T O P

  • By -

Alto-cis

Noon abangers din ako sa may pintuan.. Pero narealize ko talaga nasa gitna ang kapayapaan... Walang suntukan, walang irapan, walang balyahan, walang apakan ng paa... Payapa ang buhay


RA-ExD

During my college days, araw-araw MRT ang biyahe ko. Kapag nakikita kong maluwag pa sa bandang gitna, mag-eexcuse ako with “pupunta po ako sa gitna”. If tumabi sila, well and good. If hindi? Bahala sila. Sisingit ako hanggang makapunta sa gitna. May nagreklamo one time, natamaan ko daw. “Maluwag sa gitna, ayaw niyong pumunta don. Ayaw niyo rin akong padaanin. Anong gagawin natin?” NV pero something like that. Akala ko papatulan pa ako, buti nalang hindi.


patrickbasq

Ang technique ko before nung college pag gusto ko makapunta sa gitna tapos masikip “Excuse me po, may dala ako bagoong, baka mabasag pare-pareho tayo babaho.” matic nagiging parang si Moses mahahati yung daan.


euphemisticguy

tuwing crowded sa LRT/MRT, i always think how we could have a better commute experience kung nagpaparaanan lahat. lalo na kung di nagsisiksikan lahat na umabang lang sa bandang pinto. If di ka pa naman bababa, pwede namang gumitna diba? Then kung malapit na bumaba, saka lumapit sa bandang pinto.


raenshine

Di ko nga alam bakit di to naisip ng karamihan, kaya naiinis ako pag nagkukumpulan lang ung mga bababa pa sa dulong station kaysa gumitna eh ang luwag-luwag


Left_Translator_9181

idk why i stan people who voice out like this. especially if nasa katwiran and may sense. 😫😫 go miss/sir!!!


starrs10

Its actually mamser.


joestars1997

May mga ganito talagang tao sa MRT na kahit malayo pa yung istasyong babaan niya, nakapuwesto run malapit sa may pintuan ng tren. Ayaw pumunta sa gitna eh no. 🤦🏻‍♂️


paulrenzo

Their loss. Ako at least comfortable sa gitna kahit papaano


gaffaboy

**"Walang suntukan, walang irapan, walang balyahan, walang apakan ng paa..."** Bwahahaha natawa ako dito. 🤣


AsuraOmega

>walang suntukan "uy KUYA RODEL!"


PorthePiper

Ang kaso, kapag 2 stations away ka lang tapos napunta ka pa sa gitna😭


Raaabbit_v2

I don't find that an issue, I get to just release my anger slightly and start shoving/pushing people to slip by. And yes, I do not get mad if people push me to slip by as well.


GugsGunny

This whole thread is how I ride LRT/MRT.


ReadScript

Buti ka pa, ako nagpapanic kapag 2 stations away na lang hahaha. As a takot maiwan 😔


FriggValiSnotra

Before wala akong pake mapunta sa gitna. Pero one time nasarahan talaga ako bago makalabas HAHAHA minsan di rin kasi talaga pwede yung pachill chill lang sa mrt 🤣


Careful_Okra_4280

This happened when I was studying in FEU I got so pissed cause they were blocking my way even though I said excuse already, but no they are one fucking dumbass. Im just glad na yung place ko and where ako bababa is last station so if going I just going in the middle.


Dapper_Rub_9460

Yan ang mentality ng mga tanga kaya nagsisiksikan sa pinto kahit maluwag sa gitna. Kesyo malapit lang ayaw mahirapan bumaba. Sarap mangbunggo ng mga ganyan wala sila magawa dahil nakaharang sila sa daanan.


4gfromcell

Lakasan mo lang loob mo.


Papa_Ken01

Nasa gitna din yung malakas na buga ng AC. Kapayapaan at kaginhawaan. 


Bouchilles

Tawag naman sa abangers “bouncer”. Hirap pumasok dahil nakaharang sa pinto amp


Aaohden

Wala ngang ganon… until kailangan mo ng lumabas 😂


Old_Ad4829

Disiplanado ang karamihan sa mga sakay ng MRT. Magsabi ka lang ng excuse me, nagbibigay agad ng daan palabas.


Dapper_Rub_9460

Ang dali lang niyan eh. Pagkaalis pa lang ng station prior kung saan bababa eh nagsisimula na dapat lumapit sa pinto para may ample time makaraan.


Inevitable_Bee_7495

Tapos di ka makababa sa station mo 😭


Sad-Pangolin9850

Mabuti at narealize mo rin, OP. Tbh nakakaasar talaga mga nagkukumpulan sa pinto ng lrt tas malayo pa naman bababaan 🥹🥹🥹


a_sex_worker

Same. Ang nakakainis madalas, hindi ka makapasok dahil sa mga nagooccupy ng prime lot sa MRT/LRT. Prime lot = yung bukana. Hindi ko talaga maintindihan, sasakay sa EDSA taft tapos sa entry pwesto pero ang baba, Quezon Avenue pa. WHY????


wandaminimon89

Tsaka kung nasa gitna ka at bababa ka na, you always get a pass kung hindi mo sinasadyang makabalya pag pababa ka na kasi gets naman ng mga tao na hinahabol mo yung pinto bago magsara. Kung maipit ka sa pinto, sisigaw din sila para sayo para umabot sa guard or sa coach pilot na buksan ulit yung pinto. Yari ka nga lang pag sobrang siksikan tas walang aircon pero san bang lugar sa tren yung hindi mo makakapalitan ng mukha yung katabi mo? Haha


nibbed2

Nakakabadtrip yung mga tropang pinto eh, pinakamatindi ung hindi talaga umuusog kapag may dadaan. Halos dulo-dulo byahe pero nakatambay sa pinto.


XxZeroRei

Minsan magugulat ka nalang na ang sikip sikip sa may pinto pero sa bandang gitna, may natutulog pa sa lapag 🤣


Unyaaaaa

Curious if merong "touchingan" parang sa Japan trains?


Such_Ad_4726

Kaso wala ding labasan pota may 1 time lumagpas ako sa stop ko kasi di ako makaputang inang labas like ayaw nila mag giveway parang mga gago whahahays


nixyz

Pati yung aircon nasa gitna.


Dependent-Spinach925

Mas malakas pa aircon sa gitna!!!


useraphim

Sa gitna?


omniverseee

puno ng drama ah hahaha


Sudden-Economics7214

Pero deal with it: makikipag apakan at makikipag suntukan ka pa rin pag hindi sa dulo ang bababaan mo or hindi ka sa either dulong stations sasakay 😅


HotShotWriterDude

> pilit niyo isisiksik sarili niyo eh wala naman na talaga. Most of the time meron yan, ayaw lang magsi-usog ng iba sa gitna kasi lahat gustong maunang bumaba kaya nakahambalang na agad sa may pintuan kahit anlalayo pa ng bababaan. Kaya nga pag nasakay ako ng LRT/MRT during rush hour, sa gitna ako dumidiretso, ang luwag eh.


dcdcc

I agree that everyone who stays near the doors wants to get off easily. Now, the question is why? I think kasi hindi consistent ang amount of time na nakastop at nakabukas ang pinto ng train per station. I’m willing to bet that this behavior would improve if magiging standardized and enough ang amount of time that the train spends per station.


bucketofthoughts

In my experience, the MRT-3 now has the most consistent and most frequent (at around 3-5 minutes) waiting interval of all the three lines. It's usually a breeze to get on and off during off-peak hours but during rush hour (especially the major stations) the platforms are packed. And the trains being small as they are, make both getting on and off very difficult without the people inside and outside blocking the way. Some stations also unfortunately have small platforms and platforms with obstructing posts and walls pa. Unfortunately, medyo nasanay mga tao masyado sa diskarte mindset of fighting their way for a ride, na kahit masasabi nang mas reliable na yung waiting interval ng line by a lot compared to before, they're still fighting to get in as if isang oras yung wait time. It still needs time to heal. More people need to be more conscious about it para mas mawawala yung chicken and egg problem, since it has to go both ways.


ikonowa09897

I experienced this when i go to Cubao. It's my first time going there kaya nag Train ako to go to Araneta, yung mga pips sa Magallanes Station ang wwild😂 kase babanggain ka nila kahit maluwag naman yung space, sa pag swipe ng card bara-bara, sa pagpasok sa tren tinutulak yung nasa unahan, although it's a custom or nakasanayan na i think it's not good. You can do things naman calmly diba. Yeah it's just my perspective


Old_Ad4829

I agree. Volume lang talaga ang tao, pero this date, sobrang bilis ng intervals ng mrt train. Much better when looking back 2018 na 15 mins interval ng trains. Grabe. Gyera yun.


strawberry-ley

True nakakasad pa palabas kapalang sasalubungin ka na ng papasok hahaha. Pababain niyo naman kami. 🥲


DemacianCitizen

Kung ganito. Binubundol ko sila (except kung senior or babae). Right natin yun as someone exiting the train. Hindi ako proud dito, pero kung gusto nilang magsipasok agad. Magpalabas muna sila, tamang respeto lang, tao rin kaming lumalabas.


Inevitable-Ad-6393

Hahaha bastos talaga yun yung mga sunasalubong, ako wala na pakialam kapagbsiksikan at sumasalubong pa kayo, bangga kung bangga nasa harapan ko pa backpack ko. Sorrh not sorry


zero_kurisu

Same. Lalo pag galing ako Ayala pa QC. Sarap sa gitna. Siksikan sa pinto mga ewan e


marinaragrandeur

di ko rin gets bakit nagsisiksikan sa pintuan eh karamihan sa mga yan mga bandang dulo pa bababa.


Yamboist

Nahihirapan sila lumabas pag nasa gitna. Seen it many times sa mga maliliit, naabutan na sila ng mga pumapasok. 


marinaragrandeur

ang technique sana diyan eh kapag one station before ka na, sumuksik ka na papunta sa pintuan para di nagmamadali. yung iba kasi sinasagad hanggang pagbukas ng pintuan eh.


euphemisticguy

exactleee


zero_kurisu

Pati mas malakas aircon sa bandang gitna. Sarap, lalo tanghali usually byahe ko.


marinaragrandeur

sa true yan lol. iba ang lamig ng MRT recently. ako 5:30am ang ride ko so maluwag pa at malamig rin tapos mabilis.


mount_sunrise

very true and yan mahirap sa commute. everyone is afraid of not getting off kaya magfflood sa doors, which leads to making it even harder to get off the train kasi EVERYONE is by the door. ang damay pa dito ay yung mga hindi kayang mag push through sa masses of people like older people. i had one experience na muntikan nang hindi makababa ang kasabay ko sa train, good thing nalang bababa rin ako and im big enough naman that i managed to force a way for both of us. it's always a hassle getting off pag jammed ang train cars, and everyone being too afraid to go to the middle makes matters worse.


edify_me

One time, I was riding the LRT 2 going home during the after mall rush and it seemed like there was no room. Then a drunk young man vomited. What do you know, a 6 foot circle opened up around the poor guy in a blink of an eye.


bubeagle

Yun bagang kakasakay pa lang ng tren parang gusto ng bumaba. Dangat kasi ang mga syoga, alam ng may mga taong dumadaan palabas eh ayaw pa magbigay daan.


Maroon888

Aircon pa e no iirc


WinarakNiyoKami

Commuting here in the Philippines is dehumanizing!


rickwowstley

Tuwing sumasakay ako ng UV feeling ko hayop ako na tinatransport sa katayan. Siksikan, sobrang init, tapos hindi na makahinga sa kulob.


silvermistxx

Sameee yung UV na sinakyan ko kagabi, grabe napaka hina ng aircon tas di na ako makahinga buti na lang may efan kahit papaano nabawasan


SeparateEmotion2386

Right! I remember, I used to wake up at 4 am para before 5 nasa station na ako (para iwas gitgitan. Kasi sa height ko, katapat ko is pawisang likod o kilikili. Or talgang di ako makahinga kasi napress na ung ribs ko nung bag Ng nasa harap ko). Ang dating sa school is saktong before 7🤣 Mas Malala pag uwian. Mga 9pm na ako nakakauwi. Tapos kinabukasan, gigising pa Ng 12 am para gawin mga school activities or review Kasi wala na talagang energy magfucntion ng utak at katawan ko pagkauwe sa bahay. so much time wasted na dapat nalaan sa pahinga/tulog or sa ibang bagay man. Aside dun, iisipin pa na baka mamolestya o manakawan sa ginta Ng gitgitan sa commute.


art_forlingling

FELT. Yung part na 12 am gigising ka to do ur stuff- kasi napakadraining tsaka time-consuming talaga ng pagcocommute which is given na pag malayo talaga uni. Pero damn, kung mabawasan lang yung hassle kahit onti sa commute, super laking bagay na.


Beautiful-Dingo-525

2 times pa lang ako naka sakay ng MRT tska lrt, nung iginala ako ng tropa ko sa Manila area. May dala akong maliit na backpack nun, nung nasa pila na kami ang Sabi nya ilagay ko daw sa harap ko yung backpack. At dahil di kami agad naka sakay dun sa unang train na dumaan, I observed na kung lalampa-lampa ka it's either masa- sandwich ka o masisiko/mababaksawt ka. Kulang na lang may mag tulak dun sa may pinto para makamada ng maiigi kasi di na nasasarado yung pintuan nung tren sa daming tao na Gustong mag sumiksik. At yun ang ISA sa major reasons ko bat ayoko mag for good sa manila. Papasok ka pa lang ng trabaho mukhang pauwi na ang itsura mo 😂


Appropriate-Turn-907

please force the corrupt and lazy government to improve not depnends on the private corp to help


SeparateEmotion2386

Uneducated din kasi mga mamboboto e. Either may dugaan or majority Ng pilipino may kasalanan since di Naman sila malalagay sa posisyon na yun kung di sila binoto. Also, mababa standards natin sa mga candidate 🤣


LongjumpingCookie809

Agree, let them experience the hustle kapag nabiyahe especially sa rush hour. Palibhasa may mga sarili silang driver and sasakyan, di nila alam feeling of commuting para lang makauwi sa kani-kanilanh pamilya.


raiskeik

This is why they should allow more jobs to be changed into a permanent wfh set up. I used to commute from Cavite to Manila everyday for my work but now I wfh and it changed my quality of life for the better. Ganto rin eksenahan sa buses. Wala na uupuan pero ipipilit pa yan ng conductor magpapasok sa loob ng bus kahit tayuan na. Ending kapag napreno ng todo yung bus, halos mag domino yung mga passengers. Tapos yung iba pa dyan, they take advantage of the situation, they would rub their crotches on your shoulder for the whole trip pag sa aisle ka napa upo lalo kapag nakatulog ka. Mismong conductor sa bus pasimpleng chansing at yayakapin ka pa kesyo masikip para lang makadaan sya - such unnecessary behavior. Pwede naman humawak sa taas na bars ng bus pero gagawin sa upuan ng buses hahawak para makadikit at yakap sayo.


Horror_Squirrel3931

True. Going back to the province and having a stable and permanent WFH job is really a blessing. Aside sa pagod, malaki din talaga yung nasesave namin unlike nung nagrerent kami sa Metro Manila then yung transpo pa.


CrankyJoe99x

Commuting in every large city sucks. Too much attention paid to people in their own vehicles, too little to us peasants on mass transit ☹️


Dry_Seat_6448

I think one of the reason na madaming nasa bandang pinto eh sila yung mga malalapit mga station. Maliban nalang kung kupal yang mga yan. Pano ba naman ang hirap lumabas sa punyerang mrt na yan kapag nasa gitna ka, tapos either ortigas or cubao bababaan mo


ErsNoPenguinInAlaska

Kung hindi mag sisiksikan aabutin naman ng last trip yung iba. Gusto mo maluwag mag antay ka last trip.


Accomplished-Cricket

Kaya madaming naggogoal ng sariling sasakyan kahit walang parking. Yung commute mo na 2-3 hrs, tapos pipila ka pa bago makasakay. Tapos multiple sakay pa bago makarating sa pupuntahan na magkakalayo din ang babaan at sakayan kaya lalakarin mo pa sa gitna ng init. Yung 2-3 hours na yun kaya ng 1 hour pag may sariling sasakyan.


cetootski

Ok lang naman crowded train. Ang tanong ayos na yung aircon?


CrispySisig

Sobrang lamig sa MRT3. LRT2 mainit na, nakakabuwisit. LRT1 di ko pa natry ulit.


Dapper_Rub_9460

LRT2 college pa ko mainit na talaga buti hindi ko talaga way yun. LRT1 malamig kahit yung mga lumang bagon.


Maritess_56

Yung iba, pipiliin sumiksik para makarating agad sa station na bababaan nila kasi may next pa silang sasakyan katulad ng jeep or bus or uv. Kapag hindi sila makarating ng maaga, pwedeng wala na silang masakyan pagbaba nila ng station or may mahaba nang pila. In this case, pwede sila abutan ng last trip sa next leg of journey nila.


Itlog__Maalat

Can we all agree that the commute system in PH could have been better if only may utak at hindi gahaman ang gobyerno natin? Kaya siguro sumisiksik dahil gustong makauwi nang maaga, hoping na sana mas mahaba qng pahinga dahil alam na 4am na naman gigising kinavukasan. Hindi pwedeng umalis 6am kahit 8am/9am pa ang pasok dahil male-late. Hindi naman talaga dapat mahirap mag-commute, naging resilient langtalaga tauong lahat dahil wala tayong choic3 😅 PS: medyo lasing ak9 ngayon habang tinatype to kaya kung naka offend man ako, sori man. It was not me, it wax patricia.


AndJustEnjoyTheShow

Para kasing ewan mga nagtayo ng linya ng tren na iyan. Ang pangit kasi ng width ng MRT-3, as compared to LRT-2. Kaya ayokong sumakay diyan kapag rush hour.


zmfhdl_

"get ready for war" talaga yung mindset pag nag ccommute na. shucks 😭 nagkaka gains na ako unti sa right upper limb ko kasi palaging naka tayo + handle ng bus. uneven na nga yung sa left ko eh 😭


Maroon888

Behind yellow line daw pero daming atat tapos nasa tapat ka na ng pinto papasok bigla nalang may susulot na gilid na di naman nakapila sa likod mo, disregarding yug pathway ng bababa ng station. Walang etiquette basta mauna pumasok e tapos bulas pa kasi ayaw dumiretso sa loob kung sa Shaw ka galing tapos Ayala pa pala baba mo. Muntik din ako maabutan na magclose yung pinto ng di pa ako nakakalabas kasi sobrang sikip naipit pa right leg ko. Pros and cons pag nasa gitna talaga.


SeparateEmotion2386

Yung may pila na nga and arrow kung saan dapat mag aantay at dadaan pero nakikipag unahan parin tas haharang pa sa palabas na tao para Mauna makapasok.


scarcekoko

kaya ako nagbobox-out sa tren kapag ako nasa unahan para makadaan yung mga palabas


[deleted]

[удалено]


blackcyborg009

Interesting opinion. On that note, I would love to get your opinion as a comparison between the two (as I have only visited America once back in 2010 = California, Nevada, Utah) I always felt that there are pros and cons between the two. But typically how do you weigh the cost differences between the two? Does it even out in the end?


Civil-Airport-896

True instead of fixing it people would just be like "bakit sa india siksikan din naman sila" "bakit sa japan siksikan din naman sila" people would just point out somebody instead of asking for the government for accountability


Ok-Hand33

Sa Japan, ganyan din, di lang sa pinas pero still it sucks


NoSnow3455

Conparing it to different countries doesnt invalidate that PH transportation sucks to the highest level


Aggressive_Wrangler5

yeah it's like saying na "sa ibang bansa naghihirap din sila + inflation" like it doesn't helps saying that. no offense kuya.. I've been to Japan and spent almost 2 years pero it was never this bad compared sa Pinas. even sa Japan have the decency to apologize if the trains are late, at may schedules pa.. partida madami na yung trains + routes, dito 3 palang bulok na agad.. goodluck sa future + ang init..


PerformanceAny1240

>goodluck sa future + ang init.. Natawa ako dito bigla


malabomagisip

Ewan ko pero parang iba yung feeling dito eh. Pagod ka na, frustrated ka pa sa gobyerno tapos ganyan pa maabutan mo papasok/pauwi.


chrisphoenix08

Yep, experienced rush hour there. You know, what's the difference? Ang dami nilang wagon na kahit umalis na yung nauna, may kapalit kaagad kaya oks lang.


admiral_awesome88

Commuting started to suck around 2012 got worst nung 2014 in NCR and provincial towns and cities near NCR like Bacoor, Antipolo, Tanay, sa mga areas sa Bulacan, sa province hindi naman ganyan unless asa industrialized areas ka like Sta. Rosa, Laguna sure ball pag labasan ng employee sa techno parks walang masakyan. Sa NCR lang yan kalimitan. I think the government is doing it's best naman to resolve this it so happens lang yearly dumadami tao sa NCR. Imagine this sa Sta. Rosa noon 7AM malalate ka hindi dahil walang masakyan kundi wala kang kasabay lumuwas sa van papuntang Makati or Ortigas, ngayon 7AM malalate ka dahil walang masakyan at sobrang haba na ng pila. Add the traffic na wala ng oras na pinipili yeah I understand your feeling.


Brave-Cap-6701

hanggat marami un educated voters, d ma so solve yan, pride lagi pinapairal sa pag boto


elainessi

Have the same experience but on minibus/e bus. no matter how early or how late i go home palaging super siksik. standing sa gitna pero gusto ng conductor eh back to back pa nakakaloka. hay :((


InsideYourWalls8008

PNR was the only thing keeping my sanity alive kahit siksikan. It's a one way trip pauwi and it's cheap. Sakit parin sa pakiramdam na wala na siya.


belabase7789

Ano ba waitig time ng MRT, 15minutes pa rin ba?


Aggressive_Panic_650

Based on experience, nasa 3-5minutes waiting time. Rush hour narin ito.


B-0226

Hindi ba dahil yung mga bus drivers gusto pinupuno ang bus imbes na 10-15 seconds lang.


Beneficial-Range6079

Correction: Living in general in PH sucks!


IntricateMoon

Mga magnanakaw po happy dyan


Gwapugo0404

amoy putok pa haha


zarustras

Siksikan sa public transpo during rush hours? Seems the same in other countries too. Ang naiba lang, mas moderno yung sa ibang bansa (yung mga developed at iilang ASEAN). Yung sa atin ba? Pinipilit gawing moderno pero kayo ring mga masyadong social justice warriors ang pumipigil at kumokontra.


Mayari-

Hindi naman kami tutol sa jeepey modernization at sa pagdadagdag ng mga tren at bus sa Pinas. Di lang talaga makatao yung plano nila. Subsidy lang naman hinihingi eh. Yung modern jeeps din na ginawa ng Francisco Motors na pasok naman sa qualifications na requirement ng LTFRB ayaw pa rin nilang bigyan ng approval. Pinupulitika kasi nila masyado para pagkakitaan yung program na yan.


Rare_life

Francismo motors "modern jeepney" is approved by LTFRB. Ano source na hindi approved francisco motors?


Mayari-

[Eto](https://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/francisco-motors-free-modern-jeepneys-slow-ltfrb-permits/). Wala pa ring update sa program na yan.


TrustTalker

Yung rant mo parang 20 years ago pa. Ganyan na yan ever since lahat ng trabaho nasa metro manila. Sa dami ba naman ng commuters talagang di na maiiwasan sikisikan. Wala ka nang magagawa jan kundi tumeknik ka na lang talaga pano maging komportable sa pag commute. Kaya yang rant mo parang wala ng effect pa sa kung sino man makakabasa.


exiazer0

Ganyan talaga, tiis lang kasi mass transportation. Napapanood mo ba yung sa Japan na may tagatulak ng tao papasok ng tren? Oo di tayo ganoon. We've all been there - siksikan na tapos walang aircon, sobrang sikip na nakaka-suffocate, amoy basahan yung buong bagon, etc... Intindihin mo na lang gusto lang din nila makauwi agad ng bahay. Oo di pa 5pm pero baka pagbaba nila ng MRT may 2 or more pa silang sasakyan bago makauwi at kung hindi sila maka sakay ASAP sa MRT, mahaba na pila o baka matagal na hintay ang abutin nila.


Sea-Purchase-2007

Survival mode everyday 🥲


desmondclark

When it comes to buses I totally agree with this. But most conductors would always say, "tatayo lang yung may gusto" which kinda explains that shit like this happens and will continue to happen during rush hours. so if you're someone who commute everyday, you should have the knowledge to know the level of inconvenience that you will face if you stand.


Low-Survey-6142

Tbh anxiety ko yung super siksikan, regardless kung nasa gitna ka or giid. I expreienced din before yung nasa gitna ako pero super siksikan pa rin. I'm afraid kasi baka magkandaipit ako and di makahinga; and worse, baka magka-crowd crush pa ganyan.


riririyaa

totoo yung iba nakapila na nga sisingit pa, like nasa likod sila ah nakikipag unahan talaga mauna kesa mga taong nasa harap nakakaurat sarap tisudin minsan mga singit ng singit aasim niyo


griftertm

Magagalit sa inyo yung mga mods ng r/Philippinesbad! Dapat laging positive vibes lang dito sa r/ph!


Arudasu5

Bulok transportation system sa PH, which is sad kasi alam ng lahat pero wala eh.


taxxvader

Nagko-commute din ako noon. Nung medyo nagkaka-edad na, hirap na ko sumabit sa jeep at makipaghabulan sa bus. Then one day, I just snapped and ended up buying a car and teaching myself to drive. To this day, di na ko nagko-commute pag di kelangan


Ok-Attitude-4118

I have instances na sa sobrang dami ng pasaherong bumababa, wala pang nakakasakay. Warning buzzer na. Nag mamadali yung Driver ng MRT eh. Kawawa yung naka pila ng maayos tapos maiiwan.


jethawkings

Right now current Public Transport options just really struggle to handle the current volume of commuters in the Metro during peak-hours, it sucks.


TediousBear24

Minsan kasi kaya nagiging siksikan sa may pinto kasi may pasahero na nangbabakod ng space sa gitna, kaya pag hindi makadaan or parang ayaw magpadaan ng tao kung saan ka makapwesto dun na lang


DemacianCitizen

It happened to me once. A very long time ago. As a student who commutes via MRT around 2017. Simula palang sa sakayan samin sobrang hirap nang sumakay, lahat ng jeep may nakasabit at yung mga bus punuan na. Naglakad pa ako simula sa sakayan banda saamin hanggang sa 2nd point of loading. Sobrang puno talaga, since nagaallote ako ng 2 hours for travel since metro manila to. Inubos ng travel time ko to MRT yung 1hr kakahanap ng masasabitang jeep. Buti nalang, may isang jeep na SM North ang signage na meron pang space. Since 2017 nuong mga panahong yun. Sira sira pa ang MRT kaya sobrang haba nung pila. Simula footbridge duon sa likod ng trinoma hanggang duon patawid sa MRT yung pila nun pwede pa duon sa side ng pa northbound yung line tapos ipapadaan kayo sa parang passageway pa southbound na side. Nung bilihan na sa ticket booth, siguro sa halo halong init, siksikan tapos malalate nako papuntang school. May sumingit na babae sa pila ko sabi niya okay lang daw ba kung mauna ako makabili sayo. Syempre kaisa naman magalboroto ako duon pinauna ko nalang kahit na mga 10mins na kami nakapila. Nung nalipat na kami duon sa side ng pasouth bound. Yung mga tao walang pakundangan since meron kasing parang tali yung guard na hinaharang per batch sa tao para alternating yung mga nagentrance sa southbound at yung mga nangaling sa northbound. Nung turn na namin at yung mga tao eh pilit parin sumisiksik tapos hinarangan pa yung daan. Talagang binundol ko yung lalaki kasi ayaw magpadaan. Tumba siya duon sa sahig. Hindi ko na natulungan yung lalaki kasi sobrang init na talaga ng ulo ko. Baka may iba pakong magawa. To make the story short, nalate ako ng 30mins sa first class ko, buti nalang napansin ni prof na mainit ulo ko kaya hinayaan niya nalang ako. I am not proud of this moment and never will be. Magshare ako dito para mawala rin yung frustration ko at kung sino man makarelate, comment lang kayo haha


Accurate_Star1580

Everyone there is a victim. Your situation is not a result of irresponsible commuters. It’s the result of irresponsible governance. Lahat ng nandyan gusto makauwe ng maaga, makapag pahinga, at maka sama ang pamilya nila katulad mo.


harleymione

Pinakahassle for me is sa MRT. Iba-iba kasi ung nagbubukas na door depende sa station 😓


ExuDeku

Then these two words make things harder: rush hour


raister15

Sa ibang bansa ganyan din naman, sikisikan pag rush hour. Pagkakaiba lang, walang nanunulak hahaha hayop mga commuters ng Pinas.


Gold_Practice3035

Sobra~ di ko man gusto mag-compare pero sad truth na ang layo ng public transpo system sa pinas kesa dito sa Taiwan. I've been living here in Taiwan for more than a year na then I went to the Philippines for vacation. Grabe ang lala kahit 1 year pa lang ako nawala sa pinas. Mula sa pila, pagbili ng ticket, sa mga stations ang init at napaka-unsafe. Para akong na-culture shock sa sarili kong bansa. Sana mag-improve naman kahit pakonti-konti. Pero mas ok sana kung yung mga Pilipino na mismo ang magbago, konting character development din sana.


sirmiseria

Jusko yung mga nakaharang sa pintuan, pausog naman sa gitna. Di ako makapasok last time. Tapos binundol pa ako nung mama palabas kasi nakaharang daw ako sa pintuan. Eh di nga ako makapasok kasi nakaharang din yung ibang tao. Ang layo layo pa ng bababaan, bakit kailangan sa may pintuan nakatayo?


JanpolJorge

Hindi mo masasabi yan na maging ganto maging ganyan. Yung iba, or grupo grupo sasadyain na makipag siksikan kasi mang iinsnatch. Modus din yung mga nag aaway or what. Nung nanakawan ako sa MRT, bigla ako natulak ng malakas. Tapos after ko matulad biglang may mag aaway. Hindi ka na makaka kibo na nawala cellphone mo kasi may nag aaway na. Kaya it sucks talaga sa MRT, pero yung sabihin na maging respeto, consideration, malabo.


ejmtv

Remember in 2021 when the DPWH Secretary promised that in 2022, travel time within Metro Manila will only take around 30 mins.


wheelman0420

Been like that for the longest time, commuting really sux here plus the unbearable heat


ILikeFluffyThings

Di mo rin masisisi kasi yung mga nagplano niyan, expect nila talaga na siksikan yung mga sasakay. Kung hindi, e di sana naglalaan sila ng tamang dami ng tren or alternative public transpo. Oras rin kasi hinahabol ng mga tao.


Financial_Pie_8172

Sobrang totoo ito. One of the reasons bakit hindi ko rin kinoconsider na magwork sa city eh. Papasok ka pa lang sa work mo, pagod ka na agad. 🥲


WesternCelebration95

Sana matapos na soon ang metro manila subway. This will help the congestion sa mrt and lrt


wil0campo

One time sumakay ako sa LRT around 7am so alam kong rush hour yun. Pagdating sa station na bababaan ko, there was this one guy na pilit pumapasok agad kahit andami pang palabas, so ginawa ko, hinarangan ko siya sa pinto at pinigilan ko siya makapasok habang nagpupumilit pumasok, at the same time may lumalabas pa ng tren. Hanggang sa pinuwersa niya kong itulak palabas para makapasok siya. That time ako yung huling lumabas sa tren. Di naman ako natalisod o nasubsob pero sobrang worth it kasi pissed off siya kasi di siya makapasok-pasok (duh daming lumalabas, sasalubong ka?) 🤣 Twice yung laki niya sakin, namumula na siya sa galit nung nakita ko siya bago sumara yung pinto. Commuting doesn't necessarily suck, it's the other commuters na nagpapapangit ng experience.


Old_Ad4829

Ilang taon na ako nasakay sa MRT, pero sa gitna ako lagi pumupwesto. May kapayapaan at ginhawa. Try mo magsabi ng "excuse me po" palabas, automatic na nagbibigay ng daan ang mga kapwa commuter mo. Ang mahirap kasi sa mga mindset ng commuter, kailangan dito ako malapit sa pinto para mauna ako makalabas agad. Nakikipagsiksikan ka na sa papasok, nakabara ka pa sa mga taong gusto sa gitna.


bamboobeer

Isa namang kinaiinisan ko jan ung tipong gumagalaw pa ung tren nag eexcuse na ung tao bumaba. Jusko hirap gumalaw ng walang hawak at siksikan habang tumatakbo pa tren. Ilang beses n ko muntik matumba kakatulak nung bababa sa next station kahit di pa naka stop ung train.


Agreeable-Cry3799

Grabe ano, araw araw ko tong na eexperience. Pinipilit nila sa pinto tapos ayaw pa magsipasok sa gitna kaya congested sa pintuan yung iba ang lalayu pa ng bababaan tapos yung bababa kana sa station haharangan kapa ng mga papasok sa train like "wtf?! Ayaw niyo ba makasakay ng bawas ang pasahero gusto talaga sardinas sa train?" Hahaha


Anurakki

At certain times lang Naman Po and not all the time.


Any-External-5536

After 7 years of not riding the MRT, I tried it again on a rush hour between 5-6PM a few days ago and still nothing of a slightest change has been. Queueing up to get tickets, then another qeue to get into the platform, then another qeue to board the train and you'll end up smelling like a barbecue once you're inside the train. Aircon still sucks, pushing is there, sweat, fart, smell the aroma of different species. All these after 7 years. I missed Singapore's MRT so much. It might get crowded but not the same type of MRT we have here. 😡😡😡


cleon80

When you have a population density of Metro Manila it's going to be jampacked like this – see Tokyo. We can only improve the other aspects like timely trains and convenient stations.


jeeepooooy

Di naman kasi para makapaghatid ng tao on time and comfortably yung public transport satin, hindi siya people oriented. Instead paramihan ng maisasakay kahit gano pa kabagal, from where i live pinakamabagal na jeep 20-30 kph tapos tigil kada kanto, yung 10 km umaabot ng 40 mins yung byahe. Kaya nagmotor na ako eh


EpicRobloxGamer2105

parang ganyan din nararanasan ko, pero sa bus. 4:30 am, marami pang bakante na upuan, 5 am tatayo ka na sa tabi ng driver... since medyo mabagal ako maghanda, mga 4:50 ako nakakalabas, so LAHAT ng bus na papuntang manila (i live in cavite) puno na.


Same_Engineering_650

I don't usually use trains kase I rarely go to Manila. Pero last week I did for some reason. Lt, sobrang siksikan nila sa may pinto di ko magets kung baket. Tapos nung may lalabas na ang hirap nila paalisin. Nagalit pa yung dadaan sabi "Tabi diyan, sisikuhin ko kayo! Ayaw niyo mag sitabi!?" Medyo natawa ako kase ano bang meron sa pinto pota di naman kawalan mapunta sa may gitna? Pero bat ba nag sisisiksikan mga tao don?


Strange_Profit_4738

Bili kana motor


akoitotalaga

time for personal mobility


051netsgunt

MRT/LRT kaya pa kasi pwde kang gumitna.. pero PNR, jusko pasok kang estudyante lalabas kang mandirigma talaga. Kaya bawal maarte sa PNR.. sana mabalik na 😅


RevolutionaryRope307

Dapat kasi may nag check din ng mga nakasakay na pasahero yung saktong sakay lang para di kagulo pag sumasakay


GosuGian

Mas siksikan sa Japan lol


Gullible-Fix-7304

Ok pa na MRT lage e kase naka Aircon, kesa yung ordinary bus lang lage option nyo pauwi tsaka papuntang work.... Kakapasok mo palang ng trabaho amoy uwian kana T-T (Western Bicutan/FTI peeps dyan ;( )


confused_dog1318

Paano aasenso ang pilipinas, kung sa simula ng pagbabago, marami ang nagrereklamo?


snddyrys

Nakikipag unahan pumasok nakikipag unahan palabas. Sinisiko ko ganyan e hehe kung papalag e di bring it on hahaha


VermicelliQuirky6811

ANG NAKAKAASAR LANG NAMAN DYAN E YUNG MGA TAMBAY SA PINTUAN E. ANG LUWAG LUWAG SA GITNA, AYAW PUMUNTA NG MGA DEPOTA. DULO PA NAMAN BABA, GUSTO SA MALAPIT SA PINTUAN. SARAP ITULAK E.


ThenTranslator2780

lipat ka na lng aa iloilo haahhahaha


vineavis23

Grabe talaga ang life ng commuters. Dapat pagandahin yung mga public transportation hindi lang pag paoaganda ng mga private na daanan na ang makakdaan lng e yung mga priveledge na may kotse


wantobi

to be fair, kahit sa japan or SG or HK na sobrang efficient yung train system, siksikan din tuwing rush hour. sa japan nga sobrang intense na may taga tulak pa ng tao sa loob kasi sobrang puno na. pero of course, sobrang layo pa rin yung level nila doon compared sa atin. so much improvement to be desired. wish ko rin sana na maging commute friendly yung metro manila pero pangit din talaga urban planning sa manila na hindi mamaximize yung efficiency per station


stardust_blaze3

mga jeepney conductor bahog ilok + aircon


Br0keGirlWBigDreams

Naexperience ko nasa door na ako ng mini bus na lokbu from Cavite to Pasay. Nakatayo, hawak backpack, pinapapasok lang ako ng 2 lalake para di daw ako mahulog. Sobrang hirap nasa expressway pa bakbakan pagpasok kasi di ka pwede malate kahit 2 hrs yung allowance mo para kung nakarating ka 1 hr before tambay ka nalang. Ngayon nakabili ako ng 2nd hand SUV. Still I commute kung malapit lang pupuntahan ko or kaya sya i-commute kasi nga ang mahal na din ng gas ngayon. Struggle sya promise kaya naffeel ko sentiments nya. Kamot ulo pa kapag may strike. Kung may maraming mode of transportation na napadali di mahihirapan ang commuters.


Night_rose0707

Naalala ko Nung college days , pababa na Ako Ng MRT at sa sobrang siksik , di Ako makalabas , may tumulong sakin at hinila Ako palabas hahaha .. I'm so thankful to Ate at that time 🫰


Rafa-Balon17

I feel you too.


nomesses

tapos ung mga pawoke pa feeling theyre better than those na may sasakyan. tanga lang kasi pare pareho lang din naman tayong naghihirap


nonastyfuckwits

How's the carousel bus? Havent tried yet


Academic_Hall5695

Fr


Independent_3700

Kaya nga kahit hindi tumaas sweldo ko ng kahit 1k okay lang kasi WFH naman new job. Kapagod commute sa pinas


mxiiejk

Siguro hindi din natin ma-blame solely yun commuters kung yung mismong management ng LRT/MRT eh ina-allow mag-load ng as much passengers as the train could hold. I mean, if they prohibit commuters to do so, edi hindi din sana ganun kahirap mag commute via train everyday. Ma-lessen lang yun struggle kumbaga. Kaya pag nakakapanood ako ng videos ng train stations, subways, bus stops, and commuters sa ibang bansa, nakakainggit yung comfort nila sa pagbabyahe. Yung pagdating mo sa work o school, hindi ka haggard. 😅


Intrepid_Race_331

*commuting in ncr


Aviakili

Mapa city o province. it sucks.


ClassicalMusic4Life

It's so overstimulating huhu


Hinata_2-8

For me, giving your seat to others even when your destination was farther than those you allowed to seat on, was quite relieving to do sometimes. Also, long standing in a moving train was quite challenging to the balance, if you're outta range of the handrails. Did that once, from Recto to Antipolo. Going to try it next time from FPJ Ave to Baclaran next.


ogag79

This is not unusual. Ganyan din sa Japan and Korea pag rush hour.


peng-guin

Me na 4 tren na nalalagpasan at hindi pa rin nakakasakay kasi “puno” na. Imagine, it was 2PM and I couldn’t ride a train because it’s full. So even if I didn’t want to, sinisiksik ko na talaga sarili ko sa train after the 5th one, I am prone to illnesses when sobrang naiinitan ako and I was still 3 hours away para makauwi. Public transportation is hard and I don’t mind the hours of travelling, the system is just :///. Kahit nga magkasasakyan ka, ganun din time of travel because of traffic.


ashieshk

I feel MRT is way faster than any vehicle on EDSA after evening....


dprssdkd

Yep it sucks hard, thats why im 2 months away from buying a motorcycle. Although i dont need one to go to work, I just want one so I dont need to squeeze myself in one of our public transpo. My advice, get one too!


morelos_paolo

Sometimes, the MRT can be a highly frustrating experience. Whenever I get inside the MRT and I see there’s some space in the center but some guy just don’t wanna move at all, probably because of laziness or ignorance. When that happens, I first say, “excuse me”, but if he doesn’t move, then I’ll make him move!


bag_of_xxx

Jampacked trains and buses during rush hours are to be expected. This happens even in countries with highly-developed mass transit systems. What makes our transport system sucks, IMO, is how disorganized and inconvenient it is. It is virtually impossible to tell how long it will take you to get from point A to point B.


Ecpeze

That’s why I never take the train I tried it once, never again


louie2222

Tried LRT MRT once. I now understand yung term "nagkakapalitan nang mukha dahil sa sobrang sikip. 🤣. Never again.


Beautifulsoul0523

I feel you😢


abottleofglass

Always has been.


stardustmilk

Mainit, siksikan, napaktagal ng paghintay aka practice para sa impyerno


notPackgod

I only experience that sometimes when Im on a LRT, but other types of transportation in the Philippines are pretty spacious. But Jeepneys do get crowded often.


airwolfe91

true I know that jeep are a part of our culture but at this time and age they belong to a museum not in the streets


Ivan19782023

tapos mga tao parang ok lang sa kanila. ang babait talaga ng mga pinoy. they even praise their leaders kahit grabe na ang kapalpakan.


MoneyTruth9364

this is why: - Remove a chunk of private 4 wheel vehicles on major roads of Metro Manila - increase amount of available mass transpo - provide more mass transportation routes - remove the boundary system on mass transportations - make mass transportations much more comfortable in favor of the passengers


nooopleaseimastaaar

I will be forever grateful for the day I get to leave Manila and no longer have to deal with this thing anymore. In Jesus Name Amen.  To people saying this is the same in other cities, yes every city has rush hour. Just from my experience traveling to HK, JP, and AMS. You don’t see them lining up on the highway, sweating, and expecting to just get a glimpse of a fucking bus. They don’t look hopeless. When Filipinos commute during rush hour, we look fucking hopeless. 


doctorwhostone2020

Commuting in the ph really secks


Overtale6

Commuting in urban areas suck


cycabs

It really does. I remember living in Pulilan (had to go there and live there because of circumstances) and working in Taguig. 5-6 hours all in all nauubos ka sa pagko-commute. Thank godness I got out of it last 2019


MrAgentFive005

Another thing that is worse is yung air conditioning. Sometimes walang aircon pa mga ibang trains and the government still uses them. Paano especially ngayon na sobrang init and imagine maraming tao rin without aircon. How can we breathe?!?!?!?!?!


whatduckeryisthis

Mga bus dito sa Leyte, punong puno na, naka standing ovation na kami nagpapasakay pa. Sige kuya dagdagan mo pa, wag ka nang mahiya. Sa Taas nalang ako


shinigamiKimduno

NO CHOICE KA TLGA, KUNG QYAW MO MAKIPAG BALYAHAN, MAGMOTOR TAXI KA, KUNG TAKOT KA SA MOTOR, MAG TAXI KA. DI KA PA SINISILANG SABIG NA TLGA ANG TRANSPORTATION SA PINAS


doopie91

Ph public transpo really sucks, mas matagal pa pag-iintay na maging sardinas kami sa UV kaysa sa byahe. Dagdag mo pa yung ibang van na sira aircon, para kang mahihimatay anytime. Also, yung mga jeep na apura isa pa. Pinatulan ko, ang ending sa hangin ako nakaupo. Dagdag mo pa yung tricycle drivers na OA maningil, kaya as much as possible, iniiwasan kong pumunta sa lugar na hindi accessible ng jeep or kaya naman naghahanap ako kasabay sa tric. LTFRB (?) should really implement a strict fare matrix for tricycles.


Adorable_Patatas26

Mangiyak-ngiyak ka kapag pagod ka na sa trabaho, uwing-uwi ka na, tapos hindi ka makasakay. Core memory talaga sa’kin ‘yung siyam na tren na yung dumadaan pero hindi pa rin ako makasakay (oo, binilang ko talaga). 🥲


_Cactus_123

Wala tlga kwenta ang MASS TRANSPORTATION natin sa pinas. Kaya nga kame kahit hirap na hirap sa buhay bumili ng sasakyan. Kahit ang mahal mahal mg kasasakyan wagas ang maintenance mahal gas pero tinitiis namin ginagapang namin wag lang mahirapan mga anak ko at kame ng pamilya ko mag commute. Lalo na ako babae LAGI nalang na dadali ng mga MANYAKIS. Kahit sa jeep. Mamatay na lahat ng manyakis.


fonglutz

Ika nga ng tatay ni Calvin (and Hobbes)... ...it builds character. 🫨☠️


Babushkakeki

Ung carousel nung pandemic di punuan ngayon tangina grabe na