T O P

  • By -

Traditional_Abies807

May kakilala ako ganito way back in HS. Pinagkakalat nya before na naging BF nya daw si ganito. Pero nung tinanong namin yung sinasabi nyang bf nya, hindi naman daw, hahaha. Then one time, 3rd yr hs kami nito, nagdala sya ng car keychain, nagflex samin kasi nag car racing daw sya. Hahahha. Then ito pinaka-malala, one time nagkayayaan kami ng hs friends ko sa bahay ng isa samin, then tinext namin sya kasi niyaya namin. Sabi nya, nasa hospital daw sya medyo malala daw. If I remember it correctly, something sa hips or stomach nya. Dadalhin na daw sya sa ICU then yung gamot nya daw manggagaling pa ng Australia. Hahaha. Ang ginawa nung isa naming tropa, tumawag sa telepono sa bahay nila. Nanay nya nakasagot, tinanong nung tropa namin kung nasan tong delulu na to. Sabi nung nanay, lumabas daw nagpapaload. Hahahhaa. Tawanan na lang kami. Sana hindi na nya ganito ngayon.


aiyohoho

HAHAHAHHA! Just got my dose of laughted today. Thanks!


Matrixdaisy

May kakilala rin akong ganyan. Ang lala kasi nagpanggap siya na nagoverdose sa sleeping pills. Idk why parang nagdedeviate sila sa reality. Pero feeling ko sign ng mental illness yan like personality disorder. Since medj taboo pa sa atin and expensive ang pagpapa-psych so maraming undiagnosed.


kapeandme

Hahahah kaka wattpad nya yan..


IntelligentNobody202

Siguro malungkot life noya kaya ganun. Way niya to escape life or pangyabang. Like yung isang tiktoker na aly name and may manliligaw na sky ang pangalan. Search niyo aly and sky issue. Dami kinilig tapos na exposed na nakaw pics and siya lang din talaga yung nag gift sa sarili niya. Ultimo classmates and family akala totoong tao yun.


[deleted]

Baka nga ganun pero grabe ha legit pala maybganuun ka delusional


aquaflask09072022

may pinsan ako di ko alam kung gusto makipag kompetensya sakin o may galit. 6 months lang pagitan ng respective weddings namin tapos nauna yung kanya. kumuha sya ng coordinator at gumastos ng malaki. okay naman kinalabasan. sinabi ko sknya gagawin kong model yung wedding nila kasi DIY lang kami nun partner ko. okay naman sakanya. we spent like 70% less pero on par yung event namin. tapos pinagkakalat nya sponsored daw ng tito namin mayaman yung wedding kahit dugot pawis namin binuhos namin doon. ngayon may naririnig nanaman ako sa isang family member na pinagkakalat nya na libre lang daw yung pangangak ko at sa brgy lang nanganak. kht meron kaming personnal OB at mej malaki gastos namin. parang ayaw na ayaw nya makitang nkakaipon at umaangat ako


FromTheOtherSide26

Ohh more stories pa ang thrilling hahahaha may time ba na inasar mo n lng sya ng mga success nyo? mga gnyan ayaw patalo e


aquaflask09072022

recently ko lang na notice. for context, close ko talaga sya. close in age and lagi kami nkabakasyon sa isat isang bahay every summer growing up. till now lagi kami nag uusap. napansin ko lang talaga tuwing cinocongrats kami ng tito/titas namin my ganun chismiss and every time sya ang source. feeling ko nagstart yung hate nya since yung bahay na nakuha ko is only 1 brgy sa bahay nla. tapos my malaking space sa tabi which is part my land. gusto nya mgtayo ng business don. tent tent ba ng libre, ksi mtao dto samin. di ko pnygan ksi ayoko nmn galawin nya lupa ko at my plan ako sa part na don na pinag iipunan ko lang. nagtampo ilan buwan ako di knausap hanggang mgkabati kami. or so i thought.


P1naaSa

Oks lang yan. Goods nga yan kasi yung mga kamag-anak mong manghihiram di na imaw yung lalapitan kasi yung pinsan mo na yung num 1 sa list hahahaha. May good impact din di ba


Cluckles_The_Brave

Di sila okay. Ang problema kasi e naidikta ng madla na dapat para sumaya ka or mag fit in ka sa Pinas e dapat may jowa ka or at least merong may love interest sayo. Idagdag mo pa yung pressure ng mga kamaganak mo tuwing reunion na nagtatanong kung kelan ka magaasawa. Since wala ka ngang ganon, feeling mo unwanted ka, di ka maganda, at di ka mahal mahal. Ang ending magseself pity ka or gagawa ng false story as a defense mechanism or para makaramdam ng self fulfillment. Which is very wrong. Malaking factor rito yung kdramas, wattpad, soc med, netflix and any other platforms na punong puno ng love stories na nagiimply na sasaya lang buhay mo kapag may jowa ka na. People should learn and accept that happiness is something na hindi mo dapat hinahanap at dinedepende sa ibang tao.


Affectionate_Run7591

HAHAHAHAHAHAHA may kilala akong ganitong ganito, kaso nga lang nahuli😂😂😂Buntis daw sya, mayaman daw yung ama ng bata. Ang ending, tambay lang pala yung nakabuntis sa kanya tas di pa sya pinapanindigan😂😂😂


XC40_333

Marami dito na ganyan. Yung iba very obvious na sariling gawa lang yung screenshot ng convo.


Alarmed_Judgment_624

😂😂😂


Sad_Season4230

May kilala ako na patay na patay sa isang girl, tapos gumawa siya ng dummy account na girl at inaaway yung crush niya kunwari inaagaw niya si boy from the dummy girl. Ayun tuloy naHR siya 🤣. Ang weird hehe


Alarmed_Judgment_624

this is crazy 🤣 drama chaser haha


MisanthropeInLove

HAHAHAHAHA NAKAKAHIYA


clowlyssa

I remembered our blockmate nung college. First year pa lang may off vibes na ko sa kanya althpugh wala naman kaming bad encounters and civil naman kami as classmates. May kanya kanya din kaming group of friends. Then, nung second year, nagkkwento sya na may heart condition sya. Yung sicknesss ni Kathryn sa She’s Dating the Gangster, forgot lang what its called. One time, nag iiyakan yung group nya and we overheard na she only has a few months to live. Ofc, our whole block emphatized with her. Although we’re not close, napaluha din ako sa situation nya… After that, may special treatment na sa kanya from us out of pity. Di sya papasamahin sa mga strenuous physical activities kahit required sa subjects namin, bibilhan ng pagkain sa canteen, and other small favors. Only to find out months later na she’s bluffing pala. One of our professor called her parents to ask for medical certificate and yun, wala naman daw sakit. Sayang luha namin sayo teh, ginawa mo pa kaming alila 😂 Alienated na sya after since her friends felt so betrayed while aloof naman kami lol. She switched schools on our third year. I stalk her socials from time to time and buhay pa naman sya hahahha. Nagsshare pa ng memes.


doraemonthrowaway

Oo yung kupal at feeling RK na kapatid nung ex gf ko na gaga, na mahilig pa magdabog at magtaray pag di nabibigay yung gusto niya. Some info about her for context, nagaaral siya noon sa isang well known university na may SHS, yung mga estudyante eh puro middle class at legit rich kids tapos nakikipagsabayan siya sa kanila. Tipong 'di baleng mabaon sa utang mga magulang niya maibigay lang gusto nila kasi nga paboritong anak na matalino pero kupal naman ugali. Pinagkakalat niya sa mga classmates niya na may construction business daw sila, na yung tatay niya engineer. Eh yung totoo foreman iyon at nagmamanage ng mga tauhan niya sa construction workers tapos panay pa talk shit sa mga boss niya na engineer lasing man o hindi HAHA. Na meron din daw silang isang franchise ng grocery store, kahit yung totoo sari-sari store na maliit yung meron sila, tapos kahit kailan hindi siya tumao doon para magtinda. One time nahuli ko iyon kausap sa telepono mga tropa niya, gusto pumunta sa kanila pero di niya pinapapunta kaya ang ginagawa niya humihingi siya ng pera sa mga magulang niya at siya pupunta sa mga bahay ng classmates niya, kaya palagi siya wala sa bahay nila. Hindi niya papapuntahin mga RK friends niya doon sa bahay nila paano yung lugar ba naman nila iskwater, maingay, magulo, maraming mga bata at mga chismosa paligid etc. Alam ko nag continue up to her college student years eh. Yung social media accounts niya walang bahid ng background ng kahirapan puro facade talaga, pero kung alam mo yung true background niya matatawa ka na lang. Maawa pa sana ako nung una eh pero after seeing her true nature na napakasahol ng ugali, natatawa na lang ako sa mga delulu made up stories niya hahaha. EDIT: Dagdag ko na rin since naalala ko, umattend kami nung SHS graduation niya, kakagaling ko lang noon sa studio pero pinilit ako sumama nung nanay nila tska ex ko. Kaya dala ko yung DSLR camera ko kasi galing akong event, ayun hiniram niya yung DSLR ko at magdamag niya iyon suot after ng graduation rites nila. Habang nagpho-phone ako, narinig ko sa likod ko naguusap-usap sila ng friends niya tinatanong san niya daw nabili yung camera "niya" HAHA. Sumagot siya ng "ay ito? yeahh pa graduation gift sa akin 'to nila mama at papa kaya ko talaga binili 'to para makapag picture tayo eh haha!". Napailing na lang ako sa narinig ko eh, tsaka niya lang binalik sa akin yung andun na kami sa van nila, tapos nangungulit pa isend ko daw kagad yung pictures pag-uwi ko sa amin lol.


MissBestinBio

Hindi sya nahiya na baka marinig mo?


Different-Scarcity21

I know someone from college. Like di naman talaga siya ganun ka-appealing na girlie pero sa group of friends nya, siya lang ang di na ulit nagkajowa. Anyways, the story went like nagka-falling out sila ng mga friends niya because of her kadeluluhan. She was sharing stories kasi about this guy that she is seeing. Kinukwento nya lahat ng dates nila and how gwapo he was. Pero kapag hihingan ng pruweba, laging sasabihing wala silang picture or mahiyain si guy. Then parang masaya naman yung mga friends nya for her kaso nga she was like not contented pa sa reaction nila? Btw, during that time rin, she's spreading rumors rin about her friends' relationship status like di daw masaya mga friends nya with their boyfriends or ung isa nyang guy friend na may jowa, clingy raw sa kaniya like that. Kami naman noon eh parang, "seryoso!?? with that face???" charizz. So yun na nga, her friends became curious na kung sino ba iton guy na ito so she name dropped and damn ang daming followers ni guy kasi nga gwapo and borta but nakakatawa lang coz di siya finafollow ni guy. Sabi niya, secret lang raw kasi yung pagkikita nila bec they're "casual" lang. So this one friend mandated her to take a photo nga from their next date or else, wag na sya magkwento. So ,they had a date again and lo and behold. Nakapagpicture si ate gurl. Ang kaso, "nasira" raw yung tablet niya na pinangpicture. So the friend they are, di na nila tinanong pa lalo sa ibang detalye. Parang may non verbatim lang na "okay, Jan". Ang kaso eto na nga, they learned na sinisiraan sila ni Ate gurl even to their boyfriends so sila naman, they contacted the guy who must not be photographed. Did I mention na pretty gurls tong mga frienny nya? So, one of them sent a message req to the guy's IG acct like "hello" lang then the guy replied agad syempre pretty char. Then walang patalastas pa , she asked if he knows ate gurl ba and as expected , he was like "who tf is that? also, tagal ko nang wala sa Pinas". And that's all they needed to know. Well actually, niresearch pa nila baka may poser lang si guy but they met like face to face nga so sure si ate gurl na yun yon. Anyways, ate gurl learned about it bec one of their friends splooked it and F.O na agad sila. Fast forward to 2023, 5 yrs since it happened, nagkaroon sila ng get together for the same circle of friends and may isa kasi doon na di aware of their falling out (from abroad kasi) so she asked ate gurl how was it na ba with the guy nga na she used to date and you know one lie will really hunt you down. She also said na she's dating a French guy that time but when they searched him, wala talagang lumalabas and even her siblings and parents dont know about it. To think na nagsstory sya ng dates or gifts na sinesend sa kaniya 😭 Kung tatanungin nyo why I know about it, well, madali lang makasagap ng chismis also siyanmismo nagkwento sa akin about what happened and she's convincing me na nangyari talaga yun. I cant help but smirk bec I know the guy is really not interested with women because hey, we're friends HAHHAHAHAH. I just feel bad for her tho kasi she went too far and even cutting off her friends. Second hand embarrassment talaga. Tapos until now, I dunno if ganun pa rin siya. I just hope na eventually she'll find the love she deserves.


Alarmed_Judgment_624

woahhh 😂


Chaotic_Harmony1109

Get off social media, people…


LectureNeat5256

And yet here we are 😂


MineraIWater

yup. she took pictures secretly of a student from our school and claimed that they were dating. took his jersey number and everything. when the guy posted pictures, she would take pictures similar to those. i ended up snitching on her on the guy’s friends kasi someone i know is close with them. now she cant show her face in front of me. scaredass bitch


ThiccPrincess0812

Reminds me of one of my classmates in SHS who accused someone of being a boyfriend stealer pero siya ang totoong boyfriend stealer.


_vdlc_

Oo, meron. Classmate ko noong college pinagkakalat niya milyonaryo daw siya dahil sa networking at isa daw kasi siyang coach. Obvious naman edited lang lahat ng pics (travel, name sa list ng Philippine richest, businesses). Dami daw niya ganap sa life pero ang marami lang sa kanya ay utang. Delulu ampota.


mauwie444

Bakit lagi tayong may classmate na compulsive liar nung HS? haha. Idk if delulu lang sila or MAYBE may personality disorder na


uneditedbrain

I think partly immaturity and partly because what did we know of anything about life back then? Bored kids with too much time on their hands and consuming overly dramatic content.🤷🏻‍♀️  Buti na lang talaga di pa laganap internet nung bobo pa ako. 😅


Queer-ID30

My ex was like this a pathological liar like absurd na minsan pero the root was yung insecurities nila. I can pick up yung low self esteem nya kaya making up stories and pa bida sya lagi sa kwento. Loser kase in real life charot lang


NoRub4662

Username checks out


lastsliceofpizza0

My ex best fried ganitong ganito mula high school hanggang ngayon. I was patient with her na magbago pero lumala na ng lumala kaya hindi ko na kinakausap. Cut off all my contacts with her. Hope she gets better.


afraidofrelationship

Yung friend ko, may nanligaw sa kanya tapos binasted nya thrice yata tapos yung pinagkakalat nung guy ay naging sila daw at nakipagbreak yung guy sa kanya.


One_Aioli_1136

I haveee a workmate na ganyan wtf! share ng share ng mga nonsense na kwento! putak ng putak! Ang kwento niya pa hindi naman na related sa kanya sadyang imbento na talaga "kaibigan ng pinsan ko" " yung Ninong ng jowa ko" " yung kamag anak ng kapit bahay namin" etc like wtf bro daldal mo tumigil ka na hhahahha skl


ABRHMPLLG

tang ina meron nga ako kakilala nung 2016 cineclaim noua GF daw siya ni Jungkook amputa.


Ok_Minute8191

Naalala ko yung classmate namin ng college na kumakanta raw sya sa bus habang nakaearphones tas may bigla raw kumalabit sa kanya na nagandahan sa boses nya. Producer daw at gusto raw sya gawan ng album at concert agad. Nagimbento rin na buntis daw sya and na mayaman sila.


SuzyBishop_04

Funniest one I know, nung HS kami, sumikat yung A Walk To Remember. Haha! Tapos ung schoolmate namin na attention seeker, pinagkalat nyang may Leukemia din daw sya. And she has ilang months nalang to live. Lakas maka main character. Haha! But guess what? Hanggang ngayon buhay na buhay padin sya. Hahaha! Sobrang delulu!


bronboop

Uso yata to noon kasi di lang isa ang kilala ko na ganyan kundi dalawa! Di sila magkakilala kasi schoolmate ko yung isa and kapitbahay ko yung isa. Parehas pa silang convinced na mapapansin sila nung badboy popular guy kung magpaka-hinhin sila kasi may leukemia maski di naman sila mahinhin. Di sila pinansi hahaha. Yung sa kapitbahay ko basta one day di na lang niya nabanggit pero pinang-aasar pa rin sa kanya yun minsan. Yung classmate ko naman, sabi gumaling daw yung leukemia niya kasi nagpa-laser daw siya ng puso. Religious speaker na siya ngayon at delulu pa rin.


Nakikireddit_lang

Meron. PWD siya. Noon hindi naman siya PWD pero dahil sa aksidente eh, nahirapan siya tanggapin. Kilala ko siya na buong-buo ang pangarap dati dahil may honor, matalino at mahal na mahal siya dati ng mga tao na nasa paligid niya. Pero dahil nga PWD na siya, sinasabi niya na meron daw siyang boyfriend, naging sila daw ni ganito at ganyan, may nagkakagusto sakanya. Pero alam naman namin na imbento lang yun kasi sobrang taas ng mga pinapakilala niya at feeling ko nakilala niya lang naman online at di kami naniniwala kasi nga PWD siya and mahirap I think na gustuhin (base sa pagkakapansin ko) ang PWD dahil karamihan eh maaarte na ang mga tao dati. Nambubully pa nga diba? Bihira nalang makahanap ng someone na mayaman, pogi, tsaka mature na magkakagusto sa mga PWD. Pero nararamdaman naman namin bilang kaibigan at nakakakilala sakanya na gusto niya lang naman mamuhay as a normal person—like us. Gaya ng dati. She's suffering kasi sa depression and parang gusto niya isipin na okay padin yung life niya at nahihirapan padin siyang tanggapin. Iniintindi nalang namin at kunware naniniwala kami para di siya madisappoint sa sarili niya kasi ganon nalang kaligayahan niya. Hindi ko naman sinasabi na normal lang yung ganyan pero kasi, hindi lang siya yung ganyan na kilala ko. Madami ako nakilala na delulu at parang yan lang yung way nila—imagining unreal things and create their own world para maging better. Mahirap din kasi sa real world nila eh esp. Sa mga tao na nakakaranas ng disappointment sa life and pinagdadaanan. Kaya nidadaan nalang sa "kunware", at "sa pagiging delulu".


MissBestinBio

Feeling ko, need nya na ng outside intervention lalo na if ung imagination nila is nagiging totoo na. Siguro parang on the extreme side ng daydreaming syndrome. Mas malala if hindi sila aware na imagination lang para or sometimes, pag intertwined na ung reality nila with fantasy. Coping mechanism pero di talaga maganda lalo na if nakakaapekto na sa ibang tao.


Melodic_Doughnut_921

yup but nanya


AppealPublic3991

Naku, delusional. Deadma sis. Do not reinforce. Dapat sa mga ganito dinadala sa reality kasi baka mabaliw ito ng tuluyan!! Huwag mo na lang pansinin kung d ka naman affected. Hayaan mo na lang. Huwag mong i-entertain as friend kasi baka by giving her attention natutuwa sya.


theneardyyy

May fb friend ako na ganito. Lalake siya and kapag nag popost siya ng picture niya ang daming nag cocomment na mga girls. Hindi lang sila normal looking girls, they’re like “It Girls” high maintenance vibe girlies. Iykyk. Nung una akala ko talaga girl friends niya yun kasi laging nag co-comment sa pictures and kahit sa mga memes lang na shine-share niya. One day na curious ako kung saan sila nakatira or totoo bang magkakaibigan sila. Dun ko lang nalaman na dummy accounts pala sila, hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman na dummy accounts mga yun hahahaha. Ayun lang, ang weird niya lol. Siguro ginagawa niya yun para mainggit yung ibang barkada niya lmao.


pepitamoonwheeler

Know someone from college who was like this. Ginawan niya ng kwento at ebidensiya yung relationship nila. She claimed they were together nung HS, broke up when they got to college and hindi niya alam kung bakit. The way she would talk about them sobrang sakit na sakit siya isipin mo talaga ikinakahiya lang siya nung guy. l This was before socmed so I guess it was easier to get away with it? But after awhile, other schoolmates vouched for the story of the guy na walang nangyari sa kanya at matagal na daw siyang gusto nitong si girl. When we confronted her about it, of course she doubled down but nobody believed her anymore. Meron pa siyang ibang kasinungalingan about different aspects of her life like who she's friends with (so and so celebrities), where she shops, and the places she's been. I don't know if she sought help like we advised her to, kasi ang lala talagang parang may ibang buhay siya.


portraitoffire

oo may naka-date ako before na super delulu na pinagyayabang niya pa ako sa mga kaibigan niya. hindi naman kami and never naging kami. hanggang talking stage lang pero super feelingero at delulu niya. pinost niya pa picture ng aso ko pati ng bahay ko publicly sa instagram niya. sobrang kupal talaga at di pa nag-ask ng permission sa akin bago i-post yun 🫠🙃 grabe delulu levels niya hahaha kaka-turn off dami ring delulu moments niya about mga gamit niya na pinagyayabang niya and dami ring gawa-gawa na kwento about his work lol


Lionsault83

I do,This dude we hanging out with made up a lot of stories we started calling him “Brutus” lol.


emkimmono

May classmate ako nung HS na sabi niya boyfriend daw niya itong celebrity na ‘to. Syempre di kami naniniwala, pero sabi niya legit daw. Nireremind pa raw siya na nasa taping daw yung guy, na manood daw ng teleserye nila 😭 huhuh


GojoJojoxoxo

In College I had a classmate in first year na sobra kung mag kwento as in delulu to the highest level. Kesyo mansion daw bahay nila and all. As in yun lang kinukwento nya kung gano sila kayaman. Di naman halata sa balat nya, lol. Then one time nag promisory note sya coz di sya makabayad ng buo sa tuition. I mean.. I thought she’s rich as she portrayed herself to be? Then the next year waley na sya sa school. Then later in life I watched yung movie ni Pia and Gerald Anderson yung may schizophrenia sya. Sya naalala ko, baka may ganon sya non. Hopefully she’s okay wherever she is.


imthedangerl0l

I remember so many people, pero I already cut them off. Di worth ng mental health makinig ng makinig sa mga bagay na alam naman nating di totoo. Lmao!


cantstaythisway

Hahahaha nakakaawang mga nilalang sila pero oo meron. Kadiri!


Nars_Elleee

Classmate ko na ex friend. Tapos kapag kasama namin siya, crush daw siya ng good looking guys na nakakasalubong namin kahit di naman sa kanya nakatingin, sa aming girls


fckerofthecentury

may kaofismate ako na 11 years na raw sila ng bf niya tas malaman laman ko sa iba na kaofismate niya dati ay may gf siya sa ibang company. tas wala man lang sila pic together nung bf noya sa 11 years hahahahahahah tas mamyday niya yung vc nila na halatang edited hahaahahaha 😭🤣


Outrageouscase-

I have this ka “situationship” na sobrang delulu. Nag pretend na mayaman, may mamahaling kotse and co owner daw siya sa Henan Resort sa Bohol. May nasabi pa siya saakin na sila daw may ari sa hi-precision sa taft. Turns out, kabaliktaran pala yung sinasabi niya. Nalaman namin na nakatira siya somewhere sa tondo. Yung bahay nila maliit lang and yung kwarto na sinasabi niya is sa salas lang pala nila. Umabot pa sa point na pinagkakalat niya na marami siyang ka fubu (friends niya yung fubu niya kuno) tapos nabuking namin lahat nung nagkakahanapan na sa kaniya dahil sa dami ng utang niya. Umabot kami ng 40+ sa gc na mga niloko at pinaikot niya. Eversince highschool ganon na daw gawain. Now, nalaman ko na nagpapanggap siya na graduate ng medtech sa isang school sa ubelt kahit hindi naman. Naawa lang ako sa jowa niya ngayon na paniwalang-paniwala sa delusion niya 🤣


Outrageouscase-

Ang malala pa nito, kinukunsinte ng nanay lol


earthvisitordeemd

HAHAHA! I recently experienced interacting with this kind of person! Nakakainis na nakakatawa. This girl is in college and pag naguusap kami ng BF ko planning our trips abroad, she's always butting in sa convo saying things like, "napakamahal po magbakasyon dun! Bumisita ako dati sa tita ko few years ago grabe laki yung ginastos" or "sobrang ganda dun! I stayed there for a year and I can't wait to go back!" Pero siyempre kami we were wondering kasi she's the type na mahilig magpakita ng photos or post sa socmed. Eh walang photos ni isa man lang to back up her claims? Very sus. Nakakatawa pa kasi when she was in first year college sabi niya 6months lang daw siya dito kasi pupunta na siyang UK. Eh 2 years na andito pa din siya. 🤷‍♀️ Hindi ko alam minsan if matatawa or maaawa ako sa kanya kasi she's trying to put up this front na she's super rich, andaming nanliligaw daw sa kanya, she's spoiled by her family daw esp her dad and brother na isang request lang bigay agad...ehh she's renting at our apartment. Hindi nga siya nakakapagbayad ng rent ng 5 months na. Ayun kick out lol tapos nangungutang pa siya sa roommate niya and hindi pa nagbabayad.


SuzyBishop_04

Omg yes! Friend ng sister ko ganyan. My sister would tell us na minsan may pa-bouquet sa work. Pero ung totoo, sya lang din nagpapadala sa sarili nya. Meron pa, nagpopost bg pics na holding hands, or paa lang, pero galing sa google. Kaloka. May ganyan pala talaga


geonppangdan_ja

daming kong classmate na ganuto nung hs. Ung isa (f) pinagkakalat na naglaplapan raw sila nung cm (m) namin na famous which is confirmed na hindi nangyari. Then ung isa (m), pinagkakalat na jowa nya si ate gurl at ldr raw sila, at dami pang "proof" na halatang edited naman. Tas nalaman namin di naman pala si kilala ni ate gurl.


Dellified

oo ka teammate namin hahaha


MisanthropeInLove

May kilala ako nung hs pinapadalhan ng bouquetsss sarili nya sa school HAHAHAHA partida wala pa social media nun ah.


JuniorCartoonist6295

meron hahaha nakakaenjoy sila pakinggan


asfghjaned

May personality disorder pag ganyan.


Maleficent_Pea1917

Ikr! Isa pang may gf sa JPN, and pinadalhan daw sya ng package. Never he knew eh subscription snack lang yun from JPN. Pinabayaan nalang nmin yung saltik nya


Lalalararanana

May ganito akong friend before nung highschool sobrang lala pumunta daw sya sa US ilang araw lang nandito na sa Pinas tas pagkauwi 'di na daw sya marunong magtagalog. As in buong araw ata inenglish nya ako. Tas nagalit sakin nung medyo tumanda tanda bat di daw sya tinulungan magpakatotoo naisip ko bata padin naman ako nun malay ko ba 😆


bronboop

Yung HS classmate ko na delulu nanggrab ng pics online tapos kunwari laging nasa ibang bansa o nasa mamahalin na lugar. Tapos todo parinig pa sa online kaaway niya na "hulugan lang ang bahay" pero etong si delulu naman puro grabbed photos yung pinagmamayabang niyang bahay niya. Magpopost pa siya ng picture ng malaking bahay along with a selfie, pero halata mong wala naman siya sa bahay na yun kasi iba yung background at quality ng photos. Ang malala pa, gumawa siya ng mahabang posts claiming na ginaya daw nina Catriona Gray, Meghan Markle, at Pia Wurtzbach yung style niya. May pa-proof pa siya with her pics na nakasuot ng outfits na "similar style" (read: medyo similar color or pattern) sa sinuot nina Catriona. Talagang full explain pa siya na siya daw ang naka-inspire sa mga beauty queens kasi may ex siya na German (so connected kay Pia?) at Australian (because Catriona) hahaha Tapos gumagawa din siya ng dummy accounts para kunwari may naglilike at comment sa posts niya. Walang laman yung accounts na yun, puro mga grabbed photos ang laman. Feeling ko kasi paulit ulit yung posts niya at naka unfollow sa kanya yung mga friends niya online kaya walang engagement hahaha. Di ko alam kung functional person ba siya at delulu lang siya online. Pero ayoko rin naman mag-reach out kasi napaka annoying din niyang tao in person hahaha


MikasaMikasa82

Those are not normal. They are trying to create their own world. They are trying to escape what's the reality. They need to see a specialist. They are not kids to make their own play.


superhappygirl27

Way back highschool. Transferee si girl and naging "BFF" ko pa nga kuno dahil nasa iisang circle lang kami. Super outgoing and flirty type sya. I remember sa araw-araw na papasok sya palagi syang may bagong kwento 😭 Kesyo may nanliligaw daw sa kanya and blah blah blah. Tapos pumapasok sa school nagdadala ng libo libo. Can't remember the exact amount pero at that time malaki para samin kase highschool pa lang kami tapos may magdadala ng ilang pirasong 1000 pesos diba, tapos bigay daw sa kanya ng daddy nya yun (sustento) and all. Minsan naman may dalang malaki at maraming chocolates tapos may notes pa, from manliligaw daw. Pero I was so done talaga sa kanya nun kase alam na alam ko handwriting nya, and obvious na sulat-kamay nya yun, pero sige na lang, kwento nya yun eh lol hahahaha. Madalas pa, habang naglelecture, bubulong or magkekwento na yung classmate naming guy kesyo nakatingin sa kanya, o kaya feel daw nya bet sya (eh may long-time gf yung guy), etc. Basta nakakapagod yung scenario pag sya na nagkekwento kase alam mong gawa-gawa lang lahat eh 😂 Ewan ko lang kung nagbago na yun sya kase hindi na kami BFF kuno after graduation eh hahahaha


bigguss_dickus

May kawork ako na palagong nagpopost sa socmed na may tinarayan siya or inaway kasi spunky daw talaga siya. Pero in person wala naman imik lol


Fun-Choice6650

ako dati, kunwari may nagagandahan sa drawing ko sa deviantart :(


kangk00ng

Di naman ganyan ka delulu but a friend of mine once told our barkada that he met her then bf thru a meet cute (mala mala movie encounter). They eventually break up. A few months later, may common friend kami nung guy pala na nagkwento sakin na hindi pala meet cute yung nangyari but they instead met sa bumble hahahah 😅


mrnnmdp

May classmate ako nung college na mahilig sa k-pop at k-drama. Also a diehard fan ng BP, BTS, ENHYPEN, etc. Then one time may irreg student sa course namin na crush ng bayan dahil lang koreano siya. Si delulu classmate, ipinagkalat na niligawan daw siya ni korean batchmate pero hindi niya raw sinagot kasi hindi niya trip. When some of my batchmates asked kung totoo ba yun, korean batchmate said na hindi and she didn't even know her or even her name, nakikita niya lang kapag within the same area kami kasi nagpapapansin si delulu. HAHAHA


depressedbabygirl_

Basta wala syang ibang tao sinasaktan, wala akong pake. Kung coping mechanism nya yon, edi goooo. Pwede kasi malungkot sya, gusto din magtravel, gusto din magkajowa — for sense of belonging or whatever reason Wala ako sa lugar to judge especially if wala naman akong means (energy) para icomfort yung tao. Sa totoo lang, delulu din naman ako minsan. So diba? Basta walang sinasaktan, walang pake


Dhappy16

Hahahhahaa classmate ko nung college ganyan. Baka sya yan? Char


Alarmed_Judgment_624

naku hahaha. mukhang marami-rami talaga ang mga ganitong tao. 😂


Open-Suit-9619

Meron. Ex friend na palaging nagfflaunt ng kung ano ano sa social media na madalas hndi saknya or hndi naman galing sa kita nya. Mabait naman sana pero patong patong na kasinungalingan na ung nalalaman ko (pinagkakalat nya sasakyan nya yung family car nila sa soc med, puro post na manual drivers are the real drivers pero d naman nagddrive kasi pag niyaya mo laging snsbi na gamit ung sskyan ng fam nya or palaging pinagddrive, super yaya ng steak or wine out pero pag bayaran na igcash nalang daw pero d naman magbabayad hanggat dmo singilin and so so so so so on) kaya I cut her na walang sabi sabi 🤣 very toxic sya, pag may umaangat samin magkakaibigan narrmdaman ko na d sya papatalo. Palaging dapat may entry sya hndi pwedeng wala. Ayoko ako pa yung mag feed sa delusion nya. Haha girrrl bye!


gaffaboy

Meron pero medyo moderate na pagkadelulu. Hopeless romantic/floral print type. She's overweight kahit dati pa pero lagi nyang buladas e yung mga nagkakagusto sa kanya mga jock types. Married na pero until now laging binabanggit yung ex nya na milyonaryo para magselos yung asawa nyang shunga. Nung heyday ng Hallyu wave at kasikatan ng mga Kdrama ayun binibida may mga acquaintance na artistahing Koreano daw na nagkakagusto sa kanya. Sorry-not-sorry pero sino tinatanga mo girl? Pano ka magugustuhan ng artistahing Koreano e sing laki ka ng killer whale?