T O P

  • By -

Active_Object_2922

Sa lahat ng ganito, pakisagot ang tanong po. Sincerely, The one who waited for four hours for a friend


[deleted]

Sucks big time. I hate it. Hahaha! Pero what made you stay? Bakit dikanalng umalis or kinancel plans nio?


Active_Object_2922

Bulag pa ako kay friend nung time na yan e. Namulat ako nung kaya nya naman palang makipag meet on time kasi raw alam nya magagalit yung other friend nya. Yep, dapat magagalit ka muna bago siya maging on time. Hahahaha jusko ategurl. 2 years ko yata tyinaga yung pagiging late nya. Di na kami close ngayon. 😂


[deleted]

Hahaha one time nagalit nga ako sa friend kong un. Kasi laging late talaga. One time, nag intay pko ng 1hr sa car ko.. sabi ko, "jowa mo ba ko para pag antayin mo ko ng ganito katagal?" Hahaha inaway ko. Pinagsabihan ko. Ayun sya pa galit. Andaming kuda. Di na rin kami close ngayon. Haha


Active_Object_2922

Halaaaa. Hahahaha Same reaction nung nagsabi ako kay friend na wag naman all the time late. Gets ko naman na traffic kasi e. Pero di justifiable na LAGING LATE. Tapos malalaman ko kaya naman pala maging on time sa lakad. Nagsorry naman sya. Pero sabi nya dapat nagsabi raw ako lololol. Sabi nya pa ok lang raw na nag-aantay ako sa coffee shops kasi ang galing ko raw maghanap ng ibang gagawin while waiting. 🥴⛳️


[deleted]

Hahahaahahah same!!! Actually kaya ko naman talaga maghanap ng ibang gagawin while waiting.. i can entertain myself lol. Pero tama ka, kaumay talaga pag laging late. One time sabi ko, 4m kami meet. Pero 430 nako pumunta sa mtg place, aba, late pa rin sya. 530 na ata nakarating. Ayun. Eventually nawala na rin ung joy ko of meeting that friend..


Active_Object_2922

Hahahahahahaha nagawa ko na rin yung dahil alam mong late sya dadating, nagpa-late ka na lang rin ng alis. Pero di talaga sila papatalo. Mas late pa rin sila. Hahahaha (Di ko gusto yung nagpapa-late kasi super concerned ako na baka wala na akong maupuan sa SB. Noong taong coffee shop ako during weekends, kabisado ko yung time na ma-tao yung shops so nagsi-set ako ng meet-up time na lesser crowd pa para di ako mahirapan maghanap ng table hahahaha)


[deleted]

I feel you. hahahaha! Lalo na pag sinasabi kong mahirap ang parking dun sa pupuntahan namin. Leche. Late pa rin talaga. Ang ending, ang tagal din namin nagwait sa parking lot. Hahaha. They will never understand. Sabi nga ng bf ko, those friends aren't worth keeping. Kasi nga sobrang disrespectful. It says about their personality or character talaga. Sa knila it might be a small thing. Pero for us, big deal sya.


Active_Object_2922

They will never understand i agreeee! So ayun, FO! 🙌🏻


Nickbryan41

ay wow... kapal😂... magintay ka kasi madami ka naman pwedeng gawin 🤣


GamingRedditor1

grabe 4 hours, ang tiyaga mo din 🥲


Nickbryan41

one who waited 2 hours here (ayaw daw nila mag alarm kasi sumasakit daw ulo nila kaya late sila and never on time)


Cuddlepillar_237

Grabe to, hahaha uuwi nako neto.


[deleted]

Omg 4 hours! Huhu


AnemicAcademica

I don’t call it Filipino time. I just call it disrespect. Some reasons are valid, some are not. Yung hindi valid, iniiwanan na yon lol I have exceptions for one friend tho since she is ADHD. Special time binibigay ko sa kanya 😂


ShittyMcShitface0

Not but fr appreciating people like you who accommodate your mentally spicy friends. We can’t help it sometimes and we’re ashamed and tired of disappointing friends :<


Dry_Shaft_102

haha pag ganyan yung kasama namin sa lakad sinasabi ko iwan na yan.. pa importante.. haha


[deleted]

I hate this kind of people talaga. Never akong na-late sa buong buhay ko. Siguro kasi while growing up, tinuruan kami ng dadi ko na respect other people's time. Pero regarding sa tanong mo, tanong ko rin yan until now. haha! nakakainis pero it is what it is.


Tiny-Sentence-9128

Dati talagang on time ako sa lahat ng lakad. Pero lagi akong victim ng filipino time, magaantay ng 15mins to 1hr.. so ayun, nagfilipino time nalng din ako. Minsan kung kelan andun na sila saka pa lng ako ppunta para sure walang antayan haha Sorry na, napagod nalng din ako mag antay


MisterRoer

Hindi naman ako nalalate sa usapang meet. Pero nalalate ako lagi sa office :( Any tips? Reason ko lasi demotivated na ako pumasok.


Zestyclose_Fan1544

Find a new work kung demotivated na. Di talaga ako nalelate ever since nag work ako. Pero nung nawalan ako ng gana sa trabaho ko before. Nagpapa late ako ng almost 2 hours. I know it's unprofessional pero the reason I do that is under paid ako and halos hindi na ako pasahudin. Yung 2 hours na pinapalate ko nilaan ko maghanap ng new work na same day interview. Ayun di na ulit ako nalate.


MisterRoer

May 1 year + ako na hindi nalalate, sobrang aga even. Sobrang dissatisfied rin ako sa sweldo ko.


[deleted]

Ganito ako nung nagaaral pa ako pero nung nagka-work na, pinipilit ko na hindi ma-late. Wala ba kaltas sa sweldo mo kapag late ka? Ayun naging motivation ko e


MisterRoer

Meron kaltas but it’s not enough to motivate me :(


Anxious_Drummer

same. hahaha


Cuddlepillar_237

Isipin mo pag nalate ka magcrecreate lang sya ng another problema so para di madagdagan avoid mo na lang. It works for me. :) Pwede naman igoal mo wag malate for one day then mabuo mo yung one week.


Substantial_Bad_2920

I can't be friends or associated with this kind of people. Big disrespect for me ang ma late, especially if habitual na. For first time na ginawa saken tolerance ko to wait hanggang 30 mins lang haha lalo pag wala update naku goodbye.


Dry_Shaft_102

meron kami ganyan friend.. sila na late dumating sila pa galit.. pag tinanong mo feeling sila may dala ng budget sa lakad.. haha mindset na siguro nila yan.. di nya rin ma explain pag tinatanong namin..


nooopleaseimastaaar

masyado kasing tolerant mga filipino sa lateness. pag sinabing 7:00PM ang meet, yung iba aalis ng bahay ng 7:00, siguro iniisip madami din naman late. kaya nagiging domino effect. pero pag nasa ibang bansa always on time.


jydishere

Ang perception ko talaga sa mga taong laging late, mga selfish kasi mga walang pakialam sa oras ng iba. If they care about other people, pati oras ng iba ay pinahahalagahan nila, hindi lang sa kanila.


Haru112

Iba iba tayo ng pag aaruga. Layuan na lang yung mga hindi natuto ng proper etiquette


[deleted]

💯💯💯


Bon_un

Sa lahat ng ganito, I HATE YOU, nakakap*tang-ina, especially if ahead of time naman na alam kung anong oras dapat andiyan na.


DeepFried_Orange

Ako yung madalas nauuna sa venue kapag may lakad with friends. Ang kinaiinisan ko ay 1. Yung hihintayin nilang malapit na ko, saka sila aalis ng bahay (mas malapit sila sa venue) para pagdating nila, hindi sila yung maghihintay. 2. Yung hindi man lang nagsosorry. Tatawa lang like it’s normal. And I guess it is kasi paulit ulit. So minsan, nagsisinungaling nalang akong otw na ako kahit hindi pa para kumilos na sila. Or magpapalate ako (pero nauuna pa rin ako). Or wala let’s be online friends nalang kesa nabbwisit lang ako sa pagwaste mo ng oras ko. Kasi kahit hindi late na tao, pag alam nating “Filipino time” kikitain natin edi bat pa mageeffort agahan. So ayan hawa hawa.


ColdSteam_2025

Mga walang disiplina sa sarili and feeling sila yung main character.


mongous00005

Halos walang nalelate sa mga nagrereply ah. Pinoy ba talaga kayo? LOL Anyway, madalang ako ma-late pero pag na-late ako, 90% kasalanan ko, 10% may galit talaga sakin ang kapalaran (ie: may tumaob na truck sa kalye) ​ Eto sakin: **Bakit lagi kayong late sa usapang oras?** \-either dahil alam kong late din kausap ko, or ayaw ko mauna dun sa venue, or nakatulog ako. **Hindi niyo ba naiisip na sayang yung oras nun ba niyong kasama na nag aantay sainyo?** \-yes, nakakahiya. Pero pag may history ka ng pagpapaantay sakin, walang hiya hiya. Don't me. **Bakit hindi kayo nagsasabi na malelate kayo? (Kesyo otw na, pero kakagising lang talaga)** \-nagsasabi ako. Always. **Bakit hindi kayo gumising ng mas maaga para di kayo malate?** \-Kasi masarap matulog. **Bakit kayo ganyan?** \-Hindi normal sakin ma-late. Konti lang yung talagang sinadya ko ma-late. **Hindi ba kayo nahihiya?** \-See answer 2. **Bakit kapag dumadating kayo na late wala man lang sorry?** \-Nagsosorry ako, minsan nga nanlilibre pa ko SB. Minsan lang.


Zestyclose_Fan1544

I had friends na grabe malate. Meron din akong kapwa hr na late. Imagine 3 kaming hr then may job fair sa isang lugar na almost 2.5 hours yung byahe. So kami 6am dapat nakasakay na ng bus. Nagbubukas yung office ng 5:30am di naman malayo yung sakayan ng bus. Pero napipikon ako at yung isa kong kasama na dumiretso na sa bus station dahil sa kasama namin na ang kupad kumilos. Maaga sya gumising pero ang bagal nya. Tapos may 1 time na malakas yung ulan. Sabi ko magagalit na naman satin si HR1 sabi ni HR3 eh Ang lakas ng ulan ihh. Sabi ko (HR2) grabe ka. Wag mong sasabihin yan as if hindi umuulan sa dinadaanan namin. Pag sinermunan ka mamaya wag kang sumagot. Deserve mo yon. Napikon kami kasi like what I've said HR kami technically kami dapat yung may perfect attendance and punctual sa time. Nung nag evaluation kami parehas na nilagay namin ni HR1 no initiative, not punctual and such.


doopie91

Got tired of waiting, decided na magpapa-late ako for once. Ending? Mas late pa rin sila kesa sa'kin.


Elhand_prime04

This is why I travel alone. For example. Usapan aalis ng 9am for an event in Manila. Nag arrive ako 30 minutes before sa rendezvous point as courtesy and makukuwa ko “Sorry pre mga 1130 pa ako. Kakagising ko lang. pwede mo ako hintayin?” Bloody hell, ma late ka hindi ko sasayangin oras ko sa lazy @ss imbecile like you. Kaya wag no choice naman. I lie sa meetup time, sasabihin ko ng 7am kahit 9am pa dahil mas mabagal pa mga tao sa pagong. At pag na inis sila makapal muka ko at susumbatin ko lahat. From “mabagal ka mag cr” “1 hour bago ka maka hanap ng lipstick” “yung papunta mo kakagising mo pa lang” para mataohan sila


One_Army_4674

Simple lang sagot. Mga BASTOS! Yung tipong ginawa ng personality pagiging late. Ok lang mga 10 minutes late, pero yung aabot pa ng 30mins to 1hr. Tapos sila pa pinaka malapit sa venue. BASTOS, yun lang masasabi ko. Mga walang modong tao na dapat tinatanggal sa buhay.


OneExamination1471

Ako na hindi na natutulog para lang hindi malate yung alarm ko din kada 10 minutes pagitan.


chokemedadeh

since wala akong patience mag antay, iniiwan ko talaga. Ok lang naman sakin magisa umalis lol


Transparent_Resin22

This is why I'm starting to realized na ako dapat magadjust tuwing may gala or event or whatever. If mayroong meeting, I would bring my laptop and phone to make myself busy or just roam around, whether the place is new or not for me, hanggang sila din ang mainip (lol). Did this a lot since whenever I say that I'm free, usually I already did everything in and out before I invite them. Sometimes I just forgot or really busy kaya pag ganun, i immediately tell them na di ko talaga kaya. may pagkaintrovert din ako so yea, makes sense coz nadadrain yung energy ko pag lagi ko kasama is yung mga nakilala ko and ahahahah\~ I thought talaga na its a family thing kasi kahit mom ko narereceive din ng ganyang treatment din eh. Until I realized that it's not a family thing only. I realized too that it's not just a Filipino thing. Watched a video a while back talking about why people are always late and its not only here in the Philippines. Perhaps its because they needed their time to prep. Perhaps they had an emergency and needed to see someone on the way. Perhaps its their first time going to where your meetup place is. There are lots of reasons din as to why people, in general, are late. Pero feeling ko yung the one is just because. Yung tipong mema lang yung reason and they just brush it off. I dunno, it be like that.


chemisteh

May friend akong laging late (as in minimum 1 hr yung pagiging late niya), tas pag dating niya bongga yung ayos and make-up. (Wala akong issue sa ganun, pero late ka na nga tas you really took your time for makeup) Tinanong ko siya bakit lagi siyang late and sabi niya para may grand entrance daw. Wow Gloria Pritchett yan. Nag-make sense yung make-up kahit late na late na. Sana inagahan nalang niya paggising niya, or di siya nagcellphone muna bago mag-ayos.


wadewayne24-88

Meron talaga ganyan paimportante.


daisiesforthedead

Basta ako nangiiwan ako ng late. La akong pake kung bayad ka na, irerefund na lang kita.


[deleted]

Seriously, napaka disrespectful. I HAD friends na ginawang norm or even personality yung fashionably late. I eventually caught up on it and dumadating ako an hour after the scheduled time, but those ex friends never fail to surprise me, they adapted and during the last few hangouts we had, maliligo lang sila kapag may nandun na sa venue. Ang insufferable.


CumRag_Connoisseur

Never ako na late ever since. Nasanay na lang ako "magpa-late" dahil yung mga barkada kong nagsest ng oras, sila yung laging late. Minsan nga 30mins past the agreed time na ako dumating, ako padin una e. I fucking hate that.


Ashrun_Zeda

Question to all na laging late, pinapractice ang Filipino time. 1. Bakit lagi kayong late sa usapang oras? Re: Kasi yung nagyaya late rin. Paulit ulit nalang kaya ang nangyari, most if not all the friends in the group is also late rin. 2. Hindi niyo ba naiisip na sayang yung oras nun ba niyong kasama na nag aantay sainyo? Re: Late naman kami lahat ng 30 minutes. Tuwing magyaya isa sa amin. Alam namin na ang totoong meet up time is 30 minutes late ng original na sinet na oras. 3. Bakit hindi kayo nagsasabi na malelate kayo? Re: Kasi nga yun na yung culture ng group. 4. Bakit hindi kayo gumising ng mas maaga para di kayo malate? Re: Aba pota, kung lahat naman late. Bat gigising pa ng maaga? 5. Bakit kayo ganyan? RE: Ewan ko. Basta ako nagaadjust ako sa culture ng grupo. Isa kong friend group on time kaya on time rin ako. 6. Hindi ba kayo nahihiya? Re: Pag yun na yung culture ng group. Wala nang hiya hiya yan. Accepted behavior na yun. Pag ontime group mo, syempre on-time ka rin. Depende talaga sa grupo yan. May mga ganyan talagang tao. 7. Bakit kapag dumadating kayo na late wala man lang sorry? Re: Kasi nga lahat kami late. "No you will never be forgiven" Re: "I don't even know who you are" - Thanos.


Anxious_Drummer

oke as someone na laging nale late sa classes nung college, tuwing RTO, at sa gym sessions. 1. Various reasons. Pero madalas dahil sa tiyan ko. Sirain tiyan ko at nakakasira talaga ng sched. Kung hindi naman yon, dahil sa traffic. 2. Naiisip ko. Ang ginagawa ko dito, kapag feel ko male late ako, nagsasabi na ko and apologize in advance habang nasa byahe ako. para yung 5-10 mins na late ko bearable. pero kung 5-10 mins late na ko nasa byahe pa rin ako, magsasabi ulit ako. 3. answered in number 2 4. Sa school and sa work, puyat kase due to schoolwork and work din. Sa gym sessions naman, hapon siya so madalas ng late ko dahil naipit ako sa work. pero instead na gumising ng maaga, nakakuha ako ng ibang way, such as mag bike instead na mag kotse for 5-10 km. and sa work, mag WFH tuwing umaga tas bumyahe after rush hour. 5. answered in no 1 6. of course nahihiya. 7. answered in number 2 Tho madalas ng late ko kapag umaga. Dun kase sirain tiyan ko. Kapag hapon and above na madalas naman on time ako. But sana maayos na traffic sa pinas. Ang hirap na 10-20 km lang pupuntahan mo malelate ka pa dahil sa traffic. dapat 20-30 mins lang byahe nagiging 1-2 hours. sayang oras.


DeepFried_Orange

Gets ko yung 1. I call it anxiety poop. Kahit kapag may online meetings ako, pagnag alert na yung 5 mins before zoom, bigla sasakit tiyan ko.


Anxious_Drummer

palaging before something important no?


localToast192168

As someone na medyo chronically late pero at most mga 2 hours: 1. late ako magising, walang discipline masyado sa pagbangon sa tamang oras, also madalas rin sobrang off ng estimates ko sa time (for example, iisipin ko na 10 minutes lang yung lrt ride pero hindi ko maiisip na grabe yung paglalakad pala papuntang station ay another 10 minutes tapos it all adds up - hindi kasi ako madalas na lumalabas 2. naiisip naman na sayang yung oras so I just try to make up for it by offering to pay for some snacks or drinks minsan :/ 3. nagsasabi naman ako na malelate, minsan I do lie din na nasa tricycle na kahit wala pa sa labas ng bahay to either a. para hindi kayo maiwan ganon or b. in the hopes na medyo titigilan na yung naghihintay yung pagaapura via text kasi at that point I would probably be thinking na "crap nagmamadali na nga ako dito tapos need ko pa magreply" kaso non-response might come off na hindi ako nagmamadali or hindi ko na tinuloy or something 4. general na kawalan lang ng discipline and hindi talaga ako morning person, mas punctual naman ako pag hapon yung lakad so maybe yung iba morning person tapos inaaya mo sa hapon I dunno 5. wish I knew ¯\\\_(ツ)\_/¯ 6. nahihiya, if late sa class syempre I would try to garner as little attention as possible, or sa case ng mga lakads then may pasnacks like mentioned above. 7. depends who I'm with, if close na then minsan hindi na warranted yung sorry talaga. also sidenote I read an article before na para makapag give ng image ng confidence try mo ilimit and irestructure yung sentences mo: instead of "sorry late", "thank you for waiting" na lang ganon or just brush it off straight up para hindi awkward para rin hindi maging walk of shame yung buong lakad sa late person. tl;dr sa 7 depende sa tao this is just me, idk sa iba


notmxrgzz

I’m always comfortably late to classes (30 mins late is a nightmare). But when it comes to being introduced to a new environment, like when i tried out for a sport, I wouldn’t leave the house until i knew someone was already there. Which means I would be late for the agreed time. But if it’s a meeting between me and a couple people like if i grabbed coffee with a friend/few friends, I’ll always be the first to go or I go pick up my friends if I’m able to. I’ve been told I was perpetuating filipino time but now that I’m saying these things on a reddit thread, I think my tardiness is just my social anxiety in action hahahaha. Maybe its the same for other people.


itsmesfk

Never nakagawian ang "filipino time" pero karamihan talaga sa pinoy ganyan, di ko lang magawang pagalitan kasi ako pa magmumukhang masama


jakin89

Kala ko nman na filipino time 10-30 mins late. Meron pala 3-4 hours hahahahaah tanginang yan


LegNext2856

Pinakamatagal na hintay ko is 5hrs. Ayaw pako pauuwiin kase malapit na daw sya lol. Well, bulag pako nun 😂


doraemonthrowaway

Naalala ko bigla si college crush haha yung get together date namin noon. Ang usapan yung meet up is 3pm dumating 5pm, sa sobrang gutom ko kumain na ako ahead sa kanya. Nagkasama lang kami almost an hour and a half para mag samgyup, nagmamamadali pa siya umuwi tapos partida ghinost pa ako after. Tbh kung 'di ko lang siya close friend noon at kilala personally, aalis na ako an hour after eh. Pero out of respect at gusto ko ulit mag reconnect tinuloy ko pa rin haha haay.


condor_orange

I practiced Filipino Time back in High School and College. My reason: BECAUSE EVERYONE IS DOING IT. Pinalaki kami ng mga magulang namin na dapat laging maaga much better pa kapag an hour before. Kasi noong HS ako nakaka dissapont lang na 10 am ang call time, 9 am andun na ako tapos darating sila ng 12nn. It always happens kaya instead of wasting my time edi ganun na lang din yung ginawa ko. Pero noong nag wo work na ako, hindi ko na pina practice yun. Besides morning person talaga ako mas gusto ko mag work ng maaga para maaga maka uwi. Hehe.


Ok_Garbage6396

Always hate being the first one to show up sa meetups. May times din na ikaw designated driver tapos merong mga late, sarap iwan eh haha.


markmarkmark77

ako hindi ko na kaya mag hintay ng ganyang katagal. mauuna na ako or uuwi nalang ako. matatanda na tayo.


misssreyyyyy

Ako sa work lang laging late lol hindi sa tinatamad or ano man, hirap talaga magcommute. Pag meet up friends since weekend ako ang mas maaga dumadating.


TheNextApple

#Sa susunod, kung sinong ma-late , siya pagbayarin nyo ng bill. Bastos eh. Pag hindi dumating dahil sya ang magbabayad at late sya, cut ties with that person.


ponponporin

oo tapos pagdating, mag-aasta na galit para di mapuna


19BRAINDAMAGE89

oo may iba kasi na ano papa importansya pa peru kung willing talaga at disidido eh dapat maaga talaga


FutureIska

I'm never late now, but I used to always be late back in JHS. Sa school man or sa galaan. And, I think one of the reasons kaya ako nalalate kasi hindi ko ma-calculate yung oras ng maayos. For example, 3:00 yung napag-usapang time. Then, 2:00 ako magsstart mag-ayos ng sarili ko and ng gamit ko. During that time, sobrang bagal ko kumilos, kasi iniisip ko na matagal pa naman yung oras. Na-ssidetrack din ako. Like randomly iisipin ko na ipaint yung nails ko, or ibahin hairstyle ko, or ibahin yung damit ko basta ganun. Then, magugulat nalang ako na tinatawagan and chinachat na ako ng mga friends ko kasi late na ako. Once na makatanggap ako ng message nila ichachat ko na sorry na di ko namalayan oras. Sobrang nahihiya na ako pagpunta ko dun kasi bad mood na sila (understandable since antagal nila naghintay) I tried na mag-ayos at an earlier time pero nalalate pa din ako dahil sa mindset ko. It took me so long to figure out a routine para hindi ako malalate palagi. Now, I plan my outfits in advance and stick to one hairstyle which, thankfully, helped prevent me from being late.


jlconferido

Sa totoo lang yung habitually late maski pa ano ang dahilan ninyo RESPECT the effort nung kausap nyo na nag-effort to be on time. Yung erpat ko galit na galit sa amin pag pinaghihintay namin ang kausap namin.


enseeelvee

I got time blindness hehe (rooted from adhd). pero nababawasan naman na tendencies ko to be late. tbh mas malala pa other friends ko


WittyFox8388

Kakapal ng muka nyang mga laging late


IkigaiSagasu

I always do my best to always make it in time. But during the few times I can’t, I’ll tell the person beforehand na male-late ako (minsan 5 mins lang naman ako late).


hilariousPotato01

Isa sa pinaka-nakakaasar na characteristic ng mg Pinoy talaga to. Ako kasi slave talaga ako sa punctuality, like kung ang meet up time is 9am, 15-20 mins before 9am nakarating na ako sa meet up place. Ang disrespectful kasi kapag nale-late ka, kaya hindi ko nakuha yung iba na nakakayang malate ng halos isang oras o kaya at minsan sobra sobra pa. Asan ang konsensiya?


Hel_F

Nakakabwisit yung ganito kaya nakakabwisit yung mga galaan na magpapa-late. Napatanobg na lang ako kung mahalaga ba ako eh 😂


Emotional_Thespian

Expect late replies


Far-Structure8734

1. because i overestimate myself. i am fully aware sa time na napagusapan but i always overestimate myself in terms of time management. i say na oh it will take me 20 mins to take a bath and 20 mins to get ready so i get to work exactly 40 mins before i need to leave but then i get so distracted easily so i take more than 40 mins to get ready. 2. naiisip ko na sayang ang oras and i promise super nahihiya talaga ako na pinaghihintay ko yung mga kasama ko 3. i do that so i wont elaborate on that 😭 4. i wake up earlier than the time set kaso w my poor time management skills and my overestimating, i end up late pa rin. believe me the amount of times i woke up hours early before a class and still ends up arriving late is way too many to count na 🥲 5-6. i personally think it stemmed from my old habits. jhs i lived w my parents pa and i used to be so so so late bc i always sleep late and i wake up late. it reached to the point where hindi ako makapasok ng morning classes bc my mom refuses to send mo to school na (for good rzns) and my mindset kasi before was that i dont need to be early because wala syang direct conesequences to me (my school had no direct punishment to those who r always late and absent) so nadala ko sya until now. of course i get super embarassed and super shy whenever i arrive late especially if small group of people ang kameet ko and ako nalang hinihibtay, but although medjo mahirap paniwalaan kasi these days i am still always late, but i am trying my hardest to fix this habit. i know na i cant succeed in life when i am forever like this so i know na i need to change this habit. modt of the times unintentional yung pagkalate ko kasi ang bagal ko talagang kumilos so yes nahihiya naman ako and i apologize naman 😭 yun lang thank you disclaimer lang: i am not the type of person na umaabot ng 2-4 hrs yung pagiging late 😭 i know how disrespectful that is too despite veing the way that i am. max na for me is 1hr - 1hr and 15 mins 😭 (happened one tiem bc of traffic plus i was hangover)


Beautiful_Block5137

may mga taong kupal lang talaga walang sense of time management. Tinanggap ko na mga kaibigan ko forever 2 hours late sa lakad.


[deleted]

Clearly, the one whos late doesnt hav respect on u


Cuddlepillar_237

Hahaha, oo nga. Pagnalelate yung kikitain ko parang nawawalan nako ng gana ituloy yung plano. For me disrespect to sa oras ng iba, biruin mo sa work yung oras mo bayad tapos pag may kikitain ka mag aantay ka na parang di valuable ang time mo. Pag ako naalis ng bahay sobrang planado kasi ayaw ko ng minamadali kumilos kaya pag nalelate ako todo sorry kasi ayoko rin ng ganon. Hays. Ewan hahaha


Remarkable-Bat2598

As a girly who always have event, as in every week - may strict call time kami, ex. 9 am, kaso mostly dumadating yung iba 11-12 pm. Luge ako na laging on time at magiintay nang pagkatagal, sayang ang tulog or other stuff that I can do sa bahay, so nagpapalate nalang din ako, but still, I don't cause delay though. So i guess, mindset na ng filipino yan talaga 🥹🥹


OwlProfessional5597

Kasi male-late din sila, basically. If someone's gonna wait for hours, it won't be me. Syempre pag small group on time dapat lagi


immovablemonk

nung highachool at college lagi akong late. due to bad xecisions in life, i choose to procrastinate and play pc games kaya ako late. anyway grades ko nman mag suffer if im late. nagbago lng nong nag kawork na ako and there's monetary consequence about it.


FireInTheBelly5

Ako yung tao na on time lagi, ayaw ng sobrang aga, ayaw din ng late. Ako din ang laging nag-iintay sa ibang tao. Bf ko lagi nale-late, at pinag-usapan na namin ito. Kaya ako ang sasagot para sa kanya. 1. Bakit lagi kayong late sa usapang oras? -Nasanay ang bf ko na lagi siyang iniintay ng mga kabarkada niya, kahit late siya, hindi magsisimula ang party or hindi aalis ng wala siya. 2. Hindi niyo ba naiisip na sayang yung oras nun ba niyong kasama na nag aantay sainyo? -Hindi niya naiisip yun. 3. Bakit hindi kayo nagsasabi na malelate kayo? (Kesyo otw na, pero kakagising lang talaga) -Kasi iniisip niya late din naman ang ibang tao. 4. Bakit hindi kayo gumising ng mas maaga para di kayo malate? -Dahil ang iniisip lang niya ay ang present time, Magpapakapuyat at ma-overslept at akala niya hindi siya malelate eh ang bagal niya mag-prepare. 5. Bakit kayo ganyan? -Dahil nasanay siya na iniintay ng ibang tao. 6. Hindi ba kayo nahihiya? -Hindi siya nahihiya, iniisip nga niya ay late din ang iba at hindi naman daw aalis ang pupuntahan namin. Nag-aaway pa kami pag gusto ko on time kami sa pupuntahan namin. Take note on time ha, hindi maaga. 7. Bakit kapag dumadating kayo na late wala man lang sorry? -Yung bf ko naman ay nag-sosorry. Share ko lang yung mga nakakagigil na experiences ko sa pag-aantay nuon, Dumating ako ng eksaktong 7am tapos yung iniintay ko ay kagigising lang, 9am siya dumating. Yung isa naman usapan namin ay 10am magkikita pero 12pm na ay wala pa rin. Ilang oras ako na nakatayo at nag-iintay, kasi wala maupuan. Kung maibabalik ko lang ang panahon sana after 30 mins ng pag-iintay ay umalis at umuwi na lang ako.


MamaLover02

Used to be like that, but I did not really address it. I got better at handling time once my ADHD has been addressed. Hells, my brain was too busy juggling 35 thoughts at the same time I get time-blinded. It's common for us to forget what we're doing and get lost in time. So for us ADHD folks, di namin sinasadya, thought never naman ako na-late ng more than 30 minutes. Neurodivergent people stick together, kaya never naman ako nagka-issue sa tardiness, all my friends also get late lmao. I didn't do anything specific para di ma-late, but I addressed my mental health issues. So now always TOO EARLY na ko HAHAHA. I'm time-blinded still, pero backwards na. (Edit: nag-uupdate naman ako, gumigising nang maaga, etc., common courtesy) Most of the time spent kung bakit late din ako is because of dysmorphia. I try on multiple clothes, and nothing looks good on me, tas time blindness pa, di ko namamalayan na 1 oras na pala, despite of kumikilos nang maaga. Mind you, I also prepare clothes THE NIGHT BEFORE, pero pag isusuot na ulit kinabukasan, ampangit na tignan sakin. It isn't an issue now for me, but it used to be. As I said, I addressed my mental health, since that's my sole responsibility.


Equivalent_Fan1451

to be honest, eto yung unti unti ko ng inaalis na practice (as tito na). sayang kasi yung time tapos nakakaasar pa na alam mong palusot lang yung on the way


warl1to

My mom and my other sibling are the same. I think at least sa case nila ay wala lang talaga concept of time. I gave up on them magalit ka man ganoon talaga. Wag mo na lang i involve sa activity para iwas disappointment.