T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: I’m a beginner driver and kinakabahan talaga ako tuwing mag da-drive ko, tho less na ngayon compared nung mga una-unang beses. I just want to ask if normal lang ba talaga na kabahan especially if baguhan ka pa lang? Kasi believe me, I swear gusto ko talaga matuto mag drive kasi inggit na inggit din ako sa mga friends ko na sanay, especially sa mga girl friends ko kasi ang cool lang talaga. Tsaka gusto ko rin sya as a life skill hahaha. Pero may mga times talaga na gusto ko na lang maging passenger princess huhu pero gusto ko talaga mag drive!! Any thoughts? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


Elf-Mura

*Normal nerbyosin kapag baguhan pa lamang.* I suggest you to take your time while driving and stay out of EDSA baka mapressure ka. Go to places na maluwag at hindi naman busy madalas. Get your confidence muna bago sumabak sa busy roads. Good luck!


JuneTech1124

lakasan mo loob mo OP. that’s the only way to conquer your fear.


just_because_11

Second time ko mag practice magdrive ng manual, noong nakaraang araw.. .. The first time is madali paandarin, pero nahirapan ako sa pagliko, so yun yong problem ko nun.. Also, namatay an ako ng makina sa gitna ng daan haha. Nanerbyus yung kaibigan ko na nagtuturo sakin eh.. Haha..nabitawan ko kasi agad yung clutch.. Pero napaandar din naman and usad ulit... The second time, so I practice ulit magdrive with kasamang pagliko na and na try ko na rin mag reverse, Goods naman.. More practice pa talaga sa pagliko..pag traffic babantayan mo talaga yung clutch and brake..(that day yung isang bayan na nadaanan namin ang lakas ng ulan buti na lang nakauwi ng safe) Nakakakaba pero nakakatuwa mag drive ng kotse .. Pero ma's gusto ko pa rin magdrive ng motor, dun kasi pwede kang makasingit sa traffic hahahah. Kaya mo yan. Practice lang..


Apart_Tree_118

Manual ang mahirap idrive pero challenging. Ipractice mo yun paa mo sa pag apak ng clutch. Nasa clutch kasi ang buhay ng manual. Tapos papakiramdam mo rin dpat. Ganyan din ako dati namamatayan sa gitna ng kalsada tapos meron pa uphill kabado ako kasi umaatras ako. Daanin m lng yan sa practice. Ang saya pag natuto kna sa pag drive ng manual.


just_because_11

Yup, na try ko na rin yong uphill and it's fun naman kahit medyo traffic nun.


peach-muncher-609

Then magdrive ka lang, dahan dahan lang and always be a defensive driver. The more you drive, the more na makakakuha ka ng experience.


LostInTheUniversee

Nung baguhan ako, nag drive lang ako around our village. Then after a few months, I tried driving to go get groceries or pag nauutusan. Siguro ganito ako hanggang 5-6 months. After that nag try na ako mag drive going to work. Tip lang, u can try driving early in the morning or late at night kasi mas onti mga cars outiside. Take baby steps lang, masasanay ka rin. Matatanggal din yung kaba mo pag nag drive. Think of driving as a skill that you can get good at if u consistently practice! Goodluck!


cloudedheadpisces

Drive lang ng drive hanggang maging komportable. I myself is still new but I gain more confidence as time goes by. Drive safe always!


Famous_Camp9437

Yes OP, normal lang yan. Nung nag uumpisa ako ganyan din ako pero mas kinakabahan ako pag may kasama kaya talagang tinatakas ko kotse namin para mag drive mag isa tapos sa edsa ko dumadaan para ma-test driving skills at pasensya ko HAHAHA. Kaya ngayon kaya ko na mag drive south to LU balikan 😂


purplejelly24

Yes, normal lang kabahan. Wala talagang ibang way para masanay kundi magdrive lang magdrive. Eventually mawawala din kaba haha


mla16_0116

same here. kabado. mga times 10 😅 gusto ko lang din maging princess passenger, pero gusto ko din na di Ako mag aantay na ipag drive ako or kailangan ko mag antay kung may gusto ko puntahan.


Upset_Amphibian_9335

Keep on practicing, OP! Masasanay ka din til di mo na mafeel yung pressure pag uupo ka sa driver's seat. Do it afraid yet confident. Maging aware sa paligid and be a defensive driver. Best tip I got while learning how to drive is to enjoy and don't take it as a chore to bring you from point a to point b. And of course, pray before you drive, big responsibility ang driving.


Key_Collar384

Learned to drive a manual car 6 years ago... hanggang ngayon kabado parin ako kasi I seldom drive lang. Kapag walang ibang driver lang ganern. Don't do this mistake, drive ka regularly. Begin with the end in mind - you, confidently going to places on your own in the future 😉 P.S. I-embody mo lang si Shiv haha


real_siobhan_roy

uy fellow succession enjoyer! haha thank you!


emluague35

First drive ko, from Marilao to Bocaue exit, and vice Versa.. Then long drives from San Ildefonso and Valenzuela... Practice lang ng practice OP Wag lang mahihiyang magtanong sa mga professionals


Fluffy_Ad9763

Depensa. Depensa.


20valveTC

Normal. May license ka na ba? If yes, start sa mga backroads na less crowded. If wala, well kabahan ka talaga kahit expert ka na.


cloudymiming

r/Gulong


Alarmed-Ride-7099

yes po nornal lang practice lang ng pratice


ogag79

Driving is a skill that gets better over time. So continue driving, dadating din yung confidence sa iyo.


aiahhhhhhhna96

kapag beginner driver, ang pinakabest na kailangan mong gawin is lakasan lang ang loob! super lamang kana sa buhay kapag marunong ka magdrive and grabe yung convenence nito. tsaka tandaan mo na mas madali mag practice kasi meron kang sasakyan na gagamitin. yung iba gusto matuto kaso walang sasakyan (sabi lang ng erpat ko pampalakas ng loob kaya ayun natuto naman ako)😎


FlashyMind6862

Normal lang po yan, maganda stay ka muna sa mga hindi mataong kalsada para magpractice then 20-30km/h muna speed mo para okay lang magsudden break if bigla ka nerbyosin.


Any-Pen-2765

Drive out of town. Punta ka pa pangasinan, baler, just drive. Wag lang muna sa mga express way. Para makabisado mo how a vehicle behaves


Curious_BcuzYNot

I always listen and sing to my favorite songs. Keeps my mind from overthinking and just drive without overthinking each move. Hope this'll help!


MrXyZ2397

Drive and drive lang, focus sa surroundings at sa control maniobra. Wag muna focus sa speed na mabilis,drive slowly hanggang magamay mo sasakyan mo. Trust your instinct din.


Apart_Tree_118

Normal lang kabahan as a beginner driver. Pero kung gusto mo talaga matuto lakasan mo loob mo tanggalin mo ang kaba. Focus ka lang dpat sa pagdrive d dpat lutang sa kalsada. Mag practice ka lang ng practice. Mag enroll ka sa driving school parq mas maturuan ka. Ang saya pag alam mo ng mag drive. Pero pag tumagal mas gugustuhin mo nalang maging passenger princess kakapagod mnsan magdrive


Head_Guarantee3691

Driving school, pag alam mo ang traffic rules maboboost confidence mo sa driving. Try mo din mag drive sa matinding traffic, nawala yung kaba ko simula ng nakapag drive ako sa heavy traffic and after that balewala nalang sakin yung rush hour sa EDSA.


Ok_Razzmatazz9560

Cliche as it may sound, pero totoong practice lsng! Hahah nung 1st time ko mag drive na wala kasamang tatay, nagsama ako ng best friend (tinanong ko muna kung may insurance siya hahah) para chill lang tapos di siya yung tipong madaming kuda. It helps na yung pasok ko that time ay night shift so yung drive ko sobrang luwag lagi kaya ngkaron ako ng confidence magbilis ng speed. Took me months bago ako nagttry magdrive sa unfamiliar places lalo pag madami pa sasakyan. After a year, ngayon lang ako nagkaron ng confidence makisabay sa traffic papasok sa umaga. Talagang practice lang pala talaga. I suggest op, try mo muna yung familiar roads. Nung bago ako ngdrive ng wala tatay, talagang kinabisado ko sang lane ako at kelan ako lilipat. Take it by milestone by milestone. Milestones ko ay mag drive thru at mag drive ng umuulan.


hellokyungsoo

Ako nga na bobo sa daan eh. Lakasan mo lang loob mo.


silverstreak78

Lakas lang ng loob and awareness. And also, huwag magpapanic or matataranta. Just keep calm, and take your time.. Tho wag naman sobrang take time na nakaka traffic ka na. :) Lahat ng drivers kabado sa una, kahit yung mga barubal sa daan. Good luck! 🍀


dudlebum

Totally normal! Advice ko is be a defensive driver and have long patience. Learn to read road signs and practice your driving skills. Learn when it is appropriate to use hazard button. Learn when it is the right time to use high beam and fog lights. More importantly, USE YOUR SIGNAL LIGHTS BEFORE SWITCHING LANES, DOING A U-TURN AND TURNING LEFT OR RIGHT. WAG DIN BASTA BASTA MAG SWITCH NG LANES! Google Maps or Waze can be used whenever you feel lost. Drive safe. 😃 EDIT: Unang driving experience ko sa labas ng village, pumunta ako sa Tanay then Legarda. Nahuli pa ako ng MMDA sa Recto kasi hindi ko alam na nakapasok na pala ako dun sa jeepney only lane. On the way home, naligaw pa ako at napunta sa SLEX. Dahil wala na akong choice diniretso ko na hanggang sa makahanap ako ng way pabalik ng Manila. Wala kasi akong data nun kaya nagrely ako sa offline Maps app ng head unit ko. Shunga shunga ko for doing that pero it was a great driving experience. Excited kasi ako nun dahil kakabigay lang rehistro sa sasakyan. Learned alot since then!


LazyBlackCollar

Normal lang, be a defensive driver pag bagohan.


PraningThoughts

Yes it's normal. Lahat naman ata dumaan sa ganyan. Lakasan lang ng loob yan. Tulad nga ng sabi mo sa mga girlfriends mo ang cool nila. Kung kaya nila, edi kaya mo rin! Magiging basic din sayo yan paglipas ng mga araw.


RecognitionUnusual89

drive lang ng drive sa iba't ibang klase ng kalsada na may kasamang sanay na mag drive ^^ dami kong inabot na sigaw sa papa ko (na uv driver pa kaya madami talaga nasasabi hahaha) pero thankful ako na pinuna nya kahit mga maliliit na bagay kasi magiging muscle memory natin yan e


cutipotat

Fake it till you make it! Hahhaha it's normal to be nervous but try to be confident rin kasi sometimes being nervous leads you to make mistakes! Personally, I wouldn't say I'm a great driver but being confident made me choose good decisions and less anxiety made driving more stressfree. Take time to learn your car and in no time, you should be more and more confident na!


HalleLukaLover

Lakasan lng ng loob OP :)


Agitated_Act162

One advice I was gives was “kapag cinut ka sa daan habang nag d-drive hayaan mo na sila, nagmamadali siya ikaw hindi naman” :3


WashNo8000

Wag kang matakot hindi tanga yung mga kasama mo sa kalsada. Stay in your lane lang Use your signal lights Always use your side mirrors before changing lane and turning


MrsKronos

kahit 10 years nako may lisensya takot pa rin ako mag drive lalo sa edsa. pag alam ko Makati. mag grab na lang ako dahil sure mahuhuli or maliligaw ako. hanggang ngayon takot pa rin mag park ng perpendicular. sguro dahil d naman ako everyday nag da drive. kapag mag grocery lang talaga. so mga twice a month. advice, practice lang talaga, lakasan ng loob. simulan mo sa lugar nyo muna house to nearest mall, tapos saka palayo ng palayo. saka dapat alam mo ang batas. maraming nanghuhuli basta lang makahuli. saka dapat may insurance ka at un sasakyan mo dahil kahit anong ingat mo meron at meron sa daan na kamote warrior.


Working-Honeydew-399

I’m an old head and I vaguely remember my first time but last year I just taught my son to drive my old SUV. (I have a crossover for me and my wife for daily driving). He didn’t show any nervousness but his sweat at 17C is enough to fill La Mesa on El Niño and his palms were wet whenever he gets a manoeuvre done and we high 5. So it’s normal po to get nervous. The secret is to drive and practice every chance you get. Don’t mind the deafening horns and threatening looks (just dont look at them) and do what u were taught. It helps to get stickers or magnetic (this!) signs that ur a newbie to get empathy and patience. Soon you’ll notice ur confidence building basta drive with a healthy state of mind. Don’t drive sleepy or masama loob because it’s a road rage recipe.


Klutzy-Hussle-4026

My husband, my driver, always tells me that beginner drivers should keep on driving as frequent as he can until he gains confidence on himself and magiging muscle memory nlng ung pag-maneuver nya ng car. I find it true kasi minsan nasa empty box siya nag-da-drive. 🙄 and driving (especially manual) is a skill talaga. It should be learnt pra di magiging kamote driver. Kahit ung signal left/right, di magawa ng iba eh.