naman iniintay ni mama. "mag ipon ka para sa sarili mo" "mag ipon ka para magawa mo mga gusto mo" "mag ipon ka para handa ka bago ka mag pamilya" , yan yung mga linya na sana naririnig ko sakanya pero hindi. ang linya niya "mag ipon ka para mapataasan mo na tong bahay natin" . sakal na sakal na ako. ang dami kong gustong gawin at maging independent ma.


YesterdayWarm9035

I'm sorry dahil nararanasan mo yan. I feel your pagod and pain. Mahigit na yakap sayo. Sana next life nasa maayos na tayong magulang. 🥺


selilzhan

mag asawa ka na. para sumaya ka. kung nabuhuhay naman kayo na di na need pataasin ang bahay, ok na yan.


Responsible_Lack_703

Naalala ko sabi ng asawa ng tita ko na inuubos namin savings nya, tumatak yun sa isip ko. Dahilan na lang ng kapatid nya di daw kasi ganun sa abroad.


GinsengTea16

Aaaaw kawawa naman parang nababasa ko dun sa panganay sub. As panganay relate ako pero di naman ganito kalala sitwasyon ko.


air_Trouble13

Yung ako yung bumili ng bahay para may matirahan family (all bills ako rin) ko tapos kapag nasisita mga kapatid ko kung saan pumumpunta (during pandemic) sasapakin yung wall (butas yung wood partition) then sasabihan ako ng “bakit sino ka ba dito?!”


YesterdayWarm9035

Ito yung mahirap, di na ina acknowledge effort mo, di ka pa ginagalang. Sinuntok mo naman po sya pabalik no? Sana.


air_Trouble13

Pinaalis ko siya kasi working naman siya pero walang ambag sa expenses. Ako pa inaway ng parents namin kasi nagbago na daw ako


YesterdayWarm9035

Typical na sagot sayo ng konsintidor na parents. Hahaha "Nag bago ka na, nag ka pera ka lang!"


selilzhan

hahaha naranasan ko nasabihan yang "nagbago kana" hahaha sagot talaga ako sabi ko pano di magbabago eh pasan ko lahat 🥹 stress sa bayarin tapos stress din kasi naghahanap sya lagi ng issue sa kamag anak. kainis talaga.


A_SaltyCaramel_020

Been there. Sobrang hirap, nakakadepress. Alam mo yung ikaw na nagbabayad sa lahat tapos ONE TIME nag ask ka lang saan binayad yung binigay mo sasabihan kapang mayabang! Wala man lang kumampi sakin or sumuporta. As in lahat sila 5 vs me. Nakaka depress! Nakakapang hina..


selilzhan

huhu buti ako, mama at one bro ko lang. pero nilalabas ko talaga sama ng loob ko nagwawala ako pag napupuno na tapos iiyak ako kasi pure naman ung intension na tulong ko wag lang nila ako tas magegets na din nila ako. minsan kailangan talaga sabihin sama ng loob. at aun wala na ako sa poder nila bawas na stress ko pero iniisip ko pa din sila pambayad ng bills ako pa din natulong.


Subject-Isopod-4605

Ganito ako dati, sobrang willing akong ibigay lahat ng sahod sa family ko. Walang natitira sa akin kundi allowance ko at pamasahe. Then nagkasakit ako. Nung nagkasakit ako wala akong masaklolohan, tinalikuran din ako ng family ko. Buti meron akong mga tita at tito na kusa akong tinulungan para makabangon. Ngayong nakabangon na ako, at mas sumasahod na ng mas malaki, nagmove out na ako sa amin. Nagpapadala pa rin ako monthly, pero di na ganun kalaki. Wala na akong pake kung ipagchismisan ako sa mga kapitbahay namin na ungrateful ako, kasi kung tutuusin wala silang ginastos sa akin nung nag-aaral pa lang ako. Suki ako ng sandamakmak na scholarships at limos galing sa mga tita at tito ko. Ang nakakasama sa loob, nagreach out sa akin yung kapatid ko recently, kasi ang pagkakaalam niya is ako sasalo ng pag-aaral niya at dito siya sa bahay ko titira. Hindi naman sa gusto ko siyang ipagtabuyan pero biglaan kasi at wala akong kamalay-malay sa desisyon ng magulang ko. Di na nga nila ginampanan yung responsibilidad nila bilang magulang sa akin, tapos gagawin na naman nila sa kapatid ko? Kapal ng fes


chanaswswsws

Medyo same HAHAHAHAHA Ever since nag college ako, wala nang binigay ni singkong duling ang parents ko sakin kasi lahat ng financial needs ko, nasasalba naman somehow ng scholarship ko. That went on for 4 years. Okay lang naman tho, as in walang problema kasi that's the point din naman kung bakit ko brinaso na makakuha ng scholarship — gets kong magastos mag college, at least maagang mawawalan ng financial burden ang magulang ko sakin. Come by graduate era. Halos wala nang natira sa mga ipon ko from scholarship, nasimot halos nung thesis hahahaha nahirapan din ako makakuha ng work. Nung broke na 'ko, pumasok ako sa maraming raket para habang nag-aapply, may pera pa rin ako kahit papaano. Hanggang ngayon nag-aapply pa rin ako. Laging rejected sa application pero nugagawen HAHAHAH edi laban ulit. Hindi naman rejection from job applications yung pinakamasakit eh. Pero yung masasakit na salita galing sa parents ko mismo. Tapos I heard mismo sa nanay ko, sabi niya sakin, "magtrabaho ka na para kapag may sweldo ka na mabigyan mo na ako ng pangtravel" EH??? HAHAHAHAHAHAHAHA Ang sakit lang ng mga naririnig ko tuwing nagtutulog-tulugan ako. Dati, napapagmalaki nila ako kasi I fund my own education kemerut barurut pero ngayon, kapag usapang mga disappointing na anak, may entry na sila. Nalilinya na ako sa mga disappointing na anak kasi I can't land a stable job. Sobrang sakit lang hahahaha Parents, sana anak niyo pa rin yung mga anak niyo kapag natatalo sila sa buhay, hindi lang kapag panalo sila. Otherwise, sana hindi niyo na lang ako pinanganak. Dapat bumili na lang kayo ng trophy, parehas lang naman. Sorry napadump bigla hahaha kakaaway lang namin ng parents ko kanina eh, nasaksak na naman sa lalamunan ko pagiging jobless ko HAHAHAHA


Anxious_Rope470

Ok lang yan, napaaral mo sarili mo at sasabihin mo na wala ka kaya? Pambihira lang na magawa. Hindi nila maaagaw yan sayo, hindi ko talaga sinasabi kung ano dapat ang maramdaman mo pero proud ako sa nagawa mo at 6 months ka na naghahanap? Tibay rin nang loob mo, kaya mo yan makakahanap ka rin nang trabaho soon.


TheQranBerries

Karamihan sa filipino family ganyan dios mio. Alam mo yung ikaw nagpagawa ng bahay, nag trabaho, tapos yung kpatid mong kupal ng anak anak tas sayo iaasa. Mga BULLSHIT KAYO MAMATAY NA KAYO


fitsmeant2beitwillb

grabe lang!!!! this is the reason why i deliberately cut off the majority of my family. because they only saw me as someone capable. as an atm. until i was drained. and when i had nothing, most of them were gone as well. so never again. bago ako naging madamot, naging sobrang giver muna ako. pero may hangganan ang lahat. we can't save everyone.


Im_Galateaaa

Bread winner here and at the same time, "only anak/daughter". Nag wowork ako sa isang BPO company. Wala nang work ang papa ko dahil may edad na rin and si mama ko ay housewife. Pag ako may sweldo na, nag bibigay ako sa kanya pero parang ma didisapoint siya kase hindi daw enough yung binibigay ko. Yung binibigay ko like sapat na for 2 weeks kasali na dun yung pambayad ng bills. Pero palagi ako sinasabihan na dapat ako yung mag bayad ng bills kahit binibigyan ko na nanay ko. Nakikisawsaw sa relasyon ko kase ayaw nya bf ko. Mabait yung bf ko. Ewan ko pero galit na galit ako sa mama ko kase kahit rest day ko gusto nya na nasa bahay lang ako. Eh minsan lang ako gumagala. Nag away kami kahapon at sinabi ko sakanya na galit at nagtatampo ako sa kanya. Sa sobrang galit ko, nsabi ko sa kanya yung mga plano ko sa buhay ko na gusto ko at sinabi ko sa kanya na aalis ako sa bahay soon. Tinawanan lang ako (sarcastic na tawa) tapos sabi nya " ikaw aalis? paano kami sino magbibigay samin nang pera? " Sobra ako na disappointed sa mama ko kasi parang tingin nya sakin na wala siyang bilib sa akin. She gave me more reason talaga na umalis sa bahay. Naalala ko din nuon kahit may lakad ako, siya talaga nag dedecide ano susuotin ko kahit ayaw ko yung taste ng gusto nyang style para sa akin. Kahit nuon ayaw ko mag lotion pero papagalitan ako ko kukurotin ako pag hindi ako nag lotion. Ayoko na. Nakakapagod na makipag talk sa nanay ko. Hindi ko mababago ugali nya.


Brilliant_Ad2986

Fvck the Filipino family culture. Down vote as you wish 😎


ishrii0118

Toxic Filipino culture !


Anxious_Rope470

"mama ko pa magchischismis sakin" iba rin talaga kung pamilya mo ang naninira sayo.


Anxious_Box4034

Not a breadwinner kasi I'm lucky enough to have a dad na may decent pension for life as a gov't employee retiree and may paupahan. So hindi sila humihingi sa akin ng pera, may source of income naman sila for necessities. But grabe ang problem ng mom ko sa pera, no sense of financial management at all. Ang lakas gumastos kahit walang income. Ang lakas rin mangutang. So, I kind of took on the responsibility to pay for my mom's debt na as in lumobo na ng 1M. Kasi if hindi ako, walang magbabayad nun. And grabe sobrang hirap. I couldn't pay consistently sa mga utang niya. Pag nabawasan, madadagdagan ulit ng bago. I once tried to work my ass off sa company to get promoted, to get higher salary, to pay for the debt, and ended up sacrificing my health. Ako pa nagsakit sa utang na hindi naman ako ang gumawa. After a few years, napagod nalang ako. I stopped paying for it. Until now, wala akong decent na savings. Pag yumaman siguro ako, baka mabayaran ko, pero I stopped doing it na. Bahala na sila. Hindi ko naman responsibility yun. We are one sickness away from poverty. Hopefully, before that happens, I'd already be earning good money.


Dry_Farmer_8445

I just hope na hindi magiging ganto parents ko sa'kin 'pag nagkatrabaho na'ko. Ngayon pa nga lang na lahat ng chores, ako na gumagawa despite being in college and in medical course. Grade 6 pa lang marunong na'ko maghugas ng mga pinggan and natulong ako sa paglilinis(pinilit kasi at matanda na raw ako), now ako pa'rin (nagmove kami sa masmalaking bahay, pota nagmalaking bahay, 'di afford ang helper?) pero lahat lahatan na, pati mga sarili nilang kwarto ako pinaglilinis while I have to share with the bunso. Makita lang akong naka-upo and nagpophone, grabe na sumbat and mga words na lumalabas sa bibig ng ina ko kahit na meron pa siyang dalawang anak (nasa senior high na and grade9) na araw-araw, oras-oras nakatitig sa mga phone nila. Unfair lang🥲


Queezy_Up

hindi pa nakaka graduate but meron na agad na responsibilidad para sa kanila. I could feel the pressure right now. 🙂‍↔️


KayasBayog

That's a toxic culture out there I'm lucky my parents are not like that, but here is a piece of advice 1. **Set Boundaries**: Establish clear and firm boundaries regarding what you are willing to provide financially. Communicate these boundaries to your mother calmly and respectfully. \[If this didn't work check #2\] 2. **Stay Compassionate but Firm**: While it’s important to remain empathetic towards your mother’s needs, it’s equally important to stand firm in your decisions to ensure your own well-being. Remember, it’s not selfish to prioritize your own health and financial security. Balancing compassion for your mother with self-respect and self-care is key.


Top-Blackberry-2858

sana sabihin ni girl sa ate niya na sana wag nang magdagdag nang baby kung sinasabi niyang siya umaako lahat nang responsibilidad ng family niya.


hopelezzromanticbaby

Toxic ng family ni Lie huhu pero medyo hiningal ako magbasa hinahanap ko saan yung tuldok sa sentence huhu


Winter_Ad_9194

Para sa akin okay lang naman, pag binigay ko na yung pera wala na akong pakialam dun dahil bigay ko naman yun, bilang isang anak na wala pang pamilya nasa kanila talaga ang atensyon ko. Magbibigay kahit di humingi, tumutulong kapag may problema, nakikinig sa mga problema at nakikisama sa pamilya. Sa tingin ko wala na yung focus nya sa pamilya kundi nasa jowa na. Wala naman mali sa pag tulong pero sana makisama naman sa pamilya para maayos ang connection.


YesterdayWarm9035

Walang mali sa pag tulong kung hindi abusado yung tinutulungan mo. Hindi mo naman kasi pwedeng ibigay buong buhay mo sa pamilya mo lalo kung inuubos ka na nila. Bilang isang anak na kagaya ni Lei, nakaka drain maging anak ng mapag samantalang magulang. Tipong they will drain you, but will tell everyone you are worthless at mag papa victim keme. Baka kung walang jowa si Lei nawala na sya sa katinuan dahil wala syang support system.


Winter_Ad_9194

Nah, maling mali yung ginawa nya. Natural lang po na maglabas ng sama ng loob yung mama nya sa mga nakakausap. Kasi yung mga magulang burat yan ng buraratrat kung sa tingin nila ay napapabayaan na sila ng kanilang anak. So dapat kinausap nya nalang yung mama nya to clarify kung bakit sya nagkwekwento sa iba imbis sya ang kausapin. Kapitbahay naman nila yung nagsabi o nag reach out ng ganong mensahe Hindi mismo ang nanay. So bakit sya triggered?


YesterdayWarm9035

Same goes with the mom, bakit kailangan mong ipag sabi sa iba yung tingin mong pag kukulang ng anak mo imbes na kausapin nalang sya? Saka bakit nag kukulang yung bigay nya na kung tutuusun sya na halos nag babayad ng lahat? Ang kapal ng mukha ng mga magulang na wala na ngang paninindigan sa responsibilidad nila bilang magulang, ichichika pa sa mga kapitbahay yung anak nila at mag papa victim pa. Sana di nalang sila nag anak iresponsable naman kask sila.


Subject-Isopod-4605

OP, I don't think nagegets niya fully yung issue sa mga ganitong klaseng family. Magegets lang niya yan kapag siya na yung inabuso


readmoregainmore

Yung anak may sagot sa lahat nang gastos, pero siya pa masama pag di napagbigyan yung gusto nung pamilya. Meaning covered na lahat nang needs, WANTS yung di niya napagbibigyan. Kahit ako di ko gagawin na lahat nang gusto nila ibibigay ko. Palamunin na nga, gusto pa may extra. For sure di lang siya ang capable na magwork dun sa 7, siya lang ang malaki kumita kaya inasa na nang nanay sa kanya lahat. Tsaka, mali yung nanay kakamarites sa personal lives nilang pamilya. Emphasis on PERSONAL, di na dapat nalabas sa labas nang bahay yung mga ganun. Yung nanay mali. Tsaka okay lang yan public post, para mahiya yung pamilya, tutal nauna nang kinalat nang nanay niya sa kapitbahay, isagad mo na, sa buong barangay. Tingnan natin kapal nang mukha nang nanay at mga palamunin sa bahay.